Share

Chapter 4

Author: ljArci
last update Last Updated: 2022-10-12 10:39:15

Araw na ng kasal at hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko.

Simula pa kanina sa bahay hanggang sa simbahan ay gusto ko na lang maglaho.

Halos lahat ng mga imbitado sa kasal ay pawang nakakalam sa nakaraan namin ni James.

Sa kabila ng mga tinging natatanggap ko ay taas-noo ko pa ring natapos ang seremonyas ng kasal.

Binalewala ko ang mga naririnig na bulungan sa paligid tuwing napapadaan ako at dumagdag pa ang palihim na pangangaral sa'kin ni Mama sa dapat kong ikilos sa harapan ng mga bisita.

Nang magpalitan kanina ng vows ang mga ikinasal ay hindi ko mapigilang mapaismid. 

Minsan na kasing sinabi sa'kin ni James ang mga pangakong binitiwan niya sa harap ng altar para sa pinsan ko.

Wala man lang binago ang gago!  Ang kaibahan lang ay may kodigo ito ngayon, hindi tulad noong kami pa na saulo talga nito ang mga pangakong iyon!

Gustuhin ko mang hindi na tumuloy sa reception ay hindi pwede dahil sinigurado talaga ni Trish na naroon ako.

Halatang gusto niyang saksihan ko ang okasyong ito hanggang sa matapos! Iniisip niya sigurong durog na durog ang pakiramdam ko habang nakikita ang lalaking minsan kong minahal na makasal sa kanya!

Gaga siya! Kung alam niya lang na unang sinabi sa'kin ni James ang pangako nito sa kanya ay tiyak guguho ang mundo niya!

"Darating daw ngayon iyong pinakamalaking investor ng pamilya ng Auntie Lean mo," excited na pagkukwento ni Mama sa kapatid ko habang nakaupo kami sa mesang nakalaan sa'min dito sa reception ng kasal.

Si Auntie Lean ay ang ina ni Trish at laging dinidikitan ni Mama na minsan ay namumukha na itong tanga.

"Balita ko ay sobrang yaman daw nito...mas mayaman pa sa pamilya nina James," pagpapatuloy ni Mama. "Balak yata ni Auntie Lean mo na ireto rito si Vernice." 

Si Vernice ang nakatatandang kapatid ni Trish na kasing-ugali rin nito pero ang kaibahan lang ay wala itong pakialam sa ibang tao kundi ay sa sarili lang nito.

Hindi nga nito pinapansin ang pamilya namin at mas malapit pa ito sa mga mayayamang kaibigan. Kung mayaman ka ay kilala ka nito pero kung hindi ay wala itong pakualam sa'yo kahit nagkadugo pa kayo.

Kung si Trish ay two-faced bitch, si Vernice naman ay pure breed bitch!

"Eh, iyon kung magugustuhan nito si Ate Vernice," maarteng sabat ng kapatid ko na kaugali ng mga pinsan namin. "Paano kung ako iyong magugustuhan, Ma?"

Nawawala nga yata nilang kapatid itong si Rachelle! Manang-mana sa kanila.

"Eh, bongga!" pangungunsinti ng nagaling kong ina. "Magiging mas mayaman pa tayo kaysa pamilya ng Auntie mo."

Sabay na naghagikhikan ang mga ito na para bang tuwang-tuwa sa pinag-uusapan.

"Gwapo ba naman yan, Ma? Baka mamaya niyan ay amoy lupa na iyan."

"Di baleng amoy lupa basta pahihigain ka sa pera."

"Sabagay..."

Gusto ko na talagang maglaho sa kinauupuan dahil sa mga kasama ko rito.

Mabuti pa si Papa dahil tinawag ito ng kapatid na si Uncle Lawrence, ama ni Trish.

Sana pala ay pinilit ko talagang sumama si Dianne para naman may matino akong  kausap ngayon!

Allergy kasi ang isang iyon sa pakikipagplastikan kaya ayaw dumalo.

"Reah!" 

Nahinto ang hagikhikan ng kapatid ko at ina dahil sa excited na tawag ni Auntie Lean.

Sabay na tumayo agad ang ina at kapatid ko upang salubungin ito. Napaismid ako sa kaplastikan ng mga ito.

"Dumating iyong sinasabi ko sa'yong special guest," tuwang-tuwang pagbabalita ni Auntie.

Saglit na nagkatinginan ang mga kausap nito bago magiliw na nakinig ulit sa pinagsasabi niya.

Pasimple ko namang hinahanap sa kumpulan ng mga bisita ang tinutukoy ni Auntie.

