FAZER LOGINMATAPOS MAKAUSAP ANG KANYANG sekretarya sa telepono ay panatag na ang kalooban ni Andres nang mahiga sa kama. Isang buwan na sila dito sa Singapore. Matagal-tagal na rin silang naghihintay ng makaka-match na organ donor ng ama ni Jessica habang dumadaan ito sa gamutan dito sa bansa. Malaki-laki na rin ang kapital na pinapakawalan niya. Ngunit balewala lang naman sa kanya ang magpakawala ng pera basta makasigurado lang na maligaya si Jessica sa lahat ng ginagawa niya. Isa pa, malaki naman ang balik niyon sa kanya.Dahil kasama niya si Jessica.At umaasa siyang sa lahat ng pagmamahal at pag-aalalagang ibinibigay niya dito at sa pamilya nito ay tuluyan na nitong makakalimutan ang dati nitong kasintahan. Oo, aminado siyang napaka-seloso niya. Gusto niya, lahat ng sa kanya ay sa kanya lang at wala siyang ibang kahati. No more. No less. Siguro naman, sa lahat ng ipinapakita niya sa asawa, magiging faithful ito sa kanya.Dahil hindi niya alam kung ano ang magagawa niya sa oras na pag
NASA MAYNILA NA SI JUSTIN and yet hindi maalis sa isipan niya ang pag-aalala sa ama lalo pa at nabalitaan niyang pansamantala itong magbabakasyon kasama ng asawa nito. Kung kailan ito babalik ay hindi niya alam. Deserve naman ng ama niya ang pahinga. Ang hindi lang niya gusto ay alam niyang sasamantalahin iyon ng asawa nito.Tinawagan niya si Raymart. Ngunit gaya ng dati, hindi na naman niya ito makontak. Isa pa ang lalaking ito. Hindi na ito bumabata and yet napaka-iresponsable pa rin. Tuloy, pakiramdam niya na ang lahat ng responsibilidad ay nasa kanyang mga balikat.Damn.Sa lahat ng naging babae ng Papa niya, dito sa pinakahuli siya masyadong nag-aalala. Malakas ang kutob niyang ito ang magbibigay ng matinding sakit ng kalooban sa kanyang ama. Kung bakit may ganuon siyang pakiramdam ay hindi niya alam.NGAYON ANG ARAW na patungo sila sa Singapore ni Andres upang kausapin ang espesyalistang titingin sa kanyang ama. Nag-usap na sila ni Andres at pumayag itong dumito muna s
NAPASUGOD SA OSPITAL SI JESSICA nang mabalitaang nawalan ng malay ang kanyang tatay. Ang sabi ng Kuya Dino niya, bumaba raw ng husto ang blood sugar nito kaya halos maparalisa ang utak. Mabuti na lamang at naagapan kaagad na madala ng Kuya Dino niya sa ospital.Napapaiyak na naupo siya sa gilid ng kama. Kung anu-anong apparatus ang nakasaksak sa katawan ng kanyang ama. Pero sabi naman sa kanya ng Kuya niya ay wala na raw silang dapat na ipag-alala pa. Ganuon pa man ay hindi pa rin mapapanatag ang kanyang kalooban hanggang hindi niya ito nakakausap."Kuya, nagsabi na ako kay Andres. Ililipat natin siya sa private hospital. At kapag lumakas-lakas si Tatay, biyabyahe natin siya sa Singapore para duon magpatingin. Sasamahan raw ako ni Andres para matiyak na maasikaso ng maayos si Tatay." aniya sa kapatid.Humugot ito ng malalim na hininga. "Hiyang-hiya na ako kay Don Andres.""Alam naman niyang kasama ito sa napagkasunduan namin." aniya dito.Hindi na umimik pa ang Kuya Dino niya.
GOD, ANO BANG GAGAWIN KO? Daing ng utak niya. Litong-lito ang kanyang damdamin kung susundin ba niya ang puso niya. Ngunit sa huli ay nagpasya siyang huwag na lamang kitain pa si Edward. Alam naman kasi niyang kapag pinagbigyan niya ang kahilingan nito ay masusundan na naman iyon hanggang hindi na niya alam kung paano pa makakaiwas dito. Ngayon pa nga lamang ay hirap na hirap na siya, paano pa kaya kung makikipagkita siya dito?Pinakalma niya ang kanyang sarili. Hindi niya dapat na pinapairal ang kanyang emosyon. "I'm sorry Edward. Ayokong pag-isipan ako ng masama ni Andres. Asawa ko na siya ngayon kaya hindi magandang nakikipagkita pa ako saiyo. Please, Edward, intindihin mo naman ako. . .""For God's sake, Jessica. Hindi ko alam kung bakit kailangan mong magsakripisyo para sa pamilya mo!" Yamot na sabi nito sa kanya, "Paano tayo? Paano ang kaligayahan nating dalawa, ganun-ganun na lang ba iyon?""Wala ng tayo, Edward. Ilang beses ko ba itong dapat ulit-ulitin saiyo? Ple
"ANDRES, I'M SORRY. Ako pa tuloy ang naging dahilan ng hindi ninyo pagkakaunawaan ni Justin," hiyang-hiyang sabi ni Jessica sa asawa nang malaman niyang nagpasya si Justin na sa Maynila na mag-base at pagtuunan na lamang ang expansion ng negosyo duon. Hangga't maari ay ayaw niyang maging dahilan ng hindi pagkakaunaawan ni Andres sa mga anak nito."Sanay na ako sa panganay kong iyon kaya wala kang dapat na ihingi ng sorry. Besides, wala kang ginagawang masama. Siya ang dapat mahiya saiyo dahil pinag-iisipan ka niya ng kung anu-ano. Kung alam lang niya kung gaano ka kabuting tao. . ." sabi nitong napabuntong hininga ng malalim, "Kung tutuusin, ako ang dapat na humingi ng sorry saiyo dahil nakakaladkad ko ang pangalan mo sa gulo namin ng mga anak ko."Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat, "Ako ang may malaking kasalanan saiyo dahil sinamantala ko ang kagipitan nyo para. . .""Dinugtungan mo ang buhay ni tatay, Andres. Sapat na iyon para sa akin," pagbibigay assurance niya sa
"LETSE!" Padabog na binitiwan ni Atoy ang kinakaing isda at yamot na tumayo. Nagtatakang nilingon siya ni Maritess."Ano na naman bang problema ha?" Sita nito sa kanya, "Yan na nga ba ang sinasabi ko. Tuwing umuuwi kang talo sa sabong, ganyan ka!""Hindi mo ba naiintindihan ha? Tingnan mo ang buhay natin? Araw-araw na lang ba tayong magtitiyaga sa galunggong ha? Hindi tama eh!" Pikon na pikong sabi niya sa babae, "Habang tayo naghihirap, iyong kapatid mo, nahihiga sa pera! Tama ba iyon, ha?""Eh ano namang gusto mong gawin ko? Nilapitan na natin siya para humingi ng konting puhunan pero di nya tayo pinagbigyan. Gusto mo bang lumuhod ako sa kanya para magmukhang kaawa-awa, ha Atoy?" Yamot na tanong nito sa kanya, "Hah, hinding-hindi ako magmamakaawa sa babaeng iyon, no!"Naiinis na nilapitan ni Atoy si Maritess at hinawakan niya ito sa baba para iangat ang tingin paharap sa kanya, "Sinabi ko bang magmakaawa tayo sa kanya, ha? Wala ka bang utak, ha?" Dinuro niya ang kukute nito,







