Share

Chapter 3

Author: Hai
last update Last Updated: 2025-12-01 21:23:55

Kasalukuyan akong nasa office ni Sir Edward. Akala ko may ipapagawa siya sa akin,. Pero nagkamali ako gusto lang pala niya akong landiin. Kahit oras ng trabaho, ganun pa rin siya.

Pagkabigay ko ng mga files, hindi na niya ako pinayagan lumabas. Parang may hinihintay siyang mangyari, at ramdam ko ang paglapit niya habang unti-unting tumitindi ang init sa loob ng opisina.

“Sir, tigilan mo na ako. Nasa trabaho tayo,” pigil ko sa kanya ng aakmang hahalikan ang leeg ko. Nakikiliti ako.

“You turn me on, babe,” bulong niya. “Kung hindi lang tayo nasa office, kanina pa kita sinunggaban.”

Hinalikan niya ako sa labi, at tinugon ko rin iyon.

Pero biglang naputol Ang halikan namin ng may sunod-sunod na katok mula sa pinto.

Mabilis akong bumitaw at inayos ang nagusot kong blouse bago lumapit sa pintuan.

Pagbukas ko—

“Why are you so long to open the door?!” sigaw ng isang babae sa akin. Hindi ko siya kilala, pero base sa damit at dating nito alam ko na kung sino ang sadya niya.

“Ano’ng tinitingin-tingin mo? Get out of my way,” singhal niya at dumiretso sa loob.

“Hi babe,” sabi niya kay Edward. “Pagalitan mo nga secretary mo. Ang tagal niyang nagbukas!”

Lumapit si Edward sa kanya at ngumiti.

“Don’t worry, babe. Andito ka na,” sagot niya. Tapos lumingon siya sa akin. “When you leave, just close the door. Don’t allow anyone inside.”

Naghalikan pa sila sa harap ko.

Hello? Nandito pa ako, bulong ko sa isip.

Lumabas ako at marahan kong sinara ang pinto. Napa-iling na lang ako.

Ngayon ko lalo na-realize—tama ang kapatid ko. Babaero talaga si Edward. At hindi man lang sila nahiya kahit nasa harap ako.

KINAGABIHAN

Dumeretso ako sa bar pagkatapos ng trabaho. Wala akong gana umuwi sa unit ni Edward.

Pagkatapos ng nakita ko, parang nawala ang mood ko. Pero hindi dapat. May mission ako. ’Yon ang dapat kong tandaan.

Isang red wine lang ang inorder ko. Ayaw kong magpakalasing dahil wala akong kasama. Gusto ko lang ma-refresh ang utak.

“Hi, you’re here again,” bati ng pamilyar na boses.

Si Dave.

“Hello, Dave,” sagot ko sabay ngiti.

“Come join me,” aya ko.

“Thanks,” ngiti rin niya at umupo sa harap ko.

Nagkuwentuhan lang kami habang umiinom ng wine. Light lang. Masarap siyang kausap.

“So, why are you always alone when I see you here?” tanong niya.

“Nothing. Choice ko lang,” sagot ko. “Tsaka wala naman akong pwedeng isama.”

“I see, well, if you need someone to go out with, just call me,” sabi niya. “Gusto ko rin kasi makapasyal habang nandito ako.”

“Sure. Kahit saan mo gusto.”

“Thanks, Emma. I’m glad na nakilala kita. Sa lahat ng nakausap ko dito, ikaw ang pinaka-matinong kausap.”

“Ay wow. Compliment ba ’yon?”

“Yeah,” sabay tawa niya.

Hindi ko namalayan nakaubos na kami ng isang bote. Nalasing ako nang hindi ko inaasahan.

SA LABAS NG BAR

Inalalayan ako ni Dave palabas.

“Where can I drop you? Ihahatid na kita,” sabi niya.

“Is it okay?”

“Of course. Hindi kita pwedeng iwan na ganito.”

Pinakita ko ang address.

At sinakay niya ako.

Wala pang 20 minutes dumating na kami sa unit. Nagulat si Edward nang makita kami.

“Where have you been?” tanong niya kay Dave.

“I just accompanied her, bro. Lasing na siya,” sagot ni Dave.

“I told you David, hindi ako lasing,” sabi ko sabay ngiti. “Napainom lang. Thanks sa paghatid, Dave. I’ll call you about our plan.”

“Sure, Emma. Bye.”

Pagkaalis ni Dave, napaupo ako sa sofa.

Lumapit si Edward.

“Who’s that man?”

“It’s Dave. Friend ko. Hinatid niya ako.”

“Anong karapatan mong magdala ng lalaki sa unit ko?” malakas niyang tanong.

“What are you trying to say ?”

“Don’t act stupid!. Kung may gagawin kayo ng lalaki mo, dapat sa hotel kayo tumuloy hindi dito. Kung wala ako, baka pinapasok mo pa.”

“What the h*ll is your problem? Eh ikaw nga kahit sa office may milagro kang ginagawa! Akala ko ba ako lang babae mo?!”

