共有

Chapter 2

作者: coalchamber13
last update 公開日: 2026-05-20 23:14:07

REDENTOR

“Ma, bakit gising ka pa?” tanong ko kay nanay nang makita ko pa siyang gising. Kadarating ko lang galing sa trabaho.

“Hinihintay kita, anak. Nagluto ako ng paborito mo,” sabi niya. Niyakap ko ang aking ina at h******n ang kanyang noo.

“Salamat, Ma. Siguradong marami na naman akong kakainin.” Nakangiting sabi ko.

Masarap magluto si Mama, kaya palagi akong ginaganahan sa pagkain. Sinasabi ko nga sa kanya na magtayo ng kainan. Sigurado akong marami siyang magiging. Hinila niya ako sa hapagkainan. Umupo ako. Kumuha naman ng plato si Mama.

“Pasensya na , Ma, ginabi na ako sa pag-uwi. Marami po kasing trabaho sa presinto,” wikang sabi ko.

Ngumiti siya. Nilapag niya ang umuusok pang ulam. “Naiintindihan ko, anak. Alam ko naman na parte iyan ng trabaho mo. Basta ang lagi kong bilin ay mag-ingat ka,” nakangiting bilin sa akin. Naglagay ng kanin sa plato ko si Mama. Nagsandok ako ng ulam na nasa mangkok.

“Ma, nagpunta kanina si David sa presinto. Kinukumbinsi niya akong puntahan ang kanyang ama dahil gusto niya akong makausap,” sabi ko. Tiningnan ko ang reaction ni Mama.

“Bakit hindi mo puntahan? Kinalimutan ko na ang mga masasamang ginawa ng papa mo. Napatawad ko na rin siya. Sana ay ganoon ka rin upang magkaroon ka ng kapayapaan sa iyong puso.” Hindi ko inaasahan na sasabihin iyon ni Mama. Sa kabila ng ginawa ng lalaking iyon sa kaniya, kaya niyang patawarin?  Umiling ako sa sinabi ni Mama. Hindi madali sa akin ang magpatawad, lalo na't nasaktan ako sa ginawa niya. He abandoned us because of his mistress. Iyon ang hindi ko matanggap hanggang sa ngayon. At ang pagtrato niya sa amin ni Mama ay parang basura.

“I am sorry, Ma, ngunit hindi ko maibibigay sa kanya ang kapatawarang hinahangad niya. Kung talagang gusto niyang humingi ng tawad sa atin, sana noon pa niya ginawa. Hindi ngayong may sakit na siya at mamamatay na.” Galit na sabi ko. Hinaplos ni Mama ang balikat ko.

“Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit mo, anak. Sa ngayon, hindi muna kita pipiliting mapatawad ang Papa mo.” 

Hindi ako nagsalita. Baka may masabi pa akong masama. Sagad hanggang langit ang galit ko sa lalaking iyon. Walang taong makakapagkumbinsi sa akin na patawarin ang lalaking nanakit sa amin.

Pinuntahan ko sa ospital si Amanda kung saan siya nagtatrabaho bilang nurse. Hinintay ko siyang mag-out sa duty niya. Habang nakaupo, napansin ko ang isang babaeng nakatingin sa akin. Napakunot-noo ako. Parang pamilyar ang babae. Lumapit siya sa akin.

“Redentor. . .” Napakunot ako ng noo. Tinawag niya ako sa pangalan ko. Paano niya nalaman na hindi ko siya kilala?

“Sino po kayo? Bakit niyo ako kilala?” tanong ko. Natigilan ang babae sa sinabi ko.

“Mom!” Napalingon kami sa taong tumawag sa babae.

“David. . .” H******n ni David ang babae. So ina niya pala ang babaeng ito. Siya ang dahilan ng lahat, kaya kami iniwan ni Papa noon.

“Kuya, mabuti naisip mong dalawin si Daddy.” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

“What are you talking about? I’m not here to visit your father. I’m here because my girlfriend is working here. Bakit mo naman inisip na dadalawin ko ang walang kuwenta mong ama? I told you , kahit mamatay pa siya, hindi ko siya mapapatawad!” galit na sabi ko. Napasinghap ang babae. Wala akong pakialam sa kanila. Dahil sa kanila, kaya ako ganito ngayon. Naging matigas ang puso. 

Ma, ang ganda dito sa mall, ang lamig.

Unang beses akong nakapasok sa malaking gusali na tinatawag nilang mall. Hanggang palengke lang ako dahil hindi kami makapunta ni Mama para lumabas dahil wala kaming pera. Nagtrabaho si Mama bilang tindera sa isang grocery na malapit sa bahay namin. Mabuti nakapasok si Mama doon dahil kaibigan niya ang may-ari. Unang sweldo ni Mama, kaya nagyaya siyang mamasyal.

