Share

Kabanata 6

Author: Kara Nobela
last update Last Updated: 2025-01-01 21:55:28

Ella POV

Be my field assistant?!?! Tama ba ang narinig ko?

Buong pagtataka akong napatingin kay Miguel. Nagbibiro ba siya? Kilala ko ang tingin na yun. Kilalang kilala ko siya at alam kong seryoso talaga siya sa sinasabi nya.

Nilingon ko muna Jerald na tahimik lang na nakayuko. Halatang kinakabahan pa rin sa pwedeng mangyari sa kanya.

“Jerald, dito ka lang. Mag-uusap lang kami.” wika ko dito at saka muling hinarap si Miguel.

“Mr. dela Vega, pwede bang sa labas tayo mag-usap?” tanong ko dito.

Hindi ito sumagot bagkus ay tumayo at walang sabi sabing naglakad palabas ng presinto. Tahimik lang akong sumunod sa kanya at nang nasa labas na kami ay agad akong nagsalita

“Bakit kailangang ako pa? Si Macy na nga ang may hawak sa wedding plans nyo. Siya mismo ang Senior wedding coordinator at pinakamahusay sa kumpanya namin. We are offering you the best person to take care of your dream wedding.” bungad ko.

“Ms. Chavez, I'm the client here so I can make demands without needing to explain myself. Whether it's upgrading or downgrading, I have the right to do so.” malamig na sagot ni Miguel.

“Ayaw nang tanggapin ni Macy ang project.” sagot ko.

“Then I have no choice but to file charges against your nephew.” ani Miguel at akmang tatalikod.

“Miguel…” wika ko at mabilis siyang pinigilan sa braso.

Tumigil si Miguel at unti-unting dumapo ang kanyang tingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Mabilis kong binawi ang pagkakahawak sa kanya nang marealized ko ang aking ginawa at nasabi.

“Sorry!” usal ko.

“Mr. dela Vega, does your fiancee knows about your demand–”

Agad niyang pinutol ang sasabihin ko.

“Don’t mention my fiancee here. Sofia is an amazing woman. Kung magkakaproblema man, siguradong hindi siya yun.” titig na titig siya sa akin habang nagsasalita.

“Miguel, kung ginagawa mo ito dahil galit ka sa aki–”

“Look Ms. Chavez, this is about my wedding. Sofia likes you, at ibibigay ko sa kanya kung anumang hilingin niya kahit mga walang kwentang bagay pa. You have until tomorrow noon to decide, saka pa lang ako magdedesisyon kung magsasampa ako ng reklamo laban sa pamangkin mo o hindi.” malamig na wika ni Miguel at saka ako tinalikuran. Para akong tinulos sa pagkakatayo.

Dire-diretso itong naglakad patungo sa police officer na kausap namin kanina. Pagkatapos nun ay lumabas na itong muli ng presinto. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin nang lagpasan niya ako. Hanggang ngayon kasi ay naiwan akong nakatanga sa labas ng presinto. Hindi agad nakahuma sa mga sinabi niya.

Napakagat na lang ako ng labi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay parehong sumasakit ang dibdib at ulo ko. Nang makabawi ako ay pinuntahan ko si Jerald sa loob. Sandali ko munang kinausap ang police at pinayagan na niya akong isama si Jerald pauwi.

“Sorry tita.” ani Jerald habang naglalakad kami palabas ng presinto.

Inakbayan ko siya. Hindi ko siya pinagalitan. Kilala ko ang aking pamangkin at alam kong napakabait nito. Sa halip ay pag-aalala ang naramdaman ko dahil sa mga bullies na ikinwento niya.

“Pag-uwi natin, ikwento mo sa akin yang mga nambubully sayo ha.” wika ko sabay pisil sa pisngi nito at saka ginulo ang kanyang buhok.

