Share

Chapter 35

"Wala kang mapapala kung titingnan mo lang silang dalawa riyan, Ate Tamara," mapang-insultong wika ni Margaret nang mapansin nito ang masamâng tingin ng kapatid kina Yvo at Karadine. Sa tingin pa lang ay halatang nanggagalaiti na ito sa inis at selos.

"Bakit pa ba siya nagpunta rito? Naka-bed rest siya, 'di ba?" pabuntong hiningang katanungan ni Tamara.

"Well, hindi ko rin alam. Pero ang alam ko lang, kahit anong gawin mo ay halata namang inlove-babo pa rin si Yvo sa kaniya," mataray na sagot ni Margaret.

Kaya naman bahagyang napakunot ang noo rito ni Tamara. "Alam mo, hindi na talaga kita maintindihan, kakampi ba talaga kita? Kasi parang mas boto ka pa sa kanilang dalawa, e." Agad na napangisi si Margaret at napailing.

"Ako pa ba ang pagdududahan mo, ate? Sa totoo lang, malakas akong makaramdam ng tunay na nararamdaman ng isang tao. Kaya hindi mo p'wedeng sabihing kahit sa'yo na si Yvo ay sa'yo na talaga ang puso niya." Agad na namang napakunot ang noo ni Tamara habang nagpatuloy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status