Share

Chapter 27

Nanatili lamang ako sa library. Hindi ko maiwasang kabahan kahit na mukhang sigurado naman si Nabrel na papayag nga si Sir Deterio. Hindi ako mapakali sa bawat segundong lumilipas. 

Ilang sandali lang din nang bumalik si Nabrel. Tumitig lamang ako sakaniya hanggang sa makaupo siya sa aking tabi. 

Kinagat niya ang kaniyang labi at tinaasan ako ng kilay. "Simulan na natin." 

Ngumuso ako at nilingon ang mga nabasang papel. "Pumayag siya?" marahan kong sinabi. 

"Oo naman. Kaya nasaan na nang masimulan na natin. Hanggang bukas ang binigay niya." 

"G-Ganoon ba? Thank you." Kinagat ko ang aking labi. I'm really grateful. Siya talaga ang maituturing kong hulog ng langit. Totoo pala ang ganoon? Ngayon ay naniniwala na ako. 

Narinig kong tumunog ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng slacks niya. Hinugot niya iyon at kunot ang noong binabasa ang kung anumang naroon. 

"Pumasok ka na, Talianna. Nabanggit ni Sir Deterio na may quiz daw kayo pagkatapos ng presentation kaya kailangan mong pumasok sa klase niya. Ako nang bahala rito," seryoso niyang sinabi habang nagtitipa. 

"I'm sorry for this, Nabrel. Naaabala ka pa but thank you talaga. Promise, babawi ako. You don't actually have to do this but–"

"Talianna," mariin niyang pigil sa akin na tila ba unti-unting naiirita. "Tutulungan kita kung kaya ko naman. Hindi ko hahayaang umiyak ka na lang dito nang walang solusyon sa problema mo. Pumasok ka na at tatapusin ko 'to," aniya habang mariin akong tinititigan. 

Nag-iwas ako ng tingin at tipid na lamang na tumango. 

"Fine..." bulong ko at kinuha ang aking bag. 

"I'll go now."

Nakatayo na ako at handa na sa pag-alis nang magsalita siya.

"Sa susunod..." he trailed off. Kumunot ang kaniyang noo at nagbaba ng tingin sa mga blankong papel na iniwan ko. Iniwan ko rin ang aking laptop dahil naroon ang sample ng mga drafting. Nagbuga siya ng hangin bago muling nag-angat ng tingin sa akin. May bahid ng lamig sa kaniyang titig ngunit kitang-kita ko roon ang panghihina. 

"Tawagan mo ako kaagad kapag may problema. Kung hindi ako nagpunta rito, hindi ka hihingi ng tulong at iiyak na lang?" 

Umawang ang labi ko. Napakurap ako at biglang nakaramdam ng matinding kaba. Kinakabahan ako dahil sa tono niya... sa titig niya... sakaniya. Everything about him makes me nervous... but with a strange tender and warm feeling in my heart. It's crazy. I never thought that this kind of feeling actually exists. What do you call this then? This extreme fondness towards someone... 

It feels like a powerful drug that makes you feel comfortable, warm and fuzzy. This is just completely ludicrous. Halos matawa ako sa mga iniisip. 

Ganito ba talaga ang pakiramdam ng walang gusto sa'yo ang crush mo? Mas lalong nakakahalina ang pakiramdam. Para bang mas lalong tumitindi. Dala ba ito ng challenge? Ng thrill? Ganoon ba iyon? 

I don't know but... this is such a foreign feeling for me. 

Napalunok ako at napahigpit ang kapit sa strap ng aking bag. "I... hindi ko na alam ang gagawin kaya... I just cried out of frustration." I bit my lower lip. 

Umigting ang kaniyang panga. Naroon pa rin ang lamig sa mga mata niya. 

"Tawagan mo lang ako kung may problema, Talianna. Kahit anong oras, tumawag ka lang," napapaos niyang sinabi at nag-iwas ng tingin.

"Pasalamat ka at pumayag si Sir Deterio kung hindi, malalagot ka talaga sa akin, Talianna!" pagdadabog ni Leigh sa mga gamit niya nang matapos ang aming klase.

Hindi na ako kumibo at tinext na lang si Nabrel. Kanina ay nag-text siya na tapos na siya sa presentation namin. Naisipan kong i-treat siya para naman kahit papaano ay makapagpasalamat sakaniya. Malaking tulong ang ginawa niya kung tutuusin. Naisalba niya kami sa posibilidad na pagbagsak namin sa subject na iyon.

I should ask him about his favorite food. 

