Asia's POV
Sa akin ang korona na para sa gabing ito. Iyon ang huling salita ko bago ko sabunutan si Trista sa mismong gitna ng prom night. Sa harap ng lahat. Sa gitna ng ilaw, ng camera, ng mga masang walang ibang ginawa kundi ang tumili’t magbulungan. Wala akong pakialam. Kahit iyakan pa niya ako sa harap ni Jasper, kahit magsumbong pa siya sa langit—huli na. Ang mas ikinagulat ko? Walang ginawa si Jasper. Hindi siya lumapit. Hindi niya ako pinigilan. Hindi niya inalo si Trista. Wala siyang ibang ginawa kundi ang manood. Tahimik. Mapanood. Wala ni isang emosyon sa mukha niya. Parang sinadyang hayaan akong saktan si Trista. O baka… pinanood niya akong baliwin ang sarili ko. At nang matapos na ang eksena—na para bang isang bahagi ng scripted drama—hinila niya ako. “Bitawan mo ako!” sigaw ko habang pilit niyang hinihila ako palayo sa lahat. Hindi ko alam kung saan niya ako dinadala. Madilim. Mabigat ang hininga ko. Parang may mangyayari. At nang isandal niya ako sa malamig na pader sa likod ng gusali, alam ko na. “J-Jasper...,” nauutal kong sabi. Isa-isa niyang pinunit ang mga tahi ng gown ko. Ang damit na kanina lamang ay proud akong suot—ngayon ay isa nang tela ng kahihiyan. “Akin ka muna, Asia… bago ka pa mapasakamay ng iba.” Hindi ko alam kung galit siya, seloso, o nababaliw na. Pero ang alam ko lang—takot na takot ako. Sinakop ng mga halik niya ang labi ko. Marahas. Walang emosyon. Walang pagmamahal. Pero bago pa niya tuluyang maagaw ang buong pagkatao ko—isang boses ang bumasag sa dilim. “JASPER!” Parang pinukpok ng martilyo ang dibdib ko nang marinig ko ang boses na iyon. Si Uncle Wild. At doon ako tuluyang nagising. “ASIA! ASIA!” Isang malakas na kalabog ang gumising sa akin mula sa bangungot. Bumalikwas ako ng bangon, pawisan, nanginginig. Si Inay. “Asia! Anong ginagawa mo d’yan sa loob? Alas-otso na!” sigaw niya mula sa kabila ng pintuan. Napahawak ako sa dibdib ko. Hinahabol pa rin ng katawan ko ang mga sensasyong parang totoo. Hindi nga totoo ‘yon, Asia. Panaginip lang ‘yon. Panaginip lang… Pero nang tumingin ako sa katawan ko… muntik na akong mapasigaw. Suot ko pa rin ang gown. “Shet!” napatampal ako sa noo. “Nasira na ba ‘to?!” Dali-dali akong tumayo at lumapit sa salamin. Kinapa ko ang mga tahi, sinilip ang mga butones. Maayos pa naman. Hindi ito gaya ng nangyari sa panaginip ko. Buo pa. Ligtas pa. Ako lang ang hindi buo. Ako lang ang gulo. Bakit sa lahat ng pwedeng mapanaginipan, iyon pa? Bakit si Jasper? At bakit si Uncle Wild ang dumating para iligtas ako? Huminga ako nang malalim. Kailangang ayusin ko sarili ko. Kailangang alisin ko sa isip ko ‘yung mga bagay na hindi dapat pinipiling isipin. Pero ang totoo? Hindi ko alam kung ano ang mas totoo: Yung panaginip... o ang sarili kong nararamdaman kapag kasama ko si Uncle Wild. “Kumain ka na,” utos ni Inay habang inaabot sa’kin ang bagong lutong pritong tuyo at itlog. “Busog pa po ako,” pagsisinungaling ko kahit ramdam kong kumakalam na ang sikmura ko. Hindi ko alam kung gutom lang ba ‘to o inis pa rin sa panaginip ko kagabi na hanggang ngayon ay nakadikit pa rin sa balat ko. Pakiramdam ko tuloy, pag nakita ko ulit si Jasper, tatadtarin ko talaga siya ng karayom. “Maghanda ka mamaya ha,” biglang sabi ni Inay habang inaayos ang mesa. “Ipapakilala kita sa hotel kung saan nagtatrabaho si Romano. Baka sakaling makahanap ka rin ng sideline doon.” Napakurap ako. “Ha? Sa hotel?” Tumango siya habang ngumunguya. “Oo. Dala-dala