공유

Played by the Billionaire
Played by the Billionaire
작가: Senyorita

Chapter 1

작가: Senyorita
last update 게시일: 2026-07-13 06:29:21

Sinilip ni Joy ang laman ng wallet niya na parang umaasang may milagrong mangyayari. Dahan-dahan niya iyong binuka, kahit ramdam na niya ang nipis nito sa pagkakahawak niya.

Isang one hundred peso bill lang ang sumalubong sa kaniya.

At sa gitna ng wallet niya, sumilip ang mukha ni Roxas na nakasimangot din, parang hindi rin masaya na nag-iisa lang siya roon. Parang pati ang pera niya may attitude na.

“Mabuti na lang may one hundred pa,” bulong niya sa sarili, pilit na pinapasaya ang sitwasyon. Pero sa totoo lang, alam niyang kulang na kulang iyon.

As usual, bokya na naman ang lakad niya kanina.

Nasa kahabaan pa siya ng Butuan City, pagod ang mga paa at masakit ang likod sa kakalakad. Akala niya makakabenta siya sa pinuntahan niyang eskwelahan. Inayos pa niya kanina ang buhok niya bago pumasok, nag-practice pa ng sales talk sa isip.

“Ma’am, vitamins po for immune support…”

Pero parang pati mga guro doon ay immune sa budol niya.

Isa-isa silang tumanggi. May nag-smile, may nagkunwaring busy, may nagsabing “next time na lang.” Parang hindi na uso ang “health is wealth” ngayon.

Health is ignored, siguro.

Napabuntong-hininga siya.

Wala na nga siyang pera, wala pa siyang nabenta. Pagod na nga ang katawan niya, pagod pa ang ego niya.

Buhay nga naman.

Pero biglang may sumingit na tunog sa pagod niyang mundo—

“Tahooooo!”

Para bang may background music na nag-play sa buhay niya. Ito na yata ang sagot sa mga pighati niya buhay.

Napalingon siya agad.

Parang nawala ang pagod at sakit ng katawan niya sa isang sigaw lang ng taho vendor. Simula bata pa siya, paborito na niya ang taho. Kahit anong problema, parang gumagaan kapag may hawak siyang mainit-init na baso ng taho sa umaga.

Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Taho na ‘yon eh. Kahit pa siguro singkwenta lang ang hawak niya ay bibili pa rin siya talaga.

Lumapit siya agad.

“Taho, miss,” alok ng tindero habang nakangiti.

Inabot niya ang nag-iisang one hundred peso bill niya. Medyo masakit sa loob, pero mas masakit ang kumakalam na niyang sikmura.

Okay na siguro ‘to pantawid-gutom.

Sa layo ng nilakad niya, deserve naman niya siguro kumain. Mag-aalok na lang ulit siya mamaya sa mga kasama niya sa dorm. Baka sakaling may mabudol doon.

Ang tanong ngayon.

Saan aabot ang one hundred pesos mo?

Habang inaabot sa kaniya ang sukli at taho, may isa pang boses na sumingit.

“Baka gusto mo rin ng popcorn, ganda. Ten pesos lang.”

Napalingon siya.

Isang maliit na kariton ng popcorn ang nakapwesto ilang hakbang lang mula sa taho vendor. Amoy pa lang, nakakaakit na.

Naalala niya bigla ang sarili niya kanina.

Sa bawat alok niya sa mga guro ay tanggi ang nakukuha niya. Ngayon, siya naman ang inaaya. Parang siya pa ang mabubudol.

Tiningnan niya ang sukli niya. Eighty pesos. Kapag bumili siya ng popcorn, seventy na lang. At kulang na kulang na iyon pamasahe pauwi sa dorm. Napahinga siya nang malalim.

“Deserve ko ‘to,” bulong niya, parang kinakausap ang konsensya.

Iniabot niya ang sampung piso. Ang importante ngayon ay makakain siya ng taho at popcorn.

Masaya siyang naglakad sa kalsada, kahit alam niyang problema na mamaya ang pamasahe. Bahala na. May mga multicab naman.

Worst case scenario?

Mag one, two, three.

Inuna niyang ubusin ang taho.

Mainit-init pa, tamang tamis. Bawat subo ay parang reward sa sarili niya. Saglit niyang nakalimutan ang pagod at rejection na natanggap niya kanina.

Pagkatapos ay saka niya binigyan ng pansin ang popcorn.

Inihahagis niya ang piraso sa ere saka sinasalo sa bibig niya.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Perfect shot.

Napangiti siya.

“Hindi man ako nakabenta, at least may talent ako,” bulong niya habang naghahagis ulit.

Bawat hagis niya ay sakto sa bibig.

Hanggang sa sa isang iglap, may matigas na dibdib ang bumangga sa kaniya.

Napaatras siya. Tumilapon ang ilang piraso ng popcorn mula sa hawak niya. ‘Yon na lang ang pagkain niya, tumilapon pa talaga. Bago pa siya tuluyang makabawi, may marahas na kamay ang biglang humablot sa strap ng bag niya.

