Share

Chapter 3

Hendrick was intently looking at Althea while she was sleeping on his arm.

Gusto niya sana itong gisingin para sabihin na doon ito matulog sa kuwarto nito pero hindi niya naman magawa iyon.

Sa tuwing tinitingnan niya ang maamo nitong mukha ay para bang gumagaan ang lahat.

Kahit pagod na pagod siya sa maghapong trabaho, kapag nakikita niya ang maganda nitong mukha ay biglang napapawi ang pagod niya.

Naiinis lang siya rito kapag kinukukulit siya nito o 'di kaya'y nagpapaalam ito sa kaniya na pupunta sa kung saan kasama ang mga kaibigan nito.

Muntikan na kasi itong mapahamak noon dahil isinama ito sa bar ng isa sa mga kaibigan nito noong high school ito.

Mabuti na lang at doon ito pumunta sa bar na pag-aari ng kaibigan niya kaya napuntahan niya ito agad bago pa man ito tuluyang mapahamak.

Gusto niyang itumba ang mga kaibigan nito noon pero pinigilan niya ang sarili.

Halos basagin niya ang mukha nang lalaking nakasama nito pero pinigilan siya ng kaibigan niya.

Kaya magmula noon ay nag-hire siya ng taong magbabantay dito para hindi ito mapahamak.

Limitado na rin ang mga lugar na pinupuntahan nito dahil iyon ang utos niya.

Simula kasi nang mamatay ang mommy ni Althea at ang daddy niya ay ipinangako niya sa harap ng puntod ng mga ito na iingatan niya at aalagaan si Althea.

Kaya 'yon ang ginagawa niya ngayon. Aalagaan niya ito at poprotektahan sa abot ng makakaya niya.

"Why are you still awake? Hindi ka ba inaantok?" tanong nito sa kaniya habang namumungay ang mga mata nito.

"How can I sleep if you are here!" naiinis niyang tugon dito kunwari.

"Tsk! Ang arte mo! Dati naman magkayakap tayo habang natutulog. Dati hindi ka naman nagrereklamo pero ngayon kulang na lang sipain mo ako palabas."

"You were a kid back then. Now, you're a fucking big girl so stop entering here in my room without my consent!"

Matinding pagpipigil sa sarili ang ginagawa niya para hindi niya ito magalaw sa tuwing pinapasok siya nito rito sa loob ng kuwarto niya.

Noon pinapayagan niya pa ito na matulog dito dahil lagi na lang itong umiiyak kapag wala pa ang mommy nito at ang daddy niya.

Ngayon iba na ang sitwasyon nila dahil pareho na silang matanda.

Ngumiti ito sa kaniya. "Ang sarap kasi sa pakiramdam kapag kayakap kita, eh. At saka ang himbing rin ng tulog ko kapag nakahiga ako sa braso mo. Puwede bang dito na lang ako matulog sa kuwarto mo palagi?"

Paminsan-minsan ay hindi siya nagiging komportable kapag ngumingiti ito sa kaniya.

"Hindi puwede!" mariin niyang pahayag dahil baka kung ano ang isipin ng mga taong kasama nila rito sa bahay niya.

Sabagay, wala rin naman siyang pakialam sa iisipin ng mga ito dahil hindi naman sila magkapatid ni althea.

"Bakit hindi puwede?" nakanguso nitong tanong sa kaniya. "Pumayag ka na, please? Palagi na lang kasi akong nananaginip ng masama kapag doon ako natutulog sa kuwarto ko, eh. Sige na, please?"

"No."

"Bakit ayaw mo?"

"Dahil hindi naman tayo mag-asawa para magsama sa iisang kuwarto, Althea!"

Nalukot ang mukha nito. "Nakakainis naman!"

"Bumalik ka na sa kuwarto mo at doon ka matulog. Teka, kumain ka na ba?"

Umiling-iling ito. "Hindi ako gutom," anito. Sa pagkagilalas niya ay bigla na lang itong pumatong sa kaniya.

"Fuck! What are you doing, Althea?" Mariin niyang hinawakan ang baywang nito para alisin ito sa ibabaw niya pero hindi siya nagtagumpay.