mo na rin ‘yang gown mo baka sakaling magamit mo rin ‘yan. Malay mo, may event, makasabit ka pa sa trabaho.” Napakagat ako sa labi. Wala na naman akong lusot. Kaya heto na nga kami, nasa harap ako ng napakagarbong hotel kung saan nagta-trabaho si Romano. Tila ba bumalik na naman ang kaba ko. Hindi dahil sa makikita ko si Romano—pero dahil sa kakaibang kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Pagpasok ko sa loob, punung-puno ng mga taong pormal. May mga babaeng magagara ang suot, lalaki na naka-suit, at mga receptionist na parang hindi na humihinga sa tindi ng ganda’t ayos. “Asia! Dito!” sigaw ni Romano habang kumakaway. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. “Boss namin, and’yan. Ipapakilala kita para kung may kailangan silang extra sa events, ikaw agad tatawagin,” sabi ni Romano, proud na proud pa habang inaayos ang polo niya. Pero bago pa ako makalapit sa sinasabi niyang boss—namilog ang mata ko. Parang biglang huminto ang lahat ng tunog sa paligid. Dahil sa di kalayuan… Si Uncle Wild. At hindi lang siya nag-iisa. May kasamang babae. Maganda. Sexy. Mamahalin ang suot. Yung tipo ng babae na hindi mo kayang tabihan kapag naka-tsinelas ka lang. Yung tipo ng babae na pang-unang tingin pa lang ay alam mong mamahalin ang pabango. At hawak ni Wild ang beywang nito. Hindi ako makakilos. Parang kinuryente ang buong katawan ko. Pakiramdam ko lumamig ang hangin kahit andaming ilaw sa paligid. Hindi ako lumapit. Hindi ako nagpahiwatig. Nagkunwari akong walang nakita. Pero hindi ako bingi. Dahil kahit medyo malayo, rinig ko ang sinabi ng babae habang nakasandal sa dibdib ni Wild. “Babe, bakit ba ayaw mong ipakilala ako sa pamilya mo?” Napapikit ako. Ugh. Sana wala na lang akong tenga. Ang sakit sa hindi ko maintindihang bahagi ng katawan. Yung dibdib ko, parang sinuntok ng hindi ko alam kung kaninong karma. Tumalikod ako. Ayokong makita pa. Ayokong marinig pa. Pero bago pa ako tuluyang makatalikod, nagtagpo ang mga mata namin ni Wild. Hindi siya ngumiti. Hindi siya nagulat. Pero kitang-kita ko sa mga mata niyang alam niyang nakita ko. At kitang-kita rin niya… ang selos sa mga mata ko. Matapos ang maikling interview at orientation, halos hindi pa rin ako makapaniwala. Natanggap ako. Oo, natanggap ako bilang assistant sa events department ng hotel. Hindi full-time, hindi rin permanent, pero sapat na para masabing may silbi ako. Binigyan ako ng schedule at temporary ID, at kahit ilang oras lang kada araw, sapat na para makadagdag sa panggastos naming mag-ina. Pagkalabas ko ng opisina, halos tumakbo si Mama papalapit sa akin. Agad akong niyakap. "Natanggap ka?!" tanong niyang halos sumisigaw sa tuwa. Tumango ako, pigil ang ngiti ko. Hindi ko akalaing ganito pala kasarap ang pakiramdam ng mapagkakatiwalaan at pagkatiwalaan. "Tanggap po ako, Ma. Puwede raw akong tumulong sa mga events, minsan sa reception, depende sa kailangan nila." Lalong lumawak ang ngiti ng Mama ko. "Aba, salamat naman at may suwerte rin pala tayong makakapa!" Sabay kaming lumakad pauwi. Magaan ang hangin, at kahit pa pagod ako sa interview, parang may kumikiliti sa tiyan ko. Hindi dahil sa kilig — dahil wala naman akong rason kiligin — kundi dahil parang unang beses kong nakita si Mama na masaya dahil sa akin. "Huwag mong iintindihin ang gastos sa bahay," biglang sabi ni Mama habang naglalakad kami. "Yung sasahurin mo, iyo 'yon. Para sa'yo 'yon." "Ma…" "Makakabalik ka pa sa susunod na pasukan, Asia," giit niya, parang ayaw patalo. "Sayang ang talino mo kung hindi mo tatapusin ang pag-aaral mo. Kahit pa dumanas tayo ng hirap, hindi pwedeng manatili ka lang sa ganitong sitwasyon." Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Kung dati, parang ang hirap kausapin ni Mama. Lagi siyang may sumbat, may hinanakit, may galit kahit sa simpleng pagkakamali. Pero ngayon? Parang... bumait siya? Hindi ko napigilang mapakunot ang noo habang tinitingnan siya habang naglalakad. Lalaki rin pala ang kulang sa Mama ko. Napangiwi ako sa sarili kong iniisip. Grabe ka, Asia. Pero totoo naman eh. Simula nang dumating si Romano, tila nag-iba ang mood ng buong bahay. Mas madalas na ang ngiti ni Mama. Hindi na siya sumisigaw agad kapag may nahuling hindi ko nagawa. Hindi na rin siya nagdadabog pag kulang ang ulam. At ngayon, sinusuportahan pa niya ang plano kong makabalik sa eskuwela? Naalala ko tuloy 'yung mga salitang binitiwan niya noon na labis kong kinainisan. "Eh kasi naman, Asia! Hindi mo man lang napagbigyan 'yung nobyo mo! Baka akala mo habambuhay mo kayang itapon ang mga ganyang pagkakataon!" Nasa gilid ng isipan ko pa rin ang sakit ng pangyayaring ‘yon. Lalo na ngayong ‘yung nobyong ‘yon ang halos gumiba sa mundo ko. Pero ngayon, si Mama na rin mismo ang tila gusto kong iligtas sa lahat ng sakit ng nakaraan. Ayoko nang balik-balikan pa. "Ma, salamat ha," bigla kong nasabi habang papasakay kami sa tricycle. Napatingin siya sa akin. "Sa alin?" "Sa pagpayag mong bumalik ako sa school. At… sa pagbibigay mo sa’kin ng pagkakataon." Ngumiti lang si Mama. Hindi niya na kailangan pang magsalita. Sa mga mata niya, alam kong sinsero siya. Habang umaandar ang tricycle pauwi, dumungaw ako sa gilid. Sa unang pagkakataon, kahit sandali lang, naramdaman kong kaya ko pa palang huminga. Na kahit basag-basag ako, may piraso pa rin ng sarili ko na kaya kong buuin. At kung hindi man ako ang reyna sa prom night… Siguradong ako pa rin ang may panalong kwento sa dulo. ****** "Asia, anak! Bumili ka nga ng softdrinks sa tindahan. Yung litro, ha. Pampalubag sa pancit natin," sigaw ni Mama mula sa kusina habang pinipilit pagkasiyahin ang sahog sa lutong pancit. Bagong luto. Bago rin ang simula ng maliit naming kasiyahan. May trabaho na ako. Walang handaan na engrande. Pero sapat na ang amoy ng ginisang bawang, repolyo, at bihon para maramdaman kong espesyal pa rin ako, kahit kaunti lang. "Oo na, Ma!" tugon ko habang kinukuha ang perang iniabot niya. Nakasando lang ako’t shorts, pero tinakpan ko ng jacket. Ayoko lang makilala agad. Gusto kong umiral ang katahimikan kahit ilang minuto lang. Pagdating ko sa tindahan, bumungad agad sa akin ang tatlong babaeng nakatambay sa may bangketa. Kadalasan, sila ‘yung updated sa lahat ng tsismis — mapa-buhay artista man o buhay ng mga taong tulad ko. “Uy, ayan na si Asia,” bulong ng isa, sabay tikhim. Napakunot ang noo ko. Wala akong balak makipag-usap, pero kung may maririnig akong hindi maganda, hindi rin ako mananahimik. “Ate, isang litro ng Coke po,” sabi ko sa tindera. Habang inaabot niya, hindi na ako nakatiis nang marinig ko ang sinabi ng isa sa mga babae. “Ang swerte ni Trista ‘no? Siya na nga ang pinakamaganda, siya pa ang magiging prom queen ni Jasper.” “Talaga! Eh si Asia? Ang ganda rin naman, ‘di ba?” sabay kindat ng isa, halatang may patutsada. “Maganda nga,” sagot nung una, “pero ‘di sapat ang ganda kung hindi naman marunong humawak ng