Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2025-05-24 15:58:56

ASIA'S POV

Kinabukasan, tahimik ang buong paligid ng bahay habang sabay-sabay kaming kumakain sa hapag. Maaga akong nagising kahit hindi naman ako papasok sa eskwelahan. Wala lang, parang hindi ko na rin kayang humilata lang buong araw. Ramdam ko na rin ang pagkabagot, at higit sa lahat, ang gutom—hindi lang ‘yung literal na gutom sa pagkain, kundi ‘yung gutom na makaalis sa sitwasyong ‘to, ‘yung gutom na makabangon kahit pakiramdam ko, wala na akong pinaglalaban.

Tahimik lang ako habang sina Mama at Romano ay abalang nag-uusap tungkol sa trabaho sa hotel. Paulit-ulit kong hinihiwa ‘yung itlog sa plato ko, parang iyon na lang ang kaya kong kontrolin sa buhay ko ngayon.

“Maraming guest daw na darating ngayong linggo,” ani Romano, habang nagsasalin ng kape sa tasa niya. “Full booking ang hotel, kaya kelangan ng dagdag na housekeeping.”

“Gano’n ba?” tugon ni Mama. “Buti na lang at may mapapasukan si Asia. Tamang-tama.”

Napatingin ako kay Mama. Doon ko lang napansin na nakatingin na pala siya sa akin.

“Asawa ng pinsan ko ang manager ng housekeeping department. Pwede kang makapasok bilang part-timer,” dagdag ni Romano, ngumiti pa.

Hindi ko siya sinagot. Sa totoo lang, ayoko sanang tanggapin. Pero sino ba ako para tumanggi? Wala na akong allowance, wala na akong pamasahe, ni pamili ng napkin, kailangan ko pa talagang lumabas at bumili nang pawisan at halos duguan pa.

At ngayon, ito na naman. Isang offer na mahirap tanggihan. Hindi ko rin naman puwedeng ipagmalaki sa mga kaibigan kong wala akong ginagawa sa buhay kundi magmukmok at mag-isip kung paano ako babangon.

“Asia?” tawag ulit ni Mama.

Tumango ako nang marahan. “Sige po. Tatanggapin ko ‘yung trabaho.”

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Kailangan ko ng pera, period. Hindi na ito tungkol sa pride. Kailangan ko ng pamasahe, ng panty, ng shampoo. Kailangan ko ng konting respeto sa sarili ko. Kahit sa simpleng paraan na ako mismo ang kikilos.

“Eh, may pera ka pa ba?” tanong ni Mama bigla.

Napatingin ako sa kaniya, at di ko napigilang mapairap. “Wala po. San naman po ako kukuha? Wala na nga pong allowance, hindi na po ako pumapasok.”

Ramdam kong may inis sa boses ko, pero sinubukan kong pigilan.

“Sige,” sabi ni Mama. “Yung gown na tinahi ko, ipadala mo na lang ngayon. Pupuntahan mo ‘yung client. Sisingilin mo siya ng 8k.”

“Okay po,” sagot ko.

“Yung 4k, akin. Yung kalahati, sa’yo na. Para may pambili ka ng mga kailangan mo.”

At doon ako napatingin sa kaniya. Medyo naantig ang damdamin ko—kahit papaano, iniisip pa rin pala ni Mama na may pangangailangan din ako. Ngunit nang marinig ko kung kanino ang gown… halos mapalunok ako ng masama.

Trista, ang traydor niyang ex best friend.

Puta.

Kilala ko ang gown na ‘yon. Lila. Detalyado ang pagkakayari. May beads pa sa neckline. Napaka-elegante. Pang-prinsesa. At alam kong iyon ang isusuot niya sa prom night. Sa gabing kung saan siya ang magiging Queen, at si Jasper, ang ex kong cheater, ang magiging King.

Ang gabing dapat sana’y para sa akin.

Ang gabing pinangarap kong ako ang nasa entablado, ako ang nakasuot ng makislap na gown, ako ang tinutunghayan ng buong auditorium habang nakangiti si Jasper sa tabi ko.

Pero heto ako—tagadala ng gown.

Naglalakad lang sa ilalim ng araw, may bitbit na kasuotang sa iba mapupunta.