Maraming mabibilhan dito ng mga damit at laruan. Gusto mo bang bilhan kita ng laruan mo?” Nagningning ang mata ko sa sinabi niya. Tumango ako.

“Gusto ko po ng laruan! sabi ko.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko. Naglakad kami papuntang bilihan ng mga laruan. Halos lumuwa ang mata ko sa nakikita kong mga damit at sapatos. Napatingin ako sa suot na sapatos ni Mama. Bumubuka na ang harapan ng sapatos niya dahil sa kalumaan. Napatingala ako sa kanya.

Mama, huwag na lang pala tayo bumili ng laruan. Bumili ka na lang ng sapatos mo. Sira na ang sapatos mo, oh?”

Turo ko sa sapatos niya. Napangiti si Mama sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko.

Ayos lang, anak, puwede pa namang gamitin. Mas mahalaga ka.

Hindi ba gusto mo ng bagong laruan?”

Tumango ako. Mas mahalaga si Mama kaysa sa laruan.

Mama, ayaw ko na ng laruan. Malaki na ako para maglaro. Bumili ka na lang ng sapatos mo. Ayos lang po na hindi niyo ako bilhan ng laruan.

Ngumiti ako para hindi na ipilit ni Mama ang gusto niya. Alam kong mas uunahin niya ako. Pero ako , mas uunahin ko siya. Dahil gusto kong mapasaya ang mama ko. Hinila ko siya papasok sa bilihan ng sapatos. Hindi na nakatanggi si Mama sa kagustuhan ko.

Wow, Mama, ang ganda ng sapatos mo. Hindi ka na mahihirapan sa paglalakad.

Tuwang-tuwa na, sabi ko.

Salamat, anak. Sana hindi na lang muna ako bumili. Sana nakabili ka na ng laruan mo.”

Hinawakan ko ang kamay ni Mama.

Mama, ayos lang.

Saka naisip kong malaki na ako para bumili ng laruan.

Naisip kong mag-ipon na lang ako para makabili ng gusto ko.

Ang suwerte ko sa iyo, anak, dahil napakabait mong bata. Mahal na mahal kita.”

Yumakap ako sa beywang ni Mama.

Mahal na mahal din kita, Mama,” sambit ko.

Halika na, kain muna tayo.” Paanyaya niya. Tumango ako.

Naghanap kami ng makakainan.

Pagkapasok sa isang kainan , nakita ko si Papa. May kasamang babae na may malaking tiyan. Sinusubuan pa ni Papa ang babae. Hinila ko ang laylayan ng blouse ni Mama. Napatingin siya sa akin.

“Mamá, sí, papá.

Tinuro ko ang kinalalagyan nila Papa at ang babae.

Nagpasya akong lapitan ang dalawa. Pinigilan ako ni Mama, pero kumawala ako.

Papa!

Tawag ko sa aking ama. Pareho silang napatingin.

Anong ginagawa niyo dito?” Galit na sabi ni Papa sa amin. Hinawakan ni Mama ang balikat ko.

Namasyal lang kami ni Reden.

Paliwanag ni Mama kay Papa.

Tumawa nang nakakainsulto si Papa.

Paano ka naman nagkaroon ng pera? Mabuti , alam mong pumunta sa mall.”

Pang-iinsulto nito. Kumuyom ang kamao ko sa tinuran niya sa mama ko.

May pera si Mama! Dapat nga ikaw ang pumapasyal sa amin, hindi ang babae mo!

Galit na sigaw ko sa kanya.

Anak...” sabi ni Mama sa akin.

Napakabastos mong bata ka! Mana ka diyan sa bobo mong ina!”

Halos magpuyos sa galit ang dibdib ko.

Hindi bobo ang Mama ko! Ikaw ang bobo, manloloko pa! Niloloko mo ang mama ko!

Umiiyak na sabi ko. Hinawakan ni Mama ang kamay ko.

Anak, tama na, halika na, umalis na tayo,”

sabi ni Mama sa akin. Nakita kong may luha sa mata niya. Naaawa ako sa kanya. Bakit hinahayaan niya  lang na insultuhin siya ni Papa?

Tandaan mo ito, kapag malaki na ako, maghihiganti ako sa inyo sa pang-aapi niyo sa Mama ko! sabi ko.

Pinagtitingnan na ako ng mga tao. Sa inosente kong isip, naging matapang ako dahil sa ginawa niya sa amin. Sasampalin sana ako ni Papa. Hinarang ni Mama ang kanyang sarili,

kaya siya ang nasampal ni Papa. Napaupo si Mama sa sahig. Dinaluhan ko siya.

Mama!

Umiiyak na wika ko.

Sinaktan mo ang mama ko!