lalaki. Imagine, pinili pa ni Jasper si Trista kaysa sa kanya.” Tumawa silang tatlo. Parang nilagyan ng asido ang tenga ko. Parang bawat salitang binitiwan nila ay tumutusok sa loob ng dibdib ko. Pinili? Parang laruan lang ba ako? Parang hindi ako tao? Huminga ako nang malalim at kinuha ang softdrink. “Salamat po,” malamig kong sambit sa tindera bago ako lumingon sa tatlong babae. “Alam n’yo, ang prom night? Isang gabi lang ‘yon. Pero ang pagiging cheap at walang breeding? Habangbuhay ‘yon.” Tumigil sila sa pagtawa. Isa-isa silang napatingin sa akin. Pakiramdam ko, ako ang nanalo. Lumakad akong taas noo pauwi. Bitbit ang softdrink. Bitbit rin ang init ng pancit. Pero higit sa lahat, bitbit ko na rin ang apoy sa dibdib ko. Kung inaakala nilang nagtatago ako — nagkakamali sila. Kahit walang korona, kaya kong maging reyna. At sa gabing ‘yon ng prom… titiyakin kong sila ang mapapahiya. --- Itutuloy...KINAGABIHAN, abala na si Asia sa pag-aayos sa sarili. Nakasuot na siya ng eleganteng pulang dress na humahapit sa kanyang katawan, idiniin ang bawat kurbada na parang likhang sining ng isang pintor. Hindi siya sanay sa ganoong klaseng kasuotan—masyado itong sexy at lantaran, pero naisip niyang wala na siyang magagawa. Bahagi ito ng pagpapanggap. Mabagal ang galaw niya habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin. Pinili niyang itali ito sa mababang bun na may ilang hiblang malayang bumagsak sa gilid ng kanyang pisngi. Napansin niya ang sarili sa salamin—iba ang aura niya ngayong gabi. Hindi siya si Asia na dating simpleng empleyado. Ngayon, para siyang fiancée ng isang lalaking tulad ni Wild Montenegro. Dahan-dahan siyang nagsaboy ng pabango sa katawan. Tumama ang liwanag mula sa lampshade sa kanyang balikat at leeg—makinis, at tila lalong naging maputi dahil sa glow ng pabango. Nasa gitna siya ng paglalagay ng huling patak sa may pulso niya nang biglang... Tok. Tok. Tok. Kumat
Lumipas ang ilang oras at tila unti-unti nang humupa ang tensyon sa dibdib ni Asia. Ngunit nang maramdaman niyang kumakalam na ang kanyang sikmura, napilitan siyang lumabas ng silid. Tahimik siyang naglakad pababa ng hagdan, pinipilit maging mahinahon kahit na sa loob-loob niya’y kabado siya na baka bigla na namang sumulpot si Wild at asarin siya ng kung anu-ano. Pagdating niya sa may sala, nasalubong niya ang isa sa mga katulong—bitbit nito ang ilang paper bags. Sumunod naman ang isa pang katulong na may dala ring paper bag na mukhang mabigat. “Ma’am, para po sa inyo raw ito,” magalang na sabi ng katulong. “Pinapaabot ni Sir Wade. Siya raw po ang pumili ng mga ‘to.” Parang natigilan si Asia sa kinatatayuan niya. Napatitig siya sa mga bag, tila hindi makapaniwala. Binilhan talaga ako ni Wild? Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Masaya? Naiilang? Kinikilig? Nalilito? Bago pa man siya makabawi, bigla na namang sumulpot si Wild, gaya ng dati—parang laging may timing. Nakangisi
Masarap ang luto ni Asia, kahit medyo may inis pa rin siya sa dibdib. Habang naglalagay siya ng sinigang sa mangkok ni Lola ay hindi niya mapigilang mapatingin kay Wild, na tahimik lang at abala sa paghiwa ng inihaw na liempo. “Tsk. Ni hindi man lang niya na-appreciate ang effort ko sa kusina,” sabi ni Asia sa sarili habang pasimpleng pinandilatan si Wild. "Asia, anak," sambit ni Lola habang inaabot ang baso ng tubig. "Alam mo na ba kung ano ang mga gusto at ayaw ng apo kong 'yan?" Napatigil sa subo si Wild. Tumigil din si Asia sa paggalaw at napalunok. Dahan-dahan siyang tumingin kay Wild at agad na iniwas ang tingin. Kinabahan siya—wala siyang kaide-ideya sa mga gusto at ayaw nito. Ngunit sa halip na manahimik, agad siyang ngumiti kay Lola at nagsimulang magsalita. "Ahm... Oo naman po, Lola!" bulalas niya. "Si Wild... ayaw niya po ng maingay habang natutulog. Gusto niya rin po ng kape sa umaga, walang asukal—para raw bitter, katulad niya." Napa-choke si Wild sa tubig na iniino
