เข้าสู่ระบบ“BANTAYAN mong mabuti ang bawat kilos ni Aubrey at siguraduhin mo lang na hindi siya magkakaroon ng pagkakataong magduda!” Sabi ni Mirabella, nasa kuwarto sila ng kanyang ina habang nagdidiskusyon tungkol sa kanilang mga plano. Malaki ang mansion at nasa dulo ang kwarto ng ina kung kaya’t napaka-safe na dito sila mag-usap. “At ikaw naman ‘Ma, kausapin mo si Aubrey na wag nang ituloy ang balak na paghanap ng apartment. Mas mababantayan natin ang mga kilos nya kung nandito lang sya sa bahay.”
“Okay na ring bumukod sya,” sabi ni Devorah sa anak, “Mas delikado nga kung masyado natin syang kinokontrol. Saka nandyan naman si Hector,” sabi nitong bumaling kay Hector, “Kaya mo namang kontrolin ang utak nya, hindi ba?”
Tumango si Hector. “Ang bantayan nyo ay si Anthony. Hindi ko nagugustuhan ang mga pagtingin-tingin niya kay Aubrey.”
Napangiti si Mirabella, “Don’t worry, sobra ang galit nun kay Aubrey. Mas matindi ang nararamdaman niyang galit kaya I don’t think dapat tayong mabahala sa kanya. So far, malinis naman ang lahat ng mga plano natin. But let’s not be too complacent, lalo na kay Aubrey. Hindi ko pa nga pala nasabi sa inyong itinatanong niya kung nasaan na raw ang birth mark ko sa binti ko.”
Kumunot ang nuo ni Devorah, “Anong sinagot mo?”
“Sabi ko, ipinatanggal ko. Madali na lang namang lusutan iyon. Pinagtatakhan ko lang na all of a sudden, naalala niya ang tungkol dun.”
Nagkatinginan sina Hector at Devorah.
“Pinagtatakhan ko rin na bigla-bigla, naisipan nyang bumukod,” dagdag pa ni Mirabella. “Why? At saka ‘Ma, nalaman kong nakipagkita sya last week kay Yuri. Mabuti na lang, galit na galit pa rin sa kanya si Yuri. By the way, iyong bestfriend nyang si Jenny, are you sure wala na silang communication ng babaeng iyon?”
“Nadispatsa ko na ang babaeng yun,” sagot ni Devorah.
“Are you sure, Ma?” Paniniyak ni Mirabella. Si Jenny ang naka-witness nang isakay ni Hector sa kotse nito nang walang malay si Aubrey. “Alalahanin ninyo, sya ang kaisa-isang witness sa ginawa natin.”
“Malinis magtrabaho ang mga inutusan ko kaya wala tayong dapat na ipag-alala tungkol duon,” sagot ni Devorah sa kanya.
“Si Mommy, ayaw akong tigilan sa paghingi ng pera,” daing ni Hector, “Sobra-sobra na ang panggagatas niya sa akin. Kung pwede nga lang, ipadispatsa ko na rin ang matandang iyon!”
Sabay na napatingin sina Devorah at Mirabella kay Hector.
“K-kaya mong ipapatay ang sarili mong ina? Ang kapatid ko?” Hindi makapaniwalang tanong ni Devorah dito.
“Kung masyado na syang nagiging pabigat, why not?” Walang kagatol-gatol na sagot dito ni Hector. Napangisi si Mirabella, “Gagawin mo talaga ang lahat para kay Aubrey?”
Tumiim ang pagkakatitig ni Hector kay Mirabella, “Bakit, hindi ba ganun ka rin naman kay Anthony?” sita nito sa kanya.
Nagkibit ng balikat si Mirabella. “Sabagay. . .kaya nga magpinsan tayo eh,” bumubungisngis na sabi niya dito.
PAGKATAPOS MAKAHANAP NG BAGONG apartment na malilipatan ay nagpasya si Aubrey na mamili ng mga gamit na kakailanganin niya para sa kanyang bagong bahay. Hindi na siya mapipigilan pa. Actually, may halong excitement itong pagsasarili niya. Bukas naman ay magsisimula na siyang maghanap ng mapapasukang trabaho.
Mabuti na iyong malayo siya sa mansion. At least ay may dahilan para maiwasan niya ang pagkikita nila ni Anthony. Sumasakit lang ang dibdib niya kapag nakikita niya ito kasama ng kanyang Ate Lindsay.
