Share

Chapter 5

"Good morning, Kuya Hendrick!" masigla niyang bati sa stepbrother niya na halatang kagigising lang. "The breakfast is ready kaya tamang-tama lang ang oras ng paggising mo!"

Kapag araw kasi ng sabado ay hinahayaan nitong mamasyal ang lahat ng mga kasambahay nila at lunes na ng gabi bumabalik ang mga ito kaya naman kapag mga ganitong araw ay siya ang nagluluto ng kakainin nilang dalawa. 

Imbes na batiin siya nito ng 'Good morning too' ay isang ismid ang iginawad nito sa kaniya kaya napanguso siya. 

"Kuya, may gagawin ka ba ngayon?" tanong niya habang sinasandukan ito ng kakainin sa plato nito. Kahit pa nga masama ang tingin nito sa kaniya ay nagpatuloy pa rin siya sa ginagawa niya. "Wala ka naman pasok ngayon, 'di ba?" 

Balak niya kasi itong yayain na mamasyal para naman makapag-relax ito. Napapansin niya kasi na wala na itong oras para sa sarili nito. 

Daig pa nito ang may sampung anak kung magtrabaho. Kaya nga napapadalas ang pagkakasakit nito dahil akala yata nito gawa sa robot ang katawan nito.

"I can take care of myself, Althea. The best thing you can do is sit down and eat. And please, close your mouth so we can both eat in peace," sa halip ay sabi nito sabay agaw ng serving spoon sa kamay niya. "Hindi ako papasok sa opisina pero tambak ang trabahong naghihintay sa akin sa library. Umupo ka na para makakain na tayo dahil tumatakbo ang oras."

"Ang sungit! Imbes na magpasalamat dahil nagmamalasakit ka, susungitan ka pa," pabulong niyang sabi bago siya umupo sa katapat nitong upuan. 

Minsan talaga parang ayaw na lang niya itong pansinin. 

Imbes kasi na gumaan ang loob niya ay mas lalo pang bumibigat kapag ganito ang pakikitungo nito sa kaniya.

"I can hear you, Althea," sabi nito nang hindi tumitingin sa kaniya.

Nginitian niya ito ng peke. "Wala akong masamang sinasabi tungkol sa 'yo, 'no?" Timitigan niya ito ng husto. "Parang ang guwapo mo yata ngayon, Kuya? Partida, bagong gising ka lang niyan, ah. Paano pa kaya kapag nag-ayos ka na at nakasuot na ng business suit? Alam mo, puwede kang mag-artista. Mas guwapo ka pa nga sa mga artistang kilala ko, eh." 

"Hindi mo ako madadala riyan sa pang-uuto mo, Althea. Kahit anong papuri pa ang igawad mo sa akin ngayon ay hinding-hindi pa rin kita hahayaan na sumama sa Boracay kasama ng mga baliw mong kaibigan."

"Kanina pa sila umalis kaya talagang hindi na ako makakasama pa. Ikaw kasi, hindi mo ako pinayagan, eh. Kung pinayagan mo ako kagabi, malamang nandoon na ako ngayon at lumalangoy-langoy. Sayang talaga 'yong pagkakataon."

Napahinto ito sa ginagawang pagsandok ng pagkain at pagkatapos ay mariin siya nitong tinitigan. "Ano'ng ginagawa ng swimming pool dito sa bahay? Kahit magbabad ka pa maghapon at magdamag sa swimming pool ay hindi kita pipigilan, Althea. Bakit kailangan mo pang lumayo? Ano ba ang gagawin niyo sa Boracay? Hindi ba't maliligo lang din naman?" 

Kapag ganitong mahaba na ang sinasabi ni Hendrick ay alam niya na malapit na itong magbuga ng apoy. 

Kaya bago pa man sila mapunta sa kung saan ay hindi na siya sumagot pa bagkus ay nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis. 

"Binibiro lang kita, 'no? Hindi naman talaga ako aalis kapag hindi kita kasama, eh. Alam mo na, ikaw kaya ang guardian angel ko," aniya sabay kindat dito pero pormal lang ang reaksiyon nito. 