“Are you kidding me?” balik niya. “Wala sa usapan natin na porket pinatira kita dito, hindi na ako pwedeng makipagkita sa iba. You’re just my reserve. Tapos ikaw pa ang nagpilit tumira dito.”

“Pero iisang unit ang tinitirhan natin, Edward.”

“It’s bullshit! Tumigil ka na, Emma, baka hindi kita matansya.”

“Ah gano’n?” tumayo ako. “Then come on. Ano pang hinihintay mo?!”

Walang sabi-sabi, hinila niya ang braso ko at hinalikan ako galit, marahas, halos magdugo ang labi ko. Pero kalaunan, lumambot ang halik. At tinugon ko rin.

KINABUKASAN

Nagising akong nakahiga sa sofa, katabi si Edward. Hubad kaming pareho, kumot lang ang nakatakip. Naalala ko ang nangyari kagabi.

Tulog pa siya. Dahan-dahan akong tumayo.

Ngunit hinawakan niya ang bewang ko.

“Where are you going, babe?”

“Good morning. Maliligo lang sana ako.”inaantok pa na saad ko, naramdaman ko Ang kirot sa sintido ko.

“Later. Maaga pa.”

Hinalikan niya ako. Sandali lang.

“Babe, pwede ba akong mag-leave ng one week by next month?” tanong ko.

“And why?”

“May pupuntahan kasi ako. Sa probinsya. Dadalawin ko ang kamag-anak ko.”

“Sure. No problem.”

“Thank you,” masaya kong sagot, sabay halik sa labi niya.

Pagkatapos, nag-shower ako para makapagluto ng breakfast. May pasok pa kami.

“What is your problem?!” sigaw ni Edward pagpasok niya. Kagagaling lang niya sa meeting at nadatnan niya akong halos makipag sabunutan sa isang babae.

“I hate her, babe!” sumbong ng babae. “Pinapalayas niya ako sa office mo!”

“No, I’m not!” balik ko. “Sinabi ko lang na mamaya pa balik niya dahil nasa meeting ka. Siya ang nagpupumilit pumasok!”

“And who are you?” tanong ko ni Edward sa babae.

“You forgot about me, babe? Kahapon lang ako pumunta dito sa office mo. Hindi mo na ako kilala?”

“Emma, get out,” malamig na sabi ni Edward.

Parang tinamaan ako ng sampal. Akala ko ’yung babae ang papalayasin niya, hindi ako.

Paglabas ko ng pinto, halos sumabog at manginig sa galit Ang kalamnan ko.

What the hell is happening to me?

Hindi pwede!. Hindi kasama sa plano ’yon.

Mabilis akong naglakad palayo. Parang hindi ako makahinga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 21

    After Reception Pagkatapos ng engrandeng reception, tahimik na bumiyahe sina Edward at Emma patungo sa hotel kung saan gaganapin ang kanilang honeymoon. Isang private luxury suite ang inihanda ng mommy ni Edward—kumpleto, elegante, at puno ng simbolo ng bagong simula para sa kanila bilang mag-asawa.Pagkapasok pa lamang nila sa loob ng suit, mahigpit na nakayakap si Emma sa asawa.“I love you, Edward,” bulong niya, bahagyang nanginginig ang boses sa labis na saya. “I’m so happy. Kung panaginip man ito, ayaw ko nang magising pa. Thank you, for your love, for everything.”Walang sinabi ang lalaki—tanging isang malalim na ngiti lamang ang isinagot niya. Dahan-dahan niyang binuhat si Emma, tila ba ayaw pang iparamdam ang bigat sa dibdib, at dinala ito papasok sa loob ng silid.Pagdating sa kama, marahan niya itong ibinaba.“Change your dress,” malamig ngunit maayos ang tono ni Edward. “I’ll just change in the other room.”Napakunot-noo si Emma.“Why?” tanong niya, may halong biro ngunit

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 20

    Biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Dave na may dalang bulaklak at prutas sa kamay.“Dave! Ang tagal nating hindi nagkita. Paano mo nalaman na nasa ospital ako?” tanong ni Emma, sabay ngiti.Tanging ngiti na alanganin ang naging tugon ni Dave.Tumuloy siya sa loob at maingat na inilapag ang mga dala sa lamesa.“Salamat, ang ganda naman ng bulaklak,” sabi ni Emma habang pinagmamasdan ang kulay at bango nito.Tumango si Dave at nanatiling nakatayo sa harap niya, tila may gustong sabihin pa.“Siya ang nagsabi sa akin kung nasaan ka,” sabi ni Edward.“Ha?” gulat na tanong ni Emma. Hindi niya agad nakuha ang sinabi.“I’m sorry for everything , Emma,” hinging tawad ni Dave sa mababang tono. “Nandoon ako nung kinidnap ka ni Lara at dinala sa abandonadong lugar. Kasali rin ako sa plano niya, pero dahil may guilt ako, agad kong kinontak si Edward para humingi ng tulong sa kanya” paliwanag niya.“Teka, Anong koneksyon mo kay Lara?” tanong ni Emma na halatang naguguluhan.“Dati kaming magka