Nasa appliances department siya nang mamataan niya ang isang nakapaskel na karatula duon. Nangangailangan daw ng clerk ang kompanyang iyon. Mabilis niyang kinuha ang detalyeng nakasulat duon. Kahit anong trabaho ay willing siya basta legal at disente. Wala naman siyang gaanong working experience para maging choosy pa siya. Pagka-graduate niya ng college ay niyaya na siyang pakasal ni Anthony kaya nahinto ang paghahanap niya nuon ng trabaho.
Ang huling naging trabaho niya ay sa isang fastfood chain bilang crew duon bago siya pinag-resign ni Anthony. Natahimik na naman siya nang maalala ang binata. Pilit niyang inaalala ang naging dahilan kung bakit niya ito tinalikuran at piniling sumama kay Hector sa Amerika ngunit kahit anong gawin niya, wala talaga siyang matandaan.
Ang sigurado lang niya, hindi niya ito ipagpapalit kay Hector. Pero bakit niya nagawang sumama dito sa araw mismo ng kasal nila ni Anthony? Isang malaking palaisipan iyon hanggang ngayon sa kanya. Palabas na siya ng department store nang mamataan niya si Anthony kasama ng ina nito. Kaagad siyang umiwas ng tingin sa mga ito. Hindi pa siya handang makausap ang ina nito lalo at hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa lahat ng mga kasalanang ginawa niya.
Pero huli na ang ginawa niyang pag-iwas dahil nakita na siya ni Tita Joan.
“Well, well, well. . .talaga nga palang maliit lang ang mundo, ano?” Sabi nito habang lumalapit patungo sa kinaroroonan niya. Namula ang kanyang mga pisngi lalo pa at napadako ang tingin ng mga meron sa kanila.
Nakita niyang hinawakan ito sa braso ni Anthony, “Ma. . .”
Bumaling ang matandang babae sa anak, “Pabayaan mo lang ako anak. Hindi ako makakatulog hangga’t hindi ko naiilabas ang galit ko sa babaeng ito,” sabi nito kay Anthony saka muli siyang hinarap, “Dito ka pa talaga sa department store namin namamasyal ha?”
Napakurap-kurap siya.
Nawala sa isip niya na pag-aari nga pala ng mga Montejar ang malaking department store na ito.
“Bakit, iniisip mo bang makakalibre ka dito?”
“Tita Joan. . .” halos paanas lamang na panimula niya, napatungo sya sa sobrang hiyang nararamdaman, “I’m sorry. . .” tuluyan na siyang napaiyak.
“Huwag mo akong daanin sa kadramahan mo,” galit na sabi nito sa kanya, “At huwag ka ng makatuntong pa sa kahit na anong property namin dahil baka mag-akyat ka lang ng kamalasan!”
Napakagat labi siya. Nag-angat siya ng mukha, punong-puno ng pagpapakumbaba ang kanyang mga mata habang humihingi ng tawad dito, “Hindi ko po sinasadyang saktan kayo.”
Isang malakas na sampal ang pinakawalan nito.
“Kulang pa ang buhay mo sa lahat ng kahihiyang ibinigay mo sa amin ng pamilya ko!” Nanggigigil sa galit na sigaw nito sa kanya saka lumingon sa guard, “Kaladkarin nyo na palabas ang babaeng ito at huwag na huwag nyong hahayaang makapasok muli!” Utos nito, ramdam niya ang poot at pagkasuklam habang binibigkas ang bawat salita.
Inalalayan sya ng guard palabas ng gusali.
Iyak siya ng iyak. Kung nasaktan ang mga ito sa nangyari, mas higit ang sakit na nararamdaman niya dahil itinuring niyang parang isang tunay na pamilya ang mga ito.
TAHIMIK LANG SI ANTHONY habang nagsasalita ang kanyang ina. Nasa loob na sila ng sasakyan at ihahatid na niya ito pauwi sa bahay. Pinagsisihan niyang naisama pa niya ito ngayon para yayaing manuod sila ng sine. Hindi naman kasi niya inaasahang makikita nila duon si Aubrey.
Hindi niya masisisi ang ina sa naging asal nito kanina. Natural lamang na magalit ito ng husto lalo pa at itinuring nitong hindi na iba si Aubrey. Sabagay, buong pamilya niya, tinanggap ng buong-buo si Aubrey. In fact botong-boto nga ang mga ito sa dalaga.
Kaya di siya magtataka kung ganuon na lamang katindi ang galit ng mga ito ngayon kay Aubrey. Nasaktan rin ang mga ito.
