Share

Pangarap Ko Ang Ibigin Ka
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka
Author: Sandria

Chapter One

NANLALAMIG ang mga kamay ni Anastasia habang nakatanaw sa labas ng bintana. Dumodoble ang kabang nararamdaman niya habang papalapit na sila sa Zahara.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Masaya, dahil muli niyang masisilayan ang lugar na kinalakihan. Nag-aalala, dahil sa karamdaman ng ama niya at natatakot, dahil muli silang magkikita ni Craig, hindi niya alam kung papaano ito haharapin matapos siyang umalis ng walang paalam.

Pagkatapos nilang maikasal ng binata, sa barong-barong nito sila tumira. Noong una nahirapan siya sa bagong buhay na pinili niya pero dahil umibig siya kay Craig sinubukan naman niyang maging asawa rito.

She tried everything to get his heart and attention. Pero sa loob ng dalawang buwan nilang pagsasama, walang naging pagbabago sa pakitungo nito sa kanya.

Naiintindihan niya ang galit nito dahil sapilitan niyang kinuha at ipinagkait ang kalayaan nito na pumili ng babaeng mamahalin. Masyado lang siguro siya nabulag sa katotohanan na wala talagang prince, knight o happy ever after.

Mahal niya si Craig pero sa maling paraan niya iyon ginamit. Inabuso niya ang kakayahan ng ama na manduhin ito sa lahat ng ipag-uutos nito. Sinubukan naman niyang ayusin ng kagagahan na ginawa niya, pero hindi siya nito hinayaang makakawala sa patibong na siya mismo ang gumawa.

"Ano iyan?" kunot ang noong tanong nito sa kanya habang ang mga mata nito ay sa annulment paper nakatingin.

"I want to annul our marriage, Craig."

Sarkastiko itong tumawa ng pagak. "Why? This is what you want, right? We are just married for two months Ana, makikipaghiwalay ka na agad?"

"Walang patutunguhan itong pagsasama natin. You don't love me and I know you will never love me, kaya palalayain na kita."

He frown. "Is this part of your little game, Ana? If it is, sorry I won't play with you this time." Itinabi nito ang annulment paper at muling ibinalik ang sarili sa naudlot na ginagawa.

"Craig, please! Ayokong mahirapan pa, wala din naman tayong patutunguhan!" pagpupumilit ni Anastasia.

"Sana inisip mo iyan bago mo ako pinilit na pakasalan ka. Now, Get out."

Galit na kinuha niya ang papeles at muling inilapag sa harapan ni Craig. "Ayoko ng matali sayo! Nagmumukha lang akong tanga dahil sa ating dalawa, ako lang naman ang may kagustohan nito! Please, let's stop this."

"Wow! Don't act as if I am the one who wants this fucking marriage, Ana. Ikaw ang may gusto nito! Ginusto mo ito diba? Panindigan mo! Nahihirapan ka? Hindi ko na problema iyon!" he exclaimed. Hindi maitatago ang galit sa mukha nito.

"I did that because I love you..." puno ng sinsiridad na sabi niya.

He snorted. "Kung mahal mo ako, hindi mo ako pipiliting gawin ko ang hindi ko gusto. You don't love me, you only love your self!"

Pinatong niya ang magkabilang kamay sa office table nito. "I tried Craig, sinubukan kong gawin ang lahat para mahalin mo rin ako, pero walang nangyayaring pagbabago. That's why I want to fix what I did wrong."

Tumango-tango ito. "Yeah, you're right. Let's stop this nonsense conversation." Kinuha nito ang annulment paper. Nanlaki ang mga mata niya nang pagpira-parasuhin nito iyon.

"Pero hindi kita hahayaang makawala ka sa patibong na ikaw mismo ang gumawa. You took may happiness, then I'll took yours too."

Habang tinititigan niya ang asawa, nakikita niya kung gaano siya nito kinamumuhiaan. Doon tuluyang kumawala ang mga luhang noon pa niya pinipigilang ipakita rito.

"Huwag mo akong iyakan. Huwag kang mag-inarte na parang ikaw ang naagrabyado rito," tiim-bagang sabi nito.

Tinuyo niya ang pisngi at marahang tumango. "Siguro nga maling minahal kita at isiping ikaw ang prince charming ko, at mali nga siguro na maghangad ako ng happily ever after kasama ka."

"Hindi maling magmahal, Ana. Ang mali lang sumobra ka, naging makasariki ka, hindi mo inisip kung ano ang mararamdaan ko o mararamdaman ng taong nakapaligid sa'yo." Umiling-iling ito. "Happily ever after? Wala nu'n. Wake up! We are not in a fairy land. You are not Snow White nor Sleeping Beauty and I'm not your fucking Prince Charming! Nasa reyalidad tayo, Ana. Ang katotohanang walang happy ending!"

