Share

Kabanata 5

Author: Kara Nobela
last update Last Updated: 2025-01-01 21:51:49

Ella POV

“What?” gulat na sambit ko.

“You heard me right. Gusto ni Miguel na ikaw ang maging field assistant nila. Alangan namang tanggapin ko yun. C’mon Ella, hindi ko magagawa sayo yun, kahit pa gipit na gipit na ako, and besides, hindi naman naghihirap ang company natin kaya hindi pa ’ko desperada na tanggapin ang demand niya.” paliwanag ni Macy.

Parang ang hirap iprocess sa utak ko ang sinabi niyang gustong mangyari ni Miguel.

“Bakit ako? It doesn't make sense at all.” naguguluhan kong tanong. Tanong hindi para kay Macy kundi para sa sarili ko.

“I know. Sabi niya, he prefers to work with someone he knows, but i doubt it.” ani Macy.

Napaupo na lang ako na pilit iniisip kung ano ba talaga ang nangyayari.

“Paano kung may galit pala siya sayo at gusto ka nyang gantihan? Eh di ako pa itong naglagay sayo sa kapahamakan.” mapaklang napatawa si Macy sabay inom ng kape na tinimpla ko.

Napabuntong hininga ako. Alam ko naman na kahit magprinsinta akong ituloy ang project ay hindi pa rin papayag si Macy. Kilalang kilala ko ang kaibigan ko. Napakabait niya pero may paninindigan siya at isang salita.

“Hindi naman siguro. Nung magkita kami, mukhang naka-move on na talaga siya at mukhang mahal na mahal nya ang fiancee niya. Alam kong hindi fake yung nakita ko sa kanila, maganda talaga ang relationship nila.” giit ko.

“I won’t take a chance Ella. Hindi natin kailangan ang pera niya. Like you said, it doesn’t make sense kung bakit ikaw ang kailangang mag-asikaso ng kasal niya. hindi niya dapat irequest yun in the first place, dahil mag-ex kayo kahit pa anong sabihin niya. Respeto naman sana para sayo ‘noh.” ani Macy at tumaas pa ang kilay.

“Masyado mo yatang tinarayan sa telepono kaya ayaw sayo.” dinaan ko na lang sa biro dahil na-iistress na rin ako sa pinag-uusapan namin. Pareho kami ni Macy.

Yung inis sa mukha nito ay biglang nag-iba. Umirap ito at napatawa.

“Masyado ka yatang nagpaganda kaya gusto sayo.” ganti naman nito.

Ako naman itong napairap nang mabilis niyang naibato sa akin ang sinabi ko. Naupo ako sa harapan niya.

“Gwapo pa rin ba?” nakakalokong tanong ni Macy.

Pinamulahan ako ng mukha. Ang totoo kasi, ay mas gumwapo ngayon si Miguel. Mas nagmatured ito na mas bumagay rito.

“Hindi na, losyang na.” tanggi ko.

Napatawa naman ng malakas si Macy.

“Sus….” makahulugang sabi nito na naniningkit ang mga matang tumingin sa akin.

“Totoo. Mas gwapo na ngayon si Enzo.” sagot ko.

Biglang napatingin si Macy sa akin. Kita ko ang pagkislap sa mga mata nito nang banggitin ko ang pangalan ni Enzo..

“Siyempre para samen ni Dino, mas pogi si papa Enzo.” nakangiting anito.

Bibiruin ko pa sana siya nang magring ang aking cellphone. Tumatawag si kuya June kaya agad kong sinagot ang tawag nito. Napatayo ako nang marinig ang boses ng kapatid ko. Napapikit ako nang sabihin nito sa akin kung bakit ito napatawag.

Nasa Cebu ngayon si kuya dahil Roving Auditor siya sa isang shoe company. Cebu branch ang ino-audit niya ngayon. Nang matapos naming mag-usap ay agad akong nagpaalam kay Macy.

“Pasensya na Macy kailangan ko lang puntahan ang pamangkin ko. Nasa police station siya ngayon, napa-trouble. Wala si kuya, ako muna ang pupunta dun.” taranta kong sabi. Nagulat si Macy sa narinig.