Ni sa hinagap, walang mag-aakalang gagawin iyon ni Aubrey sa kanya. Saksi ang kanyang pamilya sa matindi nilang pagmamahalan.
May pait sa mga labing napangiti siya. Siya nga lamang pala ang totoong nagmahal dahil ang naramdaman ni Aubrey para sa kanya ay isang pagbabalatkayo lamang.
“Mabuti na lang, nandyan si Lindsay, napakabait saiyo. Naku, kung hindi sa kanya, baka hanggang ngayon ay nilulunod mo pa rin ang sarili mo sa alak,” sabi ni Ginang Joan. Nasa pagmamaneho lang ang focus ng kanyang mga mata, kahit ang totoo, hindi mawala sa utak niya ang itsura kahina ni Aubrey habang kinakaladkad ng guard palabas ng mall.
Ang totoo, kanina ay parang gusto niyang maawa dito.
Mabuti na lamang at napigilan niya ang kanyang sarili.
Hindi dapat kinakaawaan ang walang konsensyang kagaya ng babaeng iyon. Nang maihatid sa bahay ang ina ay mabilis na siyang umuwi sa kanilang bahay. Nangangamoy ang masarap na niluto ni Lindsay sa buong kabahayan nang pumasok siya sa loob.
“Kumusta ang date ninyong magnanay?” Nakangiting tanong nito sa kanya, “Nag-enjoy ba kayo?”
Tumango lang siya at dumiretso na sa loob ng kuwarto. Nakasunod pa rin si Lindsay sa kanya. Four bedroom-bungalow type lang ang bahay nila na nasa isang mamahaling subdibisyon dito sa Makati. Bahay ito dati ng Lola Beatrice niya. Nang mamatay ito ay siya na ang umukupa sa bahay na ito. May mansion siya sa Quezon City. Ipinatayo niya iyon nuong magkasintahan pa sila ni Aubrey. Ang plano sana nila, duon sila maninirahan pagkatapos ng kanilang wedding. Na hindi na nga nangyari kung kaya’t ang care taker na lamang niya ang nangangasiwa duon. Ni hindi nga niya magawang silipin ang bahay na iyon.
Siguro ay dahil silang dalawa ni Aubrey ang magkasamang namili ng mga gamit duon. Si Aubrey rin ang nagdesenyo ng bahay kaya bumibigat lang ang dibdib niya kapag nagpupunta siya duon. Hangga’t maari ay gusto na niyang makalimutan ang lahat ng bagay na may kinalaman kay Aubrey.
And yet parang tukso namang bumabalik na naman ito sa buhay niya.
Damn.
Damn.
Damn.
Pumasok siya sa loob ng banyo at tiniyak niyang nakakandado ang pinto niyon para hindi na siya masundan pa duon ni Lindsay. Ewan ba niya kung bakit nakakaramdam siya ng pagkairita. Nagi-guilty nga siya. Ayaw niyang mapagbuntunan ito ng nararamdaman niyang galit kaya mas mabuting umiwas na lamang siya dito.
Napaka-unfair naman kung kay Lindsay niya ibubunton ang galit na nararamdaman niya para kay Aubrey gayong wala naman itong kinalaman sa ginawa ng kapatid. In fact, tama ang Mommy niya. Kung hindi dahil kay Lindsay, baka hanggang ngayon ay nagpapakalunod pa rin siya sa alak.
Si Lindsay ang gumising sa kanya para bumalik ang kanyang mga senses. Iyong mga encouragement nito ang naging dahilan para unti-unti ay makabangon siyang muli. Palagi nitong ipinapaalala sa kanya na kung nagawa ni Aubrey na sumama kay Hector, magagawa rin niyang kalimutan ito.
Sabi pa nito, pagtatawanan lamang siya ni Aubrey kapag nalaman nitong hindi siya makapag-move on sa babaeng iyon.
Of course, hindi niya gugustuhing mapagtawanan ng babaeng lumuko sa kanya. Hindi niya ito bibigyan ng satisfaction na makita siyang bigo at kaawa-awa matapos nitong talikuran sa araw ng kanilang kasal.
Hah, hindi lang ito ang babae sa mundo!
He is Anthony Montejar!
Hindi nga ba at bago pa man niya makilala si Aubrey, kilala siya bilang isang matinik sa tsiks? At hindi naman sa pagmamayabang, maraming mga babaeng nagkakandarapa sa kanya.