Hindi man lang ba ito naantig sa sinabi niya? Ang killjoy talaga nito kahit kailan. "Pagkatapos mong kumain ay umakyat ka na agad sa kuwarto mo at 'wag kang lalabas hangga't wala akong sinasabi," sabi nito pagkuwan. 

"Bakit naman? May problema ba, Kuya?" 

"Pupunta rito mamaya 'yong mga baliw kong kaibigan kaya 'wag kang lalabas sa kuwarto mo."

"Talaga? Pupunta sina Kuya Josh, Kuya Paul at Kuya Rome?" Matagal na kasi niyang hindi nakikita ang mga kaibigan ni Hendrick. Huling kita niya sa mga ito ay noong libing pa ng mga magulang nila. 

"Yeah, that's why I wanted you to stay in your room until we're done, Althea."

"Ha? Bakit?"

"No more questions, Althea. Just follow what I want."

"Ayaw ko nga!" pagmamatigas niya. "Ipagluluto ko sila ng mga paborito nilang pagkain tapos makikipagkuwentuhan ako sa kanila mamaya." Tiningnan siya nito ng masama dahil sa sinabi niya. 

Ang mga kaibigan kasi nito ay puro mababait sa kaniya. Mas mabait pa nga ang mga iyon kumpara kay Hendrick, eh. "Siguradong may mga pasalubong na naman sila sa akin na bulaklak at saka chocolates! Ngayon pa lang ay excited na akong makita ang mga kaibigan mo, Kuya Hendrick!" 

Nagsalubong ang mga kilay nito dahil sa naging pahayag niya. "Bakit kailangan mo silang ipagluto?"

"Ganoon talaga 'yon. Kapag ang isang tao ay mabait sa iyo dapat ay maging mabait ka rin sa kanila.”

“Bakit? Masama ba ako sa iyo, ha, Althea?” tanong nito na agad niyang sinagot ng sunod-sunod na iling kahit pa nga gusto niya sanang tumango. 

Mabibilang lang kasi sa daliri niya kung kailan ito naging mabait sa kaniya. 

"Masama ba ako sa iyo, ha?" ulit nitong tanong kaya umiling ulit siya. 

"Wala naman akong sinasabi na masama ka, Kuya. Sa katunayan nga niyan ay ipinagmamalaki kita dahil kahit wala na ang mga magulang natin ay hindi kita nakitang pinanghinaan ng loob. Kaya nga mahal na mahal kita at nag-aalala ako kapag nagkakasakit ka, eh." Habang nagsasalita siya ay nakatuon lang ang mga mata niya kay Hendrick. 

Tumikhim ito. "Tapos na akong kumain. Pagkatapos mong kumain ay umakyat ka na sa kuwarto mo. Tatawagin na lang kita kapag tapos na kami."

"Sa sala na lang ako, Kuya. Hindi naman ako mang-iistorbo sa inyo, eh." Itinaas niya ang kanang kamay niya. "Makikinig lang ako sa gilid at hindi ako sasabat sa usapan niyo. Pangako ko 'yan sa iyo."

Napahilot ito sa sentido nito. Pagkuwan ay pinasadahan nito ang suot niya. "Palitan mo iyang damit mo. Magsuot ka ng t-shirt at pantalon."

"Pumapayag ka na?"

"May magagawa pa ba ako? Alam ko naman na hindi mo ako titigilan, eh."

"Thank you, Kuya. I love you," aniya. Mabilis niyang inubos ang mga pagkain na nasa plato niya para makaligo na siya.

"May gusto ka ba sa isa sa mga kaibigan ko?" Mabilis siyang nag-angat ng tingin dahil sa naging tanong ni Hendrick. Nakakrus ang mga braso nito habang nakataas ang isang kilay. "Oh, baka naman karelasyon mo na ang isa sa mga abnormal na 'yon. Tama ba ako, Althea?" Uminom muna siya ng tubig bago niya sinagot ang tanong nito na hindi niya alam kung saan nanggagaling.

"Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Dahil ang lapad ng pagkakangiti mo no'ng sinabi ko na pupunta rito ang mga kaibigan ko!" masungit nitong tugon.

"Dahil alam ko na may pasalubong na naman sila sa akin!"

