Share

Chapter 25

"Ano ba naman iyan, Talianna?! Iyon na nga lang ang trabaho mo, hindi mo pa nagawa? Kung sa inyo prinsesa ka, pwes dito pantay-pantay tayong lahat! Ano nang gagawin natin niyan? Kung gusto mong bumagsak, huwag mo na sana kaming idamay pa! Palibhasa wala kang pakialam!"

Pumikit ako at hinaplos ang aking buhok. I don't know what to do now. Galit na galit sa akin si Leigh dahil hindi ko nagawa ang parte ko para sa isang presentation ngayon. Pagdating ko sa room ay sinalubong niya ako upang itanong ang tungkol doon ngunit ngayon ay binubugahan niya na ako ng apoy. 

Noong Miyerkules pa iyon binigay at Biyernes na ngayon. Iba pa iyong presentation na ginawa namin noong nakaraan. Sobrang tanga ko para makalimutan ang tungkol doon!

Puro drafting kasi ang nasa utak ko at nag-review ako kagabi para sa long quiz namin ngayon sa isang major subject.

"I'm sorry, Leigh. I-I'll try to finish it. May two hours pa naman bago ang presentation, hindi ba? Mags-skip na lang muna ako ng ibang mga klase natin para matapos ko." Kinagat ko ang aking labi. Iyon lang naman ang nakikita kong paraan upang masolusyunan ito. Hindi pwedeng wala kaming ma-i-present ngayon. Lagot kami kay Sir Deterio.

"Tss. Siguraduhin mo lang. Hindi na namin kasalanan kung may biglaan tayong quiz ngayon at wala ka. Tatamad-tamad ka kasi! Lumayas ka na sa harapan ko at gawin mo na! Nanggigigil ako sa'yo!" Inirapan niya ako bago tumalikod at bumalik sakaniyang upuan.

"Bakit naman kasi nakalimutan mo, Talianna?" Marahang wika ni Camille sa aking tabi.

I sighed. "I'll try my best to finish it before Sir Deterio's subject. Please. s

Sabihin niyo na lang kay Sir na nasa infirmary ako. Dysmenorrhea." Mabilis kong kinuha ang aking bag, determinado nang lumabas at magpunta sa library. Doon ko na lang gagawin.

"Sigurado ka? Baka may biglaang quiz. Mawalan ka ng points! Huwag na. Subukan niyo na lang makiusap kay Sir Deterio. Baka mapakiusapan naman." Ngumiwi siya. Napahugot muli ako ng malalim na hininga dahil iisa lang ang iniisip namin ngayon ni Camille. Hindi nagbibigay ng konsiderasyon ang prof naming iyon. Kahit mamatay ka pa sa harapan niya, hindi ka niya pagbibigyan.

"Uhm, pwede kitang tulungan, Talianna." Biglang sumingit si Kennedy. He smiled at me. Umiling lamang ako at ngumiti rin sakaniya kahit na nanlulumo na ako.

"Ayos lang, Kennedy. Hindi na kailangan. Tsaka sa library ko tatapusin."

"Edi samahan kita roon. Tutulungan kita. Ayos lang sa akin na mag-skip ng klase. Minsan lang naman." He chuckled. 

"No. It's fine. Kaya ko naman tapusin nang mag-isa iyon. Uhm, I need to go now. Nauubos ang oras." Ngumiti ako bago sila tinalikuran. 

Mabagal ang bawat hakbang ko patungo sa library. Hindi ko maiwasang isipin na baka magkaroon nga kami ng biglaang quiz. Pero mas malaking epekto naman kung hindi kami makapag-present ngayon.

Pumikit ako nang mariin at frustrated na hinaplos ang aking buhok. It's entirely my fault! Nakakainis! Kailangan ko nang tapusin ito at nang makahinga na ako nang maluwag. Wala nang oras para sisihin pa ang sarili ko.

