Share

Chapter 27

Author: Supremo
last update publish date: 2026-10-11 10:41:44

Napahawak ako ng mariin sa doorknob. Dahan-dahan kong binuksan ang pint0 at pumasok sa loob.

Malawak ang opisina. May malaking desk sa harap ng floor-to-ceiling windows, ilang leather chairs, at mga librong nakahanay nang maayos sa cabinet. May mga dokumentong magkapatong-patong sa gilid ng mesa, at sa likod nito ay may isang lalaking nakatalikod habang malalim na nakatingin sa tanawin ng lungsod.

“Good morning, sir,” bati ko, tinatatagan ang boses at baka mapansin niyang nanginginig.

Ewan ko,
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Paid Affair with My Bestfriend's Daddy   Chapter 67

    Sinubukan kong huminga nang malalim, pero parang hindi sapat ang hangin sa paligid ko."Lorie?" May narinig akong boses sa malayo.Hindi ko alam kung sino iyon. Sinubukan kong tumayo nang tuwid, pero nang humakbang ako, biglang nanghina ang mga tuhod ko.Bumagsak ang payong mula sa kamay ko. Kasunod niyon, bumigay ang mga tuhod ko."Lorie!"Sa huling sandali bago tuluyang dumilim ang paningin ko, may naramdaman akong humawak sa braso ko, pero hindi ko na nakita kung sino iyon.Ang huling naisip ko ay kung gaano ako kapagod. Pagod na pagod na akong patunayan ang sarili ko sa taong hindi na naniniwala sa akin.Sana, paggising ko, hindi na ganito kasakit ang mahalin ka, Razon."Miss Mendoza!"Nang marinig ni Razon ang sigaw ng hotel staff, napalingon siya mula sa elevator. Nakita niyang nakahandusay si Lorie sa sahig, habang may isang empleyadong nakaluhod sa tabi nito.Natigilan siya."Lorie?"Hindi siya gumalaw sa loob ng ilang segundo. Hindi agad nag-register sa isip niya ang nakikita

  • Paid Affair with My Bestfriend's Daddy   Chapter 66.1

    Kumuha ako ng payong sa reception area at lumabas ng hotel. Hindi pa ako nakakalayo nang magsimulang bumagsak ang ulan. Sa una, mahina lang, pero pagdating ko sa garden, bigla itong lumakas. Binuksan ko ang payong at nagsimulang maghanap sa paligid. Tiningnan ko ang mga halaman, ang mga upuan, ang gilid ng walkway, at ang mga lugar na posibleng napuntahan ni Faye kahapon.Wala.Lumipat ako sa kabilang bahagi ng garden. Bawat hakbang ko ay mas bumibigat dahil sa tubig na pumapasok sa sapatos ko. Kahit may payong ako, nababasa pa rin ang mga manggas ng damit ko dahil sa lakas ng hangin."Please," bulong ko sa sarili. "Sana makita ko na."Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag hindi ko iyon nakita. Hindi naman ako magnanakaw. Hindi ko kinuha ang singsing niya. Pero kung hindi ko iyon mahahanap, ako ang pagbibintangan nila. Kahit tanggalin nila ako sa trabaho, huwag lang ako pagbintangan na magnanakaw.Nagpatuloy ako kahit nararamdaman ko na 'yong pagod. Lumuhod ako sa tabi ng mga h

  • Paid Affair with My Bestfriend's Daddy   Chapter 66

    Hindi ko gusto ang tono ng boses niya. Sinasabi ba niyang ako ang kumuha no'n? Hinding-hindi ko kayang kumuha ng hindi ko gamit!"Yes, sir," I firmly replied.Tahimik siyang tumitig sa akin. Pagkatapos, bumaling siya kay Faye. "Let's report it to the hotel management.""No!" mariing sagot ni Faye. "I don't want this to become a public issue. It's an engagement ring, Azon! The ring you're supposed to see on my finger when we get married!"Napahawak siya sa noo. "What do you want me to do?""Find it!""We've already searched the room.""Then search somewhere else!" Bigla siyang tumingin sa akin. "She was carrying documents outside earlier. Maybe she took it and hid it somewhere."Nanlaki ang mga mata ko. "Ma'am, hinding-hindi ko po magagawang magnakaw!""Then prove it!"Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung paano ko mapapatunayan ang isang bagay na hindi ko naman ginawa. At ang masakit, wala man lang sinabi si Razon!Nakatayo siya sa tabi ni Faye, tahimik na

