Share

Pagsuway ( Zuri Leigh Chui)
Pagsuway ( Zuri Leigh Chui)
Author: AveryHayz

One

" I told you to stay away from me, you jerk!" Sigaw ni Zuri sa binata sabay piksi sa kamay nito na nakahawak sa kaliwang braso niya. Walang pagdadalawang isip na sumunod pa rin ito sa dalaga. And she was beginning to get pissed with him. Para kasi itong asong hindi mapalagay na patuloy sa pagbuntot-buntot sa kanya na lalong ikinainis niya. Nakasunod ito sa kanya papasok ng school cafeteria.

The guy name was Dallas Tomas.

Her boy toy for the week. A nerd looking guy with thick eyeglasses na laging naka-outdated outfit. Sikat ito sa pagiging matalino at karangalan na dala sa kanilang university dahil sa di matatawarang galing nito. The school's pride and glory.

Ngunit minsang mapansin niya ito sa unibersibad nila ay naisipan niyang pagtripan ang lalaki. She wanted him to be one of her toys, gusto niyang ibilang ito sa mga lalaking dumaan sa buhay niya na umuwing talunan. Kaya naman hindi siya nagdalawang isip na testingin ito kung papatulan nito ang kagandahan at kaseksihan niya. At hindi nga siya nagkamali dahil makalipas lamang ng dalawang araw. Dallas fell very hard to her tenacious charm. Ni hindi man lang umabot ng one week ang pagiging mag on nila, na bored kasi siya kaya hanggang apat na araw lang ang itininagal ng relasyon nila. Saklap nga dahil ito ang pinakamaikling pakikipaglaro niya sa lalaki.

Pero infairness hindi ito nag take advantage sa kanya. Napaka gentleman nito at maalalahanin. Lagi siyang hinahatiran ng pagkain sa classroom niya at nililibre tuwing lunch break at uwian. Ni hindi ito nagtangkang halikan siya sa kanyang mga pisngi at maging sa labi. Kuntento lamang ito na hanggang kamay lang ang hawakan sa kanya. Sobrang bait nito na parang di makabasag pinggan.

" I-i'm so s-sorry hon. " Nauutal nitong saad sa dalaga na bahagyang pinamutlaan. Ang dalawang kamay ay nakataas sa ere dahil ayaw niyang pahawakin ito sa kanya.

Ang mukha ng binata ay larawan ng di maipintang takot at kaba. Hindi nito alam ang gagawin, naroong lalapitan siya at naroong aatras kapag pinandidilatan ng kanyang mga mata.

" I'm really sorry, hon." ulit nito sa kanya.

She arched one brow sa narinig mula sa lalaki. Namewang, and pointed her forefinger to him. Her bitchy side is now maximize.

" Hon? really? We are over jerk! And stop calling me hon dahil wala ng tayo!" She shouted at him and rolled her eyes. Nagtawanan ang mga estudyanteng nasa cafeteria kung saan naroon sila.

"Pero--"

" Stop! Tapos na tayo. You are just my boy toy for the week. Nakakasawa kang kasama at boring kausap, I don't like you too." Putol niya sa sasabihin nito. Kitang-kita niya na parang natilihan ito at mukhang hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya.

" You fell from my trap kaya kasalanan mo rin.." Paismid na patuloy ng dalaga. Umawang ang labi ni Dallas habang nananatiling nakatingin kay Zuri. Ilang sandali lang ay nagtawanan na naman ang mga estudyante na nakarinig sa mga ipinagtapat ni Zuri rito.

" Zuri please, pag usapan natin to. Ano ang nagawa ko para makipaghiwalay ka sa akin? " Nahihirapan nitong tanong sa dalaga. Halos mangiyak-ngiyak na ito habang nakikiusap sa dalaga. Hindi nito alam ang iaakto kaya napasabunot ito sa sariling buhok.

Napaatras naman ang dalaga. Parang natauhan na napatitig sa binata. Maybe her cruelty is out of hand now. Para kasing naantig ang puso niya nang makita itong nahihirapan. Nakadama siya ng pagkakonsyensya rito. Not so like her. Dati naman wala siyang pakialam sa mga lalaking pinaglalaruan niya. Ngunit ngayon, bakit siya nakadama ng ganito? She asked her mind.

Napakurap-kurap siya at pilit hinamig ang sarili.