Nagbuga ako ng hangin habang nilalapag ang aking laptop sa mesa. Pinili ko ang pinakadulong bahagi ng library dahil mas kumportable roon at hindi ko makikita ang bawat taong pumapasok. Kailangan ko ng katahimikan para makapag-concentrate at nang matapos ko kaagad. 

Mahigit isa't kalahating oras na ang ginugol ko sa loob ng library. Patapos na rin ang mga draftings na ginawa ko. Tinabi ko ang mga iyon bago nagtipa sa aking laptop. 

Nasa kalagitnaan ako ng pagtitipa nang may isang babaeng naka-civil engineering uniform ang lumapit sa pwesto ko. She was wearing a big eyeglasses and her hair was short and kinda messy. Hindi ko alam kung style niya lang ba iyon o kung hindi lang talaga siya nakapagsuklay. 

"Uhm, pwedeng ipatong ko sandali riyan itong pineapple juice ko? May hahanapin lang akong book dito," she said nicely. I nodded and smiled a bit. Hinayaan ko siyang ilagay doon ang kaniyang inumin at muli siyang nagpasalamat. 

Ilang sandali lang nang bumalik siya bitbit ang dalawang libro. Ngumiti lamang ako at binalik ulit ang atensiyon sa aking tinitipa. Ngunit biglang narinig ko ang kaniyang pagsinghap. Napabaling ako sakaniya ngunit mabilis na bumagsak ang tingin ko sakaniyang inumin na natumba!

Nalaglag ang panga ko at natulala na lamang nang makita ang dahan-dahang pagkalat ng juice sa mga designs ko! Nanuot sa mga maninipis na papel ang juice!

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko. Natulala na lamang ako, hindi malaman ang gagawin.

Fuck... just fuck.

"S-Sorry, Miss! Hindi ko sinasadya! I'm sorry! Sorry talaga! Naku! Paano ba ito?" Nataranta na siya ngunit ako ay nanatili lamang tulala sa mga papel.

Lumunok ako at huminga nang malalim. Pakiramdam ko matutumba ako rito anumang oras. Hindi ko matanggap! Halos patapos na ako sa ginagawa ko! Uulitin ko na naman? Wala na akong oras para magsimula ulit! 

"M-Miss, sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Sorry! Anong pwede kong gawin? Pasensiya na talaga! Sorry!"

Ni hindi ko halos matignan ang babaeng humihingi ng tawad sa aking gilid. I just feel very disspointed and weak right now. Alam kong hindi dapat ako magalit dahil walang may gusto ng nangyari ngunit hindi ko mapigilang makaramdam niyon!

Kinalma ko ang aking sarili at umiling. I need to focus. Walang magagawa kung sisinghalan ko ang babaeng alam kong hindi sinasadya ang nangyari.

"It's fine. I can handle this," bulong ko at minasahe ang aking noo.

Really, Talianna? You can handle this? No! You can't!

"You can go now. Ako nang bahala rito. Ayos lang. Uhm, hindi naman iyan importante." I faked a smile. Shit! Hindi importante?! God! Hindi ako makapaniwalang kaya kong manatiling kalmado sa mga oras na ito!

"S-Sigurado ka? K-Kasi kailangan ko na ring umalis."

"Yup! Ayos lang talaga. I told you, hindi naman iyan importante. Wala akong paggagamitan sa mga iyan. It's just my hobby. Sige na. Baka kailangan mo nang umalis. You don't have to worry about it."

She bit her lip and gave me an apologetic smile. "Sorry, ah. Uhm, I-I need to go now. May quiz pa kami for next subject. Pero huwag kang mag-alala. Babawi ako sa'yo."

I just nodded and watched her disappear. Nang mawala siya sa paningin ko ay doon ako tuluyang nanlumo. Ano nang gagawin ko? Gusto kong umiyak pero anong magagawa ng pag-iyak ko?

Ngunit iyon lamang ang nagawa ko habang nakaupo rito. Hindi ko na napigilan pang bumuhos ang mga luha ko. Lalo lang akong naiyak nang makitang thirty minutes na lang at kay Sir Deterio na kami!

