Mag-log in:(
“I love you, Daddy!”Tatlong ulit na iyong sinasabi ni Sky sa ama habang sakay sila ng inupahang service ni Nathan pabalik sa hotel. At sa tuwing sinasabi iyon ng anak, kitang-kita ang ligaya sa mukha ng lalaki.“Are you happy, Bubba?” tanong ni Cielo sa anak na nagsisimula nang bumaba ang energy.Tumango ito. “Thank you po sa surprise, Daddy!”Lumawak ang ngiti sa labi ni Nathan. “May surprise ba bukas.”Nanlaki ang mga mata ni Sky. Mula sa kandungan ng ina ay lumipat ito sa ama at saka bumulong. “Ano pong surprise bukas?”Napahalakhak si Nathan. “Kapag sasabihin ko sa iyo ngayon, hindi na iyon surprise.”“Babalik po tayo sa Disney?” namimilog ang mga matang tanong ng bata.“Not this year, son. Unless may business trip ako dito at libre si Mommy. Babalik tayo doon,” alanganing paliwanag ni Nathan, sa pag-aakalang magmamaktol ang anak.“Promise po?” excited na agad na tanong ni Sky.“Promise is a promise, son,” seryosong sabi ni Nathan. “Tutuparin ko lahat ng pangako ko sa iyo.”Nakan
Pasado alas-dose na ng madaling-araw sa Tokyo nang matapos ni Nathan i-review ang dalawang proposal at inaprubahan sa pamamagitan ng email. Pagpasok niya sa kanilang silid, nakatulog na ang kanyang mag-ina habang magkayap. Napasandal siya sa hamba ng pintuan at ilang minutong pinaglunoy ang mga mata sa perpektong eksenang nakikita. Ito ang pangarap niya: makasama ang dalawang pinakaimportanteng tao ngayon sa buhay niya—ang sarili niyang pamilya.Ang kanyang orihinal na plano na ilipat ang anak sa double bed ay hindi na niya itinuloy. Maingat siyang nahiga sa kabilang panig ng anak at iniyakap ang kanyang mahaba at matipunong braso sa kanyang mag-ina. Agad niyang naramdaman ang pagkalma ng kanyang isipan, at hindi nagtagal, iginupo na rin siya ng antok at pagod.Nang magising si Nathan, nag-iisa na lamang siya sa kama. Sumisilip na ang liwanag ng araw sa siwang sa gilid ng makapal na kurtina sa hotel room nila. Narinig niya ang mahinang tunog ng cartoons sa TV sa living room. Napating
Nagyaya na si Cielo na bumalik sa hotel nang mapansing pagod at inaantok na ang anak. Hirap na rin sila sa pagbitbit ng mga napamili. Mabuti na lamang, madali lang ang pag-commute sa Tokyo gamit ang subway. Hindi rin nahirapan ang mag-asawa dahil pareho silang nakakaintindi at kahit paano ay nakapagsasalita ng Japanese Language. Si Cielo ay nag-aral ng lengguwahe bilang paghahanda sa kanyang pagsali sa expo noon, habang si Nathan naman ay natuto dahil may mga kliyenteng Hapon.Pagkasayad ng likod ni Sky sa kama, mabilis na nakatulog ang bata. Pinatakan pa ni Nathan ng halik ang noo ng anak bago tinanggal ang suot na rubber shoes ng bata. Pinunasan muna ni Cielo ng wipes ang mukha ng anak, pati ang mga braso at kamay, bago binihisan ng pantulog para maginhawaan ang katawan. Lumabas naman si Nathan sa living room, nagbukas ng TV, at tiningnan kung may magandang movie. Nang may makitang magandang palabas, bumalik siya sa silid para yayain manood ang misis.“May magandang movie sa ClickF
