Masuk
LUCY’S POV
Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang nakatayo ako sa harap ng full length body mirror. Suot ko ang fitted wedding gown na hapit na hapit sa katawan ko dahilan para mas makita ang kurba nito. Isang buwan na lang at gaganapin na ang kasunduang kasal sa pagitan ng pamilya Hidalgo at ng pamilya namin. Business marriage kung tawagin ngunit hindi para sa akin— dahil ako ang namilit para matupad lang ito, ang makasal sa lalaking gustong-gusto ko. “Feron, nakahanda na ba ang kotse na gagamitin natin?” Tiningnan ko sa salamin ang lalaking diretso ang tindig sa likuran ko, ang pinakamalapit na tauhan ni lolo mula noon. Ang kulay coffee brown niyang mata ay agad na tumitig sa akin nang diretso na agarang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa buo kong sistema. Agad akong napaiwas ng tingin at tinuon ang atensyon ko sa pagsuklay sa aking wavy na buhok. Ilang taon na simula ng maging bodyguard ko siya, ngunit ang seryoso at misteryoso niyang aura ay hindi pa rin nagbabago hanggang ngayon. Siguro ay dahil na rin may pitong taon ang pagitan ng edad naming dalawa. “Nakahanda na ang kotse sa labas, Ms. Russ,” sagot niya gamit ang malalim niyang boses. Halos napaigtad ako nang hindi pa rin niya inaalis ang titig niya sa akin nang muli ko siyang tinapunan ng tingin. Mabilis akong tumikhim at ngumiti. Excited na akong makita si Andrew. “Let’s go then.” Ilang minuto na lang at magiging Mrs. Hidalgo na ako. Huminto hindi lamang ang kotse na sinasakyan ko kung hindi pati ang tatlo pang kotse sa tapat ng civil registration building. Sunod-sunod na naglabasan ang mga bodyguards ko ngunit wala akong hinintay sa kanila para pagbuksan ako ng pinto. Ayaw kong nasasayang ang oras ko lalo na at mahalaga ang araw na ito sa akin. Paglabas ko palang ng kotse ay agad akong sinalubong ng sunod-sunod na kislap ng mga camera at mga nag uunahan na reporters. “Ms. Russ! Totoo ba na ikakasal na kayo ni Mr. Hidalgo?” tanong ng isa sa mga reporter na pilit na isinisiksik ang sarili palapit sa akin. Mabuti na lang at agad siyang naharangan ni Feron. “Ms. Russ, nasaan si Mr. Hidalgo? Ngayon n'yo na ba ipaparegister kahit wala pa ang kasal?” “Ms. Russ, may nagsabi na business marriage lang ito! Gusto n'yo ba pareho ang kasal?” “Ms. Russ!” Wala akong maintindihan sa sabay-sabay nilang pagsasalita. Tuloy-tuloy lang akong naglakad papasok ng building habang inaalalayan ako ni Feron. I already spilled the tea to someone from the media. Tama na ang information na pupunta ako rito para i-paregister ang kasal ko. Isa pa, hindi pa ba halata sa suot ko? “Good morning,” nakangiting bati ng babae sa lamesa. “P’wede ko bang mahiram ang ID n'yo ma'am at ang ID ng asawa mo?” “Sure!” Agad kong inilapag ang ID ko sa lamesa ng walang pag-aalinlangan. “As for my husband’s ID…” Tiningnan ako ng babae at lumipat bigla ang atensyon niya kay Feron. “He's still not here, can we wait for more minutes?” “Oh…” Namula ang mga pisngi niya. Siguro ay napagtanto niyang maling lalaki ang tinitingnan niya. “P’wede naman po.” Tiningnan niya agad ang kasama at aligaga na inutusan ito na bigyan ako ng maiinom na hindi ko na ikinagulat. After all, I am a part of the Russ family —one of the most wealthy families in the country, pero hindi lamang dito ngunit pati sa ibang bansa ay kilala rin ang pamilya namin. “Chamomile tea for you, Ms. Russ,” mahinhin na sabi ng isa sa staff at maingat na nilapag ang tasa sa harap ko. “Thank you.” Ngumiti ako pabalik sa kaniya ngunit sa loob ko ay hindi na ako mapakali. Wala pa rin si Andrew hanggang ngayon. Alam kong nabasa niya ang message ko. Agad na dumaloy ang kaba sa dibdib ko, paano kung may nangyaring masama sa kaniya? Thirty minutes to an hour has passed, yet not one arrived. Kahit text o tawag ay wala pa rin akong natatanggap. Ramdam ko na rin ang pag sulyap ng mga empleyado