Hindi ko mapigilang mapakagat sa labi ko habang naiisip ko iyon. Naiinggit ako. Naiinis ako. Nasasaktan ako. Kaya habang binabalot ko ang gown sa plastic at iniisip kung paano ko siya ihahatid, may pumasok na ideya sa utak ko.

Pupunta ako sa prom.

Hindi para manood lang.

Hindi para humanga.

Pupunta ako para gumanti.

Hindi ko pa alam kung paano. Pero isa lang ang sigurado ako—hindi ako mananahimik. Hindi habang masaya silang dalawa habang ako’y iniiyakan ang lahat ng ito.

Mag-ingat ka, Trista.

Dahil sa prom night, mapapasakin ang atensyon na akala mong sa’yo lang.

---

Habang naglalakad ako papunta sa kanto, pawis na pawis na ako kahit maaga pa lang. Ramdam na agad ang init ng araw sa balat ko, parang sinasadyang dagdagan ang bigat ng araw na ‘to. Bitbit ko sa kamay ang paper bag na may lamang gown—gown na hindi ko man lang mahahawak-hawakan para sa sarili ko. Para sa prom. Para kay Trista. At ako? Ako ang tagadala. Ako ang tagahatid. Ako ang wala.

Pagdating ko sa sakayan ng tricycle, biglang may bumusina.

Pip!

Napalingon ako. Isang itim na SUV ang unti-unting huminto sa tapat ko. Agad akong napaatras, napayuko at mabilis na tinakpan ang mukha ko gamit ang hood ng jacket. Shit. Siya ba ‘yon? Bumukas ang bintana ng kotse at lumabas ang isang boses na pamilyar sa akin.

“Asia?”

Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o hiya. O pareho. Dahan-dahan kong ibinaba ang paper bag sa gilid ng paa ko, sabay tiningnan ang lalaking nasa loob ng sasakyan.

Siya nga.

Si Wade.

Uncle ni Jasper. ‘Yung misteryosong lalaking kasama ko nung gabi sa 7-Eleven. ‘Yung sinabayan kong uminom habang magulong-magulo ang mundo ko. At oo, ‘yung tinakbuhan ko matapos kong mapagtanto na sobra na ang hiya ko sa sarili ko. Lasenggera na ba ako? Ewan. Pero ang totoo, first time ko lang talagang uminom.

“Opo, ako nga po,” sagot ko, pilit na ngumiti habang hindi makatingin nang diretso.

Ngumiti siya. Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng ngiti ‘yon. ‘Yung tipong parang nang-uusisa pero hindi mapanghusga. Yung ngiting nakakailang.

“Sumakay ka na,” alok niya. “Iisa lang naman ata pupuntahan natin.”

Napatingin ako sa paper bag. Gusto ko sanang tumanggi, pero iniisip ko rin… mas mapapadali ‘to kung may sasakyan. Hindi ko na kailangang magbabad pa sa init o maghanap ng tricycle na mamimili pa ng pasahero.

“Teka lang po…” bulong ko, parang kinakausap ang sarili ko.

“Wala akong balak kainin ka, Asia. Di mo na rin ako tinapos nung gabing ‘yon, bitin nga ‘yung usapan natin,” natatawang sabi niya.

Bitin? Parang may kahulugan ‘yung tono niya, pero pinili kong hindi bigyang kulay. Hinila ko ang hininga ko, sabay buhat ng paper bag.

“Sige po…” sabay bukas ko ng pinto at umupo sa front seat.

Tahimik ako nung una. Hindi ko alam kung anong itatanong o sasabihin. Ramdam ko ang titig ni Wade habang sinisimulan niyang i-start ulit ang makina.

“Hindi mo na ako binalikan nung gabing ‘yon,” sabi niya bigla.

“Sorry po,” mahina kong tugon, sabay tingin sa bintana. “Nahihiya lang po ako.”

“First time mo ba talagang uminom?”

Napatingin ako sa kaniya. Tapos dahan-dahan kong tumango.

“Ang tapang mo rin pala. Hindi ka natakot na makasama ‘ko sa gano’ng oras?”

Napangiti ako, pilit. “Actually, natakot po. Kaya nga po ako tumakbo.”

Tumawa siya nang mahina. “Fair enough.”

Tahimik ulit. Pero ‘yung tahimik na hindi nakakailang. Parang pareho kaming may sariling iniisip. Hanggang sa siya na mismo ang nagsalita ulit.

“Trista’s house, right?”

