LOGINBata pa lang si Redentor Dimasalang ay naranasan na niya ang pagmamalupit ng kanyang sariling ama. Walang araw na hindi sila sinasaktan ng kanyang ina. Sobrang galit ni Redentor ng iwan sila ng kanyang ama at sumama sa ibang babae. Dahil sa nakaraan at naranasan ni Redentor noong bata pa ay naging bato ang kanyang puso pagdating sa taong nanakit sa kanila ng kanyang ina. Nadala niya ang poot at galit ng magkaroon siya ng nobya. Naging possessive at sobrang seloso siya kapag may kausap na lalaki si Amanda. Ang akala ni Redentor ay parte pa ito ng pagmamahal niya, ngunit hindi niya namamalayang nasasaktan na niya ang kanyang nobya.
View MoreREDENTOR
Hindi ko maialis ang tingin sa babaeng kausap ni Alex. May laro kaming basketball ngayon. Sumali kami sa ligang para sa lugar namin. Isinali namin si Alex dahil sponsor siya sa susuotin naming sapatos.
Hindi naman kasi namin kaya bumili ng sapatos na panglaro namin. Working student ang karamihan sa amin at isa na ako doon. Si Alex at ang iba naming kaibigan ang nakakaangat sa buhay.
Siniko ako ni Melchor at bumulong at inginuso ang kinatatayuan nila Alex. May kausap itong mga babae. “Tingnan mo, may ibang babae na naman itong si Alex. Grabe, parang nagpapalit lang ng damit ang gagong ito.” Natatawang sabi ni Melchor. Natawa rin ako.
Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Alex? Bukod sa guwapo, ito ay maganda pa ang pangangatawan at higit sa lahat, mayaman. Magara nga ang sasakyan nito. Sa tingin ko, mamahalin iyon.
“Hindi ka na nasanay sa lalaking iyan. Saka may karapatan naman siyang mambabae dahil afford naman niya iyon. Tayo bawal ang mambabae dahil wala tayong pera at kotse.” Natatawa kong sabi. Totoo naman ang sinabi ko. Mas priority ko ang pag-aaral at pagtatapos upang matulungan ang mama ko. Nangako pa naman ako sa kanya na ako ang bahala sa kanya kapag may trabaho na ako. Kaya wala sa listahan ko ang magkaroon ng nobya.
“Tama ka. Imbes na pambabae natin, ipambili na lang natin ng malalamon natin. Haist, mahirap talaga kapag mahirap.” Malungkot na sabi ni Melchor. Hindi ko rin maiwasang sabihin iyon sa tuwing nakikita ko ang mga mayayaman na tila walang problema sa buhay. Samantalang kami ay nagsusumikap sa buhay upang makaraos sa isang araw. Kung hindi pa kami magtatrabaho, wala kaming kakainin. Kailangan naming kumayod nang todo.
“Mga brod! May ipapakilala ako, mga chikas,” sabi ni Alex nang lumapit sa amin ni Melchor. Napasulyap ako sa babaeng katabi ni Alex. Natulala ako nang matitigan ko siya. Napakaganda niya. Nagtama ang aming mga tingin. Hindi ko maiwasang mapanganga sa taglay niyang ganda. Simple lang ang ayos ng babae, pero siya ang nakakaangat sa mga naritong mga babae kahit may mga kolorete pa ang mga ito. Natulala ako. Natauhan ako nang may tumapik sa balikat ko. Sí, Melchor. Nakangisi siya.
“She is Amanda.” Pakilala ni Alex sa nagngangalang Amanda. Siniko ako ni Melchor nang hindi ako natinag. Nakalahad kasi sa harapan ko ang isang palad ng babae. Mukhang gusto niyang makipagkamay. Ipinunas ko ang kamay ko sa shorts kong luma at saka palang ako nakipagkamay.
“Ako pala si Redentor. Ikinagagalak kitang makilala, magandang binibini,” sabi ko. Natawa si Alex sa sinabi ko.
“Makabinibini ka naman diyan.” Singit naman ni Melchor. Nahihiyang nangamot ako ng ulo dahil sa dalawa kong kaibigan.
“Nice meeting you, Red.” Napasulyap muli ako sa babae dahil sa sinabi niya tungkol sa pangalan ko. Gusto ko ang tawag niya sa akin. Red.
“Whoah! Red daw!” Biro ni Alex. Tinapik ng malakas ni Alex ang balikat ko. Napadikit ako sa babae. Nahihiya akong lumayo sa kanya. Pinanlakihan ko ng mga mata ang dalawa dahil sa pambubuyo nila. Sarap nilang pag-untugin.
Nakaramdam ako ng hiya dahil sa pambubuyo ng dalawang kaibigan. Si Amanda naman ay nahihiya ring napangingiti. Mas lalong tumibok nang mabilis ang puso ko nang magtama muli ang tingin namin. Sa tingin ko, in love na ako.