  • Paid Affair with My Bestfriend's Daddy   Chapter 65

    Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong niya, pero pinilit kong panatilihing kalmado ang mukha ko. "Hindi ko po kayo maintindihan, ma'am. May boyfriend na po ako at 'yon ay si Leon."Ngumiti siya. "Ah, oo nga pala, iyong artista. Mabuti naman kung ganun."Pagkatapos, lumabas siya at iniwan akong nakatayo sa gitna ng kuwarto.Matagal bago ako nakagalaw. Alam kong hindi ako gusto ni Faye. Pero ngayon, malinaw na hindi lang iyon simpleng selos. May gusto siyang patunayan sa akin at natatakot akong malaman kung ano iyon.Kinabukasan, nagsimula ang lahat sa isang sigaw."MY RING!"Napabalikwas ako mula sa upuan ko sa maliit na lounge sa labas ng meeting room.Nasa kabilang bahagi kami ng hotel, naghihintay sa oras ng susunod na appointment. Si Razon ay may kausap na business partner, habang ako naman ay inaayos ang ilang dokumentong kailangan nila.Si Faye ay lumabas mula sa kaniyang kuwarto at halos tumakbo papunta sa amin."My engagement ring is missing!"Napatayo ako dahil sa tara

  • Paid Affair with My Bestfriend's Daddy   Chapter 64.1

    Agad kong inilabas ang folder at iniabot sa kaniya. "Here, sir."Binuklat niya iyon at ilang segundo lamang ang lumipas bago niya ako muling tinawag. "Why is this page missing?"Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong tiningnan ang folder. Kumpleto ang mga pahina nang ayusin ko ang mga iyon kaninang umaga."I'm sorry, sir. I'll check the other copy.""Check it now."Tahimik kong kinuha ang isa pang folder at binuklat ang mga pahina. Nandoon ang nawawalang page, pero may isa pang kopya na hindi naisama sa folder na hawak niya."Sir, this is the complete copy."Kinuha niya iyon mula sa akin. "Then why wasn't this the one you gave me?""I apologize, sir. I must have picked up the wrong folder."Napailing siya. "How many times do I have to remind you to double-check your work?""Sorry, sir."Hindi na siya sumagot. Ipinagpatuloy niya ang meeting na para bang wala akong naramdamang kahihiyan sa harap ng mga taong naroon.Nang matapos ang meeting, isa sa mga business partners ang lumapit sa akin.

  • Paid Affair with My Bestfriend's Daddy   Chapter 64

    Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone. Hindi ba pwedeng iba na lang ang isama niya? Lalo na't kasama namin si Faye.Nagsimula ang business trip sa isang nakakapagod na umaga.Halos hindi ako nakatulog nang maayos dahil kailangan kong tiyaking kumpleto ang mga dokumento, flight details, hotel reservations, at schedule ng mga meeting. Ilang beses kong chineck ang lahat bago kami umalis.Sa airport, dumating si Faye na parang may sariling runway. Naka-designer dress ito, may suot na mamahaling salamin, at may bitbit na handbag na halos katumbas na ng ilang buwang sahod ko.Nang makita niya ako, agad siyang ngumiti. "You're the one coming with us?""Yes, Miss Faye.""Good. At least someone will be available to assist me."Hindi ko pinansin ang tono niya. "Do you need anything, ma'am?""Coffee. And please make sure it's not too sweet.""Of course, ma'am."Pagkakuha ko ng kape, bumalik ako sa waiting area at iniabot iyon sa kaniya.Humigop siya nang kaunti bago kumunot ang noo. "This is to

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status