Nanikip ang dibdib niya sa sinabi nito. Bakit imbis na magalit siya rito ay nakaramdam pa siya ng kalungkutan? Dahil ba lumaki ito ng walang pamilya?

Kinuyom niya ang kamao. "Nakapagdesisyon na ako, Craig. I already talk to Dad about this, and he agreed. Makikipaghiwalay ako sa'yo sa ayaw at sa gusto mo."

Mahal niya si Craig kaya palalayain niya ito kahit masakit. Hindi na niya kayang lokohin pa ang sarili sa isang kasinungaling na hindi naman talaga mangyayari.

Binigyan niya ito ng isang mapanigurong tingin bago ito tinalikuran.

NANIKIP ang dibdib ni Anastasia nang mabaliktanaw niya ang huling pag-uusap nila ni Craig.

Sa loob ng limang taong umalis siya sa Zahara, lagi niya itong pinapadlhal ng annulment paper, pero wala siyang nakukuhang sagot mula rito. Kaya hanggang ngayon, nananatili pa rin siyang asawa nito.

Nang malaman niya ang tungkol sa kalagayan ng ama niya mula sa yaya niyang si Nonna Maria ay agad siyang tumawag sa mansion para magpasundo. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba sa kanya o ang sasabihin sa kanya ni Craig kapag muli silang nagkita. Ang mahalaga sa kanya ay makita ang kanyang ama.

Napatingin siya sa malaking karatulang nasa gilig ng daan. 'WELCOME TO ZAHARA!' Tanda na nakarating na sila sa lugar na kanyang iniwan.

Patuloy na kumakabog ang puso niya hangang sa lumiko ang sasakyan sa daan na dati ay putik pa, pero ngayon sementado na. Sa gilid ni'yon nakalagay ang karatulang may nakasulat na 'Hacienda Ross'. Nakabalik na talaga siya.

Habang binabaybay nila ang mahabang lupain ng Hacienda patungo sa kanilang mansion ay hindi niya maalis ang tingin sa magandang pagbabago ng lugar na iyon. Higit na dumami ang mga tanim at mga alagang hayop. Naalala niya na ginagawa niyang playground ang buong hacienda. Hindi na siya makapaghintay na muling malibot ang lugar na iyon na parati niyang ginagawa noong dito pa siya nakatira. Pero sa ngayon, kailangan na muna niyang harapin ang ama at ang galit ni Craig sa kanya.

Pagkalagpas sa mahabang lupain ng Hacienda Ross, huminto ang sasakya sa tapat ng tarangkahan ng mansion at kusa iyong bumukas. Nagpatuloy sa pag-andar ang sasakyan at muling huminto sa mismong tapat ng mansion.

Ilang beses na siyang huminga ng malamin para mawala ang kabang nararamdaman niya ngayon, pero patuloy pa rin sa pagkabog ang puso niya. Hindi na siya pwedeng umatras pa dahil nandirito na siya. Kung ano man ang mangyayari sa kanyang pag-uwi ay tatanggapin niya.

Muli siyang humugot ng malalim na buntong-hininga bago bumaba. Agad siyang sinalubong ni Nonna Maria na nag-aabang sa kanyang pagdating.

"Nonna!" Sinalubong niya ito ng yakap.

"Señorita, Anastasia!" Gumanti rin ito ng yakap sa kanya. "Namiss kita, Hija." Anito nang pakawalan na siya nito.

Pinigilan niya ang pagsilip ng mga luha niya sa kaniyang mga mata. "I miss you too, Nonna. Na-miss ko rin ho itong mansion." Nilibot niya ng tingin ang buong paligid. Wala pa rin iyon pinagbago.

Marami siyang namiss dito sa Zahara. Pero hindi iyon ang dahilan ng pagbabalik niya, kundi ang kanyang ama.

"Where's Dad?" tanong niya rito. Sasagot na sana si Nonna Maria nang bumukas ang pinto sa kwarto ng kanyang ama at lumabas mula roon si Craig.

Nagsalubong ang mga tingin nila. Pero tulad pa rin ng dati, walang kaemo-emosyon ang mga mata nito sa tuwing tinitingnan siya nito. Ni hindi man lang ito nabigla sa kanyang pagdating. Hindi niya alam kung paano ito babatiin sa kabila ng ginawa niya. Nahihiyang nagbaba siya ng tingin dito.

"Hinihintay ka na niya," anito sa malalim na tinig.

Walang salitang humakbang si Anastasia patungi sa kwarto ng ama. Ilang segundo na niyang hawak ang seradura, pero hindi niya magawang pumasok dahil natatakot siya. Natatakot siya sa maaari niyang makita.

Alam niya ang mga ganitong eksena, katulad ng namaalam ang ama ni Cinderella rito. What if it's happen to her the scene were Cinderella's father bid a goodbye to Cinderella?