Kinabukasan, mahimbing pa rin ang tulog ni Asia habang nakayakap pa siya sa unan. Ang liwanag ng araw ay unti-unting pumapasok sa bintana ngunit hindi pa rin siya nagigising. Hanggang sa isang malalim at baritonong boses ang pumunit sa katahimikan ng silid. "Asia, gumising ka na," malamig ngunit malakas ang tinig ni Wild mula sa pintuan. "Hindi ka prinsesa rito para gumising ng tanghali." Napamulat si Asia, tila nananaginip pa. Saglit siyang napakunot-noo at napaungol pa. "Hmm? Si Wild ba 'yon? Panaginip ba 'to?" bulong niya habang pilit na pinipilit buksan ang mga mata. "Asia!" muling tawag ni Wild, mas malakas na ngayon. Napabalikwas siya ng bangon sa kama, gulo-gulo pa ang buhok at malaki ang mga matang napatingin kay Wild na nakatayo sa may pintuan, naka-cross arms at nakasandal sa doorframe. "Pasensiya na! Napasarap ang tulog ko," ani Asia habang kinukusot ang mga mata at tinatakpan ang bibig dahil sa pagkabigla. "Ang ganda kasi ng panaginip ko eh…" Napataas ang kil
THIRD PERSON POV Masaya ang gabi. Nagkikislapan ang mga ilaw sa paligid ng plaza. May mga banderitas na sumasayaw sa ihip ng hangin, tunog ng tambol mula sa pa-parada, at halakhakan ng mga tao. Ang buong paligid ay punô ng saya at kulay – tipikal ng gabi ng pista. Magkabilang gilid ng kalsada, may mga karinderya, larong perya, at mga tindang kakanin. Habang naglalakad si Asia at Wild, simple lang ang ayos nila pero hindi maitatangging bagay sila sa paningin ng iba. Tahimik lang si Wild habang lumilinga sa paligid. Samantalang si Asia ay tila batang excited na bagong salang sa siyudad. “Oh my gosh, MAIS!” Sigaw ni Asia sabay hila kay Wild. May nakita siyang matandang naglalako ng inihaw na mais. Mainit, may kaunting margarine, at pulbos na cheese sa ibabaw—eksaktong paborito ni Asia. Parang kinikilig siyang lumapit pero agad siyang hinila pabalik ni Wild. “Huwag.” Matigas ang tono ng lalaki. Napatigil si Asia at napakunot ang noo. “Bakit naman?” “Hindi bagay sa’yo ‘yon.” “
Asia POV Gabi na talaga nang magising ako. Ramdam ko pa ang lamig ng simoy ng hangin na pumapasok sa bintana. Napabalikwas ako sa kama at napahikab. Napahilot ako sa batok, sabay tayo mula sa malambot na kama. Luminga ako sa paligid, napakunot-noo. “Uncle Wild… nasaan ka ba?” tawag ko habang lumalapit ako sa pinto. Wala pang sumasagot nang biglang bumukas ang pinto. Kkkrrkk! Sakto. Dumaan siya—at literal na fresh from the shower. Basang-basa ang katawan niya. Tulo pa ang tubig mula sa buhok niya pababa sa batok, balikat, hanggang sa dibdib. Wala siyang suot na pang-itaas, at ang tuwalya ay nakapulupot lang sa baywang niya. Parang huminto ang mundo ko. Nakatulala ako. Nakatunganga. Napako ang tingin ko sa mga patak ng tubig na dumadaloy sa defined na six-pack abs niya. Grabe… grabe talaga katawan niya… para akong nanonood ng commercial ng sabon o kaya perfume ad. Bigla na lang lumabas sa bibig ko: “Y-yummy…” Pfft!—Hindi ko napigilan. Walang preno. At ang masama? Rinig