sakin. “Feron, ang cell phone ko.” Nilahad ko ang kamay ko na hindi siya tinitingnan. Kailangan kong malaman kung anong nangyayari. Mabilis naman na binigay sa akin ni Feron ang cell phone ko ngunit kasabay noon ang biglaang pagbukas ng pinto. Nagliwanag ang mukha ko nang makita ko si Andrew pero agad ding nawala ang ngiti sa labi ko. Halos magdikit ang dalawang kilay ni Andrew habang seryosong naglalakad palapit sa akin. Marahas niyang hinablot ang braso ko palapit sa kaniya.Hindi ako nagpatinag sa init ng talim ng titig niya, sa halip ay sinalubong ko iyon ng tingin. “You're late, Andrew—” naputol ang sasabihin ko nang mas diinan pa niya ang pagkakahawak sa akin. Impit na ungól lang kumawala sa labi ko pero wala siyang pakialam. “You really did announce our marriage to the public, Lucy? And what is this?” Tiningnan niya ang babae sa harapan ko. “Bakit mo ako pinapunta rito?” Hinaplos ko nang marahan ang kamay niya na mahigpit pa ring nakahawak sa akin. Sa kabila ng hapdi ng balat ko ay nagawa ko pa rin siyang ngitian ng matamis. “Hindi ba at mas maganda na magkaroon na tayo agad ng marriage certificate? Ganoon rin naman ‘yon. The marriage ceremony is for public display after all, so don't be angry now,” pagpapakalma ko sa kaniya habang sinasalubong ko pa rin ang mga mata niyang matiim na nakatingin sa akin. Ilang saglit pa niya akong tinitigan bago siya tuluyang huminga nang malalim at sa wakas ay binitiwan na niya ang braso ko. Pasimple ko iyong hinaplos. Ramdam ko pa rin ang init ng mga daliri niya na halos mag-iwan ng mga marka sa makinis at maputi kong balat. Pero kahit anong akto kong ayos ang lahat, ramdam ko pa rin ang tensyon sa loob ng kuwarto. Nanatili ang ngiti sa labi ko. “Akin na ang ID mo. Ihahanda na nila ang certificate natin,” magiliw kong sambit para bawasan ang awkwardness sa paligid kahit papa’no. Hindi ko na siya hinintay na sumunod at ako na mismo ang umabot ng wallet niya. Kinuha ko ang ID sa loob at inabot sa babae kanina. Awkward ito na ngumiti sa akin bago iyon kinuha. Agad din itong nagtipa sa kaniyang laptop at binigyan kami ng papel ilang minuto pagkatapos. “Pumirma na po kayo ma'am, pagkatapos ay si sir naman.” Tinanggap ko ang ballpen at papel at agad na pinirmahan iyon ng walang pag-aalinlangan. May ngiti ako sa aking labi habang ginagawa iyon at pagkatapos ko ay agad ko iyong inabot sa kaniya. “Your turn,” malambing kong sabi. Nilahad ni Andrew ang kamay niya at tinanggap ang papel. Maingat niyang binasa ang mga nakasulat doon bago niya kinuha ang ballpen. “Mr. Hidalgo,” tawag ng isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay ang secretary niya. “What is it, can't you see I'm doing something for you to interrupt?” inis niyang sabi. “I-I'm sorry, sir, pero may tumatawag sa iyo.” Agad nitong inabot ang cell phone kay Andrew. Hindi nakaligtas sa akin ang sulat na nasa screen. Sofia is calling… “W-Wait! Ganoon ba kahalaga ang tawag na ‘yan para unahin mo bago mo pirmahan ang marriage certificate natin?” Hinawakan ko ang braso niya. Ang kamay niya ay nakahawak na ngayon sa cell phone niya. Patuloy iyon sa pag vibrate at ganoon rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko… Bakit? Bakit tumatawag si Sofia sa kaniya at bakit ngayon pa?! “Let go of my hand, Lucy,” mahina ngunit may diin na utos niya. “This call is important too.” Inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa kaniya at hindi nagpapigil sa pagsagot ng tawag ni Sofia, ang ex-girlfriend niya. “Hello… What? Where are you right now?” Halata ang pag-aalala na gumuhit sa mukha niya habang kausap niya si Sofia. “Okay, wait for me.” Nagmamadali niyang pinatay ang tawag at saka mabilis na inilapag ang ballpen sa mesa. “Anong ginagawa mo?” tanong ko. Halos kagatin ko na ang sarili kong dila para lang hindi niya mahalata kung gaano ako nanginginig ngayon. “H’wag mo sabihing aalis ka nang hindi tinatapos ang pagpirma para lang sa kaniya?” “P’wede naman nating gawin ito pagkatapos ng kasal. