Asia POV
Pagkababa ko ng sasakyan ni Uncle Wade ay agad akong pumasok sa loob ng bahay. Tanghali na rin, pero hindi ko alam kung bakit parang mas mabilis akong nakauwi ngayon. Hindi na rin ako nagsalita pa. Diretso akong dumiretso sa sala kung saan naroon si Mama, nananahi pa rin kahit halos mamatay na sa antok. Napatingin siya sa akin. “Ang bilis mo naman ata ngayon, Asia. Naabot mo ba ‘yung gown?” Tahimik kong iniabot ang perang hawak ko. “Opo, naabot ko po.” Tinanggap niya ito at agad binilang. Napakunot noo siya. “Asia, bakit limang libo ‘to? Di ba apat lang dapat ang sayo? Hati tayo sa walong libo, ‘di ba?” Napatingin ako sa kanya. Ramdam ko ang kaunting pagdududa sa boses niya, pero hindi siya galit. Curious lang. “Binuo raw po ng mama ni Trista yung bayad, Mama. Naging sampung libo. Kaya ayan po, kalahati sa’yo,” sagot ko habang naupo sa isang lumang upuan, sabay tingin sa hawak kong limang libo. Bumuntong-hininga si Mama, at ngumiti. “Buti naman at marunong silang mag-appreciate. Deserve mo rin ‘yan, anak. Sa’yo na ‘yang limang libo. Pambili mo ng gamit o pang-araw-araw.” Tumango lang ako pero hindi ko sinabi sa kanya ang totoo. Ang nasa isip ko lang... Kung igagastos ko kaya ‘to sa gown? Kumakabog ang dibdib ko habang iniisip ko ‘yon. Gusto kong pumunta sa prom night. Hindi para mag-party. Hindi para sumayaw. Gusto kong makita kung gaano kasaya si Trista. Gaano siya kaganda. Gaano siya confident na siya ang magiging Queen. At ako? Ako ang magiging bangungot niya sa gabing ‘yon. Gagamitin ko ang prom night para guluhin siya. Para sirain ang gabi niya. Hindi ako magiging invisible sa gabing ‘yon... makikita niya ko. At mararamdaman niya ang presence ko. Hawak ko ang limang libo. At habang pinaglalaruan ko ‘yon sa pagitan ng daliri ko, isang mapait pero mapanuksong ngiti ang lumitaw sa labi ko. “Prom night? Maghanda ka, Trista. Dahil darating ako… at sisiguraduhin kong hindi mo ‘yon makakalimutan.” Nagkita kami nina Lianna at Lenlen sa isang maliit na coffee shop malapit lang sa plaza. Hindi ko alam kung bakit ko sila gustong makita ngayon—o baka alam ko nga. Gusto ko lang makita kung ano'ng itsura nila. Kung ano'ng itsura ng mga gown nila. Kung gaano sila kasaya. At kung gaano ako naiiba sa kanila ngayon. “O, Asia!” bungad ni Lianna habang kumakaway. “Buti naman at nag-reply ka sa chat namin!” “Akala nga namin di ka na pupunta, eh,” dagdag ni Lenlen habang nakangiti. Umupo ako sa harapan nila, pilit ang ngiti ko. Pero ramdam ko agad ‘yung nginig sa dibdib ko nang makita ko ‘yung paper bag ni Lianna—doon yata nakalagay ang gown niya. “Pakita mo na nga ‘yan, Li,” sabi ni Lenlen, sabay excited na sinilip ang bag. “Ang sabi ng designer ni Trista, inspired daw sa royal theme yung mga gown ngayon.” Binuksan ni Lianna ang bag at inilabas ang isang peach-colored na gown, napuno ng beads at lace. Halos mapanganga ako, pero pinigilan ko. “Ang ganda,” mahinang sabi ko. “Di ba?” proud na sabi ni Lianna. “Ikaw ba, Asia? Pupunta ka ba sa prom? Anong gown mo?” Parang tinik ‘yung tanong niya sa lalamunan ko. Saglit akong natahimik. “Wala pa,” sagot ko. “Tingin pa lang.” “Eh kung hindi ka rin sure kung pupunta ka, ba’t ka pa tumitingin?” tanong ni Lenlen, diretso pero hindi naman nang-iinsulto. Napakuyom ako ng palad sa ilalim ng mesa. Hindi nila alam. Hindi nila alam na hindi ako basta basta