Share

Chapter 25

I pushed Davien using my free hand. Hindi niya iyon inasahan kaya napabitiw siya sa akin at napaatras nang bahagya. Numipis ang mga labi niya dahil sa matinding iritasyon. 

Mabilis ang aking paghinga. Lumayo ako sakaniya habang ang mga mata ko'y nanatiling madilim at matalim. 

"Fuck you!" nanginginig kong sigaw at dinuro siya. "Don't fucking threaten me like that, Davien. Wala kang pakialam kung may iba man ako. We're done. I'm fucking done with you. Huwag kang umasta na para bang ikamamatay mo kung mawala ako sa'yo dahil ikaw ang puno't dulo ng lahat! Can you please leave?! Fucking leave now!"

He smirked and stepped forward. Nanliit ang mga mata niya at tinagilid ang kaniyang ulo. His eyes flashed with indignance and anger. I watched as the whites in his eyes almost turned a pure black. I couldn't recognize him anymore. The boy I used to know was gone. 

Isang walang kwentang lalaki na lang ang nasa harapan ko ngayon. 

"I'm not threatening you, Talianna. I'm just being completely honest. Itago mo ang lalaki mo. Siguraduhin mong hindi ko malalaman kung sino siya. Remember..." He slowly took few steps towards me. Hindi ako nakagalaw.

Umangat ang kaniyang kamay at marahang hinaplos sa aking pisngi. Diretso niyang tinitigan ang mga mata ko. Kitang-kita ko mula sakaniya ang walang kapantay na galit. 

Marahas akong bumaling sa kabilang direksiyon bilang pag-iwas sakaniyang haplos.  Nagngingitngit ang kaloob-looban ko. A burning animosity was developing in my chest. 

"Kaya kong pumatay nang hindi ginagamit ang sariling mga kamay ko. Kaya magtago kayo nang mabuti. Ayusin niyo, Talianna. Let's play this game. Tiyak na masaya 'to. Lalo pa't ako ang taya," bulong niya sa matalim na tinig. Tinapik niya ang aking pisngi bago ako tinalikuran. 

I just stood there silently when he walked away. Tulala lamang ako hanggang sa makarinig ng isang malakas na tunog. 

It was a chopper. I'm sure it was Davien's. Nanggagaling iyon sa helipad ng mansiyon.

I drew in a deep breath. Hinaplos ko ang aking buhok. Hindi ko alam kung anong maaaring tumatakbo sa isip ni Davien. Ngunit nang banggitin niya ang mga salitang iyon, may kung anong bumulong sa akin.

Fear curled up inside me and clung to my ribs, settling uncomfortably in my chest. Ayaw kong magpadala sa takot na nararamdaman. I know he's not capable of doing that.

But... is he really not? 

Sinubukan kong kalimutan ang paghaharap namin ni Davien nang mga sumunod na araw. Hindi ko na binanggit pa sa ama ko ang pagpunta ng lalaking iyon sa mansiyon. Hindi ko kailanman nabanggit kay Dad ang tungkol sa paghihiwalay namin ni Davien.

I just simply don't want to talk about it. Hindi rin naman siya nagtatanong kung ano nang nangyayari sa aming dalawa ni Davien at mabuti na rin siguro iyon. Kung magtanong man siya, I'll tell him the truth that we already broke up. Ayaw ko lang na ako mismo ang magbukas ng usapin tungkol doon. 

Lumipas ang ilang linggo, I focused on my drafting and assignments. Sa sobrang abala ko sa pag-aaral ay halos wala na akong panahon pa upang isipin ang ibang bagay.

Naibaba ko ang iniinom na tsaa nang makita ang dalawang taong magkasunod na pumasok sa dining area kinaumagahan. 

Hindi naman ako magtataka kung si Nabrel lang ang narito dahil natural lamang na magpunta siya rito tuwing umaga dahil siya ang driver ko! Pero ang makitang pati si Blair ay narito rin, lagpas na iyon sa pang-unawa ko. She was wearing her usual civil engineering uniform.

Nagmumukha silang couple sa pareho nilang suot kahit na uniporme naman talaga nila iyon. I hate it. Dapat ba ay nag-civil engineering na lang din ako para ganoon din ang suot kong uniform tulad ng kay Nabrel. 

Hindi mapigilan ng kilay ko ang pag-angat nito. 

Nabrel greeted my Dad at sina Manang bago siya sumulyap sa akin. Ngumuso siya nang sinipat ang bowl kong may lamang yogurt oatmeal. 

"Good morning, Talianna." Ngumiti sa akin si Blair

I smiled a bit. "Morning," tugon ko at inabala na lamang ang sarili sa aking yogurt. 

Ano bang ginagawa nito rito? Huwag mong sabihing isasabay namin siya sa pagpasok?! 

"Hija, since iisa lang din naman ang eskwelahang pinapasukan niyo, naisipan kong isabay niyo na lang ang anak ni Manang Josefa na si Blair. Para naman kahit papaano ay makatipid ang anak niya. Masyadong malaki para sa'yo ang Alphard, Talianna, kaya mabuti na rin sigurong may iba pang isasakay doon maliban sa'yo," my Dad announced. 