Dahan-dahan kong inangat ang mga papel na basang-basa. Pumikit ako at tahimik na lamang na naiyak dito sa sulok ng library.

Natigilan lamang ako nang makita si Nabrel na pumasok sa bandang ito. Kitang-kita ko rin ang sindak sakaniyang mukha na napalitan din ng pagtataka. Mabilis siyang naglakad palapit. Umupo siya sa aking tabi habang nakatitig sa mukha ko, salubong ang kaniyang kilay.

"Anong nangyari?" Malamig niyang sinabi at bumaba ang tingin sa hawak ko. Numipis ang kaniyang mga labi at muli akong tinignan.

I bit my lower lip. Napayuko ako at umiling. "Wala na! Bagsak na kami, Nabrel. Hindi ko na alam." Nanginig ang boses ko habang patuloy lamang sa pagbuhos ang luha ko.

"Para saan ba iyan? At anong oras mo kailangan?" He said and look at his wristwatch. Nakakunot pa rin ang kaniyang noo.

"Ngayon na iyan. Kaya nga wala na akong magagawa! We're gonna fail, Nabrel. Hindi lang ako pero pati ang mga ka-grupo ko! Magagalit sila sa akin! They will hate me!"

Ilang sandali siyang tumitig sa akin, bahagyang nakaawang ang mga labi. Nagbuga siya ng hangin bago may hinugot mula sakaniyang bulsa. Umangat ang kaniyang kamay upang punasan ang aking pisngi gamit ang panyo niyang kulay abo. He wasn't looking at me while doing that. Nakatingin lamang siya sa kaniyang kamay, suplado ang mukha.

He clicked his tongue. "Tahan na... ako nang bahala," bulong niya at binaba ang kaniyang kamay. Pumungay ang kaniyang mga mata nang titigan ako. 

"What will you do? Gagawin mo? Come on, Nabrel! May klase ka pa. Hindi mo kailangang gawin iyon." I looked away. Bigo ko na lang tinignan ang limang pirasong bond papers.

"Sinong may sabing may klase pa ako? Tapos na ang klase ko ngayong araw. Kaya nga ako narito dahil wala na kaming prof. Manghihiram lang sana ako ng libro," kalmado niyang sinabi.

"Really?" marahan kong sinabi.

He bit his lip and nodded. Nag-iwas siya ng tingin at hinaplos ang kaniyang buhok.

"Pero kahit na matapos mo iyan, siguradong matatagalan at hindi na tatanggapin ni Sir Deterio."

"Sir Deterio? Denise Deterio ba?" He tilted his head.

Tipid lamang akong tumango. Nawalan na talaga ako ng gana. Ayaw ko nang bumalik sa room nang walang bitbit na natapos na trabaho.

"Pwede ko siyang pakiusapan. Siguradong hindi iyon makakatanggi sa akin, Talianna. Maniwala ka. Ako nang bahala rito. Hihingi ako ng dagdag na panahon," seryoso niyang sinabi na ikinagulat ko.

"W-What? Are you serious, Nabrel? Baka kung anong isipin ni Sir! No! Ayaw ko," mariin akong umiling. Hindi talaga ako sang-ayon sa desisyon niya. Kilala ko si Sir Deterio! Baka ipahiya pa niya ako sa harapan ng mga kaklase ko. Hindi ko iyon kakayanin!

"Basta. Huwag ka nang magreklamo, Talianna. Ano bang gusto mo? Makiusap ako pero siguradong may tsansang payagan ka o ang huwag na lang at hayaang bumagsak kayo ng mga kagrupo mo?" Panghahamon niya sa akin. 

Bumagsak muli ang tingin niya sa kaniyang relo. Kumunot ang noo niya at umiling.

"Tangina, bahala na," dinig kong bulong niya bago nag-angat ng tingin sa akin. 

"Pupuntahan ko si Sir Deterio. Babalik ako kaagad, Talianna. Huwag kang aalis dito," aniya bago mabilis na tumayo at patakbong umalis. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status