LOGIN-Willa-
“Alexander!” marahas ko siyang itinulak palayo sa akin, pero agad niyang hinawakan ang batok ko upang pigilan akong ilayo ang mukha ko sa kanya.
Nalalasahan ko sa halik niya ang pait ng alak na may halong mint, na para bang katatapos lang niyang magsipilyo bago muling uminom ng alak.
Kakaiba ang kombinasyon ng dalawa, ngunit hindi ko maitatangging may kakaibang epekto iyon sa akin.
Hindi ko rin maintindihan kung ano ang nagtulak sa akin para gantihan ang halik niya. Maybe it was because of how soft his lips felt against mine. Or perhaps it was because of how undeniably handsome he was.
Pwede ring dahil naaawa ako sa kanya. Pareho kasi kami ng sitwasyon. Pareho kaming niloloko ng sarili naming mga asawa, at marahil, sa sandaling iyon, pareho naming hinahanap ang kaunting ginhawa sa piling ng isang taong nakakaunawa sa sakit na pinagdaraanan namin.
But this is absolutely wrong!
Mali na nga ang ginagawa ng mga asawa namin, bakit naman kami gagaya pa sa kanila? Kung itutuloy namin ito, hindi na rin kami naiiba sa kanila. Pare-pareho na lang kaming manloloko!
Napagtanto kong unti-unti nang lumalalim ang halik sa akin ni Alexander. Ramdam ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa batok ko habang idinidikit pang lalo ang katawan sa akin.
Pati ang dila niya ay pinipilit na ring pumasok sa loob ng bibig ko.
Teka, asawa niya ang best friend ko, pero bakit ganito siya humalik sa akin? Bakit parang napakasarap ng bawat dampi ng mga labi niya sa akin?!
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dapat ay itinulak ko na siya palayo sa unang pagkakataon pa lang na inilapit niya ang mga labi niya sa akin.
Pero bakit tila may bahagi sa akin na ayaw siyang pakawalan? Bakit, sa kabila ng lahat ng dapat kong isaalang-alang, hinayaan kong madala ako ng sandaling iyon?
Pinilit kong mag-ipon ng lakas at buong puwersa ko siyang itinulak palayo sa akin. “Get away from me!”
Nang tuluyan kaming magkalayo, pareho kaming hinihingal. Ilang sandali kaming nanatiling tahimik habang nakatitig sa isa't isa.
Para bang pareho kaming hindi makapaniwala sa nangyari. Wala ni isa sa amin ang agad nakapagsalita, at tanging mabilis naming paghinga lamang ang maririnig sa loob ng silid.
“I’m sorry. I…” Natigilan si Alexander, tila hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang sarili o kung anong mga salitang dapat niyang sabihin upang maipaliwanag ang ginawa niya sa akin.
Napasuklay na lang siya sa buhok niya gamit ang kanyang mga daliri.
“It’s okay. I’m sorry din,” nakayuko kong sagot.
Hindi ko alam kung nagsosorry ba ako dahil itinulak ko siya palayo o dahil, sa kabila ng lahat, gumanti rin ako ng halik sa kanya.
Hindi ko rin alam kung bakit pakiramdam ko ay wala akong karapatang magalit sa kanya gayong ako mismo ay hindi rin naman agad umiwas.
Hindi ko na alam. Siguro, pareho.
Ang gulo-gulo na ng isip ko. Para bang ilang segundo lang ang lumipas, pero napakaraming bagay na ang nangyari sa pagitan naming dalawa.
Ngayon ko lang din napagtanto na ako pala mismo ang humila sa kamay niya at pumigil sa kanya nang akmang pumasok siya sa banyo.
Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko para gawin iyon. Gusto ko lang namang itanong yung tungkol sa promotion ni Kiefer.
Pero ngayong medyo lumilinaw na ang isip ko, si Alexander na ang bahala sa kanya kung ipopromote ba niya ito o hindi, pero hinding-hindi ko ipapagamit ang katawan ko sa kanya.
“Sige na. You can take a shower now. Magpapahinga na ako.” sabi ko sa kanya nang hindi pa rin makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.
Para kasi siyang nanghihigop kung makatingin. Kainis!
Nang akmang hihiga na ulit ako sa kama, bigla ulit siyang nagsalita.
“Don’t you want to take a shower too?” tanong niya.
Bahagya akong napanganga at napatingin sa kanya.
“I mean… baka gusto mong mauna.”
