แชร์

CHAPTER 7

ผู้เขียน: Michelle Vito
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-06 12:59:28

“AH, NAKU, hindi ko na maalala.  Baka natapon na rin ng mga maids nung nagpa-general cleaning ako. Alam mo naman ang mga katulong, minsan hindi na nagtatanong, basta kung anong maisipang itapon, tinatapon na lang.” Sagot ni Devorah, “By the way, tumawag si Joan at nakwento sa akin na nagpangita kayo sa loob ng kanilang mall. Galit na galit nga.  Ang kapal daw ng mukha mong tumuntong sa pag-aari nila.  Naku, hindi ka na siguro mapapatawad ni Joan.  Sabagay, napakalaki naman kasi ng kasalanang nagawa mo.”

Hindi siya makaimik.

“Kaya iha, kung ako saiyo, ikaw na lang ang magpapasensya, tutal ay kasalanan mo naman ang lahat. Saka bakit sa dinami-dami ng lugar na pwede mong puntahan, duon ka pa nagpunta?”

“Nakalimutan ko hong sa mga Montejar pala ang property na iyon,” sagot ni Aubrey.  Bigla siyang natigilan nang mapansin ang suot na bracelet ni Devorah, “Kay Mommy yan, hindi ba?” tanong niya dito.

“Ha eh. . .”

“Pwede ko ho bang makuha ang bracelet na yan?” Sabi niya.

“Naku, pati ba naman itong bracelet, ginagawa mo pang malaking issue,” nakasimangot nitong hinubad ang suot na bracelet at padarag na iniabot sa kanya, “Oh!” Kulang na lang ay sabihin nitong i*****k mo yan sa baga mo.

Pero di na lamang niya pinansin ang pagmamaktol nito.  Itinago niya ang bracelet ng kanyang Mommy sa loob ng kanyang bag.  Naalala niya, pare-pareho silang tatlo na may ganitong bracelet.  Iyong sa kanya, hanggang ngayon ay nakatago pa.  Masyado nang maliit sa kanya kaya hindi na niya maisuot.  Iyong sa Ate Lindsay kaya niya, itinago rin ba nito?

May kanya-kanyang mga initials iyon kaya namukhaan kaagad niya nang makitang suot ni Devorah. Nawala na ito sa mood kung kaya’t kaagad na siyang tinalikuran.  Tahimik siyang naglakad palabas ng bakuran.  Nakapag-book na siya ng taxi kaya nasa may gate na iyon nang lumabas siya.  Kanina pa siya tinatawagan ni Hector ngunit hindi niya sinasagot ang mga tawag nito.

Nag-message lang siya dito na bigyan muna siya nito ng space.

Gusto muna niyang mapag-isa.

Ni hindi nga niya sinabi dito o kahit na kanino ang bago niyang lilipatan.  Maraming mga bagay ang gumugulo sa utak niya.

Kagaya nang bakit hindi man lamang niya maalala ang araw na tumanan siya kasama ni Hector.

Ang tanging naalala lang niya ay iyong excitement nuong gabi bago ang ‘wedding day’ nila ni Anthony.  Kung si Hector ang talagang mahal niya, bakit siya nakaramdam ng excitement bago ang ‘araw’ na iyon?

At bakit parang bumabaligtad ang sikmura niya sa tuwing marerealize na ang Ate Lindsay na niya ang nakatuluyan ni Anthony.

At bakit hanggang ngayon, malinaw pa rin sa kanyang kamalayan ang pakiramdam na makulong sa matitipunong mga bisig ni Anthony? In fact, hinahanap-hanap niya ang sensasyong dinudulot niyon sa kanya.  God, miss na miss na niya ito.

Kailangan niyang malaman ang puno’t dulo ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa buhay niya ngayon dahil sa pinakatagong bahagi ng puso niya, alam niya at natitiyak niyang kahit na kailan ay hindi niya magagawang pagtaksilan si Anthony.

Ngunit saan siya magsisimula?

Malinaw naman na kusang loob siyang sumama kay Hector patungo sa Amerika.

At malinaw rin sa kanyang alaala na kahit na kailan, hindi naman siya pinagtangkaan ng masama ni Hector.  Inirerespeto siya nito at kahit na may chance naman na pagsamantalahan nito ang kanyang kahinaan ay hindi nito ginawa.

Ni halik nga sa mga labi ay hindi siya nito napilit dahil ayaw niya.  Nasa loob na siya ng taxi nang tawagan siya ng kanyang Ate Lindsay.

“Hindi mo raw sinasagot ang tawag ni Hector. Nag-aalala na sya saiyo.”

