Share

Chapter 4

Napahinto si Althea sa pagbabasa ng libro nang sunod-sunod na mag-ring ang cellphone niya.

Kasabay noon ay ang pagkunot ng noo niya dahil alanganing oras na.

Hindi na kasi siya pinapayagan ni Hendrick na matulog sa kuwarto nito kaya wala tuloy siyang maayos na tulog palagi.

Sa tuwing tatangkain niyang matulog sa kuwarto nito ay lagi siya nitong ipinagtatabuyan.

Kagaya na lang ngayon. Alas-dos na ng madaling-araw pero gising na gising pa rin siya.

Sa tuwing ipipikit kasi niya ang mga mata niya ay lagi niyang napapanaginipan ang mama niya at ang ama ni Hendrick na duguan at humihingi ng tulong.

Sinsabi niya iyon kay Hendrick pero hindi naman ito naniniwala. Imahinasyon niya lamang daw iyon dahil lagi pa rin daw niyang iniisip ang mga magulang nila.

"Hello. Sino, 'to?" bungad niyang tanong matapos niyang pindutin ang answer button. Hindi kasi pamilyar ang numero ng taong tumatawag.

"Ang tagal mo namang sagutin ang tawag ko, Althea!" Napangiti siya dahil si Eva pala ang tumatawag.

Kagaya niya ay isa rin itong guro sa dating paaralan kung saan siya nagtuturo noon. Nandoon pa sana siya hanggang ngayon kung hindi lang nagalit si Hendrick sa kaniya nang minsang na-late siya ng uwi.

"Unknown number kasi ang nakalagay. Hindi ko nga sana sasagutin kasi nagdududa ako, eh. Bakit ka nga pala tumawag, Eva? Nag-away na naman kayo ni Romeo, 'no?"

Sa tuwing mag-aaway kasi ito at ang kasintahan nito ay lagi itong nagpapalit ng numero dahil ang gusto nito ay laging magpahabol sa lalaki.

Sa huli, nagkakabati rin naman ang mga ito. Maarte kasi ang kaibigan niya at medyo may pagkaselosa.

"Hindi, ah. Kaya ako tumawag dahil may sasabihin ako sa iyo. Anyway, busy ka ba ngayon?"

"Hindi naman. Bakit?"

"Gusto mo bang sumama sa amin?"

"Saan?"

"Sa Boracay."

"Kailan kayo aalis?"

"Mamaya na."

Napanguso siya. "Paano ako makakasama kung mamaya na pala ang alis niyo?"

"Libre ko na ang pocket money mo. May hawak na rin akong ticket dito para sa iyo, Althea. Ikaw na lang talaga ang kulang kaya kung gusto mong sumama, ngayon pa lang magpaalam ka na riyan sa Kuya Hendrick mo. Huwag 'ika mo siyang mag-alala dahil kasama mo naman ako," mahabang pahayag nito.

"Baka hindi niya ako payagan, Eva. Kilala mo naman ang kapatid kong 'yon, 'di ba? Isa pa, alanganing oras na kaya malamang tulog na 'yon. Sana kasi last week ka pa tumawag para sabihin sa akin ang tungkol diyan, eh, 'di sana nakapaghanda ako."

Hindi pa kasi siya nakakapunta sa Boracay kaya gusto niya sanang sumama. Noong nagtuturo pa siya ay ilang beses nilang plinano iyon pero lagi naman silang hindi natutuloy dahil nga laging nag-aaway ang mga ito.

"Ang haba pa naman ng oras mo, eh. Magpaalam ka na ngayon. Dalian mo na."

Ang problema, malabong payagan siya ni Hendrick. Ni minsan kasi ay hindi pa siya nito pinayagan kahit pa nga diyan lang sa malapit siya pupunta.

'Yon pa kayang sasakay siya ng eroplano at magtatagal ng ilang araw? Malabo talaga.

"Laging pagod sa trabaho si Kuya Hendrick kaya malamang tulog na 'yon kanina pa. Ayaw ko naman siyang gisingin para lang magpaalam na aalis, Eva."

