Share

Chapter 4

Author: Hai
last update Huling Na-update: 2025-12-02 22:44:45

Maaga akong nagising kinabukasan. Tahimik ang buong unit, maliban sa mahinang tunog ng shower sa banyo nasa loob si Edward naliligo.

Napailing ako. Kahit anong galit ko kagabi, heto ako ngayon, nagluluto ng breakfast. Hindi dahil gusto kong magpaka-martyr, pero dahil kailangan ko. Bahagi ito ng plano ko. At kailangan ko siyang paikutin sa paraan na hindi niya namamalayan.

Habang hinihiwa ko ang sibuyas, Hindi ko namalayan Ang paglapit ni Edward, naramdaman ko nalang Ang mga kamay nitong humawak sa bewang ko.

“Babe, ang aga ah,” sabi niya sa masculine na boses. Amoy ko Ang mabangong sabon na ginamit nito.

“’Di ba gusto mo ng breakfast? Kaya ayan,” sagot ko nang hindi lumilingon. “May baon ka rin mamaya. Para hindi ka na mag-order sa labas.”

Umaalis si Edward sa likod ko at Umupo sa high chair sa kitchen counter habang pinapanood ako.

Parang hari. Ako ang taga-luto, taga-asikaso. Pero sige lang. Kakayanin ko.

Paglingon ko, seryoso siyang nakatitig sa akin.

“Emma,” sabi niya, “hindi mo naman kailangan gawin lahat ’yan.”

“Gusto ko lang,” Nakangiting sagot ko. “Nakakahiya naman kung wala akong ambag dito sa bahay mo. Libre na nga Ang pagtira ko, ’di ba?”

Umangat ang kilay niya, parang hindi kumbinsido.

“I told you,” sagot niya, “bedmate lang kita. Kaya kong kumuha ng tagaluto, tagalinis, kahit sampu pa.”

Bahagyang ngumisi. “Pero kung gusto mong gawin, choice mo ’yan.”

Nilingon ko siya at sinadya kong ngumiti nang matamis.

“Hayaan mo na ako, Edward. Masaya ako na pagsilbihan ka habang nandito ako.”

Tumango siya at sinandig Ang likod sa upuan.

“Then it’s up to you, babe.”

Tapos sabay kindat. “Be ready later. You know what I mean.”

Napangiti ako ng mahina. “Sure, my dear boss. I’m always ready.”

Hindi niya alam, mas handa ako kaysa sa inaakala niya.

Nakaayos na ang lunchbox ni Edward habang papaalis kami papuntang office.

Pag-upo ko sa passenger seat, tinignan niya ang hawak kong bag.

“Ano ’yang dala mo?” tanong niya, habang ina-adjust ang seatbelt.

“Pagkain natin,” sagot ko.

Napairap siya. “I said, you don’t need to do that.”

“Sabi ko naman, gusto ko. Kaya pabayaan mo na ako.” sabay ngiti ko.

“Okay. Whatever,” sagot niya saka pinaandar ang sasakyan.

Naging tahimik sa pagitan namin sa loob ng sasakyan. Wala ni isang salita mula sa amin.

Pero Makalipas ang ilang sandali, naisipan kong buksan ang music para hindi naman masyadong boring ang biyahe.

“Turn it off,” utos niya.

Napatingin ako. “Why?”

“I don’t like music in the morning.”

“But I want,” sagot ko, saka ko tinaasan ng kaunti.

“Lower the volume,” malamig niyang sagot.

Sumandal ako at ipinagpatuloy ang pakikinig. Pero biglang nag-iba ang kanta naging melody na madalas kantahin ng kapatid kong si Maya.

Parang may sumakal sa dibdib ko. Uminit ang mata ko, parang gustong tumulo ang luha.

Naisip ko ang pagkawala niya, at alam kong iisang tao lang ang may kasalanan, ang taong nasa harap ko ngayon.

Lihim kong kinuyom ang kamao ko, gustong-gusto ko siyang sampalin, saktan, upang kahit papaano mabawasan ang sakit na matagal ko nang tinatago sa loob ko nitong nakaraang buwan.