“I’m fine. Gusto ko lang mapag-isa.” sagot niya sa kapatid.

“Tinawagan ko si Mama Dev, sabi nya kaalis-alis mo lang, bitbit mo raw iyong malaking maleta. Don’t tell me talagang bubukod ka na?”

“Ate, naguguluhan ako. Hayaan mo na lang ako sa desisyon kong ito,” sabi niya sa kapatid.

“Pati ba naman sa akin, hindi mo sasabihin kung saan ka titira?” Ramdam niya ang pagdaramdam sa boses nito.

Naguilty siya.  Matagal ring naging malayo ang loob nila sa isa’t-isa dahil nilagyan nila pareho ng malaking pader ang pagitan nila.  At ngayong pinipilit ng Ate Lindsay niya na ibalik ang dati nilang relasyon, siguro it’s about time na buwagin na nila ang malaking pader na iyon.

“Ate, sa Fairview ako nakakuha ng apartment ko. Itetext ko na lang saiyo iyong complete address ko.” Sabi niya rito.

Narinig niyang huminga ito ng malalim.

“Hwag kang mag-alala, kung ayaw mong ipaalam ko kahit kanino ang apartment mo, wala akong pagsasabihan.” pagbibigay assurance nito sa kanya.

“Salamat, Ate.” aniya dito. Kahit na paano ay gumaan ang pakiramdam niya.

PADARAG na nahiga sa kama si Anthony.  Marami siyang nainom dahil hindi niya tinitigilan ang bote ng alak hangga’t hindi niya iyon nauubos.  Ni hindi nga niya ginalaw ang mga pagkaing inihanda ni Lindsay sa kanya.  Pagkatapos uminom ay dumiretso kaagad siya sa kama.

Naramdaman niyang hinuhubad ni Lindsay ang suot niyang pantalon.  Hindi siya umiimik.  Pumikit siya nang maramdaman ang tuwalyang dumampi sa kanyang katawan.  Ganito lang palagi si Lindsay kapag nalalasing siya.

Tahimik lang siya nitong nililinisan, ni wala siyang naririnig na kahit na anumang reklamo mula dito. Ni hindi siya binubungangaan.

She is too good to be true for him.  Ginagawa nito ang lahat para maging isang mabuting asawa and yet ano ba itong isinusukli niya?

Hindi ba dapat it’s about time na pag-ukulan naman niya ito ng pansin lalo pa at magkakaanak na sila? Nagmulat siya ng mga mata at napatitig siya sa mukha ni Lindsay.

“Bakit ka nagtitiis?” Tanong niya dito.

Parang nagtaka pa ito sa tanong niya, “Ano ba namang klaseng tanong yan? Syempre, asawa kita at mahal kita,” malumanay nitong sagot sa kanya.

Gusto niyang suntukin ang sarili.

Gago nga yata siyang talaga.

Kinabig niya ito at hinalikan.  Ginantihan naman siya nito ng maiinit na mga halik.  Pero bakit ganuon? Bakit si Aubrey ang pumapasok sa utak niya ng mga sandaling ito?

Shit.

Dahan-dahan siyang humiwalay kay Lindsay.  Tahimik lang siyang bumaling pakaliwa, paiwas sa mukha nito dahil hindi niya ito kayang tingnan ng mata sa mata. Nahihiya siyang mabasa nito ang totoo niyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

Wala naman siyang narinig na kahit na ano mula dito.  Ni hindi siya nito sinumbatan, bagkus ay itinuloy lang nito muli ang ginagawa nitong paglilinis sa katawan niya.  Nag-iinit ang kanyang mga mata.  Pinipigilan niyang pumatak ang kanyang mga luha.  Nakakahiyang makita nitong naghihinagpis pa rin siya hanggang ngayon sa isang babaeng kahit na kailan ay hindi naman pinahalagahan ang damdamin niya.

PAGKATAPOS NIYANG LINISAN AT BIHISAN NG DAMIT PANTULOG si Anthony ay nagkulong sa loob ng banyo si Mirabella at duon niya pinakawalan ang lahat ng poot at galit na nararamdaman niya para sa babaeng kahit na anong gawin niya ay hindi niya magawang burahin sa puso at isipan ni Anthony.  Ano pa ba ang kailangan niyang gawin?

Kahit na nahihirapan na siya, kahit madalas ay gusto na niyang magalit ay pinipigilan niya ang kanyang sarili, umaasang isang araw, mababaling rin sa kanya ang pag-ibig ni Anthony.  Hirap na hirap na siyang magkunwari.