Tumango ako. “Opo. Gown po kasi.”

“Para kanino?”

“Kay Trista.” Napabuntong-hininga ako. “Para sa prom.”

“Dapat ikaw ang may prom,” sabi niya bigla, nakatitig sa kalsada pero halatang iniisip ako.

Napatigil ako. Parang may sumundot sa dibdib ko. Totoo naman ‘yon, diba? Dapat nga ako. Ako dapat ang queen. Ako dapat ang nasa tabi ni Jasper. Ako dapat ang pinapalakpakan.

“Wala na po akong mukhang maihaharap sa eskwelahan,” mahinang bulong ko.

Napalingon siya sa akin. “Hindi mo kailangang itago ‘yang mukha mo. Maganda ka, Asia.”

Nanlaki ang mata ko. Hindi ako sanay sa ganon. Hindi ako sanay na purihin na parang hindi lang pang-aliw. ‘Yung puri na may lalim. Na may pakiramdam.

“Salamat po,” bulong ko ulit.

Tahimik kami habang papalapit na sa bahay nina Trista. Pero sa isip ko, ibang klase rin si Wade. Hindi ko siya kilala. Hindi siya parte ng buhay ko. Pero bakit parang… mas gusto ko pang kasama siya kesa sa lahat ng taong nagpaiyak sa akin?

At sa mismong prom night na ‘yon… baka siya lang ang taong ‘di ko inaasahang magiging parte ng plano kong pagbangon.

At kung lalapit ulit ang pagkakataon—baka hindi ko na siya tatakbuhan.

---

Pagdating namin sa bahay nina Trista, bumungad agad ang mama niya—naka-night gown, may hawak pang tasa ng kape, at mukhang bagong gising pa lang. Pero nang makita niya ang gown na dala ko, parang biglang nagliwanag ang buong paligid niya.

"Ay Diyos ko!" halos pasigaw niyang sabi habang kinuha ang paper bag mula sa akin. "Ang ganda ng tahi! Diyos ko, ang galing talaga ng nanay mo, Asia. Ang kinis ng pagkakayari, parang mamahaling gawa sa mall!"

Ngumiti ako, pilit. “Salamat po. Pinagpuyatan po niya ‘yan.”

“Oy, naku, babayaran ko ito nang buo—hindi lang eight thousand. Gagawin ko nang ten thousand, ha? Para naman sa effort n'yong mag-ina. Lalo na’t anak ko ang magiging queen ni Jasper!” sabay kindat pa niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Parang sinampal ako.

Queen ni Jasper.

King ng lalaking dapat sa akin.

King ng taong iniwan ako para sa traydor niyang ex best friend.

Hindi ko alam kung anong mas masakit—yung binigay niya ‘yung dagdag bilang pasasalamat, o ‘yung sinabi niya na si Trista ang magiging queen ni Jasper… habang ako, tagahatid lang ng gown.

Inis kong tinanggap ang pera. “Salamat po,” pero sa loob-loob ko, gusto ko siyang sabunutan.

Pagkalabas ko sa bahay nila, deretso agad ako sa sasakyan. Napansin kong wala pa si Wade sa loob. Siguro nasa kabilang side siya, may kausap o may tinawagan. Hindi ko na inintindi. Basta ako, galit. Gusto kong sumabog.

Pagkasakay ko sa passenger seat, sinara ko agad ang pinto, sabay upo ng madiin. Dito ko na ibinuhos lahat ng inis ko.

“Putang ina naman oh!” bulong ko pero hindi rin mababa ang tono. “Sampalin ko talaga ‘yang Trista na ‘yan pag nakita ko. Kung makapagyabang ‘tong nanay niya akala mo naman kung sino. Gown lang naman! At si Jasper?! Queen? Queen mukha niya!”

Tuloy-tuloy ang reklamo ko habang pinupunit-punit ko sa isip ko ang buong eksena kanina. “At si Jasper pa ha! Aba, kung sino pa ‘yung traydor, siya pa ngayon ang bida! Hayop! Tapos ako? Tagabitbit ng gown? Ako? Ako lang ang sugo?”

Napatigil lang ako nang may marinig akong pagkatok sa salamin. Napalingon ako at bumungad sa akin si—

“Uncle Wade?!” napalakas ang boses ko. “A-akala ko busy ka pa…”

Ngumiti siya. Hindi ‘yung ngiting may awa, kundi ‘yung parang pinipigil ang tawa. Halata sa mukha niya ang amusement. “Grabe ka rin pala magmura, Asia,” sabi niya sabay bukas ng pinto sa driver’s seat.