Pero mariin kong pinigilan ang sarili ko.

Agad kong pinatay ang music.

Nag-angat si Edward ng tingin. “Why?”

“Wala, walang magandang music,” sagot ko at tumingin sa labas ng bintana.

Ayokong makita niya akong mahina.

Pagbaba pa lang namin ng sasakyan, halos sabay-sabay ang mga boses na bumati kay Edward.

“Good morning, Sir Edward!”

“Morning, Sir!”

Pero may mga mata ring nakatingin sa amin ni Edward na magkasabay pumasok.

“Ang swerte naman ni Emma,” bulong pa ng isang babae.

Kung alam lang nila. Walang swerte rito.

Babaero ang lalaki. Walang puso!.

Humigpit ang hawak ko sa folders. Sa loob-loob ko, mas lalo kong gustong iparamdam kay Edward ang sakit na nararamdaman ko.

Pero paano? Hanggang ngayon, wala pa rin kahit anong pagbabago sa pakikitungo niya sa akin.

Halos binigay ko na ang lahat, pero parang wala lang sa kanya.

Mula sa hallway isang babae Ang humarang sa dinadaanan namin.

“Babe!” sigaw ng isang babae.

Halos makita ang dibdib niya sa sobrang baba ng neckline ng damit. Lumapit siya kay Edward na parang wala ako sa tabi nila.

“Who are you?” tanong ni Edward na naka-smirk pa.

Mabilis nagbago Ang mukha ng babae mula sa malanding mukha naging seryoso. “Babe naman… nagkita na tayo sa bar! Ilang beses ko binaggit Ang pangalan ko! Nakalimutan mo?” I’m Kate!

Umiling si Edward na tila walang pake.

“Pasensya na, babe,” sabi nito. “Pero hindi lang kasi ikaw ang kasama ko ng gabing yon.”

Halos mapatulala ang babae.

“We will talk later. I will call you. Busy pa ako.”

“But babe—”

“Go out now. Once, I meet someone, never to repeat!.”

Diretso niya itong itinaboy.

Napahiya ang babae, at mabilis na tumalikod.

Habang si Emma lihim na napangisi

“First time mo ata tumanggi isang napakalaking milagro.”

“Not now,” bulong niya sa akin bigla.

“Baka biglang dumating si mama at papa, yari ako.”

Sabay tawa niya at nagpatuloy ng lakad papunta sa loob.

“Follow me in my office. And bring my schedule.”

“Copy, sir.” sagot ko.

Pagdating ko, sinalubong niya ako ng matalim na tingin.

“Oh, sir, what are you—"

Hindi ko natapos Ang sasabihin ko dahil hinila niya ako at pinaupo sa lap niya.

Sir!” bulalas ko. Aalis na sana ako mula sa kandungan niya, pero mabilis niya akong pinigilan.

Hinalikan niya ang leeg ko, dahan-Dahan na may kasamang pang a-asar.

Napasinghap ako sa kiliti. Ramdam ko ang pagtama ng tumutubong bigote niya sa pinaka-sensitibong parte ng leeg ko.

“Wait, sir,, ’di ba sabi mo may work ka? At paano kung biglang dumating ang mama mo?” Pigil ko sa kanya bago pa kami tuluyan makalimot.

Huminto siya. Kunot ang noo. Parang napaisip.

Binaba niya ang kamay niya at hinaplos ang tiyan ko.

“O sabagay,” sabi niya. “But I want something, babe.” Sa malanding boses nito.

Hinahalikan niya ulit ang leg ko, mas mabagal ngayon na parang nang-aakit.

“Not now, sir, ” pigil ko muli.

Tumigil siya. “Tinatanggihan mo ba ako?”

“H-hindi sa ganun. Pero nasa trabaho tayo.”

Tumawa siya nang mahina.

“Tama ka. Kung hindi lang tayo nasa trabaho, kanina pa kita sinunggaban, babe.”

Bumulong siya sa tenga ko bago ako binitiwan.

“Next time… huwag kang tatanggi.”