" No! Stay where you are! I already told you we're over, kaya tigilan mo na ako! " Inis na asik niya rito. Pilit pinagtatakpan ang naramdamang awa sa lalaki.

" Please hon don't do this to us. Mahal na mahal kita, hon. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Please don't do this, don't end our relationship." Tuluyan na itong napaluha habang nagmamakaawa sa kanya. Akmang lalapitan siya nito ngunit umiling siya kaya nanatili itong nakadistansya sa kanya.

" Mahal na mahal kita Zuri.. i beg you, please" Pakiusap nito hanggang sa bigla na lang itong lumuhod sa harapan niya. Nagitla ang dalaga. Ito ang unang pagkakataong may lumuhod sa harap niya. Hindi siya makakibo. Hindi alam ang gagawin. She's a bitch. Aminado naman siya na ganoon siya pero hindi niya ini-expect na luluhod at magmakaawa ito sa harap niya. Nalito siya bigla. She couldn't believe na gagawin iyon ni Dallas sa kanya.

" Wooahh! " Sabay sabay na sigaw ng mga nakapaligid sa kanila. Hindi rin makapaniwala ang mga ito sa nakita.

"Dallas.." Tawag niya rito. Di makapaniwala na gagawin iyon ng binata. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa binata at sa mga estudyanteng nakapalibot sa kanila. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Sunod-sunod siyang napalunok ng laway dahil bigla na lamang siyang naumid. Pagkuwa'y napailing-iling ang dalaga.

Nang sa tingin niya ay nasukol na siya. Agad na siyang umalis at patakbong nilisan ang naturang lugar. Hindi na niya kaya pang makita ang lalaki sa ganoong eksena na patuloy sa pagtangis. It's getting in her nerves.

Nagpasya siyang dumeritso nalang sa kotse niya sa parking lot. Nang makarating doon ay nagmamadali ang dalaga na pumasok sa kanyang lambhorgini. Doon niya gustong ibalik ang normal na pagtibok ng puso niya. Her heart aches. Unang beses siyang nakaramdam ng awa sa mga lalaking pinaglalaruan niya. Ni hindi niya namalayang basang - basa na ang mga pisngi niya sa mga luhang nag-uunahan sa pagdaloy sa kanyang mga mata. Ginagawa niya lamang ang ganito dahil gusto niyang makalimutan ang nangyari sa nakaraan niya. She wanted to forget the ache in her heart.

' No! hindi dapat ako umiyak. I should not be affected like this. He's nothing to me!' Turan niya sa isip habang marahas na pinahid ang mga luha sa mga mata at pisngi.

She's been like this since the beginning. A callous Queen bee and a bitch kung ituring ng ibang estudyante. Walang pakialam sa paligid at libangan ang magpaiyak ng mga kalahi ni Adan. At hindi niya itinatago iyon. Tama naman ang sinabi niya rito na ito ang may kasalan kung bakit ito nasaktan ngayon. Ilang sandali pa ay mabilis ng pinatakbo ni Zuri ang kanyang kotse palayo sa paaralan nila.

---

Nang makarating sa kanilang mansion ay napakunot-noong napatingin siya sa naka park na blue Ford Ranger sa labas ng bahay nila. Ngayon niya lang ito nakita. Hindi pamilyar sa kanya ang sasakyan kaya nagtaka siya. First time kasing may pumarada na pick up sa labas ng bahay nila. Madalas kasi ay luxury cars ang nagpupunta sa bahay nila at hindi ang ganitong klase na sasakyan. 'Sino kaya ang nagmamay-ari nito? ' Tanong niya sa isip. She absentmindedly rolled her eyes. Parang madalas na yata niyang kausapin ang sarili simula kanina sa paaralan. Ok pa ba siya? Hindi ba naalog ang utak niya nang lumuhod sa harap niya si Dallas kanina?

Napabuntung-hininga ang dalaga at sunod-sunod na busina ang pinakawalan niya.

Nagmamadali namang binuksan ng guwardya ang mataas na gate para makapasok siya.

Bahagya niyang binaba ang salamin ng kanyang kotse nang mapatapat siya rito.

" Mang Dado, sino po ang ang may- ari ng sasakyan sa labas? " Tanong niya rito na kunot ang noo. Napakamot ang guwardya sa ulo nito.