Bigla akong napayuko sa hiya. “Na-rinig n'yo po?”

“Simula pa lang ng monologue mo,” nakangisi pa rin siya habang sumasakay. “Solid. Parang teleserye.”

Napapikit ako. Gusto ko na lang lamunin ng upuan. Pero ewan ko—kahit nakakahiya, parang ang gaan sa pakiramdam na kahit papaano, may nakarinig sa akin. Na kahit ‘di ako mag-queen sa prom, kahit ‘di ako bida sa mata ng iba… at least, ngayon, may isang tao na nakakita kung gaano kasakit.

At sa simpleng pagtawa ni Uncle Wade, parang gusto ko na ring tumawa.

“Wag mong sabihin kahit kanino, ha,” sabi ko, nakasimangot.

“Secret natin,” sabi niya sabay kindat.

At doon, sa gitna ng kahihiyan ko, parang may isang parte ng puso kong hindi na lang galit… kundi naaaliw na rin sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 26

    KINAGABIHAN, abala na si Asia sa pag-aayos sa sarili. Nakasuot na siya ng eleganteng pulang dress na humahapit sa kanyang katawan, idiniin ang bawat kurbada na parang likhang sining ng isang pintor. Hindi siya sanay sa ganoong klaseng kasuotan—masyado itong sexy at lantaran, pero naisip niyang wala na siyang magagawa. Bahagi ito ng pagpapanggap. Mabagal ang galaw niya habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin. Pinili niyang itali ito sa mababang bun na may ilang hiblang malayang bumagsak sa gilid ng kanyang pisngi. Napansin niya ang sarili sa salamin—iba ang aura niya ngayong gabi. Hindi siya si Asia na dating simpleng empleyado. Ngayon, para siyang fiancée ng isang lalaking tulad ni Wild Montenegro. Dahan-dahan siyang nagsaboy ng pabango sa katawan. Tumama ang liwanag mula sa lampshade sa kanyang balikat at leeg—makinis, at tila lalong naging maputi dahil sa glow ng pabango. Nasa gitna siya ng paglalagay ng huling patak sa may pulso niya nang biglang... Tok. Tok. Tok. Kumat

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 25

    Lumipas ang ilang oras at tila unti-unti nang humupa ang tensyon sa dibdib ni Asia. Ngunit nang maramdaman niyang kumakalam na ang kanyang sikmura, napilitan siyang lumabas ng silid. Tahimik siyang naglakad pababa ng hagdan, pinipilit maging mahinahon kahit na sa loob-loob niya’y kabado siya na baka bigla na namang sumulpot si Wild at asarin siya ng kung anu-ano. Pagdating niya sa may sala, nasalubong niya ang isa sa mga katulong—bitbit nito ang ilang paper bags. Sumunod naman ang isa pang katulong na may dala ring paper bag na mukhang mabigat. “Ma’am, para po sa inyo raw ito,” magalang na sabi ng katulong. “Pinapaabot ni Sir Wade. Siya raw po ang pumili ng mga ‘to.” Parang natigilan si Asia sa kinatatayuan niya. Napatitig siya sa mga bag, tila hindi makapaniwala. Binilhan talaga ako ni Wild? Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Masaya? Naiilang? Kinikilig? Nalilito? Bago pa man siya makabawi, bigla na namang sumulpot si Wild, gaya ng dati—parang laging may timing. Nakangisi

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 24

    Masarap ang luto ni Asia, kahit medyo may inis pa rin siya sa dibdib. Habang naglalagay siya ng sinigang sa mangkok ni Lola ay hindi niya mapigilang mapatingin kay Wild, na tahimik lang at abala sa paghiwa ng inihaw na liempo. “Tsk. Ni hindi man lang niya na-appreciate ang effort ko sa kusina,” sabi ni Asia sa sarili habang pasimpleng pinandilatan si Wild. "Asia, anak," sambit ni Lola habang inaabot ang baso ng tubig. "Alam mo na ba kung ano ang mga gusto at ayaw ng apo kong 'yan?" Napatigil sa subo si Wild. Tumigil din si Asia sa paggalaw at napalunok. Dahan-dahan siyang tumingin kay Wild at agad na iniwas ang tingin. Kinabahan siya—wala siyang kaide-ideya sa mga gusto at ayaw nito. Ngunit sa halip na manahimik, agad siyang ngumiti kay Lola at nagsimulang magsalita. "Ahm... Oo naman po, Lola!" bulalas niya. "Si Wild... ayaw niya po ng maingay habang natutulog. Gusto niya rin po ng kape sa umaga, walang asukal—para raw bitter, katulad niya." Napa-choke si Wild sa tubig na iniino