"Gising pa 'yon, Althea. Parang hindi mo naman kilala 'yang kapatid mo. Subukan mong puntahan siya sa kuwarto niya malay mo payagan ka. Wala namang masama kung susubukan mo, 'di ba?"

Napabuga siya ng hangin. "Susubukan kong magpaalam ngayon pero alam ko na sa sarili ko na hindi 'yon papayag. Ano'ng oras ba ang alis natin kung saka-sakali?"

"Kapag pinayagan ka ng kapatid mo, susunduin kita agad diyan ngayon din, Althea."

"Sige. Papatayin ko na 'to, ah. Bye."

"Bye. Samahan mo ng drama para mapapayag mo siya."

"Susubukan ko." Knowing Hendrick? He hates drama kaya malabong madala niya ito sa ganoon.

"Huwag mong subukan. Gawin mo."

"Oo na. Sige na."

"Good luck, Althea. Bye."

Inayos niya muna ang sarili niya at taimtim na nagdasal bago siya nagtungo sa kuwarto ni Hendrick.

Kahit alam niyang isang daang porsyento siya nitong hindi papayagan ay susubukan niya pa rin.

Pagdating niya sa kuwarto nito ay wala roon ang lalaki pero nakabukas ang computer nito pati na ang ilaw.

"Nasaan kaya ang lalaking 'yon?" tanong niya sa sarili. "Anong oras na pero nagtatrabaho pa rin. Kaya nagkakasakit, eh."

"What the hell are you doing here at this fucking hour, Althea?" Halos mapatalon siya sa gulat nang bigla itong magsalita sa likuran niya. Dahan-dahan siyang napaharap sa gawi nito at nabungaran niya ang mata nitong nanlilisik sa galit. "'Di ba sinabi ko na sa iyo kanina na matulog ka na? Bakit gising ka pa?" May bitbit itong white folder at pagkatapos ay bigla na lamang nitong inihagis iyon sa kaya nagsiliparan ang mga dokumento na nakapaloob dito.

Paano pa siya makakapagpaalam kung ganito ang mood ng lalaking kaharap? "I said, what the hell are you doing here in my room?"

"P'wede ba akong pumunta sa Boracay?" walang paligoy-ligoy niyang tanong kahit pa nga alam niyang galit ito ay naglakas-loob siyang magpaalam.

"What?"

"One-week lang ako roon tapos uuwi na rin ako."

"Who told you that you can go without my permission, huh? Who?"

"Kaya nga nagpapaalam ako, eh."

"At sino ang kasama mo?"

"Si Eva."

"Dalawa lang kayo?"

Tumango-tango siya.

"Still, no. Hindi ako naniniwala na kayong dalawa lang ng babaeng 'yon ang pupunta sa lugar na 'yon."

"Sige na, please?" pagsusumamo niya dahilan para magtagis ang mga bagang nito na tila ba sinasabi nito na 'wag na niyang ipagpilitan ang gusto niya kung ayaw niyang malintikan.

"Kung gusto mong pumunta sa kung saan mang lupalop ng mundo, ngayon pa lang mag-impake ka na. Ilagay mo na sa maleta ang lahat ng mga gamit mo at 'wag na 'wag ka nang babalik dito sa bahay. At kung gusto mo ring hanapin ang mga kamag-anak mo sa Samar bahala ka na. Sa sandaling lumabas ka sa bahay na 'to na wala ang pahintulot ko, hinding-hindi ka na makakabalik pa. Now, you need to choose, Althea. Sasama ka ba sa kaibigan o mananatili ka lang dito sa bahay?"

Lagi na lang ganito ang panakot ni Hendrick sa kaniya.

Napakalupit talaga nito. Nasa tamang edad na rin naman siya, eh.

At isa pa, hindi naman lalaki ang sasamahan niya kung hindi ang kaibigan niya na personal naman nitong kakilala.

"Hindi na lang ako aalis."

"Then, good! Now, go back to your room and sleep!" bulyaw nito kaya bahagya siyang napaatras. "Imbes na matulog ka at magpahinga mas uunahin mo pa ang maglakwatsa. Magdamag ka bang hindi natulog dahil lang diyan sa plano mong pagsama sa kaibigan mo?"