“Wala akong damit na pamalit,” matipid kong sagot.
“Maraming damit si Stacy dito. Do you want to borrow some?”
Umiling ako.
Noon siguro, noong itinuturing ko pa siyang kaibigan at wala pa akong nalalaman tungkol sa pagtataksil nila ni Kiefer sa amin, hindi ako magdadalawang-isip na manghiram ng damit sa kanya.
Tutal, ilang beses na rin naman akong nakitulog sa bahay nila at hindi naging problema sa akin ang paggamit ng mga gamit niya.
Pero iba na ngayon. Ngayong alam ko na ang lahat, hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkasuklam sa tuwing naiisip ko silang dalawa.
Hindi ko na kayang isuot ang kahit anong damit na pag-aari niya, lalo na't alam kong hindi ko na maituturing na kaibigan ang babaeng ‘yon.
“Ayoko. Pwede bang damit mo na lang ang hihiramin ko? Nandidiri ako sa kanya.” diretsahan kong sagot.
Tumayo ako mula sa kama, pero pagkatayong-pagkatayo ko bigla na lamang umikot ang paningin ko.
Napahinto ako at sinubukang kumapit sa kung saan, pero tila nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko.
Mabilis naman akong nasalo ni Alexander bago pa ako tuluyang matumba.
“Willa…” mahinang bulong niya nang muli na namang magkalapit ang aming mga mukha. “Be careful.”
Napatingin ako sa mga mata niya. May kakaibang lambing sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Para bang nag-aalala talaga siya sa kalagayan ko.
Tumango lamang ako bago dahan-dahang kumalas sa pagkakahawak niya. Hindi ko na hinintay na may sabihin pa siya at mabilis akong pumasok sa banyo.
Agad kong isinara ang pint0 at ilang segundo muna akong sumandal doon. Napapikit ako at malalim na napabuntong-hininga habang pilit na inaayos ang magulong isip ko.
Ano bang nangyayari sa akin?
Hindi dapat ako nagpapadala sa ganitong sitwasyon. Asawa siya ng best friend ko, kahit pa hindi ko na alam kung karapat-dapat bang tawagin iyong pagkakaibigan pagkatapos ng lahat ng ginawa nila sa akin.
Pero hindi pa rin nagbabago ang katotohanang may asawa si Alexander.
Napailing ako at nagpasyang huwag nang pag-isipan pa iyon. Hindi ko na dapat dagdagan ang mga problemang kailangan kong harapin.
Agad kong hinubad ang suot kong damit, pero sa kasamaang-palad, hindi ko maabot ang zipper nito sa likod.
Ilang beses kong sinubukang abutin iyon, pilit na iniikot ang braso ko sa likuran habang bahagyang itinataas ang balikat ko. Pero kahit anong pilit ko, hindi talaga maabot ng mga daliri ko ang maliit na zipper.
“Seriously?” bulong ko sa sarili habang napapangiwi sa inis.
Napabuntong-hininga na lamang ako.
Wala akong ibang pagpipilian kundi ang lumabas muli ng banyo at humingi ng tulong sa boss ng asawa ko, na asawa ng best friend ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang p***o at sumilip sa loob ng kwarto. Nakita kong nakatayo si Alexander sa harap ng closet habang tila naghahanap ng damit na maaari kong isuot.
Nang marinig niya ang pagbukas ng p***o, agad siyang napalingon sa akin.
“What is it, Willa?”
Ang sarap talagang pakinggan ng pangalan ko kapag siya ang bumibigkas nito. There was something different about the way he pronounced it, like he added a hint of emphasis and tenderness to every syllable.
Kahit sa simpleng pagtawag lang niya sa pangalan ko ay napapatingin agad ako sa kanya.
“Ahmm… can you help me with the zipper? Hindi ko kasi maabot,” nahihiya kong pakiusap.
Bahagya kong iniwas ang tingin ko dahil hindi ko alam kung paano sasabihin iyon nang hindi nagmumukhang awkward ang sitwasyon.
“Sorry sa istorbo, Alexander.”
Sandali niya akong tinitigan. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya, pero napansin kong saglit na bumaba ang tingin niya bago muling bumalik sa mukha ko.
Pagkaraan ng ilang segundo, tumango siya at ibinaba ang damit na hawak niya bago tuluyang naglakad palapit sa akin.
At sa hindi ko malamang dahilan, bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko.