Kahit wala akong pakialam dito ay  naengganyo akong silipin kung ano ang hitsura ng irereto ni Auntie sa pinsan ko na panganay nitong anak.

Mas matanda ako ng limang taon kay Vernice at kahit sabihing naunahan ito ng kapatid sa pag-aasawa ay bata pa rin ito at walang dapat ika-pressure hindi katukad ko na nanganganib nang mawala sa kalendaryo.

Bigla akong napatda mula sa kinauupuan nang nagagip ng tingin ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki.

Pakiramdam ko ay lumubo ang ulo ko at nanlamig ang buo kong katawan habang nakatingin dito.

Hindi ako naaaring magkamali! Ang lalaking tinitingnan ko ngayon ay ang lalaking nakasama ko no'ng gabing lasing na lasing ako... ang lalaking kumuha ng pinakaiingat-ingatan ko!

Para akong sinuntok sa sikmura nang napansing nakatingin din ito sa'kin kahit mayroon itong ibang kausap.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nagkukuhwaring hindi siya napansin.

Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang baso ng tubig na nasa aking harapan.

Bakit sa ngayon ko pa ito nakita? Napuno nang kaba ang puso ko! Kung anu-anong eksena ang nililikha ng aligaga kong isipan.

Paano kung may kinalaman si Trish sa biglaang pagsulpot ng lalaking ito ngayong araw?

Nakaoagtataka namsn kasing sa dinami-dami ng araw at lugar ay ngayon at dito pa talaga kami muling nagtagpo!

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Halos hindi ako makahinga sa kaba! Hindi ko rin maiwasang matakot na baka pakana nga ni Trish ang nangyayari ngayon kaya sinigurado nito dadalo ako hanggang sa reception!

Akmang tatayo ako mula sa kinauupuan upang pumuslit paalis nang mahagip ng tingin ko ang papalapit na bagong kasal.

Gustong tumalon ng puso dahil sa taong nakasunod sa mga ito at matamang nakatitig sa'kin.

Wala na akong iras na tumakas dahil maging si Papa at ang ama ni Trish ay papunta rin sa direksiyon ko.

Hindi ko rin masabi kung kakayanin ko bang tumayo nang maayos sa kabila nang panginginig ng mga binti ko.

Nang tuluyang makalapit sa'kin ang bagong kasal ay may pagmamalaking ngumiti sa'kin si Trish.

Saglit na tumuon ang tingin ko sa nakalingkis nitong kamay sa braso ni James bago huminto sa mukha mukha nito.

Sinadya kong iwasang mapadako ang tingin sa partikular na taong kasama nila.

"Are you enjoying the party, Ate Celle?" malambing na tanong ni Trish na para bang may pakialam talaga ito.

"Huwag mo na akong alalahanin... kasal mo ito kaya dapat ay ikaw iyong mag-enjoy," malumanay kong sagot.

"Namumutla ka yata," puna ni James.

Gusto ko itong samaan ng tingin pero nang mapansin ang bahagyang paglukot ng mukha ni Trish ay mas pinili ko na lang itong ngitian.

"Huwag mo na akong pansinin... asikasuhin mo na lang ang asawa mo," magaan kong tugon.

"Ate Celle, may ipapakilala pala ako sa'yo," singit ni Trish. 

Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan upang harapin ang ipapakilala nito at pinagpapasalamat ko na hindi ako bumuway kahit may ideya na ako kung sino ang ipakikilala nito.

"Ito pala ang special guest ko, si Mr. Rowain Michael Walliz, future investor ni Daddy sa kompanya namin."

Hindi ako makatingin ng diretso sa lalaki dahil pinoproseso pa ng utak ko ang katauhan nito.

"Mr. Walliz, pinsan ko pala... Jocelle Galvez." Halatang napipilitan lang itong ipakilala ako. 

"It's nice meeting you, Jocelle."

Nanigas ako bigla dahil sa buo niyang boses at kakaibang tono ng pagsasalita niya nang sambitin ang pangalan ko.

Hindi ko tuloy alam kung tatanggalin ko ba ang nakalahad niyang palad o hindi.

"Hello, Mr. Walliz," magiliw na singit ng kapatid ko at ito ang umabot sa nakalahad na palad ng huli. "I'm Rachelle, kapatid ni Ate Jocelle... at ito naman ang mama namin."

Bahagyang umigting ang panga ni Mr. Walliz bago bumalik sa normal ang mukha nito, malinaw na indikasyon na may hindi ito nagugustuhan sa mga nagaganap.