Umiling siya.

"Eh, bakit gising ka pa?"

"Hindi nga kasi ako nakakatulog agad-agad doon sa kuwarto ko ng mag-isa. Kaya nga gusto kong dito lagi matulog sa kuwarto mo para may katabi ako ayaw mo naman," mahina niyang sabi habang pinaglalaruan niya ang mga daliri niya.

Nang hindi ito umimik ay nag-angat siya ng tingin at nakita niya na hinihilot ang sentido nito. Sumasakit na naman ba ang ulo nito dahil sa kaniya?

Napabuga siya ng hangin. "Babalik na ako sa kuwarto ko at pipilitin kong makatulog para hindi ka na magkasakit." Wala siyang narinig na sagot mula rito pero bago pa man siya makalabas ng pinto ay nagsalita ito.

"Humiga ka na sa kama ko at matulog ka na," tinatamad nitong sabi na halatang napipilitan lang.

"Doon na lang ako sa kuwarto ko matutulog."

"Huwag mo nang dagdagan ang init ng ulo ko, Althea!" pagalit na usal nito kaya naman mabilis pa sa alas-kuwatro na tinungo niya ang kama nito.

Pero, bago siya humiga roon ay isa-isa muna niyang dinampot ang mga papeles na nagkalat doon dahil sa paghagis nito kanina at pagkatapos ay walang imik na ipinatong niya ang mga iyon sa computer table ni Hendrick saka siya tuluyang humiga.

Hindi rin nagtagal ay humiga na rin si Hendrick sa tabi niya. "I know you're still awake, Athea." Paano kaya nito nalaman na gising pa siya gayong nakatalikod naman siya mula sa gawi nito. "Matulog ka na at 'wag mo na akong galitin pa."

Kailan ba hindi uminit ang ulo nito? Sa loob ng isang taon ay bilang na bilang lang ang pagiging good mood nito.

Humarap siya sa puwesto nito. Gusto niyang subukan na magpaalam ulit na sasama siya sa kaibigan niyang si Eva.

"What?" Wala pa nga siyang sinasabi pero nakaangil na kaagad ito.

"Payagan mo na akong sumama kay Eva. Mabilis lang naman lumipas ang isang linggo, eh."

"Talaga bang ginagalit mo ako, Althea?"

Mabilis siyang umiling-iling kasabay ng pagyakap niya rito ng mahigpit. 'Yon kasi ang ginagawa niya para hindi na ito magalit pa. "Sorry," paghingi niya ng tawad. "Kukunin ko lang ang cellphone ko sa kuwarto para sabihin kay Eva na hindi ako makakasama."

"Hayaan mo siya at matulog ka na. Kung gusto mong pumunta sa lugar na 'yon, pupunta tayo pero hindi pa ngayon dahil marami pa akong inaasikaso," anito dahilan para mag-angat siya ng tingin.

"Talaga? Pupunta tayo roon?"

"Yeah."

"Thanks!" Dahil sa sobrang kagalakan ay n*******n niya ito sa mga labi nito. "Thanks, Kuya Hendrick! I love you."

"Matulog ka na kung gusto mong pumunta tayo sa lugar na 'yon," sabi nito. Bahagya pa itong bumangon para ayusin ang kumot na nakabalot sa kaniya bago ito humiga patalikod sa kaniya kaya naman nadismaya siya.

"Ayaw mo ba akong kayakap?" tanong niya pero hindi ito sumagot kaya naman lumipat siya ng puwesto para magkaharap sila nito.

Kahit masama ang tingin nito sa kaniya ay hindi niya ito pinansin sa halip ay humiga pa siya sa braso nito habang ang isang kamay naman nito ay iniyakap niya sa baywang niya.

Narinig niyang napabuntong-hininga na lamang ito at kalaunan ay inayos nito ang kumot at ibinalot sa kanilang dalawa.

"Goodnight. I love you," aniya at kasabay noon ay nakaukit ang isang malapad na ngiti sa mga labi niya bago siya pumikit.

Naramdaman niya pang hinalikan siya nito sa noo bago siya tuluyang tangayin ng antok.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status