Snatcher.

“Hoy!” sigaw niya, sabay hinigpitan din ang kapit sa bag niya.

Ramdam niya ang gaspang ng palad ng lalaki sa strap. Ramdam niya ang lakas nitong humihila. Pero mas ramdam niya ang inis.

“Bitawan mo ‘yan!” galit niyang sigaw habang hinihila pabalik ang bag.

Sa gitna ng maingay ng kalsada, tila nag-slow motion ang lahat. Ang tunog ng mga sasakyan. Ang sigaw ng mga vendor. Ang mainit na hangin na humahampas sa mukha niya.

Isang malakas na hatak. Napapikit siya saglit at nabitawan niya ang bag niya.

“Walanghiya ka! Wala na nga kong pera pero ako pa talaga ang tinatalo mo!”

Hindi siya tumigil. Hinabol niya ang lalaki at sa lakas ng loob na hindi niya rin alam kung saan nanggaling, inipit niya sa leeg ang lalaki gamit ang braso niya.

Napasinghap ang lalaki.

“Isuli mo ‘yan!” gigil niyang sabi, halos magkadikit na ang mga mukha nila.

Pero habang nakikipagbuno siya, nagawa pa rin nitong buksan ang bag niya at itaktak ang laman sa sementadong kalsada.

Bumagsak ang mga tinitinda niyang vitamins. Kumalat ang mga sample packs. Nahulog ang maliit niyang notebook na may mga sulat tungkol sa quota niya. Ang panyo niyang kupas. Isang lipstick na halos paubos na.

Parang pati dignidad niya ay kumalat sa semento.

Nang gumulong ang wallet niya, mabilis itong dinampot ng lalaki at kumawala sa pagkakaipit niya.

“Hoy!” sigaw niya, sabay habol ulit sa snatcher.

Hinampas niya ito ng payong. Lintek lang talaga ang walang ganti. Marami naman sanang tao na nakakakita sa kanila pero bakit walang tumutulong sa kaniya? Hindi niya rin alam pero wala na siyang pakialam.

Binuksan ng lalaki ang wallet niya at tinaasan pa siya nito ng kilay nang makita kung magkano ang laman.

“Kung makahampas ka akala mo may limang libo ka dito!” reklamo nito. “Beinte pesos lang pala!” At ibinato nito ang wallet sa kaniya. Tumama iyon sa dibdib niya bago nahulog sa lupa.

“Asa ka pa!” sigaw niya, nanginginig ang boses sa galit at hiya. “Popcorn na nga lang ang kinakain ko, ako pa talaga ang papatusin mo!”

“Ang ganda mo pa naman,” pangungutya nito habang umaatras, “mahirap ka pala!”

Parang may sumabog sa loob niya. Siya na nga ang nahold-up, siya pa ang nakutya. Apaka naman talaga!

“Aba! Depunggol kang lintik ka!” sigaw niya at muli sana itong hahampasin pero mabilis nang tumakbo ang lalaki at naiwan siya sa gitna ng kalsada na magulo ang buhok. Namumula ang mukha. Mabigat ang paghinga.

Isa-isa niyang pinulot ang mga gamit niya. Pinagpag ang notebook. Inayos ang mga vitamins at inipit sa kilikili ang payong habang sinusubukang magmukhang hindi siya apektado.

Nang silipin niya ang wallet ay wala na ang bente pesos niya. Napapikit na lang siya sa inis.

“Ang depunggol na h*******k,” bulong niya, pilit pinipigilan ang pangingilid ng luha. “Bente na nga lang ang laman, sinulot pa.”

Mabilis niyang kinapa ang bulsa ng pantalon niya. Naroon pa ang sukli mula sa taho.

“Mabuti na lang pala.”

Napabuntonghininga siya. Wala na ngang nabenta. Naholdap pa. Pinahiya pa sa kalsada.

Pero sa halip na umiyak, kumuha siya ng popcorn at inihagis sa ere. Sinalo sa bibig, pero nahulog lang iyon sa pisngi niya.

“Bwiset,” bulong niya, saka ngumiti nang bahagya at sinubukang muli.

Pero ang hindi alam ni Joy ay may napangiti siya sa taas ng building. Nakatingin sa kaniya ang isang lalaking halos ilang taon na ring hindi ngumingiti. 

Tuwang -tuwa pa ito habang pinapanood siyang kinakain ang popcorn at kung paano siya nakipaglaban sa snatcher. 

At isa lang ang nasabi nito. “Habulin mo ang babae na ‘yon at dalhin mo siya rito sa opisina ko.”