Tumayo ako at galit na sinipa ko ang tuhod niya. Napaigik ang ama

ko. Gusto ko sanang undayan ng suntok sa mukha, hindi ko magawa dahil maliit pa ako. Hindi ko siya maabot.

Susugurin sana ako ni Papa upang saktan, ngunit  pinigilan siya ng babae.

Magsama kayo ng ina mong bobo! sigaw nito sa amin ni Mama. Nagmadaling umalis ang dalawa.

Mama, ayos ka lang po?”

Nag-aalalang tanong ko.

Ayos lang ako. Sana hindi mo na lang ginawa iyon, anak. Ayokong masaktan ka.

Hinaplos ni Mama ang pisngi kong puno ng luha. Napayakap ako sa bisig ni Mama. Hindi ko mapapatawad si Papa sa pang-aapi niya sa Mama ko. Hihintayin ko ang araw na ako naman ang mananakit sa kanila!

“Wala ka na bang kahit konting awa kay Daddy?” sabi ni David. Natawa ako nang nakakaloko.

“Are you kidding? Awa? Hindi nga naawa ang ama mo sa mama ko noon! Kaya deserve niya’ng isumpa!” Nag-igting ang panga ko.

“Reden. . .” Napalingon ako sa tumawag. Napangiti ako nang makita ko ang mahal kong si Amanda.

“My love,” sabi ko at lumapit sa kanya para bigyan ng halik sa pisngi.

“Is there a problem here?” tanong nito at napatingin sa dalawa. Napangiti ako at hinaplos ko ang pisngi niya. Umiling ako.

“Naka-out ka na ba?” tanong ko sa nobya. Inipit ko ang buhok nito sa tainga.

“Oo, love, kaka-out ko lang,” sabi nito sa malamyos na tinig. Iyon ang isa sa mga nagustuhan ko kay Amanda. Napakalamig ng boses niya. Nakakapagpakalma ng sistema ko lalo kapag nakakaramdam ako ng pagod sa trabaho.

“Come on, let’s go home?” Nakangiting sabi ko.

Kinuha ko ang bag na dala niya at pinagsiklop ang palad namin. Napatingin ang dalawang taong kinasusuklaman ko sa aming dalawa ni Amanda. Napailing na lamang si David sa akin dahil sa inasal ko. Wala akong pakialam sa kanila.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 10

    AMANDA“Amanda!” Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang best friend kong si Annie.“Oh my God, Ann!” sambit ko. Sa tuwa ko, nagtatakbo ako papunta sa kanya. Niyakap ko nang mahigpit ang best friend ko. Na-miss ko siya. Ang tagal naming walang communication. Mula nang nagpunta siya sa China kasama ang asawa nito.“How are you? Wala na akong news about you,” sabi ko nang kumawala kami sa pagkakayakap.“Umuwi na ako dito sa Pilipinas. Namatay na ang asawa ko.” Malungkot na sabi nito.“My condolences.” Hinaplos ko ang braso niya. Bahagya siyang ngumiti. Mahirap talaga mamatayan ng mahal sa buhay.“Paano mo nalamang dito ako nagtatrabaho?” tanong ko. “Nagkataon lang nakita kita dito. Nagpunta kasi ako sa OB-GYN ko,” sabi niya.“Bakit buntis ka?” tanong ko. Umiling siya.“Nagkaroon ng problema ang bahay bata ko. Sinabi ng OB ko na hindi na ako magkakaroon ng anak. Mula noong. . .” Napahinto siya sa sasabihin. Nangilid ang luha niya. Inalalayan ko siya

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 9

    REDENTOR“Ano’ng ginagawa mo dito?!” Naiiritang tanong ko sa babaeng nakaupo sa loob ng opisina ko.“I want to talk to you. Red, please come back to me.” Pakiusap niya sa akin. Tiningnan ko siya nang may pag-uuyam. “Really? It’s almost 6 years, my dear; wala na tayo. Ngayon mo lang sasabihin iyan? Ano’ng dahilan mo?” sabi ko. Hindi ako naniniwalang gusto niyang makipagbalikan sa akin dahil mahal niya ako. Siya na rin ang nagsabi na wala siyang mapapala sa isang katulad kong mahirap.“Ikaw pa rin ang mahal ko, Red. I know it’s been 6 years. Napilitan lang ako sa pagpapakasal sa lalaking iyon. Our family needs him.” Natawa ako nang nakakaloko. Talaga ba? Pinamukha na niya sa akin na mas mabubuhay siya sa lalaking iyon. Pera lang naman ang mahalaga sa kanila.“Wala kang karapatang bumalik sa buhay ko dahil matagal ka nang wala dito!” Tinuro ko ang puso ko.“Matapos mong patayin ang anak ko! Ang kapal ng mukha mong sabihing napilitan ka lang na pakasalan ang lalaking iyon! You have a cho