Napakagat ako sa ibabang labi habang hinihintay siyang lumapit. Sana matapos na lang agad ito. Ayoko nang magkaroon pa ng panibagong dahilan para malito sa nararamdaman ko.
Pumasok ulit kami sa loob ng banyo at sa harap ng malaking salamin ay unti-unti niyang hinila pababa ang zipper ng suot kong dress, at sa buong sandaling iyon ay nakatitig lang siya sa mga mata ko sa repleksyon namin sa salamin
Sa tuwing dumadantay ang balat niya sa likod ko, napapasinghap ako dahil parang napapaso ako sa init na hatid nito sa balat ko.
Nang tuluyan na niyang maibaba ang zipper, hindi ko alam kung anong naisip niya dahil bigla na lamang niyang hinawakan ang magkabila kong balikat na nagpapitlag sa akin.
“Alexander…” bulong ko nang hindi inaalis ang tingin sa kanya sa salamin.
Hindi siya sumagot. Dahan-dahan niyang hinagod ng kanyang mainit na mga palad ang mga balikat ko at saka ibinaba ang mga strap ng suot kong dress.
Hindi ko naman ito hinayaang malaglag dahil mahigpit ang pagkakahawak ko nito sa bandang dibdib.
“Willa…” mahinag sambit ni Alexander, at ang sumunod kong naramdaman ay ang pagdantay ng kanyang namamasang mga labi sa kaliwang balikat ko.
“Alexander, no…” sabi ko bago ako napapikit.
Pero sa halip na bitawan ako, marahas niya akong pinihit paharap sa kanya.
Dahil sa pagkagulat ko, nabitawan ko ang dress ko at tuluyan na nga itong nalaglag sa sahig.
“Alexander…” bago pa ako makapagprotesta, muli niya akong siniil ng halik sa mga labi.
-Willa-“Darling, nakauwi ka na ba? Ang sakit ng katawan ko at ng puk3 ko. You fvcked me so hard last night, tapos kanina naka-ilan ka din sa akin bago tayo naghiwalay. You are so fvcking good, Kiefer. I can’t get enough of you. Ang galing-galing mo!”Nagngingitngit ang kalooban ko habang paulit-ulit na binabasa ang mensaheng ipinadala ni Stacy. Halos durugin ko na ang cellphone ni Kiefer sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko dito.That fvcking b!tch! Sobrang landi!Pero hindi pa man ako nakakabawi sa galit na nararamdaman ko, may panibagong message na naman siya na sinend.Agad ko iyong binuksan at halos umusok ang ilong ko sa sobrang pandidiri nang mabasa ang laman nito.“Ihanda mo na ‘yang alaga mo bukas ng gabi sa dinner natin. Ikaw na lang ang magiging work-out ko para makapagtrabaho ako sa Monday. Alam mo namang hindi tumatayo ang ari ni Alexander, so huwag ka nang umasa sa promotion mo dahil walang nangyari sa kanila ni W. Sa library tayo bukas para mas exciting. I’ll be waitin
-Willa-Sabi ko na nga ba’t matagal na niyang kinikimkim ang inggit sa asawa ni Stacy, at ngayon nga ay nakakita na siya ng pagkakataong patunayan na kaya rin niyang magkaroon ng kapangyarihan at posisyong katulad ng kay Alexander.Nakakatawa at nakakasuklam. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang sarili niyang pamilya at ang trabahong mayroon siya, mas inaalala pa niya kung paano niya malalampasan ang ibang tao.“Of course, honey. I'm happy for you. Kung saan ka masaya, doon ako,” nakangiting sagot ko habang pilit na pinananatili ang pagiging malambing ng aking boses. “Congratulations on your new job! Kailan ka raw mag-istart?”Tumalikod ako sa kanya at saka tinitigan ang phone ko na nasa ibabaw ng washing machine. Nakita kong may message si Alexander kaya mabilis ko itong dinampot at ipinaso sa bulsa ng suot kong housedress. Mabuti na lang at naka-silent ito, kung hindi ay siguradong magtatanong siya kung sino ang nagext sa akin.Muli niya akong niyakap sa likod. “Hindi ko pa alam, eh.