I just looked at him blankly.

Ganito ba talaga ka-thoughtful ang ama ko? And then what? Araw-araw nang sasabay si Blair? 

Kailan naisipan ni Dad ang bagay na iyon? Hindi man lang ako tinanong kung ayos lang ba sa aking may kahati!

Sa sasakyan! 

Ayaw kong maging bastos ngunit ang isiping magiging ganoon nga, parang mas gugustuhin ko na lang pumasok mag-isa! Ako na lang ang magco-commute! 

Ngunit dahil ayaw ko nang ilathala pa ang negatibo kong saloobin tungkol sa desisyon ng ama ko, malapad akong ngumiti at tumango. 

"Sure! Why not? Peanut coconut?" I said cheerfully. Hinablot ko ang aking bag sa tabing upuan at tumayo na. 

"Tara na? Nakaka-excite naman ito," ngiti ko sa dalawang inhinhero at lumapit sa aking ama. I kissed his cheek bago nagmartsa palabas. Naramdaman ko ang pagsunod ng dalawa sa aking likuran. 

I rolled my eyes. 

Nang nasa harapan na kami ng Alphard, huminto ako at humalukipkip. 

"Sa likod ka, 'di ba, Talianna?" inosenteng tanong ni Blair at binuksan ang front seat, handang-handa nang sumakay doon. 

Binaklas ko ang aking pagkakahalukipkip. Medyo tinaliman ko ang mga mata ko sakaniya. 

"No. Ako ang uupo sa harapan. Ikaw sa backseat, Blair," malamig kong sinabi at tinuro ang likuran. 

Umawang ang mga labi niya at napakurap pa. Binitawan niya ang handle at tumikhim, mukhang nahiya bigla. 

I looked at Nabrel and saw that he was ready to open the door of the backseat. Ngumuso siya habang mariing nakatitig sa akin. Binitawan niya iyon.

"Akala ko ba ayaw mo sa harapan?" He tilted his head. Ang berdeng mga mata niya ay nagkikislapan ngayon sa hindi ko malamang dahilan. He bit his lower lip, noticeably suppressing his smirk. 

Uminit ang pisngi ko. I pursed my lips. 

"Pakialam mo? Sasakyan ko ito, Nabrel. Kahit saan man ako sumakay, wala kang pakialam. Kahit sumakay man ako sa bubong niyan." 

Pairap akong nag-iwas ng tingin. 

"Sakay ka nga sa bubong," dinig ko pang sinabi niya na halatang nang-iinis. 

I glared at him but he just chuckled. Pumikit siya at umiling bago tumalikod upang umikot patungo sa driver's seat. 

"S-Sige. Walang problema." Blair smiled awkwardly bago tinungo ang likuran. 

Hindi ko siya pinansin at naglakad na palapit sa front seat. Inirapan ko si Nabrel na nakatitig sa akin bago ilagay ang aking seat belt. 

We were just silent the whole trip. Si Blair na nasa likuran ay tahimik lang na nakatulala sa bintana. I could see her from here. Mukha siyang tanga roon. 

Pagdating sa eskwelahan ay hinintay kong pagbuksan ako ni Nabrel dahil bakit hindi? Driver ko siya at gustung-gusto ko kapag ginagawa niya iyon. This is so weird! Am I crushing on him? I do stupid things just to get his attention! 

Ano ba, Talianna? May crush ka sa driver mo? Isa kang malaking 'what the hell!' 

Pero wala namang masama, 'di ba? Crush lang naman iyon! Lahat naman nagkaka-crush! Bakit ko ba ito bini-big-deal? And Nabrel should be grateful and happy dahil may crush ako sakaniya!

Isang Taliyah Lavianna Monselorette ang humahanga sa isang mangingisda ng Belleza Eterna na si Nabrel Trenuver! 

I smiled at him before taking his hand at bumaba na ng sasakyan. Si Blair ay nasa labas na at naghihintay. She was looking at me. I raised an eyebrow and she suddenly looked away. She pretended to be busy with her phone. 

Muntik na akong mapa-irap buti na lang nakita ko ang mukha ni Nabrel kaya napangiti ulit ako. 

I bit my lower lip, stopping myself from smiling like a nincompoop. 

God! I really have a crush on him! 

I like him! What should I do now? Do I need him to like me back? Of course not! It's not like na big deal ito! Crush lang naman. Marami kaya akong naging crush sa Manila. 

Kumunot ang noo niya nang bumaba ang kaniyang tingin sa palda ko. 

"Ayusin mo ang palda mo, Talianna," malamig niyang sinabi at nag-iwas ng tingin. 

"Oops." I smiled and immediately fixed my skirt.

"P-Pwede ba kitang makausap sandali rito, Nabrel?"