Tumayo ako at inayos ang skirt ko.

Pero sa loob-loob ko?

Hindi ako natatakot sa kanya.

Lalo na ngayon.

Habang palabas ako ng office, isang bagay lang ang nasa isip ko—

“Hindi pa alam ni Edward na ako ang magpapabagsak ng mundo niya. Maaring Hindi sa ngayon pero sisiguraduhin Kong mangyayari yon” Malakas Ang loob na saad ni Emma sa sarili bago tuluyan lumabas sa office ni Edward.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 37

    Madilim pa ang paligid nang dahan-dahang magmulat ng mga mata si Edward.Saglit siyang nanatiling nakahiga, nakatingin sa kisame, pinakikinggan ang mahinang paghinga ni Emma na nasa tabi niya.Nakaunan pa rin ito sa kanyang dibdib, ang isang kamay ay mahigpit na nakakapit sa kanyang damit, tila takot na mawala siya kahit sa panaginip.Bahagyang ngumiti si Edward.Marahan niyang hinaplos ang buhok ni Emma, maingat upang hindi ito magising.Ngunit sa kabila ng katahimikan…Hindi mapakali ang kanyang isipan.Paulit-ulit na bumabalik ang mga sinabi ni Emma kagabi.Hindi siya galit. Hindi siya nasaktan.Ngunit may isang bagay na gumugulo sa isipan niya. Ang malaking konsensya. Mariin siyang napapikit. Hindi niya kasalanan.Paulit-ulit niyang sinabi iyon sa sarili mula Pa kagabi. Ngunit hindi ibig sabihin noon na wala siyang responsibilidad. Napatingin siya kay Emma. Mahimbing pa rin ang tulog nito, payapa ang mukha, walang bakas ng sakit na matagal nitong kinimkim. At sa sandaling iyon. Ma

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 36

    Nakahiga na sila sa kama. Nakaunan si Emma sa braso ni Edward, habang ang lalaki nama’y marahang hinihimas ang buhok niya, isang paulit-ulit na galaw na tila sanay na sanay, parang alam kung paano siya papakalmahin hanggang sa dalawin ng antok.“Edward…” mahina niyang sabi.Bahagyang napatigil ang kamay ni Edward. Tumingin siya sa mukha ng asawa. Hindi ito nakangiti, hindi rin seryoso, ngunit may kung anong bigat sa mga mata nito na agad niyang napansin.“Spill it, wife,” mahinahon niyang sagot.“May gusto akong sabihin sa’yo,” pagpapatuloy ni Emma. “Ayoko na ng mga sikreto sa pagitan natin. Kung magagalit ka man… tatanggapin ko.”Biglang kinabahan si Edward. Maingat niyang inayos ang posisyon nila upang magkatapat ang kanilang mga mukha, para masilayan niya nang malinaw ang ekspresyon ni Emma.“Whatever it is,” mariin ngunit malumanay niyang sabi, “hindi ako magagalit, wife.”“Hindi mo pa nga alam ang sasabihin ko…”“Even though,” putol ni Edward, sabay ngiti. “Go on.”Huminga ng mal

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 35

    Unti-unting bumalik sa normal ang lahat, o kung hindi man normal, mas payapa.Tuluyan nang naging okay si Emma. Hindi man perpekto ang mga araw, sapat na ang katahimikan para makabawi ang katawan at isip niya. Kahit abala si Edward sa trabaho, hindi niya nakakalimutang magparamdam. Laging may tawag sa umaga, mensahe sa tanghali, at video call sa gabi.Okay ka lang ba?Kumain ka na?May gusto ka bang kainin mamaya?Minsan bulaklak ang dumarating sa bahay. Minsan tsokolate. Minsan simpleng note lang na may kasamang pagkain na ipinadala niya mula sa paborito nitong restaurant. Maliit na bagay para sa iba, pero para kay Emma, malaking paalala na hindi siya nag-iisa.Unti-unti ring gumaan ang pakiramdam niya. Ang isip niyang dati ay puno ng takot at pag-aalinlangan, ngayon ay mas malinaw. Mas payapa at Masaya.Masasabi niyang… happy ang utak niya. Walang stress. Walang bigat.Isang hapon, habang nakaupo siya sa sofa at hawak ang cellphone, pumasok ang isang mensahe mula kay Edward.“I love