"Jocelle?" Muli akong napatingin dito dahil sa pagtawag nito sa pangalan ko. 

Matapis pakawalan ang palad ng kapatid ko ay muling nakalahad sa'kin ang palad niya.

"Mr. W-Walliz," may bikig sa lalamunang sambit ko sa pangalan niya sabay abot ng kanyang palad.

Isang ngiti ang unti-unting sumilay sa mapupula niyang mga labi habang humihigpit ang kapit niya sa kamay ko.

Malakas na kumabog ang puso ko at pasimple kong hinila ang palad ko mula sa pagkakahawak niya pero mas humigpit ang kapit niya roon.

"Nasanay na akong tinatawag mong Michael, so just drop the Mr. Walliz," magiliw niyang kausap sa'kin.

Ramdam ko ang gulat na tingin sa'kin ng mga nasa paligid.

"Magkakilala kayo?" tanong ni James.

Bahagyang tumawa si Mr. Walliz at makahulugan akong kinindatan.

Muntik nang malaglag ang puso ko pero sa pagkakataong ito ay hindi dahil sa kaba kundi dahil sa kakaibang damdaming ginising sa'kin ng kindat na iyon.

Kaya siguro ako sumama rito no'ng gabing nalasing ako dahil hindi maikakaila ang nagsisumigaw nitong kagwapuhan na kung itatabi kay James ay nagmumukhang tuod ang huli.

  

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    Chapter 57

    Kinagabihan ay sumalo sa hapunan namin ng pamilya ni Dianne si Michael. Mabilis niyang nakuha ang loob ng Nanay at Tatay ni Dianne. Mga simpleng tao lang ang mga ito kaya siguro hindi nila gaanong kilala ang katauhan ni RM. Alam nilang malaking tao ito sa larangan ng negosyo at galing sa mayamang pamilya pero hindi nila alam kung ano ang kaya nitong gawin at ang mga nagawa na nito. Pinapakitunguhan nila si Michael batay sa pinapakita nito ngayon at hindi sa kung sino ito sa pagkakakilala ng publiko. Kakaibang saya ang nararamdaman ko habang pinapanood si Michael na masayang nakikipag-usap sa tatay ni Dianne. Tungkol sa pinagkaabalahan sa palaisdaan ang pinag-uusapan nila. "Magtatagal ka ba rito sa isla?" bigla ay tanong kay Michael ni Nanay Veron na nanay ni Dianne Napansin ko ang ginawang pagsulyap sa'kin ni Michael bago bumaling kay Nanay. "Depende po kay Jocelle,"agalang niyang sagot. "Paano kung dito na titira si Jocelle?" natatawang tanong ni Tatay Dong, ang ama ni Dian

  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 56

    Bago tuluyang nagpaalam sina Michael ay kinausap muna ako ni Lola Mathilda.Kabadong-kabado pa ako at baka bigla ako nitong offer-an ng sampung milyon layuan lang ang kanyang apo. Kung kailan kami nagkaayos ni Michael ay tsaka pa ako masampal ng kayaman ng Lola niya.Siguro kung ibibigay niya sa'kin ang kalahati ng buong ari-arian ng mga Arizon ay pag-iisipan ko pa ang magiging offer niya pero hindi gano'n ang naging usapan namin."Mahal ka ng apo, sana ay sa susunod na may ganitong pangyayari na naman ay sa'kin ka lumapit bago ka gumawa ng desisyon." Malumanay ang boses ni Lola Mathilda habang kinakausap niya ako.Iyong kaba ko kanina ay biglang naglaho."Kung makikita kong may mali ngang ginawa si Rowan Michael ay ako ang dedesiplina sa kanya. Malabo mang may kalokohang gagawin ang isang iyon pero tandaan mong kakampihan kita 'pag nagkataon.""Pasensya na po kayo," nakayuko kong paghingi ng paumanhin.Naiintindihan ko naman iyong naratamdaman niyang inis dahil sa inakto ko. Pati ba