Mabilis akong napalingon kay Blair. Seryoso ang kaniyang mukha ngunit kitang-kita ko ang kaba roon. Sandali siyang sumulyap sa akin at muling binalik ang tingin kay Nabrel.

Kumunot ang noo ko at hindi maiwasang makaramdam ng pagdududa. I crossed my arms and stayed there, walang planong iwan ang dalawa.

"Tungkol saan, Blair? Hindi ba iyan makakapaghintay? Kailangan na nating pumasok," kalmadong sinabi ni Nabrel. 

Blair bit her lip. Hindi mapakali ang kaniyang mga mata. I don't know what's going on but I have a feeling that there's something I should know. Kaya mananatili ako rito. Sa gusto ko at dapat ay gustuhin din nila. 

"S-Sandali lang naman. Importante ito, Nabrel. I-Ikaw lang ang mapagsasabihan ko nito. Please..." her voice quavered. 

Kumalabog ang puso ko. Mas lalong nanaig sa akin ang kagustuhang manatili. Tinitigan ko si Nabrel. Seryoso lamang siya habang nakatikom ang bibig at madilim ang tingin kay Blair. Bigla siyang lumingon sa akin. Humugot siya ng malalim na hininga at hinaplos ang kaniyang buhok. 

"Talianna, mauna ka na muna. May pag-uusapan lang kami." 

Mabilis akong umiling at nagmatigas. Matalim kong tinignan si Blair. Anong dinadrama nito? 

"No. I'll stay here. Kung mag-uusap kayo, then go. Dito lang ako. Lumayo kayo sa akin nang hindi ko marinig," I said stubbornly while crossing my arms. 

Pumikit siya nang mariin at nagpamaywang. Nilingon niya si Blair. Nasindak ako sa nakitang luhang pumatak mula sakaniya. She immediately wiped her tears and dropped her gaze. 

"Blair, makakapaghintay ka ba? Babalik ako. Ihahatid ko lang si Talianna sa room niya. Hintayin mo ako rito," aniya at muli akong nilingon. 

"O-Oo. Ayos lang, Nabrel. Bilisan mo, ah?" She tried to smile. 

Tumango lamang si Nabrel at nilingon ako. 

"Talianna, halika na. Baka mahuli ka sa klase mo." Marahang hinila ni Nabrel ang aking kamay at wala akong nagawa kundi ang sumunod. 

Ngumuso ako habang tinatanaw ang kamay niyang nakahawak sa akin. Kinagat ko ang aking labi at pinagsiklop iyon. I looked at my surroundings, trying to look oblivious about what I did.

I felt how big his hand was... and how strong it was. It was also roughly calloused probably because of his work. My hand looked so small with his. 

Uminit ang pisngi ko. 

Hindi ko alam kung bakit ang rahas ng pagtibok ng puso ko... at tila nalulunod ito sa halu-halong emosyon. Hindi ko maintindihan... 

Pasimple ko siyang nilingon. Nakatingin lamang siya sa aming dinadaanan. I smiled at myself. Ganito pala ang pakiramdam ng hindi ka gusto ng crush mo? When I was in Manila, iyong mga naging crush ko, bigla ko na lang nalalaman na may gusto rin sila sa akin. Nakakawalan ng gana! Maybe it's the challenge? Siguro ay para sa akin, walang dating kung may gusto rin sayo ang crush mo. Walang thrill. Boring. 

Kaya siguro ganito ang nararamdaman ko kay Nabrel. Because I'm aware that he doesn't like me. That's fine with me though. I don't need him to like me back. Baka pa kapag nalaman kong may gusto siya sa akin ay bigla akong mawalan ng gana. 

Bigla siyang lumingon sa akin sa gitna ng aming paglalakad. Nanlaki ang mga mata ko. Uminit ang pisngi ko at mabilis na nag-iwas ng tingin. Para akong biglang nagising mula sa isang malalim na tulog! 

Sinubukan kong bawiin ang aking kamay nang hindi siya tinitignan dahil sa labis na kahihiyang nararamdaman. But he didn't let me. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang kaniyang kapit. 

Gulantang akong napabaling muli sakaniya. Diretso lang ang kaniyang tingin. Binati siya ng dalawang kalalakihang nakasalubong namin at tinanguan niya pa ang mga iyon.

Bumuka ang aking bibig ngunit mabilis ko rin itong tinikom nang walang makapang salita. Nanatili lamang din siyang walang imik sa gitna ng aming paglalakad. 

"Enjoy na enjoy ka naman sa paghawak sa kamay ko, Nabrel, huh?" wika ko upang maisip niyang hindi ko ito ine-enjoy. 

Tinaasan niya ako ng kilay nang sulyapan ako. 

"Ako ba talaga, Talianna? Baka naman ikaw. Hinigpitan mo pa. Hindi ka man lang nahiya." 

"Hah! Excuse me!" Dahil doon ay marahas kong binawi ang aking kamay mula sakaniya. Ramdam ko ang matinding pag-iinit ng pisngi ko! 

Ngumisi lamang siya at nagkibit-balikat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status