pupunta lang sa prom para magsaya. Pupunta ako para magpasabog. “Malay n’yo,” sagot ko, kunwari kalmado. “Bigla akong lumabas sa stage na mas maganda pa kay Trista.” Napatawa sila, pero may halong pag-aalangan. Siguro akala nila nagbibiro lang ako. Pero sa loob ko? Hindi ito biro. Sa mismong gabing inaasam-asam ni Trista na siya ang Queen—sisiguraduhin kong ako ang magiging reyna ng eksena. Kahit isang gabi lang… kahit sa pinaka-wild na paraan. Lumibot ako sa boutique, paikot-ikot, parang hindi mapakali. Ang daming gown. Ang daming kinang. Ang daming tag. At lahat may presyo. Tumigil ako sa isang kulay emerald green na gown—simple pero elegante. Para siyang gawa para sa isang taong gustong mapansin pero hindi halatang nagpapapansin. Hinawakan ko ‘yung tela. Ang lambot. Ang kinis. Pero pagtingin ko sa tag… P9,800. Napakagat ako sa labi. Sa buong 5k ko, kalahati agad ang kakainin nito. Wala pa akong sapatos, wala pa akong ayos. Paano ‘to? “Ano, gusto mo ba?” biglang boses na lumitaw sa likod ko. Napalingon ako. Si Wade. Halos tumalon ang puso ko sa dibdib ko. Ang gwapo pa rin niya kahit simpleng shirt lang at jeans ang suot niya. Pero hindi ‘yun ang inisip ko agad. “Anong ginagawa niya rito?” Nagkatinginan kami. Napayuko ako agad, parang gusto kong magtago sa ilalim ng rack ng mga gown. “Asia, right?” tanong niya na tila naninigurado at, sabay turo sa gown na hawak ko. “Bagay sa’yo ‘yan.” Tiningnan ko siya. Bakit parang kabisado niya na naman ang kilos ko? “Opo…” sagot ko, mahina. “Pero… titingin lang ako.” “Pupunta ka rin pala sa prom?” tanong niya, parang interesado. Hindi ko alam kung gusto kong sumagot. O kung dapat akong magsinungaling. Pero para saan pa? Nasa boutique ako, literal na hawak ko ang gown. “Gusto ko lang... manood,” palusot ko. “At… baka manggulo,” bulong ko sa huli, pero mukhang narinig niya. Napangiti si Wade. ‘Yung tipo ng ngiting alam mong may nalalaman. Nakakainis. “Sakto. Ako rin, may bibilhin para sa pamangkin ko. Pero mukhang di niya type yung mga style dito. Ikaw? Gusto mo ba ‘yan?” Napatingin ako sa gown. Gusto ko. Gustong-gusto. Pero hindi ko kayang bayaran. “Hindi ko afford,” sabi ko. Diretso. Walang paligoy. Tahimik si Wade saglit. Tapos bigla niyang sinabi: “Ako na bahala.” Napatingin ako sa kanya. Parang hindi ko alam kung narinig ko ba nang tama. “Ha?” “Seryoso. Bibilhin ko na ‘yan. Para sa’yo.” Napaatras ako ng bahagya. Parang may gumapang na kaba at hiya sa katawan ko. “Bakit?” tanong ko. “Bakit mo ‘to ginagawa?” Ngumiti lang siya. Pero ‘yung ngiti niya, may halong misteryo. “Let’s just say… I want to see how wild you can get sa prom night.” Wild. Parang bigla akong natigilan. Bakit parang ang lalim ng kahulugan ng sinabi niya? At bakit ba… parang gusto ko ring malaman kung anong klaseng gulo ang pwedeng magawa naming dalawa? Hawak-hawak ko ngayon ang paper bag kung saan naroon ang gown. Hindi lang gown. May kasama pang sandals. May matching clutch bag. At may pa-accessories pa. Lahat ‘yon… galing kay Uncle Wild. Ayaw ko na sanang tanggapin. Nakakahiya, to be honest. Hindi naman kami close. At hindi ko rin siya kaano-ano. Pero ang kulit niya. Ang kulit niya sobra. “Hayaan mo na, regalo ko na ‘yan. Consider it… a reward,” sabi pa niya kanina habang binabayaran ‘yung cashier. Nakangisi lang siya na parang wala lang ‘yung ginastos niya. Reward? Sa’n? Sa