“Ingat ka, sana okay lang si Jerald.” anito na may himig pag-aalala.

Hiwalay si kuya sa ina ng pamangkin ko. Nagttrabaho din ito sa abroad kaya naman ako ang tumatayong guardian ni Jerald kapag wala si kuya. Agad kong kinuha ang bag ko at nagmamadaling umalis ng opisina na nag-aalala para sa 15-anyos na pamangkin ko. School hours ngayon, nagtataka ako kung bakit ganitong kaaga nagkaproblema. Mabait naman ang pamangkin ko kaya nag-aalala ako sobra, pero ang sabi ni kuya ay si Jerald ang may kasalanan. Kaya naman mas lalo akong nag-aalala.

Nagmaneho ako gamit ang company car. Eto na rin ang pang araw-araw kong service. Dahil sa nature ng trabaho namin ay kinailangan akong ibili ni Macy ng sasakyan lalo na at hindi ko pa afford ang bumilli ng sariling kotse.

Mabuti na lang at hindi traffic ngayon kaya mabilis akong nakarating sa police station. Pagkatapos kong magpark ay halos patakbo akong pumasok sa loob. Natanaw ko ang aking pamangkin na naka-upo sa harapan ng lamesa ng isang police officer. Humahangos akong lumapit sa kanila.

“Tita..” bulalas ni Jerald nang makita ako at napatayo ito na halatang namomroblema.

“Jerald anong problema?” nag-aalala kong tanong dito.

Hinawakan ko agad siya sa braso at tiningnan kung hindi ba ito nasaktan. Nakayuko ito pero pasulyap sulyap sa kaharap kaya pumihit ako at sinundan ko kung ano ang tinitingnan niya. Ngayon ko lang napansin ang lalaking naka-upo sa tapat ni Jerald. Laking gulat ko nang makilala ito– si Miguel!

Hindi tuloy ako nakapagsalita agad. Anong ginagawa niya rito at bakit sila magkasama ni Jerald dito sa police station?

“Kayo po ba ang tiyahin ng batang ito?” para akong nagising nang marinig ang boses ng police kaya hinarap ko ito sabay tango.

“Ako nga po.” tugon ko.

“Maupo muna kayo.” wika ng police.

Tumabi ako kay Jerald at naupo sa tabi niya. Kay mamang pulis lang ako nakatingin at ayaw magawi ang mga mata ko sa direksyon ng lalaking hindi ko na sana gustong makaharap ulit.

“Ms. Chaves, nahuli ni Mr. dela Vega ang pamangkin nyo na binubutas ang gulong ng sports car nya.” pag-uumpisa ng police.

Hindi ako makapaniwala sa tinuran nito. Bigla akong napalingon kay Jerald at nagkasalubong ang mga mata namin. Napayuko ito at dahil dun ay kumpirmado ko nang totoo ang ibinibintang sa kanya.

Sports car? Ang mahal ng gulong nun. Napapikit ako ngang mariin. Nuh ba naman yan? Gastos na naman. Hindi naman kami mayaman kaya paniguradong mamumroblema si kuya nito.

“Jerald…” frustrated kong usal habang nakatingin sa pamangkin ko na nakayuko pa rin.

“Napag-utusan lang po ako tita.” mahina nitong sabi at namumula na ang mga mata nito.

“Sinong nag-utos sayo?” hjindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses.

“May nangungursunada po kasi palagi sa akin school. Sabi nila, hindi na raw nila ako kukulitin kung susundin ko ang ipagagawa nila sa akin. Sabi nila butasin ko daw yung gulong.”

Hindi ko maintindihan kung magagalit ako o maaawa sa pamangkin ko.

“Mag-usap tayo mamaya tungkol dyan sa mga nambubully sayo pag-uwi natin.” mahinga kong sabi dito habang napapahilot sa noo ko.

“Ms. Chavez, ang pamangkin nyo lang ang nakita sa lugar na pinangyarihan. Kaya naman, pamangkin nyo lang ang pwedeng sasampahan ni Mr. dela Vega ng reklamo. Kung gusto nyo ay pag-usapan nyo muna ito ng maayos bago natin iproseso ang kaso. Ang bata pa naman niyang pamangkin nyo. ” wika ng police at saka tumayo.