NAMUMUGTO ang mga mata ni Aubrey nang lumabas siya ng kuwarto,magdamag kasi niyang iniyakan ang mga sinabi sa kanya ni Tita Joan. Bitbit na niya ang isang malaking maleta pababa. Pagpanaog niya, nakaabang na si Devorah.
“Talaga bang hindi ka na mapipigilan, ha iha?” Malumanay ang boses na tanong nito sa kanya, “Bakit ba gusto mo pang bumukod ng bahay eh ang laki-laki naman nitong mansion. Saka sa inyo naman ito ni Lindsay kapag namatay ako.”
Hindi siya umimik.
“Palagi mo akong papasyalan dito ha?” Sabi nitong akmang yayakapin siya ngunit mabilis syang umiwas. “Hanggang ngayon, hindi mo pa rin ba ako natatanggap bilang ina mo?”
“Alam nyo naman pong kahit matagal nang wala si Mommy, hindi ko siya mapapalitan,” matapat na sabi niya rito.
“Ang sakit mo namang magsalita. Napilay na nga ang kapatid mo dahil dyan sa ugali mong yan,” paalala nito sa kanya.
Bigla siyang na-guilty. Naalala na naman niya ang nangyari sa kapatid.
Tumindig siya ng tuwid at tumingin dito ng diretso, “Devorah, maari ko bang makuha iyong mga lumang albums namin? Hinahanap ko kasi sa library, hindi ko na makita.”
“Ha? Hindi pa ba nasabi ni Lindsay saiyo na nuong nagparenovate sya nitong bahay, itinapon na niyang lahat ng mga albums dahil kinain ng anay.”
“Ganuon ho ba? Iyong family pictures namin kasama ni Mommy, don’t tell me kinain rin iyong ng anay, sa pagkakaalam ko, nakalagay iyon sa picture frame. Hindi rin naman siguro iyon ipapatapon ni Ate Lindsay?”
GINISING ng isang masamang panaginip si Aubrey kung kaya't hindi na siya muling dalawin pa ng antok. Bakit ba palagi na lamang niyang napapanaginipan ang Ate Lindsay niya na humihingi ng tulong sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nanaginip ng ganon samantalang safe naman ang 'Ate Lindsay' niya sa piling ni Anthony. Swerte ring hindi naman naapektuhan ang ipinagbubuntis nito sa nangyari. Kung nagkataon ay hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.Ipinagtanggol siya ng kapatid niya kay Hector ngunit ito pa ang napahamak. Hindi niya masisisi si Anthony kung mapag-isipan man siya nito na napaka-selfish niya. Bumangon siya at uminom ng tubig. Miss na miss na niya si Anthony.Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit nauulit na naman ang mga pangyayari. Damn. Bakit ba hindi siya nakahalata sa mga ginagawang ito ni Hector? Hindi na lamang pagdududa ito, alam niyang may ginagawang masama ang lalaking iyon sa kanya kung kaya't bigla na lamang siyang nawawala sa k
NAKAHINGA nang maluwag si Lindsay nang maya-maya ay lumabas na rin ang doktor sa kwarto niya. Kailangang matiyak muna niya na wala na ito sa hallway bago siya lumabas. Pero paano ba niya iyon gagawin? Tumatakbo ang oras.11:40May ilang minuto pa siya para makalabas dito sa loob ng ospital. Saktong 11:50 muli niyang kinuha ang susi ng kwarto at ipinasok iyon sa lock. Natataranta siya at nagpapanic kaya makailang beses siyang huminga nang malalim bago tuluyang buksan ang lock niyon. Pinakalma niya ang sarili at pasimpleng naglakad sa hallway patungo sa likuran.Ang bilis-bilis ng pintig ng puso niya habang naglalakad. Kung pwede nga lang ay tumakbo na siya. Bahagya pa siyang tumutungo kapag may nasasalubong siya. Hindi siya pwedeng mamukhaan ng kahit na sino.Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyang makalabas sa likuran ng ospital. Mula sa may pinto ay natanawan na niya si Mia, kumakaway sa kanya. Tumakbo na siya sa kinaroroonan nito. Naiiyak na niyakap siya ni Mia."God,