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip mo para madaliin ito but let's do this another time, Lucy.” Tinalikuran niya ako. “Don't you dare take another step, Andrew! H’wag mo akong ipahiya sa harap ng mga reporter dahil lang sa ex-girlfriend mo!” hindi ko mapigilang sigaw. Wala na akong pakialam sa mga staff na nakikinig sa amin. Mas madali silang patahimikin kaysa sa mga reporters. “Sofia got in an accident. Kailangan niya ako,” paliwanag niya pero ang salitang ‘yon ay hindi para bawasan ang hinanakit na namumuo sa dibdib ko kung hindi para dagdagan pa ito. Muli siyang naglakad at hinawakan ang doorknob. “Andrew!” Panic runs through my head. I didn't meant to raise my voice but I need to stop him. “Kapag lumabas ka sa pintong ‘yan ay magpapakasal ako sa iba. Sa tingin mo ba ay magugustuhan iyon ng pamilya natin?” Paulit-ulit akong lumunok para alisin ang bara sa lalamunan ko. Ang hirap huminga. Huminto siya at lumingon sa akin. Kita ko kung paano niya ako hindi seryosohin. Ang mga mata niya na parang nangungutya ay tumitig sa akin na animo’y sinasabing hindi ko magagawa iyon… Dahil alam niya kung gaano ko siya gustong-gusto. Umiling siya at saka tuluyang pinihit ang doorknob. Ang secretary niya ay agad na tumayo sa likod niya at halatang handa nang umalis. “E-Excuse me, ma'am. Itutuloy pa po ba ang registration ng kasal niyo?” tanong ng babae. Mariin kong pinikit ang aking mata at huminga nang malalim. “Yes,” sagot ko pagmulat ng mata ko. Nakatingin pa rin ako sa likuran ni Andrew. “Kung g-gano’n po ay kailangan namin ng pirma ng asawa mo—” “Sign it, Feron!” utos ko. Mabilis na lumingon si Andrew sa gawi ko. Gulat naman ang rumehistro sa mata ng babae. “Anong hinihintay mo, Feron?! I told you to sign the certificate, now!” Mabilis ang tibok ng puso ko, halo-halo na ang nararamdaman ko. “Ms. Russ, hindi kasama sa kontrata ko ang ganito. Bodyguard mo ako at—” Hinarap ko ang gawi niya at agarang hinanap ng mata ko ang mata niya. Walang emosyon ng gulat o kahit ano, ang mababasa mula roon. Hindi ko mapigil na mas mainis. Umismid ako at lumapit sa kaniya. “H’wag mong sabihing pati ikaw ay tatanggi sa gusto ko? Ako ang boss mo! Sign the paper or I will fire you!” “Lucy, what the hell are you doing?! Stop making a scene!” inis sa pagsingit sa usapan ni Andrew. Mabilis siyang bumalik sa kinaroroonan ko at hinila ako nang marahas. “I told you, we can do this later!” “Stop touching me, Andrew! Bitiwan mo ako dahil nasasaktan ako!” Pilit kong iwinawaksi ang pagkakahawak niya pero mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa akin. “No! You better go home and stop this shit!” sigaw niya. Halos umalingawngaw iyon sa apat na sulok ng kuwarto kung nasaan kami. Naramdaman ko ang paghawak ni Feron sa kabila kong braso. Sa wakas ay nagkaroon na rin ng emosyon sa mga mata niya. He looked mad. “Mr. Hidalgo,” malalim niyang tawag kay Andrew. “Nasasaktan si Ms. Russ. Alisin mo ang hawak mo sa kaniya o ako mismo ang gagawa no’n para sa'yo.” Hindi ko alam pero tunog may pagbabanta ang tono ni Feron pero kilala ko si Andrew. Mas hinigpitan pa ni Andrew ang hawak sa akin at sinubukang hilahin ako palapit sa kaniya. “H’wag kang mangialam dito. Tulad ng sabi mo kanina, bodyguard ka lang ni Lucy!” Hindi sumagot si Feron, sa halip ay mas hinila niya ako ng mas marahas dahilan ng pareho naming pagkagulat ni Andrew. Nabitiwan ni Andrew ang braso ko kaya tuluyan akong napasandal sa dibdib ni Feron. “Bodyguard niya ako kaya sa kaniya lang ako makikinig at susunod,” malalim na bulong ni Feron. Kinuha niya ang ballpen na nasa lamesa. Wala siyang pasabi na pinirmahan ang certificate na dapat ay si Andrew ang gagawa. “I already signed it.” “Ahh okay sir… Yes, let me process it immediately!” Nagmamadaling nagtipa muli