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 34

    Naging mabagal ang takbo ng mga araw matapos ang insidente sa ospital, mabagal, ngunit mabigat. Parang bawat segundo ay may dalang paalala kung gaano kalapit silang muntik mawalan ng isang buhay.Mula nang makalabas si Emma ng ospital, halos hindi na umalis sa tabi niya si Edward. Kung hindi man siya nakaupo sa gilid ng kama, nasa sofa lang siya sa loob ng kwarto, nakamasid, nakikinig sa bawat paghinga ni Emma, parang takot na takot na baka sa isang iglap, mawala ito sa paningin niya.Araw-araw, siya ang naghahanda ng pagkain ni Emma. Siya ang nag-aabot ng tubig, ng gamot, ng unan kapag nahihirapan ito sa pag tulog gawa ng pagbubuntis niya. Siya rin ang unang nagigising tuwing madaling-araw, basta makaramdam lang ng kaunting galaw sa kama.“Edward…” mahinang tawag ni Emma isang umaga, habang nakasandal ito sa unan. “Pumasok ka na sa work. Kaya ko naman ang sarili ko.”Napatingin si Edward mula sa tasa ng kape na hawak niya. Kita sa mga mata niya ang pag-aalala, hindi na ito nawala sim

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 33

    Mabilis ang mga pangyayari sa emergency room. Halos hindi namalayan ni Edward kung paano niya naibaba si Emma sa kama, kung paano agad silang sinalubong ng mga nurse at doktor. Ang tanging malinaw lang sa isip niya ay ang pamumutla ng mukha ni Emma at ang mahina nitong ungol sa sakit.Ilang sandali pa, lumabas ang doktor mula sa loob ng silid. Mabigat ang ekspresyon ng mukha nito, dahilan upang manigas si Edward sa kinatatayuan.“Mr Dela Vega.,” maingat na panimula ng doktor, “dobleng ingat na lang po sa susunod. Mabuti na lang at naisugod ninyo siya agad sa ospital. Kung na-late pa kayo ng kunti, muntik ng mawala ang bata.”Parang may humigpit sa dibdib ni Edward.Nagpatuloy ang doktor. “Base sa findings, mahina ang kapit ng bata. Sobrang stressed ang nanay. Payo ko lang, ilayo niyo siya sa stress. Dahil kung hindi, baka sa susunod na punta ninyo rito, tuluyan na nating hindi mailigtas ang bata.”Napasulyap si Edward sa loob ng kwarto, kung saan mahimbing na natutulog si Emma, may na

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 32

    Tahimik ang sementeryo nang dumating si Emma. Mabagal ang bawat hakbang niya sa pagitan ng mga lapida, parang bawat isa’y may dalang bigat na pilit niyang tinatahak. Sa kamay niya’y may hawak na maliit na bungkos ng puting bulaklak—paborito ni Maya noon.Huminto siya sa harap ng isang simpleng lapida.MAYA A. RIVERAIsang mahal na kapatid, isang anak na minahal.Dahan-dahan siyang lumuhod. Inilapag ang mga bulaklak, saka marahang hinaplos ang malamig na marmol.“Hi, Maya…” mahina niyang bati, nanginginig ang boses. “Pasensya na kung ngayon lang ulit ako dumalaw.”Huminga siya nang malalim, pero sa halip na gumaan, mas bumigat ang dibdib niya. Parang sabay-sabay na bumalik ang lahat—ang katahimikan ng gabi, ang huling tawag, ang balitang hindi na niya kayang burahin sa isipan.“Namimiss na kita,” tuloy niya, tuluyang bumigay ang luha. “Araw-araw. Kahit anong pilit kong magpakatatag, parang may kulang pa rin sa’kin.”Napahagulgol siya, walang pakialam kung may makarinig. “Ang dami kong

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status