Para naman kasing nag-aaksaya lang siya ng kanyang oras kay Anthony.

Gusto nang kumawala ng totoong ugali niya.  Nahihirapan na siya sa kanyang pagbabalatkayo.  “Putang ina mo kang Aubrey ka! Mamatay ka na sanang hayup ka!  Ano bang meron ka at hindi ka magawang kalimutan ni Anthony? Mahal na mahal ko sya. . .” Napaluha na siya, tumayo siya mula sa pagkakalugmok  niya  sa sahig at tinitigan ang salamin.

Hindi naman siya pangit para hindi magustuhan ni Anthony. Oo, napakaganda ni Aubrey kumpara sa kanya. Pero mas matangkad siya kaysa kay Aubrey. Malalaki ang kanyang mga boobs.  Mas maputi rin siya kaysa dito.  At saka kapag naayusan siya ng husto, papasa talaga siyang ang tunay na si Lindsay.

Ngunit bakit si Aubrey pa rin ang mahal ni Anthony.

Bakit hindi nito magawang mamuhi kay Aubrey nang tuluyan?

Hindi ba dapat magalit ito ng todo kay Aubrey dahil sa mga nangyari?  And yet, ramdam na ramdam niya, sa bawat paglalapat ng kanilang mga labi, si Aubrey ang isinisigaw ng damdamin nito.  Sana man lang, umakting man lang si Anthony tuwing kasama siya para hindi siya gaanong nasasaktan.  Pero hindi eh.

Ipinararamdam talaga nito sa kanya na wala siyang kwentang babae.

Na hindi siya karapat-dapat bilang replacement sa pwestong inuukupahan ni Aubrey sa puso nito!

“Isinusumpa kong hinding-hindi ka mababawi ni Aubrey sa akin. I’ll do everything para tuluyan mo na siyang makalimutan!”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 48

    GINISING ng isang masamang panaginip si Aubrey kung kaya't hindi na siya muling dalawin pa ng antok. Bakit ba palagi na lamang niyang napapanaginipan ang Ate Lindsay niya na humihingi ng tulong sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nanaginip ng ganon samantalang safe naman ang 'Ate Lindsay' niya sa piling ni Anthony. Swerte ring hindi naman naapektuhan ang ipinagbubuntis nito sa nangyari. Kung nagkataon ay hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.Ipinagtanggol siya ng kapatid niya kay Hector ngunit ito pa ang napahamak. Hindi niya masisisi si Anthony kung mapag-isipan man siya nito na napaka-selfish niya. Bumangon siya at uminom ng tubig. Miss na miss na niya si Anthony.Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit nauulit na naman ang mga pangyayari. Damn. Bakit ba hindi siya nakahalata sa mga ginagawang ito ni Hector? Hindi na lamang pagdududa ito, alam niyang may ginagawang masama ang lalaking iyon sa kanya kung kaya't bigla na lamang siyang nawawala sa k

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 47

    NAKAHINGA nang maluwag si Lindsay nang maya-maya ay lumabas na rin ang doktor sa kwarto niya. Kailangang matiyak muna niya na wala na ito sa hallway bago siya lumabas. Pero paano ba niya iyon gagawin? Tumatakbo ang oras.11:40May ilang minuto pa siya para makalabas dito sa loob ng ospital. Saktong 11:50 muli niyang kinuha ang susi ng kwarto at ipinasok iyon sa lock. Natataranta siya at nagpapanic kaya makailang beses siyang huminga nang malalim bago tuluyang buksan ang lock niyon. Pinakalma niya ang sarili at pasimpleng naglakad sa hallway patungo sa likuran.Ang bilis-bilis ng pintig ng puso niya habang naglalakad. Kung pwede nga lang ay tumakbo na siya. Bahagya pa siyang tumutungo kapag may nasasalubong siya. Hindi siya pwedeng mamukhaan ng kahit na sino.Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyang makalabas sa likuran ng ospital. Mula sa may pinto ay natanawan na niya si Mia, kumakaway sa kanya. Tumakbo na siya sa kinaroroonan nito. Naiiyak na niyakap siya ni Mia."God,