ang babae sa computer. “A-Ano po ang pangalan mo, sir?” Saglit na natahimik ang paligid. Lahat kami ay nakatingin sa nagdadalawang isip na si Feron. “Feron… Feron Sandoval,” maikling sagot niya at tinuon muli ang atensyon sakin. Halos mahigit ko ang aking paghinga sa paraan kung paano naglakbay ang braso niya sa bewang ko. “I signed it, Ms. Russ. What do you want me to do next?” “I—” Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ang babae. “O-Okay na po ma'am, sir…” Ngayon ay tuluyan ng rumehistro sa utak ko kung ano ang ginawa ni Feron. He really did sign the form! “I signed the contract. Ginawa ko ang gusto mo Ms. Russ. Ngayon ay uuwi na tayo,” bulong niya. May kakaibang nagbago sa boses niya na hindi ko na napaglaanan pa ng pansin. Naramdaman ko ang katawan kong umangat mula sa sahig at isinampay niya ako sa balikat niya ng walang kahirap-hirap. Buhat niya ako na parang isang sako ng bigas! “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” inis na pagpupumiglas ko pero wala itong epekto sa kaniya. Dinaanan lang niya si Andrew na tulad ko ay gulat na gulat din sa ginawa ni Feron. “H’wag kang malikot, Ms. Russ kung ayaw mong mahulog at mabalian ng buto,” pagbabanta niya, walang halong pagbibiro. Handa niya akong ibagsak sa sahig kung maglilikot ako ng tuluyan. “Why did you even sign the form?! Hindi ko naman balak totohanin iyon,” bulong ko. “You told me to do it, Ms. Russ,” mabilis na sagot niya, kalmado na rin ang tono ng malalim niyang boses. “I will do anything for you,” dagdag pa niya ngunit hindi ko na halos maintindihan dahil tuluyan na kaming nakalabas ng building. Mas namutawi ang ingay ng mga reporters, camera, at mga sasakyan. Kung anuman ang huli niyang sinabi, hindi naman na siguro ‘yon importante…“Mommy!” Sigaw ni Fel ng walang tigil si Lysander sa paghabol sa kaniya, bitbit ang water gun niya na ubos na ang laman kaya hindi na makaganti sa kapatid.“You started it, Fel! Ikaw ang unang nangbasa sa akin, tignan mo! Basang-basa na ang damit na suot ko, paborito ko pa naman ‘to!” Sigaw ng Lys habang patuloy pa rin siya sa paghabol sa kapatid.Sabay na napailing si Lucy at Feron sa ingay ng dalawa nilang anak habang nakaupo sila sa telang nakalatag sa Bermuda grass, pinapanood ang mga batang naglalaro sa park.“Ang bilis nilang lumaki, parang kailan lang noong nagpunta tayo rito na nasa tiyan ko pa lang sila,” natatawang saad ni Lucy at sumandal sa dibdib ni Feron, hawak niya ang isang box ng strawberry at nilantakan ‘yon.“Yeah, masyado na silang malaki at nag-aaway na,” buntong-hininga na sagot ni Feron at tumingin sa paligid, may iilan na naroon na napapatingin na sa kambal. Hindi niya alam kung dapat na ba niyang tawagin ang dalawa o hayaan muna para tahimik pa silang dalawa n
Feron’s POVWhy do I have to stand and wait for her when we can both walk toward the aisle together?I clasped my both hands to keep it from shaking, it was too much for me to endure. Standing in front of everyone while waiting for her to arrive… what if something happened to her…“Feron, kumalma ka. Nakatayo na raw si Lucy sa harap ng pinto at papasok na, h’wag ka ng masyadong kabado na baka may nangyaring masama sa kaniya.” Pigil sa akin ni Geff ng akmang lalakad ulit ako palapit sa receptionist.Magrereklamo pa sana ako kay Geff ng umalingawngaw sa buong paligid ang tunog ng kantang pinili namin pareho ni Lucy para tugtugin ngayon araw, kasabay noon ang unti-unting pagbukas ng pintuan ng simbahan.Ang inip na nararamdaman ko kanina na makita si Lucy suot ang wedding gown at napalitan ng kakaibang kaba at excitement, akala ko pag nasa harapan ko na siya ay mawawala ang panginginig ng buo kong katawan pero parang mas nadagdagan pa ‘yon lalo na ng magtama ang tingin naming dalawa.I c