-Willa-Nang mapansin ni Kiefer na nakatingin ako sa kanya, agad na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mula sa kaninang seryoso at tila nadidismayang itsura ay napalitan iyon ng isang pilit na ngiti. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo bago marahang hinaplos ang aking pisngi.“It's okay. Marami pa namang chance. Hindi pa siguro ito ang time ko para sa promotion,” nakangiting sabi niya na para bang wala lang sa kanya ang pagkabigo. “You’re more important to me, Willa.”More important? Pagkatapos niya akong ipamigay kay Alexander na parang isang ulam lang para tikman?Patawa lang?Pilit din akong ngumiti para hindi niya mahalata na alam ko na ang lahat ng mga kalokohan niya. “Baka naman pwede mong pakiusapan si Alexander. Malay mo naman, magbago pa ang isip niya at ibigay na sa iyo ang promotion na matagal mo nang hinihintay.” mungkahi ko. “Tutal hindi naman na tayo iba sa kanial. Magkakaibigan naman tayo, di ba?”Pero sa isip-isip ko, malabong-malabo nang mangyari ‘yon
-Willa-Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang nagpakawala ng hangin. Unti-unti na namang namuo ang mga luha sa mga mata ko.Kaya pala. Kaya pala may mga pagkakataong parang may kakaiba sa kilos ni Kiefer, at may mga gabing sinasabi niyang may kailangan siyang asikasuhin sa trabaho kahit hindi naman iyon karaniwan sa kanya. Kaya pala may mga pagkakataong tila wala siya sa sarili kapag magkasama kami. At ngayon ko lang napagtanto na kaya sumasakit ang katawan niya ay dahil siguro sa pakikipagkantvtan niya sa kabit niya!Hindi ko lang pinansin ang mga iyon dahil nagtitiwala ako sa kanya.Napakasakit isipin na habang abala akong maging mabuting asawa, may ibang babaeng pinaglalaanan ng panahon at atensyon ang lalaking pinakasalan ko.At ang mas masakit, hindi lang pala ako ang niloloko niya. Pati ang mga taong nakapaligid sa amin ay nadamay na rin sa pagtatakip niya ng kasalanan.“Nagsinungaling si Kiefer, Ate,” paos na sabi ko nang muli akong magsalita. Tuyong-tuyo na ang lalamunan
-Willa-Inihatid ako ni Alexander sa bahay pagkatapos naming magdesisyong umuwi na. Pagkababa ko sa kotse niya, agad kong napansin na wala pa rin ang sasakyan ni Kiefer sa garahe. Ibig sabihin, hindi pa ito nakakauwi.Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot sa bagay na iyon. Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung gusto ko pa ba siyang makita. Matapos ang lahat ng nalaman ko tungkol sa kanya, hindi ko na kayang harapin ang mukha niya nang hindi naaalala ang pagtataksil niya sa akin.“See you tomorrow, Willa.”Ibinaba ni Alexander ang bintana ng kanyang kotse at nakangiting kumaway sa akin bago niya pinaandar ang magara niyang sasakyan palayo.Ngumiti rin ako bilang tugon at hinintay muna siyang tuluyang mawala sa paningin ko bago ako pumasok sa loob ng bahay.Pagkapasok ko, dumiretso ako sa kwarto at agad na naligo ulit kahit nakaligo na ako sa penthouse ni Alexander. Gusto kong alisin sa katawan ko ang anumang bakas ng nangyari kagabi at ngayong araw. Pakiramdam ko’y
-Willa-Paano kung masanay ako sa yakap niya? Paano kung dumating ang araw na hindi ko na kayang matulog nang hindi siya katabi? At paano kung sa bawat paggising ko ay siya na ang hinahanap ng katawan ko?Kailangan ko munang magfile ng annulment para hindi ko na iisiping nagtataksil din ako kay Kiefer.Pero bago ko pa man tuluyang mapag-isipan ang lahat, hindi ko namalayang umuusod na pala ako palapit kay Alexander.At ilang segundo pa ang lumipas ay muli na akong nakapaloob sa mga bisig niya.“Good girl…” Mahina niyang bulong sa tenga ko bago niya ako hinalikan sa ulo.Napapikit ako nang maramdaman ang init ng halik niya. Napakasarap sa pakiramdam na tratuhin niya ako nang ganito na para bang wala akong kailangang alalahanin habang nakahiga ako sa tabi niya.“I love holding you like this, Willa,” muling bulong niya habang marahang hinahaplos ang likod ko. “Ang sarap sa pakiramdam. Sana tuwing umaga, nayayakap kita nang ganito.”Hindi ko alam ang isasagot ko. Ilang sandali akong nanat