PASIMPLENG iniabot ni Mia kay Lindsay ang susi na ninakaw niya mula kay Dr. Bonifacio. Kinausap na niya ang kaibigan niyang si Gerald para tulungan siya nitong maitakas nila si Lindsay. Nakapagplano na rin sila ni Lindsay kung saan niya ito aabangan at kung anong oras.Mula sa likuran, bandang alas-dose ng hatinggabi, halos tahimik na ang ospital at kakaunti na ang mga tao, duon dadaan si Lindsay. Palihim na rin niya itong binigyan ng damit na pampalit, pati make up at nang walang makahalata na isa ito sa mga pasyente duon.Kinakabahan siya ngunit hindi siya matatahimik kung alam niyang may isang taong nagdurusa at may kakayahan naman siyang tumulong. Hindi siya mananatiling bulag sa katotohanan lalo pa at alam niyang illegal detention ang ginagawa ni Dr. Bonifacio kay Lindsay.Bahala na.Alam niyang papatnubayan sila ng Diyos lalo pa at hindi naman mali ang ginagawa niya. Nangako rin siya kay Lindsay na tutulungan niya itong makamit ang hustisya.Samantala ay hindi na makapaghin
HABANG NAKAHIGA ay paulit-ulit na inaanalisa ni Aubrey ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang buhay. Bakit gustong sirain ni Hector ang buhay niya? Nang araw ng kanyang kasal, may ipinainom ba ito sa kanya kung kaya't naisama siya nito sa kung saan at wala siyang kahit na anong maalala? Kinilabutan siya sa mga naiisip.Hindi siya dalawin ng antok. Maraming gumugulo sa utak niya. Doctor si Hector kaya hindi imposible ang hinala niya tungkol dito. Bumangon siya at kinuha ang kanyang cellphone para magresearch tungkol sa lalaki. At si Jenny? Kailangang mahanap niya ang kaibigan dahil baka may alam ito sa totoong nangyari sa kanya ng araw na iyon. Natatandaan niyang ito ang kasama niya ng araw na iyon. Ngunit saan ba niya hahanapin ang kanyang kaibigan?Saan siya mag-uumpisa? Kumuha siya ng tubig sa fridge. Nasa malayong lugar na siya at hindi na siya masusundan pa dito ni Hector. Not unless palihim siya nitong minamatyagan. Kinilabutan siya. Muli niyang tsinek ang mga binta
NAG-USAP NA SINA MIRABELLA at Hector kung kaya't alam na nitong nandito siya ngayon sa condo unit ng kapatid. Pasimple niya itong hinudyatan thru text na umakyat na rin habang naririto siya para maisagawa ang susunod na hakbang nila nang sa gayon ay tuluyan nang magalit si Anthony kay Aubrey at hindi na ito mapatawad pa kahit na kailan.Ilang sandali pa ay narinig na niyang kumakatok sa pinto si Hector. Nilingon niya si Aubrey, "May ini-expect ka bang bisita? Or baka si Anthony yan at. . ." di na niya tinapos ang sasabihin, pinagbuksan niya ang kumakatok. Kunway nagulat pa siya nang makita duon si Hector, "Anong ginagawa mo dito, Hector?" Tanong niya saka nilingon si Aubrey, "Totoo nga palang hindi mo pa rin hinihiwalayan si Hector!" Sumbat niya sa dalaga."Hindi totoo yan!" Mariing tanggi ni Aubrey saka galit na hinarap si Hector, "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sabi ko tigilan mo na ako?"Kunwa'y galit rin siya kay Hector nang harapin ito, "Bakit ba ginugulo mo ang buhay ni Aub
DINATNAN SIYA ng 'Ate Lindsay' niya na nag-iimpake na ng kanyang mga gamit. Namumugto ang kanyang mga mata at ang laki na rin ng inihulog ng katawan niya dahil halos hindi na siya kumakain sa labis na depression na nararamdaman. Buong akala niya ay magiging masaya na siya sa piling ni Anthony ngunit muli ay nasira iyon dahil kay Hector."Kung hindi ako mapapatawad ni Anthony, mabuti pang magpakalayo-layo na lang ako, ate." aniya dito. "K-kumusta na nga pala siya?"Nagkibit ito ng balikat, "Ayun, galit na galit pa rin saiyo.""Ate, maniwala ka sana sa akin. May ginagawa sa akin si Hector kaya parang napapasunod ako sa kanya," sabi niya sa 'kapatid.'"Aubrey, pwede ba, huwag mo akong pagmukhaing tanga. Alam naman natin ang totoo," sagot nito sa kanya, "Sayang. Handa na akong magparaya para sa kaligayahan mo. Sa kaligayahan ni Anthony. Iyon naman pala, sasaktan mo lang siya.""Ate, pati ba naman ikaw, naniniwala kang niloloko ko si Anthony?" Tanong niya sa kapatid."Anong gusto mon