Lucy’s POV“You look gorgeous, Lucy!” Naiiyak si Lhea na lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. “Congratulations ulit,” dagdag pa niya at humiwalay na sa akin.Mabuti na lang at waterproof ang make up na gamit naming dalawa, kung hindi ay masisira na agad ang itsura namin hindi pa nagsisimula ang seremonya.“H’wag kang umiyak, baka umiyak na rin ang makeup artist natin,” natatawa kong sabi at marahan na pinunasan ang luha sa mata mga niya.I’d never imagine this scenario, not at all.Masyado na akong masaya sa buhay para isipan pa na makikita ko ang sarili kong magkakaro’n ng maayos na kasal, magsusuot ulit ng wedding gown, at lalakad sa loob ng simbahan palapit sa altar kung nasaan si Feron naghihintay.It’s more like a dream than reality for me, I don’t know how to process it easily.Ilang minuto na lang, tuluyan na akong magiging Mrs. Sandoval.“I’m sorry,” pilit na pinigilan ni Lhea ang sarili na maiyak ulit. “Masyado lang akong masaya para sa’yo, Lucy. Hindi man tayo nabigyan
Feron’s POV“Hello, I just really need to talk to her,” pilit ko sa front desk, mukha na akong desperado dahil akala yata nila ay scam ang email na dumating sa kanila. Kahit si Race ay hindi makapaniwalang aakalain siyang scam na nagpapanggap lang na parte ng FS company, natatawa pa kami nila Roco pero sa huli ay ako ito… personal na lumalapit sa kanila.“Sir, are you really Mister Feron Sandoval?” Pag-uulit na tanong ng babaeng kaharap ko, ilang beses na akong nagpapakilala pero wala talaga. Ganito pala pag hindi active ang buhay sa social media, walang mailabas na patunay kundi ang pangit na balita tungkol sa amin ng papa ko.“Siya nga yata, napanood ko siya sa balita e.” Bulong ng katabi niya, mahina ngunit sapat para marinig ko.Ngumiti na lang ako kahit ang totoo ay medyo na o-offend na ako, hindi naman nahuhuli ang business namin pero hindi ba talaga gano’n kakilala ang mukha ko?Maybe, I made our life too private for Lucy’s sake… at ito ang kinalabasan.“Anong mayro’n dito, may
Feron’s POV{His POV started from when he’s became busy}“Sigurado ka na ba talagang babalik ka na sa office?” Paninigurado ni Daniel sa akin ng sabihin kong babalik na ako sa trabaho, sinigurado na maririnig ni Lucy ang usapan namin habang nilalapag niya ang juice para sa aming dalawa ni Daniel.“Marami ng kailangan ng approval ko na project, ikaw na rin ang nagsabi na hinahanap na nila ako. Ayaw ko rin naman na ikaw ang mahirapan sa pakikipag negosasyon sa kanila, nahihiya na ako,” sagot ko naman at nilingon si Lucy na nakatalikod na sa amin.Napailing naman si Daniel, kahirapan ko pa na pinilit siyang tulungan ako sa ganitong usapan. Kung si Race ay papayag agad ‘yon pero baka hindi maniwala si Lucy dahil hindi naman si Race ang may hawak sa kumpanya, kaya pinilit ko talaga si Daniel.Pumayag nga pero para naman niya akong jina-judge sa bawat salitang binibitawan niya ngayon, inismidan ko siya at sumandal sa sofa.“Makakahalata siya pag bigla na lang akong naging busy tapos walang
Lucy’s POV“I have another surprise for you,” malambing na bulong sa akin ni Feron sa kalagitnaan ng mga nagsasayang tao, nagmistulang sariling party namin ang lugar at lahat ay animo’y mga kaibigan at kilala namin.They all congratulated us and looked genuinely happy for us.“Nag-stay pa kami ng ilang minuto para naman hindi nakakahiya para sa lahat nang bago kami tuluyang nagpaalam, si Feron na ang gumawa no’n dahil hindi na rin siya matahimik at makapahintay na ipakita sa akin ang susunod niyang surpresa.Hindi ko alam, pero pati tuloy ako ay hindi maiwasang mapaisip kung ano pa ba ang makakapagpagulat sa akin, lalo na at inuna niya ang proposal niya. May iba pa bang bagay na makakapagpasaya sa akin bukod sa maging pamilya siya?Tahimik siya sa biyahe. Kahit anong pilit ko, bigyan niya ako ng clue kung ano pa ang surprise niya, talagang mahigpit ang tikim ng bibig niya.“Sige na, ano ba kasi ang susunod na surprise mo?” Muli kong pilit sa kaniya nang mapansin na patungo kami sa Cen