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 8

    AMANDANagulat na lang ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si David. Napahawak ako sa ibabaw ng dibdib ko.“Hi, Amanda.” Pagbati niya sa akin. Napangiti na lang ako nang alanganin. Lumingon ako upang tingnan kung nandiyan na si Redentor.“Hello.” Pagbati ko sa kanya. Ngumiti siya nang malawak. May pagkakahawig din sila ni Redentor. Parehong matapang ang mukha, pero deep inside, malambing.“Can I invite you to have dinner with me?” Napatitig ako sa kanya.Hindi ko alam kung paano ako tatanggi. Wala naman siyang ginagawang masama sa akin , kaya mahirap tanggihan ang paanyaya niya, pero kailangan kong tumanggi. Ayokong mag-away kami ni Redentor dahil dito.“Pasensya ka na, hindi ako puwede, David. May pupuntahan kasi ako, eh?” Pagsisinungaling ko.“Ganoon ba? Siguro next time na lang. Pasensya ka na kay Kuya kung masyadong mainitin ang ulo niya sa akin.” Aniya at ngumiti. “I understand. Pasensya ka na kung hindi ko mapagbibigyan ang paanyaya mo. Maybe next time na lang. Mauuna na

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 7

    AMANDAHindi ko na maintindihan si Reden dahil masyado na siyang seloso. Mula nang makilala ko ang brother niya , nag-iba na siya ng ugali. Kahit wala naman namamagitan sa amin ni David. Iniisip niyang meron kaming relasyon.Alam ko na may something sa kanilang pamilya, pero hindi naman siguro tama na pati kapatid niya ay idadamay sa galit niya sa kanyang ama. Napakalalim ng galit niya sa pamilya nila David. Tutulungan ko siyang mapalambot ang galit niya. Napabuntong-hininga ako nang malalim. Nakita kong nakaupo si Reden sa waiting area. Nilapitan ko.“Love. . .” Tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. Tumayo siya para yakapin at halikan ang pisngi ko.“My love, punta tayo sa bahay. May konting salo-salo. Birthday kasi ni Mama,” sabi ni Reden. Natampal ko ang noo ko. Nakalimutan kong birthday ni Tita ngayon. Sobrang busy sa trabaho, pati espesyal na okasyon kagaya nito ay nakalimutan ko na. “Nakakahiya naman, wala akong dala. Sana pala pinaalala mo. Nakabili sana ako ng regalo s

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 6

    REDENTORTumawag si Amanda na mag-o-overtime siya, kaya baka gabihin ang uwi niya. Pwede ko siyang sunduin kapag natapos na ang trabaho ko. Delikado pa naman ang oras ng uwi niya dahil alas dose ng gabi. Sa panahon ngayon, marami ang mga adik na naglipana sa paligid. Talamak ang droga ngayon dahil walang araw na hindi kami nakakahuli ng mga adik.Nag-text si Mama na may pupuntahan siya. Hindi naman niya sinabi kung saan. Nagtataka ako dahil araw-araw siyang umaalis. Halos magkasabay pa kaming nakakauwi sa gabi. Hindi ko na lang tinatanong kung saan siya galing. Baka naman sa mga kaibigan niya siya nagpupunta. Mas maigi nga na nakakapasyal siya para maaliw naman. Hindi kasi naranasan ni Mama ang mamasyal lalo’t walang-wala kami noon. Kaya hindi na niya magawang ayusin ang sarili.“Mama, bakit hindi ka mamamasyal para maaliw ka naman?” sabi ko kay Mama. Masyado na siyang busy sa trabaho niya. Hindi na maayos ang sarili nito o makakabili man lang ng damit nito. Nasa high school na ako at

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 5

    REDENTOR“Love, kausapin mo naman ako. I am so sorry. I promise, hindi ko na siya kakausapin.” Hinawakan niya ang braso ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Humarap ako sa kanya na seryoso ang mukha.“Don’t promise kung hindi mo naman tutuparin,” sabi ko na may sama ng loob. Hindi niya kilala ang mga taong ‘yun para ipagtanggol pa. “Okay. Tell me kung bakit naiinis ka sa kanila para maintindihan ko.” Yumakap ito sa beywang ko. Umupo kami sa sofa at kinandong ko siya. Pinulupot ko ang braso sa beywang niya.“His father is also my father. He’s my half-brother. Iniwan kami ng ama ko dahil sa nanay niya. Hindi naging mabuting ang ama ko sa amin ni Mama. Palagi niyang pinapamukha na wala kaming kuwenta at malas sa buhay niya. Bata pa lang ako noon, na-witness ko na ang kalupitan ng ama ko kay Mama. Iniwanan niya kami at sumama sa kabit niya. Hindi siya nagbigay ng suporta, kaya napilitang magtrabaho si Mama. Para makaraos kami sa pang-araw-araw naming buhay. Gusto ko

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status