******

“Sigurado ka ba talaga Ella?” hindi makapaniwalang tanong ni Macy nang sabihin ko sa kanyang tatanggapin ko na ang demand ni Miguel. Ikinuwento ko na rin sa kanya ang nangyari kay Jerald. Pagkahatid ko sa aking pamangkin ay agad akong bumalik sa opisina at ikinweto ko agad kay Macy ang naging pag-uusap namin ni Miguel kanina sa presinto.

“May choice ba ako? Kung gulong lang, kahit ipangutang ko pa yun. Kahit pa alam kong napakamahal ng gulong na yun, pero ayoko namang magkaroon ng record si Jerald sa police. Paano na kapag nag-apply na siya ng trabaho? Hindi na yun mawawala sa record niya.” paliwanag ko.

“Hindi ko maintindihan yang ex mo. Gustong magpakasal eh hindi pa naman yata nakaka move on sayo.” ani Macy.

Hindi siya nagbibiro bagkus ay parang frustrated ang pagkakasabi nito. Labas sa ilong na napatawa ako.

“Imposible” mapaklang sabi ko.

“Naku Ella, sinasabi ko sayo ha. May fiancee na yung tao kaya mag-iingat ka.” ani Macy na nagbababala. Tinapunan pa niya ako ng naniningkit na tingin. Napangiwi naman ako.

“Ano ka ba naman Macy, siempre alam ko yun. Isa pa, ibang iba na si Miguel. Hindi na siya yung Miguel na mahal na mahal ako. Ramdam ko sa pagsasalita nya na head over heels siya sa fiancee niya. Kaya nga niya ginagawa ito dahil ang sabi niya, si Ms. Sofia daw talaga ang may gusto nito. Kung magkikita lang kayo ulit, maniniwala ka sa sinasabi ko.” tuloy tuloy na salaysay ko. Kung ilang taong hindi ko nakita si Miguel ay ganung katagal na rin itong hindi nakita ni Macy.

“Pinapaalalahanan lang kita. Ayoko lang na sa bandang huli ay iiyak at masaktan ka. Nakita ko kung paano ka nagdusa nung maghiwalay kayo.” anito.

“Ganun din naman si Miguel. Sobra siyang nasaktan. Ngayong masaya na siya, masaya na rin ako para sa kanya. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang dream wedding nila ni Ms. Sofia. Deserve nila yun at doon man lang ay makabawi ako sa pananakit ko sa kanya. ” wika ko. Tumingin ako sa kaibigan ko.

“Macy, may konting kirot pa pero tanggap ko na. Ang mahalaga, masaya na ulit si Miguel, and this is the least I can do for him.” patuloy ko pa ng may ngiti sa labi. Totoo, hindi na talaga ako umaasa pa.

Tumingin si Macy sa akin na mukhang pinag-aaralan ang nakarehistro sa mukha ko. Mukhang satisfied naman ito sa kanyang nakita kaya ngumiti lang ito ng tipid.

“Sige, tatawagan ko ang sekretarya niya at sasabihin kong ikaw na ang hahawak ng mga activities nila. Kapag nasabi ko na, wala na itong urungan pa.” huling pagpapaalala niya sa akin.

“Sure na sure na!” pagkumpirma ko sa kanya at sinamahan ko pa ng totoong ngiti.

Tumayo ako at nagpaalam na kay Macy. Lumabas ako ng opisina niya at saka naupo sa sariling pwesto ko. Isinalansan ko ang aking mga gamit at itinabi ang mga dokumentong nasa ibabaw ng aking lamesa dahil alam kong iba na ang pagkakaabalahan ko sa mga susunod na araw.

Dahil abala ako sa paglilinis ng aking table ay hindi ko namalayang nakalapit na pala si Macy sa aking pwesto. Nakatayo na siya ngayon sa aking harapan. Napatingala ako sa kanya ng ilapag nito ang isang malaking folder.

“Congratulations Ella, he’s all yours.” ani Macy.

“And so it begins…” tugon ko naman na nakangiti.

“Bukas ang next meeting mo for Budget Planning Session. Tingnan natin kung gaano kabongga ang kasal na ibibigay ni Miguel sa fiancee niya– kung kakabugin ba nyan yung pinlano niya dati para sa ‘yo. ” walang patumpik tumpik na anito.

