Share

Lover 7

Penulis: missyue
last update Terakhir Diperbarui: 2022-04-29 17:53:35

Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa mga mata ko ng imulat ko iyon. Susubukan ko sanang itabing ang braso ko sa liwanag ngunit natigil ako ng makaramdam ng sakit mula duon.

"Agh," mahinang daing ko. Noon ko tuluyang naimulat ang mga mata. Ramdam ko na parang may makirot na pagtusok mula sa kamay ko.

Puting dingding, mga kurtina at salaming bintana na nilalagusan na ng mainit na sikat ng araw ang una kong nabistahan. Puno ng pagtatakang inilibot ko ang tingin sa paligid. Walang tao sa maliit na kwarto. May mahabang sofa sa di kalayuan ng kama at maliit na coffee table. Nang lingunin ko ang gilid ko ay natagpuan ko ang dextrose na siyang nakakonekta sa kamay ko kung saan ako nakaramdam ng sakit. Parang noon lang nag-sink in sa akin na nasa ospital pala ako.

"Mabuti naman at gising ka na."

Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paggapang ng kilabot nang matagpuan ko sa may gawi ng pinto ang multong pilit kong iniiwasan.

"A-Anon
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Phantom Lover   Lover 20

    Nangilabot ako sa gawi ng pagtawag sakin ni Cai. Nang balingan ko ito ay nanigas na rin yata ako sa kinatatayuan ko pagkakita ko sa madilim nitong anyo. Mukhang nangangahulugan na naman ito ng panibagong giyera sa pagitan namin. Nagwawala naman ang dibdib ko na animo ay may nauna na roong pagrarambulan. Tanda ko noon na ganitong-ganito ang reaksyon nya noong nagpumilit akong pumunta sa game nila Caden. Wala sa loob na napatitig ako sa mga mata ni Cai. Pakiramdam ko ay biglang tumahimik ang paligid at wala akong ibang naririnig kundi ang ingay na ginagawa ng dibdib ko. Gusto kong bawiin ang tingin dito pero hindi ko magawa. Para kasing may kung ano sa mga mata nito na hindi ko maiwasang hindi titigan. Isa pa ay ang gawi ng tingin ni Cai na para bang may gusto itong iparating. “Ino, are you alright?” Nag-aalalang boses ni Apollo ang siyang nagpabaling sakin dito mula sa pagkakatitig kay Cai.“A-ah, o-okay lang ako, Apollo,” hindi magkandatutong sagot ko dito ng mapagtanto ang nangyari

  • Phantom Lover   Lover 19

    "Seriously, Ino? Skipping classes because of that?" Naiiritang bungad ni Merlin sakin pagkaupo sa tabi ko kasabay din noong ang pagbagsak nito ng ilang papeles sa kandungan ko. Sa totoo lang ay nagulat ako sa biglang pagsasalita nya. Masyado kasi akong okupado ng pagsusuyod sa mga librong hiniram ko sa library kanina. Hindi naman talaga sa nag-skip ako ng klase, nagkataon lang talaga na na-late ako ng pasok kanina dahil natanghali ako ng gising. Kaya imbes na pumasok ng late at mapagalitan ay naisipan ko nalang na manghiram ng libro sa library at dito magbasa sa leisure park ng school na malapit sa soccer field. Tahimik kasi dito kanina. Umingay lang ng magsidating ang mga soccer players at mga fans nila. Natamad naman akong lumipat ng ibang lugar kaya minabuti ko nalang na dumito. Medyo mapuno kasi itong lugar at naka-bermuda grass pa kaya masarap magpalipas ng oras at sumalampak sa damuhan. Isa pa ay pagkakataon ko na rin ito para mapahinga dahil wala akong kabuntot na bantay. Nag

  • Phantom Lover   Lover 18

    "Ano?!"Kulang nalang ay takpan ko ang magkabilang tenga ko sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nila Merlin at Jade. Mabuti nalang at nandito kami sa cafeteria ng school at wala sa library kung hindi ay baka napalayas na naman kami. Kung bakit kasi sabay pa ang dalawang ito kung mag-react at sumigaw. Mainam nalang din at wala si Clint kung hindi ay magkakatatlo pa sila."Nababaliw ka na ba, Ino?" Singhal ni Merlin sakin. "Hindi ka pa nga tapos sa isa, dinalawa mo pa ang tutulungan mo!""Huwag kang sumigaw, Merlin. Katabi mo lang ako. Isa pa pinagtitinginan na tuloy tayo," mahinang saway ko dito. Hindi lang din naman kasi dahil sa pinagtitinginan kami kaya ko ito sinasaway kundi dahil naroon din si Cai sa likod ko. Ayaw nya kasing pumayag na maiwan nalang sa bahay kaya hanggang dito sa school ay kasama sya. Pati tuloy panenermon sakin ng tatlong ito ay naririnig nya. Kung di ko pa alam ay nagbubunyi na ito dahil hindi lang ako sa kanya nakatanggap ng sermon."Hindi ba komplikado yun, Ino