pagiging brokenhearted ko? Umirap ako sa isip ko. Gusto kong tumanggi pero… ang totoo? Wala akong kakayahan. Wala akong pambili. At gusto ko rin talagang makapasok sa prom—even just to ruin someone’s perfect night. Trista. Napakagat ako sa labi. Nasa harap ako ng salamin ngayon sa kwarto. Inilabas ko ang gown at itinaas sa katawan ko. Shet. Bagay nga sa akin. Parang isang gabing prinsesa. Pero hindi ako prinsesa. At lalong hindi ako pupunta roon para ngumiti at maglakad sa red carpet. Pupunta ako para manggulo. Kaya habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin, dahan-dahan akong ngumiti. “Let’s play, Trista.” At kung sakaling naroon si Jasper… Kung sakaling naroon si Wade... Then let the night burn.KINAGABIHAN, abala na si Asia sa pag-aayos sa sarili. Nakasuot na siya ng eleganteng pulang dress na humahapit sa kanyang katawan, idiniin ang bawat kurbada na parang likhang sining ng isang pintor. Hindi siya sanay sa ganoong klaseng kasuotan—masyado itong sexy at lantaran, pero naisip niyang wala na siyang magagawa. Bahagi ito ng pagpapanggap. Mabagal ang galaw niya habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin. Pinili niyang itali ito sa mababang bun na may ilang hiblang malayang bumagsak sa gilid ng kanyang pisngi. Napansin niya ang sarili sa salamin—iba ang aura niya ngayong gabi. Hindi siya si Asia na dating simpleng empleyado. Ngayon, para siyang fiancée ng isang lalaking tulad ni Wild Montenegro. Dahan-dahan siyang nagsaboy ng pabango sa katawan. Tumama ang liwanag mula sa lampshade sa kanyang balikat at leeg—makinis, at tila lalong naging maputi dahil sa glow ng pabango. Nasa gitna siya ng paglalagay ng huling patak sa may pulso niya nang biglang... Tok. Tok. Tok. Kumat
Lumipas ang ilang oras at tila unti-unti nang humupa ang tensyon sa dibdib ni Asia. Ngunit nang maramdaman niyang kumakalam na ang kanyang sikmura, napilitan siyang lumabas ng silid. Tahimik siyang naglakad pababa ng hagdan, pinipilit maging mahinahon kahit na sa loob-loob niya’y kabado siya na baka bigla na namang sumulpot si Wild at asarin siya ng kung anu-ano. Pagdating niya sa may sala, nasalubong niya ang isa sa mga katulong—bitbit nito ang ilang paper bags. Sumunod naman ang isa pang katulong na may dala ring paper bag na mukhang mabigat. “Ma’am, para po sa inyo raw ito,” magalang na sabi ng katulong. “Pinapaabot ni Sir Wade. Siya raw po ang pumili ng mga ‘to.” Parang natigilan si Asia sa kinatatayuan niya. Napatitig siya sa mga bag, tila hindi makapaniwala. Binilhan talaga ako ni Wild? Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Masaya? Naiilang? Kinikilig? Nalilito? Bago pa man siya makabawi, bigla na namang sumulpot si Wild, gaya ng dati—parang laging may timing. Nakangisi
Masarap ang luto ni Asia, kahit medyo may inis pa rin siya sa dibdib. Habang naglalagay siya ng sinigang sa mangkok ni Lola ay hindi niya mapigilang mapatingin kay Wild, na tahimik lang at abala sa paghiwa ng inihaw na liempo. “Tsk. Ni hindi man lang niya na-appreciate ang effort ko sa kusina,” sabi ni Asia sa sarili habang pasimpleng pinandilatan si Wild. "Asia, anak," sambit ni Lola habang inaabot ang baso ng tubig. "Alam mo na ba kung ano ang mga gusto at ayaw ng apo kong 'yan?" Napatigil sa subo si Wild. Tumigil din si Asia sa paggalaw at napalunok. Dahan-dahan siyang tumingin kay Wild at agad na iniwas ang tingin. Kinabahan siya—wala siyang kaide-ideya sa mga gusto at ayaw nito. Ngunit sa halip na manahimik, agad siyang ngumiti kay Lola at nagsimulang magsalita. "Ahm... Oo naman po, Lola!" bulalas niya. "Si Wild... ayaw niya po ng maingay habang natutulog. Gusto niya rin po ng kape sa umaga, walang asukal—para raw bitter, katulad niya." Napa-choke si Wild sa tubig na iniino