"Hindi ko rin akalain na magbibigay ng konsiderasyon ang panot na iyon," si Camille. 

"Baka naman may ipinangako si Talianna kay Sir kaya ganoon? Ano ba iyon, ha?" Ngumisi sa akin si Leigh. 

Bahagya akong natigilan sakaniyang sinabi. Dinig na dinig sakaniyang tono na may ipinaparating siya. 

"Are you implying something, Leigh?" May iritasyon sa boses ko. Hindi ako makapaniwalang baluktot na naman ang pag-iisip niya tungkol sa akin ngayon. 

"Bakit? May kailangan ba akong i-imply? Bakit parang guilty ka, Talianna? Mayroon ba?" 

"Hoy, Leigh! Tama na iyan, ah! Hindi na maganda iyan. Dahan-dahan sa pananalita," suway ni Camille na inirapan lamang ni Leigh. 

I pursed my lips disapprovingly. 

Isang hirit pa talaga ng babaeng ito at baka hindi na ako makapagpigil at hampasin ko sa pagmumukha niya ang bitbit niyang laptop. 

Hinablot ko na ang aking bag at lumabas na ng room. Wala na akong panahon pa para gatungan pa ang pang-iinis ni Leigh. Kailangan ko na lang sigurong intindihan na inggit na inggit lang siya sa akin dahil araw-araw kong nakakasama ang crush niya... na hindi ko akalaing magiging crush ko rin!

Hindi ko napansin na naroon na pala sa labas si Nabrel. Ang isang strap ng kaniyang bag ay nakasabit sa balikat niya at bitbit niya ang aking laptop. I smiled at him but he didn't. 

Sumimangot na lang tuloy ako. Nilahad niya ang kaniyang kamay, kinukuha ang aking bag kaya binigay ko na sakaniya at hinayaan siyang bitbitin iyon. 

Inabot niya sa akin ang mga bond papers. Sinuri ko ang bawat papel at habang tinititigan ang mga 'yon, natutulala na lamang ako sakaniyang pulidong gawa. Napakalinis ng kaniyang drawing! Wala akong makitang maipipintas. 

"Nabrel!"

Natigil lamang ang pagkamangha ko nang marinig ang isang boses. Napa-angat ako ng tingin sa paparating na si Lily. Hindi ko na tuloy magawang suriin ang mga papel dahil sa biglaang pagsulpot niya. Nakuha niya ang buong atensiyon ko. 

Tipid siyang ngumiti sa akin bago lumingon kay Nabrel. 

Hindi ko alam kung bakit biglang pumait ang pakiramdam ko dahil sa pagdating niya. 

"Lily," si Nabrel. 

"Paano na iyong hindi mo na-take na quiz kanina? Naku! Siguradong malaki ang impact niyon sa grades mo. Bakit kasi hindi ka na bumalik kanina? Ang sabi mo manghihiram ka lang ng book sa library." 

Kumunot ang noo ko. Sumulyap ako kay Nabrel na seryoso lamang habang nakatingin kay Lily. He looked a bit annoyed. 

"Ayos lang iyon, Lily," malamig niyang tugon. 

"Anong ayos? Hindi ayos iyon! Paano na iyong pagiging Summa Cum Laude mo? Baka maungusan ka ni Bradley! Hala! Huwag naman sana." She bit her finger. Mukhang bigla siyang namroblema sa sitwasyon na hindi ko naman maintindihan. 

"Huwag mo nang isipin iyon, Lily. Hindi ko nga pinoproblema, e." He chuckled a bit and looked at me. 

"Para naman kasing hindi sinabi ni Sir Fred kahapon na hindi siya magbibigay ng consideration kapag wala tayo sa klase niya! Pero ikaw naman, parang wala lang sa'yo! Ang lakas ng loob mong mag-cutting! Hindi mo naman gawain 'yan, ah!"

I looked at them with confused look. Ano bang pinag-uusapan nila? Si Nabrel? Nag-cutting daw? Nag-cu-cutting pala siya? 

"Ayos lang talaga, Lily. Hindi naman iyon malaking bagay. Mas importante ang pinuntahan ko kanina kaysa riyan. Halika na, Talianna. Umuwi na tayo. Mauna na kami, Lily." Nabrel took my hand and started walking. Nilingon ko si Lily na naiwang nakaawang ang mga labi habang tinatanaw kami. Binalewala ko na lang siya at wala sa sariling napangiti. 

Pagdating sa parking lot ay natanaw ko si Blair na nakatayo sa tabi ng Alphard. 