" Sa bisita po ng Baba niyo 'yan senyorita. Ngayon ko lang din po nakita ang may- ari ng pick up sa labas. Kasama po siyang dumating ng Baba niyo kaninang hapon." Sagot nito. Napatango-tango ang dalaga. Well, his father is a businessman kaya madalas talagang may pumupunta sa bahay nila na hindi niya kilala. But her father always introduce her to his colleagues. Kaya naman hindi na siya dapat magulat pa. Napatango-tango siya.

" Sige po Mang Dado, maraming salamat po. " Pagpapaalam niya rito. Muling itinaas ang bintana ng kotse niya at pinaandar muli ito papasok sa driveway ng bahay.

Matapos ipark ang kotse sa garahe ay dumiretso agad siya sa main door. She take her time walking gracefully dahil hindi naman siya nagmamadali. Nang mapatapat doon ay marahan niyang pinihit ang seradura.

" Tama ka, hijo." Halakhak ng kanyang ama ang nabungaran niya. Boses iyon ng baba niya, kausap ang lalaking nakatalikod sa kanya.

'Hmm. He has broad shoulders na kahit na naka suit ay di naitago iyon.' Pagkuwa'y napakislap ang mga mata niya. Excited siyang makita ang mukha ng lalaking nakatalikod. Tila nahihipnotismo siyang makita ang mukha nito sa malapitan.

" Gagawin ko po ang suhesyon niyo sir, sana lang po ay wag kayong magalit sa akin. Gagawin ko po talaga iyon para magtanda. Mahirap na po 'yon. " Bahagyang yumugyog ang balikat nito sa pagtawa. Parang tuwang-tuwa naman ang kanyang ama sa narinig mula sa lalaking nakatalikod sa kanya. Hindi siya napansin ng dalawa na nasa malapit na siya.

' Oh! ' Napakagat-labi si Zuri . Tila siya kinilig sa boses nito. May kung anong kilabot na hatid ang tinig nito sa kanyang pandinig. He has a bedroom voice. 'Yon ang napansin ng dalaga sa kausap ng ama. Malamig na may pagkahusky iyon. Naisip niya kung ano kaya ang itsura ng lalaki. Kasing sexy kaya ito ng tinig nito? She can't wait to see his face. She had to do something para masilayan niya ang mukha ng estranghero.

Tumikhim siya bago nagsalita.

" Hello Baba! " Masigla ang boses na bati niya sa ama. Nagmamadali siyang lumapit rito sabay halik sa pisngi nito. Nakaplaster ang matamis na ngiti sa labi niya dahilan para lumabas ang biloy niya just below her right lip. Naningkit din ang singkit na mga mata niya.

" Hi hija! How's your day?" Bungad na tanong nito kay Zuri.

" It's actually very okay Baba. Nag-aral ako ng mabuti kaya naman no failing grades for your lovely, daughter. So, dapat bigyan mo ako ng reward? " Paglalambing niya sa ama sabay hawak sa balikat nito at hilig ng ulo . Natawa naman si Mister Chui sa ginawi ng anak. Kinindatan siya ni Zuri dahilan para lalong mapahalakhak. Napakalambing kasi na anak ng dalaga. Sweet siya sa ama niya kaya kahit pasaway siya ay mahal na mahal siya nito. Nag-iisa lang siyang anak nito. Kaya lahat ng naisin niya ay ibinibigay ng ama.

Hindi man lamang nila napansin ang lalaking tahimik na nakamasid sa pag-lalambingan nilang dalawa. Aliw na aliw ito sa relasyon nilang mag-ama. Larawan kasi sa mga mukha ng dalawa na kontento ito sa pagmamahal ng bawat isa. Maya-maya'y nakarinig sila ng tikhim mula sa lalaking bisita. Sabay naman na napalingon ang mag-ama.

" Oh, i'm sorry hijo, muntik ko ng makalimutan." Napalatak na turan ng kanyang Baba sa bisita nito. " Siyanga pala gusto kong ipakilala sa'yo ang nag-iisang anak ko na si Zuri. Zuri Leigh Chui." Dugtong nito.

" Zuri hija, this is Blake Renj Garcia. My business partner." Nakangiting pakilala ni Mister Chui sa dalawa.

