로그인Nagtagal iyon ng ilang segundo hanggang sa ako na ang nagbawi. Hindi talaga ako makatagal pagdating sa pakikipagtitigan sa kanya.Pinilit kong ibalik ang atensyon kay Luna.“Are you okay?” tanong niya.“Ah, oo, ayos lang,” mabilis kong sagot at hilaw na ngumiti sa kanya.“Anyway, may mga events din tayong hinahandle dito. Kapag may private function, may designated staff na naka-assign. Hindi mo naman kailangang kabisaduhin lahat ngayon. I'll give you a copy of the schedule later.”“Thank you.”“Walang anuman.”Nagpatuloy kami sa paglalakad nang bigla kong marinig ang isang pamilyar na boses mula sa kabilang bahagi.“Lorie!”Napalingon ako. Si Leon lang pala. Ano naman kaya ang problema niya at tinawag niya ako? Mangungulit na naman siguro, kitang nagtatrabaho iyong tao eh.Nakatayo siya malapit sa entrance ng pool area, nakasuot ng casual shirt at sunglasses. Kumaway pa siya nang makita akong nakatingin sa kaniya.“Hi!” bati ko.“May ginagawa ka?” tanong niya habang papalapit.“Orient
“Huwag na huwag ka nang mawawala ha? Kapag may problema ka, sabihin mo sa akin. Hindi mo kailangang solohin lahat. Nandito naman ako na best friend mo.”Nginitian ko siya ng malapad at tumango. “I'll try.”“Hindi try. Promise.”Natawa ako nang mahina. Gusto talaga niyang manigurado. “Okay. Promise.”“Iyan ang best friend ko!” Tinapik niya ang balikat ko bago tumingin sa uniform na hawak ko. “Aba, bagay sa iyo. Ang professional mo tingnan dyan.”“Hindi pa nga ako nakakapagpalit.”“Sus, alam ko na agad na babagay sa'yo 'yan.” Ngumisi siya. “Anyway, lunch tayo mamaya. Ako na bahala. May restaurant dito na gusto kong ipatikim sa iyo.”“Vivian, first day ko pa lang. Baka hindi ako makalabas agad.”“Then I'll wait. Hindi naman ako nagmamadali.”“Okay. I'll message you.”“That's my girl!”Nang tuluyan na siyang lumabas, saka ako napailing habang nakangiti. Hindi ko akalaing magiging ganoon kadali ang pag-uusap namin. May mga bagay pa rin kaming kailangang ayusin, pero kahit papaano, hindi na
“Vivian?”Lumingon ako sa may pintuan at halos mapamaang ang bibig nang makita siyang nakatayo roon. Nakapamulsa pa siya habang nakatingin sa akin.“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba may kailangan ka pang gawin kasama ang Daddy mo?” tanong ko habang inaayos ang uniform na hawak ko. “May trabaho pa ako kaya hindi kita masasamahan.”“Meron naman, pero kaya namang maghintay ng ilang minuto.” Pumasok siya at isinara ang pint0. “Besides, hindi naman araw-araw na magkakaroon ako ng chance na makausap ka nang ganito unless papayagan ako ni Daddy na magtrabaho rito kasama ka. You know we can work together katulad ng dati.”Napahinto ako sa ginagawa ko. “Vivian…”“Don't give me that look.” Lumapit siya at sumandal sa locker sa tabi ko. “I know we have a lot to talk about. Pero gustong-gusto ko talaga na maka-work ka ulit, para lagi na tayong magkasama. Pipilitin ko si Dad. Bahala siya.”Natahimik ako. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Kahit pa ilang buwan na ang nakalipas mula nang muli k
“Lorie?”Ngumiti ako ng pilit kahit na halos manginig ang labi ko. Small world. Hindi ko inaasahan na dito pa kami magkikita-kita. Ang malala pa rito ay kanila itong hotel... may kutob din ako na kanila rin ang buong city.Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong unang sabihin. Ang dami naming hindi napag-usapan, at sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita, hindi ko rin alam kung paano haharap at makikipag-usap sa kanya.Naalala ko no'ng magkita kami sa cafè. I thought she will hate me for that. Tinanggi ko na ako si Lorraine at tumakbo. Palagi na lang, pero ngayon, hindi na. Hindi na ako magpapa-apekto sa nakaraan ko. I will focus on the present.“Hi, Vivian.” Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko kasi hindi ko talaga alam kung anong sasabihin after months na hindi kami nagkita at nag-usap.Ilang segundo siyang nakatitig sa akin bago tuluyang ngumiti. Samantala, si Razon ay nanatiling tahimik sa tabi niya. Ni hindi siya tumingin sa akin o baka wala talaga siyang pak
“Anak, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala dyan. Mali-late ka sa bago mong trabaho,” si Mama.Napakurap ako ng mabilis at tumingin sa kanya sabay ngiti. “Ah, ayos lang, Ma. May naalala lang. Siya nga po pala nabayaran niyo na po iyong kuryente at bayad sa tubig?”Mahina siyang tumango. “Oo, anak, kahapon pa. Tinanong mo pa nga eh. Ayos ka lang ba talaga?”“Ah, mabuti naman po. Saka ayos lang po ako, may iniisip lang.” Hilaw akong ngumiti sa kanya. “Si Papa? Nasaan?”“Nasa garden, nagdidilig.”Tumango ako. Napansin kong gusto pang magtanong ni Mama nang magmano na ako sa kanya. “Alis na po ako, Mama. Baka ma-late ako sa bagong trabaho ko, eh.”“Sige, anak. Mag-iingat ka. Huwag kalimutan kumain sa tamang oras ha?”“Opo! Bye, Ma!” Kumaway na ako sa kanya at nagmamadaling lumabas ng bahay.May dumaan na taxi kaya sumakay na ako roon. Habang nasa byahe, hindi ko maiwasan isipin ang mga nangyari sa mga nakaraang buwan.Halos mag-iisang taon na rin simula no'ng mag-usap kami ni Razon sa con
“Razon, anong ginagawa mo rito?” halos pabulong kong tanong. “Sinundan mo ba ako rito?” Halos umangat ako sa kinauupuan ko, handa na namang tumakbo.He looked at me with his cold eyes. Pinaikot niya ang susi ng kotse sa kanyang mga daliri bago sumagot, “ano sa tingin mo? Bakit pa ako nandito?”Nanlaki ang mga mata ko. His tone was sarcastic, looking straight to me like I was a crim¡nal, ready to run again.“Stop being sarcastic. Bakit mo 'ko sinundan?” I was trying to calm myself, pero ang boses ko, halatang-halata ang panginginig.Bahagya siyang umiling bago tumingin sa bakanteng upuan sa harap ko. “Can I sit?”“Hindi.”Ngunit hindi siya nagpaapekto sa sagot ko. Hinila niya ang upuan at umupo na parang wala siyang narinig.Napahawak ako sa noo ko. Paano ako kakalma nito kung nandito siya? Paano ako makakapag-isip ng maayos kung nandito sa harap ko ang lalaking pinaka-iiwasan ko? This is driving me crazy!Ilang beses akong lumunok sa kabila ng panlalamig na nararamdaman ko. Ang bilis