Ang mga braso kasi nito ay mahigpit na nakapalibot sa leeg niya habang ang mga binti nito ay nakapulupot naman sa baywang niya na animo'y isa itong sawa.

"Althea, get off me!" asik niya. 'Yong pagkalalaki niya ay apektado na dahil sa ginagawa ng babaeng ito sa ibabaw niya.

Althea is a fucking innocent for fuck sake!

Malamang hindi nito alam kung ano epekto ng paghiga nito sa ibabaw niya ngayon.

Halata naman na hindi big deal dito ang paghiga nito sa ibabaw niya pero siya ay kaunti na lang sasabog na!

Pinagpapawisan na rin siya ng malapot dahil nasasagi na nito ang pagkalalaki niya.

"Althea!"

"Hmm?" paungol nitong tugon sa kaniya. Shit!

"Doon ka sa kuwarto mo matulog! Ano ba'ng ginagawa mo?"

"Ayaw ko nga roon."

"Kapag hindi ka umalis sa ibabaw ko, palalayasin kita rito sa bahay ko!" Dahil sa sinabi niya ay mabilis itong nag-angat ng tingin na para bang inaalam nito kung seryoso siya sa sinabi niya.

"Hindi mo ba ako mahal? Magagawa mo bang palayasin ako rito sa bahay na 'to? Gusto ko lang naman na matulog dito, eh. Hindi naman ako malikot. Hindi rin naman ako maingay. Hindi naman ako nananakit kapag tulog. Bakit ba ayaw mo sa akin?"

"Basta hindi puwe–" Hindi niya na naituloy ang mga sasabihin niya pa sana dahil bigla na lang pumatak ang mga luha nito.

Bakit ba napakaiyakin ng babaeng 'to? Simula noon hanggang ngayon ay napakabilis nitong umiyak.

"Hindi nga ako nakakatulog ng mahimbing doon sa kuwarto ko. Hanggang ngayon kasi napapanaginipan ko pa rin sina Mommy at Tito Ricardo, eh. Pero kapag nandito ako natutulog sa kuwarto mo hindi nila ako dinadalaw sa panaginip ko,” umiiyak nitong sabi sa kaniya.

Napabuntong-hininga na lang siya bago niya pinunasan ang masaganang luha na tumutulo mula sa mga mata nito. “Stop crying, will you?” Ayaw niya kasi na nakikita itong umiiyak dahil pati siya ay naaapektuhan rin.

“Pumapayag ka na ba na dito ako matulog? Puwede ko na bang ilipat ang mga gamit ko rito?”

“What?” Ano bang iniisip ng babaeng ‘to? “Hindi ko sinabing dalhin mo rito sa kuwarto ko ang mga gamit mo, Althea. Ni hindi pa nga ako pumapayag na dito ka matulog, eh!” asik niya sa babaeng iyakin.

Sa pagkagilalas niya ay pinupog siya nito ng halik sa pisngi niya.

“Pumayag ka na, please? Hindi mo ba ako mahal?”

“Hindi.”

“Bakit hindi?”

“Dahil may girlfriend na ako,” pagsisinungaling niya. Marami nang babae ang dumating sa buhay niya pero hanggang sa kama lang ang papel ng mga iyon.

Tumango-tango ito. “Pareho pala tayo. May boyfriend na rin kasi ako, eh.”

Biglang nagpanting ang tainga niya dahil sa sinabi nito kaya naman bahagya niya itong naitulak.

Dahil doon ay nagkapalit sila ng puwesto. Ito na ngayon ang nasa ilalim niya at siya na ang nasa ibabaw nito.

“Ulitin mo nga ‘yong sinabi mo, Althea! Ano'ng pangalan ng boyfriend mo? Ano'ng trabaho ng gagong ‘yon? Saan ‘yon nakatira?” sunod-sunod niyang tanong dito pero para itong walang naririnig dahil nakatitig lang ito sa kaniya. “Hindi ka ba sasagot, Althea?”

“A-ang bigat mo…” mayamaya ay reklamo nito. Dahil sa sinabi nito ay mabilis siyang umalis sa ibabaw nito.

"Talk, Althea!"

Umirap muna ito bago sumagot. "I was just joking. Sabi mo bawal akong mag-boyfriend, 'di ba? Ikaw puwedeng mag-girlfriend tapos ako bawal."

