Share

PURE STEAMY Series: His Virgin Whore
PURE STEAMY Series: His Virgin Whore
Author: Madame Marites

CHAPTER 1. RUTHLESS RELATIVES

"Tito Robin parang-awa mo na po tulungan mo akong makaoperahan si Wyn, hindi ko na po alam kung kanino ako lalapit. Kayo nalang po ang pag-asa ko!" nagmamakaawa na sabi ko kay Tito Robin.

"Ellie, bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Wala akong pakialam kung mamatay ang kapatid mo! Hindi ko na kayo obligasyon, naintindihan mo?!" aniya.

"Tito, pamangkin niyo po kami at wala na kaming mga magulang. Kayo na lang din po ang natitira naming kamag-anak. Saan pa ba ako lalapit kung hindi sa iyo? Babayad naman po ako kapag nakasweldo na ako. Parang-awa mo na po kailangan ni Wyn ng tulong mo." Humagulgol na ako sa iyak at lumuhod sa harapan ni Tito. Kung kailangang halikan ko ang mga paa niya para matulungan niya lang ako ay gagawin ko. Kahit gawin niya pa akong katulong walang problema sa akin ang mahalaga maligtas ko ang kapatid ko.

"Umalis kana dito Ellie, at huwag na huwag ka nang bumalik pa dito. Wala kang tulong na makukuha sa akin! Alis na! Alis!" Para akong hayop na kung tratuhin ni Tito Robin. Simula nang umupo siya sa pwesto nitong Vice Mayor sa Bayan ng Paghigugma ay malaki na ang kanyang pagbabago. Noong buhay pa sina Mommy at Daddy ay hindi naman ganito ang ugali niya. Sobrang malapit pa nga siya sa mga magulang ko. Kapatid ni Daddy si Tito Robin, ayon kay Daddy simula noong maliit palang sila puno na nang inggit si Tito Robin sa kanya. Kahit na tinangkang gahasain ni Tito Robin si Mommy noon ay pinatawad niya pa rin ito dahil mahal niya ang kanyang kapatid. Naging Konsehal siya sa Bayan namin noon dahil sa tulong din ni Daddy.

Nang mamatay sina Daddy at Mommy doon na nagsimulang nalugmok ang buhay namin na magkakapatid. Labing dalawang taon lang ako nang mamatay sila dahil sa car and shooting incident.

I saw how they killed my parents dahil ginawa mismo nila sa harapan ko.Pagkatapos maaksidente ang sasakyan namin na minamaneho ni Dadday may mga taong lumapit at pinagbabaril sila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkaroon ng hustisya. Mayroon pang pera ang mga magulang ko sa bangko bago sila namatay pero hindi ko alam kung sino ang nakinabang sa mga pinaghirapan nila. Wala pa akong alam sa mga panahon na iyon, kinupkop ako ni Tito Robin sa kanilang pamamahay kasama ang tatlo kong kapatid. Simula nang inihalal siya bilang Vice Mayor ay biglang lumaki ang kanyang ulo. Labing limang taon ako nang pinalayas niya kami kahit alam niyang wala kaming mapupuntahan. Sinikap ko na makahanap ng trabaho sa murang edad para may pambayad kami sa renta ng tinitirhan namin.

"Ano?! Hindi mo ba ako naririnig? Ang sabi ko umalis kana dito sa pamamahay ko! Mahirap na baka magsaboy kapa dito ng kamalasan!" sigaw pa nito.

"Robin! Ano ba naman iyan?! Pamangkin mo si Ellie, maawa ka naman sa bata. Ikaw nalang ang malalapitan niya kaya tulungan-"

Hindi na natuloy ni Tita Laurice ang sasabihin niya dahil bigla siyang sinampal ni Tito.

"Gagawin ko ang gusto ko Laurice, baka gusto mong pati ikaw ay papalayasin ko dito?!" aniya kay Tita sabay lakad nito paalis.