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Played by the Billionaire   Chapter 4

    Pagkagising ni Joy ay parang may martilyong pumupukpok sa sentido niya. Napapikit pa siya sandali bago tuluyang dumilat. Bumungad agad sa kaniya ang maingay na tawanan, kaluskos ng zipper, at pagkaladkad ng malalaking maleta sa sahig ng dorm.“Hoy, akin ‘yan! Huwag mong isama sa’yo!” sigaw ng isa.“Regine, nasaan ‘yong charger ko?!” dagdag ng isa pa.Umikot ang paningin niya sa kisame bago siya napaupo. Sumakit lalo ang ulo niya sa biglang paggalaw. Ramdam pa niya ang pagkahilo at tuyong lalamunan, malinaw na epekto ng alak kagabi. Hindi niya na nga maalala kung pang-ilang shot ang huli niyang nainom.Napahawak siya sa sentido habang pilit iniintindi ang nangyayari.Unti-unti siyang tumingin sa paligid. Ang dati nilang masikip pero masayang dorm ay parang ibang lugar na. Nasa gilid na ang mga maleta. May mga kahon na nakabukas. May mga damit na nakaayos na sa loob ng luggage. May iba namang nag-aayos ng buhok sa harap ng maliit na salamin.At si Regine, nakaupo sa gilid ng kama, maing

  • Played by the Billionaire   Chapter 3

    “Kanina pa ba kayo?” tanong ni Joy nang tuluyan siyang makalapit sa mesa ng mga kaklase niya.Halos matabunan ang boses niya ng malakas na tugtog ng bar. Kumakalampag ang bass sa dibdib niya. Makukulay ang ilaw, pula, asul at violet na paikot-ikot sa kisame. May amoy ng alak, yosi, pabango, at pawis na nagsasama-sama sa hangin.Sa isang sulok ng bar, nandoon ang mga taong apat na taon niyang nakasama sa dorm. Apat na taon ng iyakan at tawanan, sabay-sabay na breakdown at sabay-sabay na puyat.“Yes, April Joy, kanina pa talaga kami!” sabay-sabay nilang sagot sa kaniya sabay hampas sa mesa.May mga bote na ng Red Horse sa mesa. May ilang platong pulutan na kalahati na lang ang laman. May mga tawa na medyo lasing na ang tono.Kanina pa sila nag-aaya sa group chat. Celebration daw. Finally, tapos na. Kahapon lang ang graduation nila. Graduate na siya. Graduate na sila kaya dapat masaya. Pero habang nakatingin siya sa mga kaklase niyang todo ang tawa, may kung anong kumikirot sa dibdib niy

  • Played by the Billionaire   Chapter 2

    Wala sa sariling naglakad si Joy sa kahabaan ng kalsada.Ramdam niya ang bigat ng bawat hakbang. Parang may tali ang mga paa niya na hinihila pababa. Ang init ng semento ay tumatagos hanggang talampakan niya. Dumidikit ang pawis sa likod niya, sa batok, at sa ilalim ng blouse niya.Pagod na pagod na ang katawang lupa niya at gutom na gutom pa. Kumukulo na nga ang sikmura niya. Ang popcorn at taho na imbes pangtawid gutom niya ay parang natunaw lang no’ng nakipag-agawan siya doon sa snatcher.Wala na ngang pamasahe, nakuha pa ang bente niya. Ang saklap naman talaga. Kung siguro no’ng nagbigay ng swerte ang langit, humihilik pa siya sa kaniyang kama kaya walang natirang swerte sa kaniya.Mahigpit niyang hawak ang bag sa dibdib niya, parang anumang sandali ay may susugod na naman at aagaw nito. Sa bawat lalaking dumadaan sa tabi niya, bahagya siyang umiilag.“Grabe talaga,” bulong niya sa sarili. “Bente pesos na nga lang, tinira pa.”Sa wakas ay natanaw niya ang pedestrian lane. Sa kabil

  • Played by the Billionaire   Chapter 1

    Sinilip ni Joy ang laman ng wallet niya na parang umaasang may milagrong mangyayari. Dahan-dahan niya iyong binuka, kahit ramdam na niya ang nipis nito sa pagkakahawak niya.Isang one hundred peso bill lang ang sumalubong sa kaniya.At sa gitna ng wallet niya, sumilip ang mukha ni Roxas na nakasimangot din, parang hindi rin masaya na nag-iisa lang siya roon. Parang pati ang pera niya may attitude na.“Mabuti na lang may one hundred pa,” bulong niya sa sarili, pilit na pinapasaya ang sitwasyon. Pero sa totoo lang, alam niyang kulang na kulang iyon.As usual, bokya na naman ang lakad niya kanina.Nasa kahabaan pa siya ng Butuan City, pagod ang mga paa at masakit ang likod sa kakalakad. Akala niya makakabenta siya sa pinuntahan niyang eskwelahan. Inayos pa niya kanina ang buhok niya bago pumasok, nag-practice pa ng sales talk sa isip.“Ma’am, vitamins po for immune support…”Pero parang pati mga guro doon ay immune sa budol niya.Isa-isa silang tumanggi. May nag-smile, may nagkunwaring b

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status