AMANDAIsang taon mula noong nangyari ang trahedya na akala ko mawawala ang anak namin ni Reden. Siguro ito na ang oras para kausapin ko si Annie. Alam kong malaki ang naging kasalanan niya sa akin at kay Reden. Gusto kong maging maayos kaming magkaibigan kahit may nagawa siyang nagawa. Pagkapasok ko sa kulungan. Sinabihan ako ng pulis na hintayin ko ang darating. Nandito na si Annie sa Correction for the woman. Nahatulan siya ng habambuhay na pagkabilanggo. Nalulungkot ako sa sinapit niya. Kailangan niyang pagbayaran ang mga ginawa niyang kasalanan.Napaangat ako ng tingin nang umupo sa harapan ko ang nakaposas na si Annie. Isang taon na ang nakalipas. Ibang-iba na ang hitsura niya. Nangayayat at medyo tumanda ang mukha ni Annie. Tinitigan ko siya. Napayuko siya sa pagtitig ko.“Kumusta ka na, Annie?” tanong ko sa kanya.Sa nagdaang taon, wala na akong galit at sama ng loob sa kanya. Naiintindihan ko kung saan nagmumula ang galit niya sa akin. Dahil sa pag-ibig. Idagdag pa ang pagm
REDENTORKahit ayokong makita pa si Annie, kailangan ko siyang makausap tungkol sa kasong isasampa ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya inaamin ang ginawa sa asawa ko. Matigas talaga ang babaeng iyon!“Bakit gusto mo akong makausap? Iuurong mo na ba ang demanda? Hindi ko aaminin ang binibintang niyo sa akin. I am innocent! Wala akong pakialam sa ebidensya niyo! Gawa-gawa niyo lang ‘yon!” Gusto kong matawa sa sinasabi niya. Talagang makapal ang mukha niya na isipin na inosente siya. Nakita naman sa CCTV kung paano niya sinaktan si Amanda.“Nagpunta ako dito hindi upang sabihing iuurong ko ang demanda. Mananagot ka sa batas! Ayoko na sanang makita ka, pero kailangan ko pa rin dahil itutuloy ko ang demanda laban sa iyo! Kahit saan man tayong korte magpunta hindi ako titigil na mabubulok ka sa bilangguan.” Parang hindi kakikitaan ng takot si Annie. Alam kong gagawa ng paraan ang pamilya nito para lang mabayaran ang hustisya. Hindi ako susuko. Alam kong hindi lahat ng tao ay kaya nila
Sobra akong nag-alala nang tumawag si Amanda sa akin. Buti nakabalik na ako sa presinto nang tumawag siya, kaya sinagot ko.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may masamang nangyari kay Amanda at sa anak namin. Ang huli lang niyang nabanggit ay ang pangalan ni Annie. Mananagot sa akin ang babaeng iyon! Hindi ko siya mapapatawad kapag may masamang nangyari sa mag-ina ko.“Kuya. . .” Inabutan ako ng tubig ni David. Kinuha ko iyon.“Salamat.” Naupo siya sa tabi ko.“Mabuti na lamang at nakita ko si Amanda. Nagkataon na may bibilhin akong pagkain kaya doon ako nagpunta,” sabi nito. Napangiti ako. Malaki ang utang na loob ko kay David. Siya ang nagligtas kay Amanda at sa anak namin. Tinapik ko ang balikat nito. Siguro ito na ang tamang pagkakataon na magkaayos na kami ng kapatid ko. Magiging ama na ako. Dapat magandang ehemplo ako sa magiging anak ko.“Salamat. Kung wala ka doon, malamang may masamang nangyari na sa mag-ina ko,” sabi ko.“Wala iyon, kuya. Naging mabuting magkaibiga
REDENTOR“Love, ilang buwan na lang, manganganak na ako. Makikita na ang magiging baby boy natin,” sabi ng asawa ko.Pitong buwan na ang pinagbubuntis niya. Nagpa-ultrasound na kami last month kaya nalaman namin ang gender ng bata. Hinimas ko ang malaking umbok na tiyan ng asawa ko.“Excited na ako, love, na makita ang anak natin.”Kumuha na ako ng katulong para hindi na magtrabaho sa loob ng bahay ang asawa ko. Gusto kong maging komportable ang asawa ko. Ayoko rin siyang nahihirapan. Gusto kong mag-focus lang siya sa pag-aalaga ng anak namin.Hinagkan ko ang labi ni Amanda. Kahit lalaki ang anak namin, napakaganda pa rin niya.“Dadalaw si Mama mamaya. Plano niyang dito muna para mabantayan ka niya. Gusto niyang siya ang mag-asikaso sa iyo kapag nanganak ka na raw.” Napasandal sa dibdib ko si Amanda.“Ayos lang iyon. Gusto kong may kasama sa bahay at may alam sa pag-aalaga ng baby. Alam mo namang first time mommy ako,” natatawang sabi niya.“Magaling si Mama sa pag-aalaga ng baby. Tin
REDENTORTumawag si Amanda na mag-o-overtime siya, kaya baka gabihin ang uwi niya. Pwede ko siyang sunduin kapag natapos na ang trabaho ko. Delikado pa naman ang oras ng uwi niya dahil alas dose ng gabi. Sa panahon ngayon, marami ang mga adik na naglipana sa paligid. Talamak ang droga ngayon dahil
REDENTOR“Love, kausapin mo naman ako. I am so sorry. I promise, hindi ko na siya kakausapin.” Hinawakan niya ang braso ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Humarap ako sa kanya na seryoso ang mukha.“Don’t promise kung hindi mo naman tutuparin,” sabi ko na may sama ng loob. H
AMANDANagulat ako dahil may lalaking lumapit sa akin. Hindi ba siya ang lalaking nakasalubong ko last time? Nginitian niya ako.“Hi…” bati niya sa akin.“Hello. Hindi ba ikaw iyong nakabanggaan ko last time?” tanong ko.“Yes, ako nga iyon. By the way, I’m David.” Pagpapakilala niya sa sarili. “I
Madami kaming pasyente ngayon, kaya busy ang araw namin. Hindi kami magkamayaw sa kakaparoo’t parito ang mga nurses at doctors.“Amanda, ikaw na muna ang mag-check sa pasyente ko. Ang dami ko pang hindi natatapos sa isang pasyente,” sabi ng kasama kong nurse.“Okay lang, tapos ko nang makunan ng b












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.