“Nate, ang sabi mo magbabakasyon tayo,” malumanay na saway ni Cielo sa kanyang mister na nasa katabing upuan dahil mula nang makalipad ang private plane ng JNQ Group of Companies ay hindi na rin tumigil sa pagbabasa sa kanyang laptop ang lalaki.Inakbayan siya ng lalaki at saka pinatakan ng halik ang kanyang sentido. “Tapusin ko lang basahin itong mga contract and proposal.”“Sana tinapos mo muna ang mga iyan,” mahinang sabi ni Cielo.“I’m sorry, Darling. Kapag hindi ko kasi ni-review ang mga ito, hindi na ako papayagan ni Nora sa susunod na magbakasyon nang biglaan,” paliwanag ni Nathan. “At ayaw ko rin namang natatambakan ng trabaho.”Tiningnan ni Nathan ang natutulog na anak na kalong-kalong ng kanyang misis. “Nangangawit ka na ba?”Umiling si Cielo. “Okay lang.” “May room sa likod. Puwede kayong mahiga doon.”“Dito lang kami sa tabi mo,” ani Cielo na pumikit na rin lang. Komportable naman ang upuan nila dahil kasinglaki iyon ng reclining chair, kaya hindi nakakangawit kahit na
Bahagyang nagulat si Michelle. Saka niya napagtanto na kaya pala pamilyar ang mukha ng lalaki dahil CEO ito ng pinakasikat na fast food chain sa bansa. Mabilis niyang tinawagan ang lokal na numero ng opisina ng kanilang general manager. Iyon kasi ang SOP nila, na kapag may VIP na dumating, kailangang ipaalam kay Ross.Sekretarya ni Ross ang nakasagot na agad na nataranta sa nalaman. Mabilis siyang tumakbo patungo sa production site. Inabutan niyang nasa ilalim ng bay sina Cielo at Ross habang sinisipat ang ilalim ng binubuong sasakyan.“Sir, nasa lobby daw po si Mr. Elijah King,” medyo may kalakasan nitong sabi.Bahagyang kumunot ang noo ni Cielo sa narinig na pangalan. Mabilis namang umakyat si Ross. “CEO of King Chomps?”Tumango ang sekretarya. “Yes, Sir.”“Ano raw ang sadya?”Tiningnan muna ng sekretarya ni Ross si Cielo na busy pa rin sa ginagawa sa ilalim ng bay. “Si Ma’am daw po ang hinahanap.”Nagsalubong ang kilay ni Ross. Naglakad siya palayo sa kaibigan at sekretarya bago ti
Nag-aabang na sa production site si Ross nang dumating si Cielo na nakasuot din ng asul na coverall uniform ng mga mekaniko at production staff. Pareho silang nakasuot ng puting hard hat dahil iyon ang color code nilang mga engineer sa site, habang ang mga nasa mas mababang posisyon ay nakasuot ng dilaw na hard hat.Bumaba sa production site si Ross upang masigurong kikilos nang maayos ang bawat empleyado at susundin ang anumang iuutos ni Cielo, lalo na at nagsimula nang kumalat ang iba’t ibang bersyon ng tsismis mula sa nakita ng iilang empleyado kanina.At bilang kaibigan ni Cielo at nakinabang sa relasyong mayroon sila noon, hindi papayag si Ross na madungisan ang pangalan ng babaeng sa tingin niya ay dahilan kung bakit siya inalok ni Nathan ng trabaho noon. Noong ipinaalam niya sa kanyang boss ang tungkol sa thesis ni Cielo, inakala niya na lubha lamang humanga ang lalaki sa talino at ganda ng kanyang kaibigan. Ngunit kahapon, nang ipatawag siya sa penthouse ng CEO para magbigay n
Halos pigilan ni Cielo ang paghinga nang magsimulang sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pabango ni Nathan. Crisp, outdoor, and woody scent. Iyon mismo ang paborito niyang perfume para sa lalaki. Ang amoy ng balat ni Nathan na nagpapabaliw sa kanya noon. Nagtama ang kanilang paningin a
Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang
Napahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. N
Mabilis na lumambitin sa leeg ni Cielo ang kanyang mahigit tatlong taong gulang na anak na lalaki nang huminto sa lobby ng malaking mall ang sinasakyan nilang EV Taxi. Isang yakap na mahigpit at isang matunog na halik na agad nagpalakas ng kanyang loob. Ilang bagay na nagpapaalala kay Cielo kung ga