Pinilig niya ang ulo at malalim na humuhot ng hangin at marahan iyong ibinuga. Kagat ang ibabang labi na tinulak niya pabukas ang pinto. Doon na tuluyang nahabag ang puso niya nang makita ang sitwasyon ng ama. Mayroong suwero ang nakakabit sa kamay nito at katabi nito ang aparato na tanging nagdurugtong sa buhay nito.

Pumatak ang mga luha ni Anastasia dahil hindi niya makayanang makitang nanghihina ang kanyang ama. Ano ba ang nagawa niya para magkaganito ang ama? Kung hindi siguro siya umalis, hindi ito magkakaganito ngayon.

Marahan nitong iminulat ang mga mata at tumingin sa kanya. "D-don't just standing there," anito na halos hangin na lang ang lumabas sa bibig nito.

Mabibigat ang mga paang humakbang siya palapit sa ama. Naupo siya sa upuang nasa tabi ng kama nito at nanginginig ang mga kamay na ginagap niya ang namayat nitong kamay.

"D-Daddy..."

"My p-princess..." Tumitig ang mga mata nito sa kanya. Namiss niya ang pagtawag nito sa kanya ng prinsesa.

Ang laki ng ibinagsak ng katawan nito mula ng huli niya itong nakita. Ngayon nagsisisi siya kung bakit pa siya umalis. Kung hindi niya parating iniisip ang sariling kapakanan, baka sakaling hindi ito ganitong kalala ngayon.

"H-how are you, Pri-princess?" Tulad pa rin ng dati, laging kapakanan niya ang iniisip nito.

Umiling-iling siya. "I'm sorry, Daddy! I'm really, really, sorry!" she cried. "Sorry, Daddy...sorry!"

"I'm n-not mad at y-you, Princess...I-I miss you."

Lalo siyang humagulhol. Dinala niya ang likod ng kamay nito sa kanyang mga labi. "I miss you too, Dad. Hindi na po ako aalis, aalagaan kita. Please, don't leave me."

Mapait na ngumiti ang ama niya. "S-sinusundo na ako ni Rossaria, Hija. H-hindi na ako magtatagal," anito na umubo-ubo.

Mabilis siyang umiling at walang humpay na umiiyak. "No. Please, don't say that! I-I can't..."

Pilit na ngumiti ang kanyang ama na bahagyang naubo. "A-alam mo ba kung bakit ako naging maluwag sa'yo? K-kung bakit binibigay ko ang lahat ng gusto mo? " Umiling siya.

"D-dahil natatakot akong mawala ka. Natatakot akong isipin mong hindi ko maibigay ang gusto mo. Ayokong maramdaman mo na wala ka ng ina. Pero m-mukhang nagkamali ako, pinili mo pa rin na umalis. Sana hindi kita hinayaan na gawin ang mga gusto mo. K-kasalanan ko lahat kung bakit naging matigas ang ulo mo."

Umiling siya. "It's not your fault, Dad. Lagi kong inuuna ang pansarili kong kagustuhan, not knowing what will you feel. I'm really sorry, Dad."

Muli itong umubo. "K-kalimutan na natin ang mga n-nangyari na. Ang mahalaga, may natutunan ka sa pagkakamaling nagawa mo."

Tumango siya. "Salamat, Daddy."

"Ngayon, hindi na ako n-natatakot na iwan ka, dahil nandyan si C-Craig, ang a-asawa mo."

"Daddy..."

"H-hindi ka niya iiwanan...s-subukan mo ulit na ayusin ang relasyon ninyong dalawa. H-huwag kang sumuko sa kaniya."

Kinagat niya ang ibang labi at marahan na tumango kahit pa na walang kasiguraduhan na mangyari ang gusto nitong mangyari.

"P-promise me, Princess..."

Muli siyang tumango. "I promise."

Hirap na inagaw nito ang hininga. "I l-love you, my Princess..." Muli, malalim itong huminga. Sa pag-ahon ng dibdib nito, doon na ito tuluyang nawalan ng malay.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng ama at malakas na umiyak. Hindi niya akalain na hinintay lang nito ang pagbalik niya.

"M-mahal na mahal din kita, Dad. Thanks for everything you give and done for me. I will miss you, Daddy."

Mami-miss niya ang mga ngiti nito, ang mga pasalubong nito sa tuwing umuuwi ito galing sa Manila. Mami-miss din niya ang pagtawa nito ng malakas sa mga korni niyang jokes. Mami-miss din niya ang pangaral nito sa kanya sa tuwing nagkakamali siya. Mami-miss din niya ang ipagmalaki siya nito sa iba. Mami-miss niya ang mga yakap nito at higit sa lahat, mami-miss niya ang pagtawag nito sa kaniya ng "Princess"

Tumayo siya para bigyan ng huling halik sa noo ang kanyang ama. "Hasta que nos volvamos a encontrar, Daddy." Until we meet again, Daddy.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status