Nakita kong may tumulong dugo mula sa labi ni Tita. Hindi na naman bago sa akin ang makitang sinasaktan ni Tito ang kanyang asawa. Madalas niya itong ginagawa simula noon pa pero dahil sa sobrang mahal siya ni Tita Laurice ay hindi niya magawang iwan si Tito.

"A-are you okay?!" nauutal ko na tanong.

Hindi ako makatingin sa kanya ng deritso. Palagi niya akong kinakampihan sa tuwing pinapagalitan ako ni Tito Robin noon.

Dumukot siya sa kanyang bulsa. "Ellie, pag pasensiyahin mo na ang Tito mo. Nagkataon lang siguro na hindi maganda ang mood niya ngayon. Ito oh." Inabot niya sa akin ang perang kinuha niya mula sa kanyang bulsa. "Sampung libo lang iyan Ellie, pasensiya kana talaga kung 'yan lang ang mabibigay ko. Alam mo naman di'ba na hindi ako ang humahawak sa pera niya?! Hayaan mo kapag may pagkakataon ako kukuha ako nang medyo malaki-laki tapos ibibigay ko sa iyo!" ani ni Tita.

Napakabait ni Tita talaga kabaliktaran sa ugali ni Tito Robin.

"Maraming salamat po, pasensiya na rin po kayo kung nasaktan ka niya dahil sa akin. Wala na po talaga akong malalapitan Tita Laurice!" sabi ko habang umiiyak.

"Naintindihan kita at alam ko ang mga pinagdaanan mong hirap dahil sa Tito mo. Hayaan mo ipanalangin ko nalang na sana balang araw ay magbago ang ugali niya," sabi naman ni Tita.

Nakita kong bumalik si Tito at papunta sa kinaroroonan namin. Kinuha ko ang pera mula kay Tita Laurice at dali-daling ipinasok iyon sa bulsa ko. Alam ko na babawiin niya iyon kapag malaman nitong nagbigay sa akin si Tita.

"Hindi kapa talaga aalis?!" galit pa rin nito na sabi.

May kinuha itong bagay sa kanyang tagiliran. Napaatras naman ako ng makita kong baril iyon at itinutok niya sa akin.

"Robin, huwag!" Niyakap siya ni Tita Laurice. "Huwag mong gawin iyan kay Ellie maakawa ka Robin!" ani ni Tita.

"T-tito R-robin!" takot na sambit ko sa pangalan niya.

"Ipuputok ko 'to kapag hindi kapa umalis. Babarilin kita Ellie at alam mo na hindi ako makukulong kahit mapatay kita!" Ngumisi siya sa akin nang nakakaloko. "Wala kang kwenta kagaya ng Daddy mo! Alam mo kasalanan din ito ng Daddy mo kung bakit halos mamalimos nalang kayo sa akin ngayon. Nagpaloko at naniwala siya sa lahat ng mga sinasabi ko!" Tumawa siya.

Hindi na ako sumagot pa at paatras na umalis sa kanyang harapan.

"Robin, aalis na si Ellie ibaba mo na ang baril mo natatakot na ang bata Robin!" saway pa rin ni Tita sa kanya.

Hinawakan niya si Tita Laurice sa buhok at itinulak nang malakas kaya bumulagta ito sa lupa.

"Ikaw na babae ka ang hilig mo talagang makialam." Ipinutok ni Tito Robin ang kanyang baril. Napatakip ako sa aking tenga habang nanginginig sa sobrang takot. Nangingilid ang aking mga luha sa mga mata. "Isinusumpa ko darating din ang panahon na ako mismo ang hihila sa iyo pababa sa pwesto mo!" sabi ko sa aking sarili. Ayaw ko din naman na sabihin iyon sa harapan niya dahil baka tuluyan niya akong barilin.

Tumakbo ako paalis sa bahay nila habang umiiyak at nanginginig sa takot.

Kung hindi lang sana nawala ang mga magulang ko hindi magiging ganito ang sitwasyon namin. Siguro kung buhay pa sila mayaman pa rin kami.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status