Nagkibit balikat lang ako. Alam ko namang sinusubukan at tinatantya lang ni Macy kung hanggang saan ako tatagal. Kung hindi ako makatagal sa mga pasaring niya ay siguradong hindi ako tatagal sa project na ito.

Ang totoo ay bukal na sa loob ko ang pagtanggap sa proyektong ito. Hindi na ako napipilitan. Kagaya ng sabi ko kanina kay Macy, this is the least I can do for Miguel. Dito man lang ay makabawi ako sa kanya, gagawin ko ito bilang pagbawi na rin sa kasalanang nagawa ko.

“Okay, I’m looking forward to getting started on this project.” saad ko.

Ngumisi naman sa akin si Macy at nagsalita.

“Good, dahil sa office of the CEO ka niya imi-meet bukas…., so be ready!”
Kara Nobela

May this year bring everyone new opportunities, success and endless joy. May everybody be blessed with wonderful health and prosperity. Happy New Year!

| 40
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Fe Balais Hslili
grabe ha Kasama si Ella sa lahat Ng pag kaka abalahan Ng mga ikakasal tsk tsk tsk
goodnovel comment avatar
Conception Balmedina
parang ako ang nasasaktan ah...gusto kong umiyak
goodnovel comment avatar
Thatha Flores
Bakit po di ko mabasa hangang kabanata 7 lang p0 ako paano po to
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Planning His Wedding   Kabanata 171

    Katatapos ko lang makipagmeet sa isang kliyente sa restaurant sa loob nitong mall. Pauwi na sana ako nang makitang 10% na lang ang battery ng phone ko. Saka ko lang naalala na kailangan ko nga palang bumili ng power bank. Kaya dumaan muna ako sa isang tech store sa mall. Tutal ay narito na rin naman

  • Planning His Wedding   Kabanata 170

    “Pwede ba tayong mag-usap?” Napahinto ako nang marinig yun. Huminga muna ako ng malalim. Ang kulit niya! Sa loob loob ko ay gusto kong sumigaw. Ano bang tingin niya sa akin? Hanapan ng nawawalang forever? Bestfriend ko si Ella, hindi bantay.Nirelax ko ang mukha ko saka dahan dahan na humarap ul

  • Planning His Wedding   Kabanata 169

    Halos sabay kaming dumating ni Mike sa restaurant. Nasa loob na siya nang pumasok ako. “Bilis mong magdrive.” sabi ko nang naka-upo na ako. “Excited lang.” masiglang sabi nito. Habang kumakain ay kaswal lang kaming nag-uusap, kumustahan nung una, sunod ay tungkol sa mga trabaho namin. Hanggang

  • Planning His Wedding   Kabanata 168

    Ella POV“Ingat ka palagi dyan ha. I-lock mo palagi ang pinto.” bilin ko kay Ella bago kami magpaalam sa isat isat sa telepono.Nasa Cavite na siya ngayon, dun siya tumutuloy sa bahay ni Mommy na walang gumagamit. Pansamantala muna siyang lumayo dito sa Manila para makapag-isip isip sa problema niya

  • Planning His Wedding   Kabanata 167

    Parang lumundag ang puso ni Macy nang marinig ang baritonong boses ng lalaki sa kabilang linya. “Hello.” mahinang sagot ni Macy. Saglit na katahimikan bago niya muling narinig ang boses ni Enzo. “Pwede ba tayong mag-usap?” wika nito. Parang biglang sumigla ang puso ni Macy nang sabihin nito

  • Planning His Wedding   Kabanata 166

    3rd Person POVMalakas na boses ni aling Melby ang gumising kina Macy at Enzo na magkatabing natutulog sa kama, at nasa ilalim ng kumot. Sabay na napabalikwas ang dalawa dahil sa pagkagulat. Mahigpit na napahawak si Macy sa kumot upang takpan ang kanyang kahubaran. Si Enzo naman ay mukhang hilo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status