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 46

    PASIMPLENG iniabot ni Mia kay Lindsay ang susi na ninakaw niya mula kay Dr. Bonifacio. Kinausap na niya ang kaibigan niyang si Gerald para tulungan siya nitong maitakas nila si Lindsay. Nakapagplano na rin sila ni Lindsay kung saan niya ito aabangan at kung anong oras.Mula sa likuran, bandang alas-dose ng hatinggabi, halos tahimik na ang ospital at kakaunti na ang mga tao, duon dadaan si Lindsay. Palihim na rin niya itong binigyan ng damit na pampalit, pati make up at nang walang makahalata na isa ito sa mga pasyente duon.Kinakabahan siya ngunit hindi siya matatahimik kung alam niyang may isang taong nagdurusa at may kakayahan naman siyang tumulong. Hindi siya mananatiling bulag sa katotohanan lalo pa at alam niyang illegal detention ang ginagawa ni Dr. Bonifacio kay Lindsay.Bahala na.Alam niyang papatnubayan sila ng Diyos lalo pa at hindi naman mali ang ginagawa niya. Nangako rin siya kay Lindsay na tutulungan niya itong makamit ang hustisya.Samantala ay hindi na makapaghin

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 45

    HABANG NAKAHIGA ay paulit-ulit na inaanalisa ni Aubrey ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang buhay. Bakit gustong sirain ni Hector ang buhay niya? Nang araw ng kanyang kasal, may ipinainom ba ito sa kanya kung kaya't naisama siya nito sa kung saan at wala siyang kahit na anong maalala? Kinilabutan siya sa mga naiisip.Hindi siya dalawin ng antok. Maraming gumugulo sa utak niya. Doctor si Hector kaya hindi imposible ang hinala niya tungkol dito. Bumangon siya at kinuha ang kanyang cellphone para magresearch tungkol sa lalaki. At si Jenny? Kailangang mahanap niya ang kaibigan dahil baka may alam ito sa totoong nangyari sa kanya ng araw na iyon. Natatandaan niyang ito ang kasama niya ng araw na iyon. Ngunit saan ba niya hahanapin ang kanyang kaibigan?Saan siya mag-uumpisa? Kumuha siya ng tubig sa fridge. Nasa malayong lugar na siya at hindi na siya masusundan pa dito ni Hector. Not unless palihim siya nitong minamatyagan. Kinilabutan siya. Muli niyang tsinek ang mga binta

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 44

    NAG-USAP NA SINA MIRABELLA at Hector kung kaya't alam na nitong nandito siya ngayon sa condo unit ng kapatid. Pasimple niya itong hinudyatan thru text na umakyat na rin habang naririto siya para maisagawa ang susunod na hakbang nila nang sa gayon ay tuluyan nang magalit si Anthony kay Aubrey at hindi na ito mapatawad pa kahit na kailan.Ilang sandali pa ay narinig na niyang kumakatok sa pinto si Hector. Nilingon niya si Aubrey, "May ini-expect ka bang bisita? Or baka si Anthony yan at. . ." di na niya tinapos ang sasabihin, pinagbuksan niya ang kumakatok. Kunway nagulat pa siya nang makita duon si Hector, "Anong ginagawa mo dito, Hector?" Tanong niya saka nilingon si Aubrey, "Totoo nga palang hindi mo pa rin hinihiwalayan si Hector!" Sumbat niya sa dalaga."Hindi totoo yan!" Mariing tanggi ni Aubrey saka galit na hinarap si Hector, "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sabi ko tigilan mo na ako?"Kunwa'y galit rin siya kay Hector nang harapin ito, "Bakit ba ginugulo mo ang buhay ni Aub

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 43

    DINATNAN SIYA ng 'Ate Lindsay' niya na nag-iimpake na ng kanyang mga gamit. Namumugto ang kanyang mga mata at ang laki na rin ng inihulog ng katawan niya dahil halos hindi na siya kumakain sa labis na depression na nararamdaman. Buong akala niya ay magiging masaya na siya sa piling ni Anthony ngunit muli ay nasira iyon dahil kay Hector."Kung hindi ako mapapatawad ni Anthony, mabuti pang magpakalayo-layo na lang ako, ate." aniya dito. "K-kumusta na nga pala siya?"Nagkibit ito ng balikat, "Ayun, galit na galit pa rin saiyo.""Ate, maniwala ka sana sa akin. May ginagawa sa akin si Hector kaya parang napapasunod ako sa kanya," sabi niya sa 'kapatid.'"Aubrey, pwede ba, huwag mo akong pagmukhaing tanga. Alam naman natin ang totoo," sagot nito sa kanya, "Sayang. Handa na akong magparaya para sa kaligayahan mo. Sa kaligayahan ni Anthony. Iyon naman pala, sasaktan mo lang siya.""Ate, pati ba naman ikaw, naniniwala kang niloloko ko si Anthony?" Tanong niya sa kapatid."Anong gusto mon

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status