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 19

    Chapter 19Paghihiganti ni Emma“Sa—saan ako?” mahina at nanginginig ang boses ni Emma. Nahihilo siya at hindi niya maunawaan ang nangyayari sa paligid.“Finally, gising ka na,” demonyong ngisi ng babae.“Lara,,,?anong ginawa mo sa akin?” pilit na tanong ni Emma. Binalingan niya ang mga kamay at paa na mahigpit ang pagkakatali. “Pakawalan mo ako! Wala akong ginagawang masama sayo!” Pagwawala ni Emma habang pilit ginagalaw ang mga kamay at paa nito.“Oh, talaga?” sigaw ni Lara. “Sinungaling ka!”Napaatras ang mukha ni Emma sa lakas ng boses nito.“Ikaw ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagmamahalan namin ni Edward!” galit na galit na sigaw ni Lara. “ Pera na naging bato, Pa! “Ano?” gulat na sabi ni Emma. “Wala akong alam sa sinasabi mo. Kung iniisip mong may relasyon kami, wala, Lara. Wala talaga. Pakawalan mo ako.”“Sinong niloloko mo?” halos manginig sa galit ang babae. “Hindi uubra sa akin ang palusot mo! Dahil sa’yo, nawala sa akin si Edward. Para kang ahas—inagaw mo siya

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 18

    May hindi inaasahang bisita si Emma noong araw na iyon.“So ikaw pala si Emma? Ikaw ang laging kasama ni Edward,” bati ng babae.Si Lara ang pumasok sa opisina ni Emma. Nakangiti siya, pero hindi matukoy ni Emma kung ano ang tunay na ibig sabihin ng ngiting iyon. Napakaganda ng babae— ramdam ni Emma na walang-wala siya sa ganda ni Lara.“Yes, Miss Lara. Ano po ang kailangan ninyo?” maayos na tanong ni Emma. Itinigil niya ang ginagawa at binaling ang buong atensyon sa babae, hindi niya alam kung bakit narito si Lara sa kanyang opisina.“Wala naman. Gusto ko lang makipagkaibigan sa’yo,” sagot ni Lara, nakangiti.Napakunot noo si Emma. “Kaibigan?” tanong niya, halatang nagtataka.Tumawa ng malakas si Lara.“Relax ka lang, Emma. Nagulat ka siguro sa bigla kong pagsulpot, pero huwag kang mag-alala. Hindi ako pumunta rito para makipag-away sa’yo. Kaibigan lang talaga. Nakuwento ka na rin ni Edward sa akin, kaya ayos lang kung maging magkaibigan tayo,” paliwanag ni Lara, habang nakangiti.Na

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 17

    “Anong pabango mo?” tanong ni Emma habang bahagyang lumalayo kay Edward na mahigpit na nakayakap sa kanya.“Ganito pa rin, gaya ng dati. Bakit?” sagot ni Edward.“Hindi ko gusto ang amoy. Nakakasuka,” diretsong sabi ni Emma.“Ha?” gulat na sabi ni Edward. Inamoy niya ang sarili. “Wala naman akong naamoy na mabaho ah. Mabango pa rin naman.”“Basta, lumayo ka muna sa akin. Palitan mo ’yan kung lalapit ka sa’kin,” iritableng saad ni Emma.“Okay ka lang ba?” nagtatakang tanong ni Edward habang tinititigan siya. “Kailan pa naging big deal sa’yo ang pabango? Noon naman, wala kang reklamo.”“Hindi ba pwedeng nagbago lang ang pang-amoy ko?” sagot ni Emma, bahagyang umiwas ng tingin.Saglit na napaisip si Edward, hindi pa rin maunawaan ang biglang pag-iwas ni Emma. Sa mga mata niya, may kung anong hindi sinasabi ang babae—isang lihim na pilit nitong itinatago.“Siya nga pala, aalis na ako mamaya. May trabaho pa ako sa shop,” sabi ni Emma.“Ihahatid na lang kita,” alok ni Edward.“Huwag na. Bak

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 16

    Pagka-drop ni Edward kay Emma sa shop, nagpaalam siya at ngumiti pa bago umalis. Pero makalipas lang ang ilang minuto, bigla rin siyang bumalik sa sasakyan nito at diretsong nagmaneho papuntang ospital para magpacheck-up. Hindi rin kalayuan Ang hospital sa kanyang shop, nasa sampung minuto lang kung walang traffic.Kanina pa siya kinakabahan, kahit pilit niya itong ini-ignore. Ayaw niya sanang isipin, pero baka may malala na pala siyang sakit. Kahit na hindi na masakit ang ulo niya ngayon, pero mas mabuti nang magpatingin siya sa doktor para sigurado.Pagdating niya ng hospital Agad siyang nilapitan ng nurse at tinanong kung ano ang nararamdaman niya. Medyo kinakabahan siya kaya napabuntong-hininga muna bago sumagot.“Masakit po ang ulo ko recently lang, tsaka parang nahihilo ako,” mahina niyang sabi.“Ma’am dito po tayo. Hintayin lang natin sandali si Doctor,” magiliw na tugon ng nurse habang inaakay siya sa isang upuang kulay puti.Habang naghihintay, ramdam ni Emma ang malamig na h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status