Nanlaki bigla ang mga mata ng dalaga. Kasabay ang pag-awang ng mga labi sa nabungaran. Shocked siya sa nakita. O-M-G! Napatulala siya habang nakatingin sa lalaki.

' A tall greek god with an intimidating aura was in front of her! ' Turan ng isip niya habang pinapasadahan ng tingin ang lalaki mula ulo hanggang paa.

Disheveled black hair, brown hooded eyes, chiseled jawline and oh! that full kissable pink lips.

Naputol ang kanyang pag-a assesst rito nang tumikhim ito at nagsalita.

" I hope i passed your scrutinizing look, Miss Chui." Makahulugan na wika at seryoso ang tingin sa dalaga. Ni hindi ito ngumiti sa dalagang natulala.

" What? " Naguluhan bigla ang dalaga sa sinabi nito. Hindi kasi klaro kay Zuri iyon. Sa palagay pa nga ng dalaga ay may ibinulong ito sa kanya. Mukhang na star strucked siya sa lalaking ipinakilala ng kanyang baba.

" It's a pleasure meeting you Miss Chui. " Dugtong ng lalaki. She blinked, naglalakbay ang isip ng dalaga. Hindi niya namalayang nakalahad ang kamay ng lalaki sa kanya.

" Miss Chui." Untag nito sa dalaga. Saka lamang natauhan si Zuri. Alanganing ngumiti sa lalaki.

" H-hi." Tipid na bati ni Zuri sa lalaki. Bahagya pa siyang nautal rito. Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito. He was obviously teasing her. Napakagat-labi ang dalaga. Wala na siyang nasabi pang iba sa kaharap.

' Akala ko ba brat itong anak ni Mr. Chui? Eh bakit parang inosente itong di makabasag pinggan?' Tanong ni Blake sa isip. Kitang-kita niya kasi na parang nahihiya ang dalaga at sa palagay pa niya ay na starstruck ito sa kanya. Napaismid siya sa naisip. Kung di lang dahil sa suot nitong napakaikling palda at kita ang pusod sa napakaikli ring pang-itaas ay maniniwala siyang inosente ito. Pero sa tingin niya ay pakawala itong babae. Sayang nga lang dahil napakaganda nito. Kawawa naman si Mr. Chui dahil napakapasaway ng nag-iisang anak nito. Tinanggap ng dalaga ang kamay niya. The moment their skin touched ay may tila kuryente siyang nadama na gumapang sa buong sistema niya. Mainit-init ang palad ng dalaga. Narinig pa niya ang bahagyang pagsinghap nito at mabilis na bumitiw sa palad niya.

Nagkatitigan silang dalawa. Naramdaman kaya nito ang init na gumapang kanina?

" Inaasahan kita bukas, hijo. I hope you will do your job." Naputol ang titigan nilang dalawa ng dalaga nang magsalita ang ama nito. Palapit ito sa kanilang dalawa. Magkapanabay nilang nilingon ang ama ng babae.

" Makakaasa kayo sir." Nakangiting saad ni Blake sa matanda. Napasimangot ang dalaga. Kaninang ipinakilala sila sa isa't-isa ng lalaki ay di man lang ito ngumiti sa kanya bagkus ay seryoso ang tabas ng mukha nito.

" Maraming salamat, hijo." Nagkamay ang dalawa bago nagpaalam ang binata.

" Sige po sir, magpapaalam na po ako sa inyo." Bumalik ang pormal na mukha nito. Tumango ang kanyang ama.

" Mag-iingat ka hijo. " Ani ng matanda.

" Salamat po sir." Sagot nito na ni hindi na siya nilingon pabalik. ' Napakabastos! ' Gusto sana niyang isigaw sa lalaki pero pinigilan ang sarili. Tiningnan niya ng masama ang likod nito. At ng makaalis na ito ay saka lang napatili ang dalaga.

" Ahhh!" Sigaw niyang parang sinisilihan sa pagkakatayo. Kinilig siya kanina sa lalaki. Mukhang magiging crush niya na ito sa kabila ng pagiging suplado nito at seryoso. Natawa ang kanyang Baba.

" Is something wrong, hija? " Puna nito sa kanya. Natauhan naman ang dalaga sa tinuran rito.

" Nothing, Baba. I'm fine po." Sagot niya na matamis na ngumiti rito. Ilang sandali lang ay nagpaalam na siya sa ama para pumanhik sa kanyang silid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status