"You can't have a boyfriend because you're too young for that."

"'Yong mga kaibigan ko nga, sixteen pa lang daw sila nang unang magka-boyfriend, eh. Samantalang ako twenty-two na pero bawal pa."

"Nagrereklamo ka ba? Bakit gusto mo na bang masira 'yang buhay mo?" He will not allow her to have a boyfriend. Over his fucking body! "Sigurado ako na katawan mo lang ang habol nila. At kapag nakuha na nila 'yang pagkababae mo siguradong iiwanan ka na nila."

Napangiwi ito sa sinabi niya. "I don't have a plan to have sex with them. I just want to have a guy friend."

"Lalaki ako kaya alam ko kung ano ang karakas ng mga kapwa ko lalaki, Althea. Kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa 'yo na umiwas ka sa mga lalaki kung ayaw mong basagin ko ang pagmumukha ng mga lalaking lalapit sa 'yo. Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ko, ha? Hindi ka puwedeng makipagkaibigan sa kahit sinong lalaki riyan."

"Ganoon ba ang ginagawa mo sa mga girlfriend mo? Katawan lang ba nila ang habol mo? Siguro katawan lang nila ang habol mo, 'no? Paano mo nalaman na katawan ko lang ang habol nila?"

"Pumunta ka na sa kuwarto mo at doon ka matulog!" Pag-iiba niya ng usapan.

"Bakit iniiba mo ang usapan? Siguro totoo 'yong sinabi ko, 'no? Totoo ba?"

"Shut up!" suplado niyang tugon para tumigil na ito sa kauusisa.

Sinundot-sundot nito ang tagiliran niya. "Bakit nagagalit ka?" Akala siguro nito nakikipagbiruan siya. "Aminin mo na. Tsk! Babaero."

"And so? Kasalanan ko ba kung babae ang lumalapit sa akin? Kasalanan ko ba kung sila mismo ang naghuhu–" Napahinto siya sa pagsasalita dahil baka mamaya ay magkaroon pa ito ng ideya.

"Bakit hindi mo itinuloy 'yong sasabihin mo? Siguro ang dami mo ng naging girlfriend. Siguro papalit-palit ka rin ng babae. Hindi porque guwapo ka ay may karapatan ka ng lokohin sila, Hendrick. Kung ayaw mo sa kanila sana sabihin mo kaagad ng maaga. Hindi 'yong ikakama mo muna sila bago mo sila dispatsahin. Ang sama mo talaga kahit kailan."

"Pumunta ka na nga sa kuwarto mo! Kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo ako, ah! Umalis ka na rito para makapagpahinga ako ng maayos."

Inaamin niya na marami na siyang naging babae pero hindi naman niya niloko ang mga iyon.

Umpisa pa lang kasi ay sinabi niya na sa mga ito na hindi siya pumapasok sa isang relasyon dahil ayaw niya ng sakit ng ulo.

"Ayoko nga! Dito na ako matutulog habang buhay sa ayaw at sa gusto mo! Kahit kaladkarin mo ako palabas dito sa kuwarto mo, babalik at babalik pa rin ako rito!" anito sabay talukbong ng kumot.

Imbes na mainis siya ay lihim siyang natawa dahil para itong bata sa ginagawa nito ngayon.

Siguradong hindi siya makakatulog ng maayos kapag dito ito natulog sa kuwarto niya. Kahit na sabihin pa nito na hindi ito maingay, malikot o ano pa man.

Natatakot siya dahil baka hindi niya makontrol ang sarili niya at baka magalaw niya ito ng wala sa oras.

"Ito na ang bago kong kuwarto simula ngayon. Kung nasaan ka ay doon din ako. Salamat naman dahil makakatulog na ako ng mahimbing palagi. I love you, Hendrick," mahina nitong sabi habang nakatalukbong pa rin.

Napaismid siya dahil lagi nitong sinasabi na mahal siya nito.

Mahal ba siya nito bilang isang kapatid o bilang isang lalaki?

"I don't love you," salat sa emosyon na tugon niya. Of course, he loved her, too.

"I know because you're a heartless, rugged womanizer! Makatulog na nga!" pagalit nitong sabi at pagkatapos ay tinalikuran na siya nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status