“Maiwan ko muna kayo at pag-usapan nyo ito ng complainant.” anito at saka tumalikod.

Wala akong magawa kundi ang harapin si Miguel na kanina ko pang pilit na iniiwasang makaharap. Paglingon ko sa kanya ay nakatingin na ito sa akin. Parang sanlibong paru-paru ang nagliliparan sa aking dibdib dahil sa tingin nito na parang tumatagos sa aking kaluluwa. Hindi ko matagalan ang tingin niya kaya ako ang unang nagbaba. Lihim akong humugot ng buntong hininga at saka tumikhim. Lakas loob ko siya muling hinarap.

“Mr. dela Vega…, pasensya na kayo sa ginawa ng pamangkin ko. Pakiusap, wag na sana kayong magsampa ng reklamo, babayaran na lang namin ang danyos. Napakabata pa ng pamangkin ko, baka makakasira pa ito sa record niya. Mabait naman ang pamangkin ko. Naniniwala ako at alam kong napilitan lang siyang gawin yun.” pakumbabang sabi ko kay Miguel.

Hinintay kong sumagot siya ngunit ilang saglit na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito sumasagot. Makikiusap pa sana akong muli nang magsalita ito.

“I'm not going to make you pay for the damages or take legal action.”

Bigla akong nakahinga ng maluwag– upang muli lang kabahan dahil sa sunod na sasabihin nito.

“Be my field assistant!”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ludy Perez
grabe ka na author ang sheket ng kapalit .....
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Planning His Wedding   Kabanata 198

    3rd Person POV“Good morning.” bati ni Enzo paglabas ni Macy ng banyo.Muli niyang naalala ang nangyari kagabi. Nanood siya ng basketball dahil ito ang final game ng team na sinusubaybayan niya. Minsan lang ito kaya hindi niya ito pwedeng palampasin. Nasa kalagitnaan siya ng panonood ng naramdaman

  • Planning His Wedding   Kabanata 197

    Tumingin ako sa paligid, malawak naman ang silid niya. Maghahanap na lang ako ng pupwestuhan mamaya.“Sige. Aayusin ko lang yung tutulugan nila.” sabi ko na lang at nagpaalam na para bumalik sa silid ko.Paglabas ko ay naabutan ko sina Mommy na kalalabas lang ng kusina. Niyaya ko sila papasok sa sil

  • Planning His Wedding   Kabanata 196

    Macy POVSinabi ko kay Enzo na tatawagin ko na lang siya kapag tapos na akong magluto. Naiilang ako kung sa kusina siya tatambay. Mabuti na lang din at may nareceived siyang tawag mula sa hospital kaya lumabas na ito ng kusina.Mabilis lang namang lutuin ang menu ko para ngayong gabi. Ginisang kala

  • Planning His Wedding   Kabanata 195

    Sumabay lang si Macy sa bilis ng lakad ni Enzo palabas ng mansion habang hawak siya nito sa kamay. Kita niyang seryoso ang mukha nito at diretso ang tingin sa daan. Huminto si Enzo pagdating sa labas ng malaking pintuan ng mansion. Nakatungo habang nakatingin sa magkahawak nilang kamay na tila mala

  • Planning His Wedding   Kabanata 194

    “Dad, Mom.. I want you to meet my wife, Macy.” walang paligoy ligoy na sabi ni Enzo. Saglit na katahimikan. Si Amelia ay bahagyang nanlaki ang mga mata at hindi inaasahan ang maririnig. Samantalang si Leonardo ay umaliwalas ang mukha at nakangiting tumayo. Lumapit siya kay Macy para yakapin ito.

  • Planning His Wedding   Kabanata 193

    Nakatayo si Macy sa harap ng salamin. Suot ang simpleng dress na hanggang tuhod. Hindi revealing pero very feminine ang dating. Hindi rin makapal ang make-up niya. Yung sapat lang para hindi siya magmukhang maputla. Naka half pony lang ang tali ng kanyang buhok. Pinakawalan ang ilang hibla sa gilid

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status