  • Phantom Lover   Lover 17

    Isang irap ang iginawad ko kay Cai ng makalabas ako ng banyo. Nadatnan ko itong prenteng nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard habang may makahulugang ngisi sa labi. Ayoko pa nga sanang lumabas dahil naiilang ako sa mga ikinikilos nito pero wala na akong magawa. Alangan naman kasing hindi na ako lumabas ng banyo o kaya naman ay paalisin ko ito, baka lalo lang syang makahalata sa nararamdaman ko.Matapos irapan si Cai ay pinilit kong huwag na itong pansinin. Hindi lang dahil sa naiinis ako dito, kundi dahil palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko sa mga titig nya. At lalo pang nagwawala iyon kapag lumalapit sya. Naalala ko tuloy nang tawagin ako nitong babe kanina. Mabilis pa sa alas-kwatro na nag-react ang puso ko sa isiping iyon. Humugot ako ng malalim na hininga saka binalingan ang bata.Nakita ko ito na nakatayo, di kalayuan sa may kama at nakatingin kay Cai. Muntik ko pa nga itong hindi makilala dahil maayos na ang itsura nito. Presentable na ang suot nitong damit at hindi

  • Phantom Lover   Lover 16

    Kampante akong nagbababad sa bathtub at pilit kinakalma ang utak para hindi mag-isip ng kung ano-ano nang makaramdam ako ng kakaibang lamig na gumagapang mula sa kamay patungo sa braso kong nakadantay sa gilid ng bathtub. Nanuloy iyon sa batok ko na siyang magpatindig sa balahibo ko roon at maging sa buhok ko. Noon ako biglang napamulat at napaayos ng upo. Nabuhay ang takot sa dibdib ko dahil sa naramdaman kong iyon. Alam kong hindi si Cai iyon dahil hindi ako kinikilabutan at natatakot ng ganito kung siya iyon. Alerto kong inilibot ang mata habang kumakabog ng malakas ang dibdib. Ganito iyong naramdaman ko kanina ng masalubong ko ang mga galang multo na iyon. Hindi kaya nasundan na naman ako? Huwag naman sana.Halos lumuwa ang mata ko sa nerbyos ng biglang magpatay-sindi ang ilaw sa banyo. Iba na ang pakiramdam ko sa paligid at hindi nalang din mga balahibo ko sa braso ang nagsisitayuan, kundi maging sa buong katawan na."C-Cai, nandyan ka ba?" Pilit kong pinakakalma ang sarili sa k

  • Phantom Lover   Lover 15

    Unti-unti kong naramdaman ang pagkawala ng nakakakilabot na lamig sa paligid na para bang senyales na umalis na ang mga ito. Gusto ko sanang alamin at tignan kung ganoon nga ang nangyayari pero ayokong idilat ang mga mata ko. Baka kasi katulad ito noong nasa horror film na kunwari nawala na ang mga multo tapos kapag binuksan ng bida ang mga mata nya ay biglang lalabas ang mga ito sa mismong harapan nito.Lalo akong nanginig sa isiping iyon, isama pa ang mga itsura ng mga multong iyon. Bigla ay parang gusto kong maiyak muli. Kung sana ay nandito si Cai para tulungan ako. O kung tutulungan kaya ako nito kung kasama ko siya? Sa kabila ng hindi namin pagkakaintindihan nagawa ko pa talaga siyang tawagin.Nasa ganoon akong kaisipan nang muling gumapang ang lamig sa balat ko. Hindi iyong lamig na katulad ng kanina, kundi iyong lamig na kilala na ng sistema ko. Unang nag-react ang puso ko bago ko pa nagawang imulat ang mga mata ko. Naroon sa harap ko at nakatayo ang lalaking kanina lang ay p

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status