What?! Pati ba sa pag-uwi kasama siya? Sabihin ko na lang kaya kay Dad na ibili ito ng sariling sasakyan nang hindi na sumasabay pa sa amin! I really hate this idea of my Dad! Biglang nagka-service ang babaeng ito! Tiyak na tuwang-tuwa naman ito dahil palaging nakakasama si Nabrel. Kasama na sa klase, pagpasok at hanggang sa pag-uwi! 

Nakangiti siya nang matanaw kami ngunit kaagad iyon nabura nang bumagsak ang tingin niya sa kamay namin ni Nabrel. Nang tignan niya ako ay kitang-kita ko ang lamig sakaniyang mga mata.

Nabrel let go of my hand when he opened the front seat for me. Tahimik akong sumakay at humalukipkip na lamang sa upuan.

I suddenly remembered something. Ano kayang pinag-usapan ng dalawang ito kanina? Tungkol saan naman kaya at bakit may paiyak-iyak pa ang babaeng iyan?

"Uhm, Nabrel." I turned to him. Sumulyap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"I just want to say thank you again para rito." Inangat ko ang mga papel. He just shrugged his shoulders.

"Let's have lunch! Libre ko. Bilang pasasalamat na rin." Malapad akong ngumiti.

Kumunot ang noo niya at umiling. "Hindi na kailangan. Ayos lang, Talianna," aniya sa marahan na tono.

I rolled my eyes. "Pwede bang pumayag ka na lang? Annoying nito! Just please, Nabrel? Pupunitin ko ito kapag hindi ka pumayag," pagbabanta ko pa. 

Humalakhak siya at tinignan ako na tila ba hindi siya makapaniwala sa aking sinabi. 

"Punitin mo. Sige lang. Sa'yo naman iyan kaya ano bang pakialam ko. Hindi ko na iyan uulitin para sa'yo." May bahid pa rin ng tawa ang kaniyang boses. 

I glared at him kahit pa na natatawa na rin ako. 

"Ano iyan, Talianna? Drafting?" Biglang sumingit si Blair mula sa backseat. 

"Yeah." I shrugged. 

"Pwedeng patingin ako?" 

Inabot ko sakaniya ang mga papel. Inisa-isa niya ang mga iyon hanggang sa nakita ko ang unti-unting pagkunot ng kaniyang noo. Seryoso ang kaniyang mukha nang mag-angat siya ng tingin sa akin. 

"Si Nabrel ang may gawa nito," aniya sa malamig na boses. Tila ba siguradung-sigurado siya at kilalang-kilala niya ang gawa ni Nabrel. 

I nodded. "Yup. Kanina lang iyan. Uhm, he helped me." I smiled awkwardly. 

Mas lalong kumunot ang kaniyang noo at natulala sa papel. 

"Kaya ba wala ka kanina kay Sir Fred, Nabrel? Ginawa mo ito? Inuna mo pa ito kaysa roon?" Nahimigan ko ang tensiyon sakaniyang tono. 

Bigla akong nakaramdam ng munting kaba. I bit my lower lip and glanced at Nabrel. Diretso lamang ang tingin sa kalsada, para bang walang narinig kay Blair. 

"W-What do you mean?" Gulung-gulo ako habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.

Blair pursed her lips while looking at me. Kitang-kita sakaniya ang matinding iritasyon. 

"Huwag mo nang alalahanin pa iyon, Blair." Nabrel said with a hint of laziness in his tone na tila ba napapagod na siyang marinig ang tungkol doon. 

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Nabrel? Babagsak ka kay Sir Fred dahil sa ginawa mo! Nagpabaya ka! Nagpabaya ka ng dahil lang..." Nanginig ang kamay niya nang iangat ang mga bond papers. "Dito!" 

Nalaglag ang panga ko nang matanto ang nangyayari. Nabrel sighed and shook his head. 

"Hindi niya ako ibabagsak," mariin niyang sinabi. 

Marahas na iniabot sa akin ni Blair ang mga papel. Tulala pa rin ako nang tanggapin ang mga iyon. 

He ditched his class just to... help me? Pero ang sinabi niya ay wala na siyang klase kanina!

Blair shook her head disappointedly and chose to remained silent while staring at the window. Wala nang nagsalita pa sa amin. 

Nakaramdam ako ng matinding panlalamig ng aking tiyan. Nahiya ako bigla. Hindi mapakali ang mga daliri ko. Pakiramdam ko ay nagawa ako ng malaking kasalanan. 

Natulala ako habang nakatitig kay Nabrel. Hindi niya ako nilingon at seryoso lamang sa pagmamaneho. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status