Inismiran siya nito. "Kung makapagsalita ka parang hindi ka nakatatanggap ng regalo mula sa akin, ah! Ni hindi mo pa nga ako niregaluhan sa buong buhay ko pero ikaw ilang beses nang nakatanggap ng regalo mula sa akin! Nakakainit ka ng ulo!" anito sabay alis kaya napanganga siya.

Paano niya naman kasi  niya ito reregaluhan kung napakaselan nito? Isa pa, sambakol ang mukha nito palagi kaya natatakot siya na baka itapon lang nito ang ibibigay niya.

Pagkatapos niyang kumain ay iniligpit na niya ang mga pinagkainan nila ni Hendrick. 

Hinugasan na rin niya ang mga platong ginamit niya bago siya umakyat sa kuwarto niya para maligo. 

Nang makarinig siya ng ingay sa sala ay nagmamadali siyang bumaba dahil alam niyang dumating na ang mga taong hinihintay niya.

"Hello everyone!" bati niya sa mga lalaking bagong dating. "Kumusta na kayo?" Bata pa lang siya ay kilala na niya ang mga ito. 

Kababata kasi ni Hendrick ang mga bagong dating.

Napatingin ang tatlong lalaki sa kaniya habang nakangiti samantalang si Hendrick ay parang gusto siyang batuhin ng throw pillow.

"Hello, Kate," nakangiting bati sa kaniya ni Kuya Josh. Ito lang ang tumatawag sa kaniya sa first name niya. "Kumusta ka na? Mas lalo ka yatang gumanda ngayon, ah."

Bigla siyang nakaramdam ng hiya dahil sa papuri nito. "Ayos lang, Kuya. Ikaw? Kumusta ka na?"

"Ayos lang naman. By the way, this is for you, Kate," anito sabay abot ng malaking paper bag sa kaniya. 

"Ano'ng laman nito, Kuya Josh?"

"Buksan mo para malaman mo." 

"Wow! Ang ganda! Mamahalin 'to, ah!" Alam niya kasi na hindi biro ang presyo ng bag na ibinigay nito sa kaniya ngayon. "Sana chocolates na lang ang ibinigay mo para mura lang."

"Marami akong pera kaya 'wag kang mag-alala. Ni hindi man nga lang nabawasan ang pera ko, eh."

"Next time, kapag nagbigay ka ulit ng ganito sa akin ay hindi ko na tatanggapin. At saka, magtipid ka kahit marami kang pera kasi kapag matanda ka na kakailanganin mo ang mga iyon."

Tumango-tango ito. "Alright. I will keep it in my mind."

"Dapat lang! Gayahin mo si Kuya Hendrick. Si Kuya kasi praktikal 'yan pagdating sa pera, eh."

Sabay na tumikhim sina Kuya Rome at Kuya Paul kaya napabaling sila rito. Inginuso nang dalawa si Hendrick kaya mabilis siyang napatingin sa huli. 

Masama ang tingin na ipinupukol nito sa kaniya kaya agad siyang dumistansiya kay Kuya Josh na naging dahilan ng pagtawa nang tatlo.

"Salamat ulit dito, Kuya Josh. Ahm, doon muna ako sa kusina para hindi ako makaistorbo sa inyong apat. Ipagtitimpla ko kayo ng juice mamaya pagkatapos ng meeting niyo."

"Alright," tugon nito habang nakangiti.

"Mamaya na lang namin ibibigay sa iyo 'yong regalo namin ni Paul, Althea," saad ni Kuya Rome na ikinatango niya.

"Thanks, Kuya!" Bago siya umalis sa kinaroroonan ng mga ito ay sinulyapan niya muna si Hendrick. 

Kung nakamamatay lang siguro ang tingin nito ay siguradong kanina pa siya nakahandusay. 

Siguradong sermon na naman ang aabutin niya rito pagkaalis ng mga bisita nila. 

Kung may gamot nga lang na nabibili para sa mga taong magagalitin siguro ay matagal na siyang bumili. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lilibeth Pureza
chapter 6 and more chapter please...wow napaka ganda nitong story n to!!!! love it.........
goodnovel comment avatar
Mherl Amarilla
daily update po b Ito dto madam...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status