Kinabukasan, mahimbing pa rin ang tulog ni Asia habang nakayakap pa siya sa unan. Ang liwanag ng araw ay unti-unting pumapasok sa bintana ngunit hindi pa rin siya nagigising. Hanggang sa isang malalim at baritonong boses ang pumunit sa katahimikan ng silid. "Asia, gumising ka na," malamig ngunit malakas ang tinig ni Wild mula sa pintuan. "Hindi ka prinsesa rito para gumising ng tanghali." Napamulat si Asia, tila nananaginip pa. Saglit siyang napakunot-noo at napaungol pa. "Hmm? Si Wild ba 'yon? Panaginip ba 'to?" bulong niya habang pilit na pinipilit buksan ang mga mata. "Asia!" muling tawag ni Wild, mas malakas na ngayon. Napabalikwas siya ng bangon sa kama, gulo-gulo pa ang buhok at malaki ang mga matang napatingin kay Wild na nakatayo sa may pintuan, naka-cross arms at nakasandal sa doorframe. "Pasensiya na! Napasarap ang tulog ko," ani Asia habang kinukusot ang mga mata at tinatakpan ang bibig dahil sa pagkabigla. "Ang ganda kasi ng panaginip ko eh…" Napataas ang kil
THIRD PERSON POV Masaya ang gabi. Nagkikislapan ang mga ilaw sa paligid ng plaza. May mga banderitas na sumasayaw sa ihip ng hangin, tunog ng tambol mula sa pa-parada, at halakhakan ng mga tao. Ang buong paligid ay punô ng saya at kulay – tipikal ng gabi ng pista. Magkabilang gilid ng kalsada, may mga karinderya, larong perya, at mga tindang kakanin. Habang naglalakad si Asia at Wild, simple lang ang ayos nila pero hindi maitatangging bagay sila sa paningin ng iba. Tahimik lang si Wild habang lumilinga sa paligid. Samantalang si Asia ay tila batang excited na bagong salang sa siyudad. “Oh my gosh, MAIS!” Sigaw ni Asia sabay hila kay Wild. May nakita siyang matandang naglalako ng inihaw na mais. Mainit, may kaunting margarine, at pulbos na cheese sa ibabaw—eksaktong paborito ni Asia. Parang kinikilig siyang lumapit pero agad siyang hinila pabalik ni Wild. “Huwag.” Matigas ang tono ng lalaki. Napatigil si Asia at napakunot ang noo. “Bakit naman?” “Hindi bagay sa’yo ‘yon.” “
Asia POV Gabi na talaga nang magising ako. Ramdam ko pa ang lamig ng simoy ng hangin na pumapasok sa bintana. Napabalikwas ako sa kama at napahikab. Napahilot ako sa batok, sabay tayo mula sa malambot na kama. Luminga ako sa paligid, napakunot-noo. “Uncle Wild… nasaan ka ba?” tawag ko habang lumalapit ako sa pinto. Wala pang sumasagot nang biglang bumukas ang pinto. Kkkrrkk! Sakto. Dumaan siya—at literal na fresh from the shower. Basang-basa ang katawan niya. Tulo pa ang tubig mula sa buhok niya pababa sa batok, balikat, hanggang sa dibdib. Wala siyang suot na pang-itaas, at ang tuwalya ay nakapulupot lang sa baywang niya. Parang huminto ang mundo ko. Nakatulala ako. Nakatunganga. Napako ang tingin ko sa mga patak ng tubig na dumadaloy sa defined na six-pack abs niya. Grabe… grabe talaga katawan niya… para akong nanonood ng commercial ng sabon o kaya perfume ad. Bigla na lang lumabas sa bibig ko: “Y-yummy…” Pfft!—Hindi ko napigilan. Walang preno. At ang masama? Rinig