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 23

    Kinabukasan, mahimbing pa rin ang tulog ni Asia habang nakayakap pa siya sa unan. Ang liwanag ng araw ay unti-unting pumapasok sa bintana ngunit hindi pa rin siya nagigising. Hanggang sa isang malalim at baritonong boses ang pumunit sa katahimikan ng silid. "Asia, gumising ka na," malamig ngunit malakas ang tinig ni Wild mula sa pintuan. "Hindi ka prinsesa rito para gumising ng tanghali." Napamulat si Asia, tila nananaginip pa. Saglit siyang napakunot-noo at napaungol pa. "Hmm? Si Wild ba 'yon? Panaginip ba 'to?" bulong niya habang pilit na pinipilit buksan ang mga mata. "Asia!" muling tawag ni Wild, mas malakas na ngayon. Napabalikwas siya ng bangon sa kama, gulo-gulo pa ang buhok at malaki ang mga matang napatingin kay Wild na nakatayo sa may pintuan, naka-cross arms at nakasandal sa doorframe. "Pasensiya na! Napasarap ang tulog ko," ani Asia habang kinukusot ang mga mata at tinatakpan ang bibig dahil sa pagkabigla. "Ang ganda kasi ng panaginip ko eh…" Napataas ang kil

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 22

    THIRD PERSON POV Masaya ang gabi. Nagkikislapan ang mga ilaw sa paligid ng plaza. May mga banderitas na sumasayaw sa ihip ng hangin, tunog ng tambol mula sa pa-parada, at halakhakan ng mga tao. Ang buong paligid ay punô ng saya at kulay – tipikal ng gabi ng pista. Magkabilang gilid ng kalsada, may mga karinderya, larong perya, at mga tindang kakanin. Habang naglalakad si Asia at Wild, simple lang ang ayos nila pero hindi maitatangging bagay sila sa paningin ng iba. Tahimik lang si Wild habang lumilinga sa paligid. Samantalang si Asia ay tila batang excited na bagong salang sa siyudad. “Oh my gosh, MAIS!” Sigaw ni Asia sabay hila kay Wild. May nakita siyang matandang naglalako ng inihaw na mais. Mainit, may kaunting margarine, at pulbos na cheese sa ibabaw—eksaktong paborito ni Asia. Parang kinikilig siyang lumapit pero agad siyang hinila pabalik ni Wild. “Huwag.” Matigas ang tono ng lalaki. Napatigil si Asia at napakunot ang noo. “Bakit naman?” “Hindi bagay sa’yo ‘yon.” “

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 21

    Asia POV Gabi na talaga nang magising ako. Ramdam ko pa ang lamig ng simoy ng hangin na pumapasok sa bintana. Napabalikwas ako sa kama at napahikab. Napahilot ako sa batok, sabay tayo mula sa malambot na kama. Luminga ako sa paligid, napakunot-noo. “Uncle Wild… nasaan ka ba?” tawag ko habang lumalapit ako sa pinto. Wala pang sumasagot nang biglang bumukas ang pinto. Kkkrrkk! Sakto. Dumaan siya—at literal na fresh from the shower. Basang-basa ang katawan niya. Tulo pa ang tubig mula sa buhok niya pababa sa batok, balikat, hanggang sa dibdib. Wala siyang suot na pang-itaas, at ang tuwalya ay nakapulupot lang sa baywang niya. Parang huminto ang mundo ko. Nakatulala ako. Nakatunganga. Napako ang tingin ko sa mga patak ng tubig na dumadaloy sa defined na six-pack abs niya. Grabe… grabe talaga katawan niya… para akong nanonood ng commercial ng sabon o kaya perfume ad. Bigla na lang lumabas sa bibig ko: “Y-yummy…” Pfft!—Hindi ko napigilan. Walang preno. At ang masama? Rinig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status