Share

Chapter 7

Malapad ang pagkakangiti ni Althea habang nag-eempaki ng mga damit niya.

Matagal na kasi niyang niyayaya na magbakasyon si Hendrick kaya masayang-masaya siya dahil dumating na ngayon ang araw na pinakahihintay niya.

Pagdating nila roon ay hinding-hindi niya ito bibigyan ng sakit ng ulo para masulit nito ang pagbabakasyon.

Nang matapos siya sa pag-eempaki ng mga damit niya ay agad siyang tumakbo sa kuwarto ni Hendrick para iimpake ang mga damit nito dahil baka magbago pa ang isip nito.

Hindi pa man siya tapos sa pag-iimpake nang bigla itong pumasok at padabog na naglakad patungo sa kinaroroonan ng kama nito at pabagsak na humiga patalikod sa gawi niya.

"'Wag mo nang ituloy 'yang pag-iimpake mo dahil hindi na tayo aalis kasama ang mga gagong 'yon," sabi nito sa seryosong tinig.

"Bakit? May nangyari bang hindi maganda sa ibaba habang wala ako?"

"Marami."

"Kagaya ng ano?"

"Don't ask too many questions, Althea. We were not going to have a vacation with them, and that's final!"

"Nasaan na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status