  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 55

    Ilang sandali pa at magkakaharap na kaming lahat sa sala nina Dianne. Dati naman ay naluluwagana ako sa sala nila pero dahil sa presensya ng mga bisita namin ay biglang parang sumikip.Pakiramdam ko nga ay hindi kakayanin ng maliit na ceiling fan na nandito sa sala iyong init na dala ng tensiyon.Kahit saan talaga ilagay itong Lola Marga ni Michael ay astang reyna talaga ito. Well, gano'n naman talaga ito, reyna ng mga Walliz. "Now, ipaliwanang mo sa'kin kung bakit bigla-bigla kang umalis," seryoso nitong kausap sa'kin."Bakit ako iyong magpapaliwanag?" maang kong tanong. "Ako po iyong niloko ng apo ninyo," dugtong ko.Kailangan ko lang pala isipin iyong kasalanan sa akin ni Michael para magkalakas loob akong sagutin ang lola niya.Kung ako naman iyong naaagrabyado ay hindi ako dapat na manahimik lang lalo na ngayong may pinoprotektahan na ako.Wala sa sariling naipatong ko ang kamay sa impis kong tiyan. Nang mahagip ng tingin ko ang pagtutok doon ni Michael ay taranta ko namang inali

  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 54

    "Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako pakikinggan," matigas na pahayag ni Michael.Sa pagkakataong ito ay nakikita ko na iyong RM na pinangingilagan ng lahat. Ibang-iba ang Michael na kaharap ko ngayon sa Michael na nakasama ko. Gano'n pa man ay hindi nagbabago iyong damdamin ko para sa kanya. Partida galit pa ako niyan dahil sa ginawa niyang pagtataksil sa'kin."Walang katotohanan ang inaakala mong panloloko ko sa'yo," mariin niyang dagdag.Mapakla akong napapalatak habang naiiling dahil sa narinig."So, sinasabi mo na hindi totoo iyong nakita ko?" sarkastiko kong tanong. "Gagawin mo pa akong tanga, eh kitang-kita ko kayong dalawa ni Vernice!" nanggagalaiti sa galit kong bulyaw sa kanya."Celle, kalma lang," awat sa'kin ni Dianne. "Hindi makabubuti sa'yo ang ma-stress," makahulugan niyang dugtong.Agad kong naalala ang kasalukuyan kong kondisyon kaya mariin akong pumikit at huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili.Nang muli akong magmulat ng mga mata at diretso kong sinama

  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 53

    Pagkauwi ko kinahapunan ay hindi ako mapakaling inaabangan si Dianne. Bawat napapadaang sasakyan ay agad akong naalarma. Baka kasi bigla ay si Michael na ang dumating.Pagkarinig ko sa tunog ng motor ni Dianne ay sinalubong ko siya.Siguro ay halata sa hitsura ko iying nararamdaman kong pagkabalisa kaya"Ano? Nagpunta kanina sa opisina ni'yo si RM?" malakas na tanong ni Dianne matapos kong magkwento sa kanya pagkauwi kinahapunan."Oo nga," aligaga kong sagot. "Kasama niya si Sir Sky.""Wala naman siyang ginawa o sinabi 'di ba?" pang-uusisa niya."Iyon nga ang mas nakakakaba dahil tiyak na may binabalak iyon!" "Maupo ka nga, ako nang nahihilo sa'yo," saway niya sa palakad-lakad kong ginagawa.Pabuntung-hininga ko siyang tinapunan nang tingin pero hindi talaga ako mapakali kaya hindi ko rin magawang umupo."Paano kung nandito siya dahil nalaman niyang buntis ako?" nag-alala kong tanong. "Tapos kikunin niya iyong anak ko upang makuha iyong mana niya?""Kumalma ka, okay?" mahinahong uto

  • Playing Pretend with Mr. Billionaire    chapter 52

    May disadvantage rin pala kapag halos magkakilala na lahat ng mga tao sa paligid mo dahil pagkapasok ko ulit bukas sa opisina ay sinalubong ako ng mga pagbati mula sa mga katrabaho ko.Ang bilis umabot sa kanila ng balitang buntis ako. Wala akong naramdamang pagkailang o ano pa man dahil sa kawalan ng ama ng dinadala ko. Hindi nila pimaramdam sa'kin na dapat ko iyong ikahiya at ni isa sa kanila ay walang nag-usisa tungkol doon. Lahat ay excited sa pinagbubuntis ko at wala silang pinakitang interes sa kung papaano ako nabuntis at bakit wala silang nakikitang tumatayong tatay para sa anak ko.Ang nakakatuwa pa ay nagpresenta ang lahat na magiging ninang ng anak ko. Dalawang buwan pa nga lang ang tiyan ko ay may nangako nang sasagot sa drinks ng binyagan.Nakakataba ng puso na kahit kabago-bago ko pa lang ay ganito na ang pagtanggap nila sa'kin.Maging si Sir Cloud ay nanlibre ng snacks sa buong opisina bilang selebrasyon ng pagbubuntis ko.Ngayon pa lang ay botong-boto na ako sa kanya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status