ログインAMANDA
Nagulat ako dahil may lalaking lumapit sa akin. Hindi ba siya ang lalaking nakasalubong ko last time? Nginitian niya ako.
“Hi…” bati niya sa akin.
“Hello. Hindi ba ikaw iyong nakabanggaan ko last time?” tanong ko.
“Yes, ako nga iyon. By the way, I’m David.” Pagpapakilala niya sa sarili.
“I’m Amanda.”
“Nice to know you, Amanda.” Nakipagkamay siya sa akin. Nagpaalam na rin siya dahil dadalawin daw nito ang daddy niyang naka-admit dito sa ospital.
Nagpunta ako sa canteen ng ospital para kumain ng lunch. Ang daming pasyente ngayon dahil maraming natamaan ng dengue. Nakakaawa ang ibang mga batang naapektuhan ng sakit. Pumila ako sa counter para bayaran ang binili kong pagkain. Naghanap ako ng table na available.
“Amanda, here!” Napatingin ako sa tumawag sa akin. Nakita kong kinakawayan ako ni David. Lumapit ako sa kanya.
“Hey, David, akala ko umuwi ka na?” sabi ko. Inilapag ko ang tray na naglalaman ng pagkain ko.
“Si Mommy muna ang umuwi dahil kagabi pa siya. Ako muna ang magbabantay kay Daddy,” sabi nito.
“Hope maging okay na ang Daddy mo para makalabas na siya,” sabi ko.
“Pinagdarasal namin iyan. Although suntok sa buwan ang hiling namin na gumaling si Daddy ngunit umaasa pa rin kami.” Malungkot na sabi nito.
“Don’t lose hope, just pray. Malalagpasan niyo rin iyan.” Pagbibigay ko ng lakas ng loob sa kanya. He needs it. Ganoon ang ginagawa namin sa mga pamilya ng mga pasyente. Kahit mahirap pero kailangan maging positibo.
REDENTOR
Pagkapasok ng ospital, hinanap ng mata ko si Amanda. Maraming pasyente ngayon, kaya nahirapan akong hanapin ang nobya ko. Nagtanong ako sa information center.
“Excuse me, Miss, nandito pa rin ba si, Ms. Amanda Delmar?” Tanong ko sa nurse sa information. Tiningnan ng nurse ang schedule sa record book na mga nag-out na nurse.
“Sir, breaktime niya po. Baka po nasa canteen,” nakangiting sabi nito.
“Okay, thank you.” Pasasalamat ko at nagpunta ako sa canteen. Pagkapasok sa loob ng canteen, nakita ko si Amanda na may kausap na lalaki.
“Love!” Tawag ko kay Amanda. Napaangat siya ng tingin. Napangiti nang malawak nang makita niya ako. Tumayo siya at niyakap niya ako. H******n ko naman ang kanyang pisngi.
“Halika, love, magmeryenda tayo.” Pag-anyaya niya sa akin at hinila niya ako paupo. Napatingin ako sa taong kausap nito. Nagtagis ang bagang ko nang makilala ang lalaki.
“Why are you talking to my girlfriend?” galit na tanong ko.
“I don’t know, she’s your girlfriend, Kuya.” Mahinahon na sabi nito. Samantalang ako ay gusto ko na siyang suntukin sa mukha. Mana talaga siya sa kaniyang ina, mang-aagaw at maninira ng pamilya.
Sinamahan ko ang kaibigang magtinda ng sampaguita sa simbahan. Nagtinda rin ako. Ang alam ni Mama, nakikipaglaro lang ako, kaya ginagabi ako sa uwi. Pero lingid sa kanya, nagtitinda ako ng sampaguita. Dinaanan ko ang kaibigang si Melchor.
“Halika na, siguradong madami ang mga magsisimba ngayon kasi Miyerkules,” sabi ng kaibigan ko. Nagpunta kami sa pinagkukunan namin ng bulaklak.
Pumuwesto kami sa daanan ng mga maninimba.“Sampagita, bili na po kayo!”sambit ko habang hawak ang sampagita. Napangiti ako nang may babaeng bumili, halagang singkwenta pesos.
“Salamat po, ate!
Patnubayan po kayo ng Diyos,” sabi ko.“Wow! Nakabenta ka ng malaki. Ako, nasa bente pesos palang nabentahan ko. Lakas talaga ng karisma mo, tol,” natatawang sabi ng kaibigan.
“Ngumiti ka kasi para makabenta, panay kang nakasimang, eh!” aniya.
Ngumiti ang kaibigan ko , kaya nakita tuloy ang bungi na ngipin sa harapan.“Hayan, matutuwa ang mga bibili sa iyo niyan,” sabi ko.
“Doon tayo sa may pinto ng simbahan para makita nila ang tinda natin. Nagtatakbo kaming dalawa. Tumayo kami sa gilid ng pinto.
“Ate, Kuya, sampagita po.”
Nakangiting sabi ko sa mga taong pumapasok sa simbahan.“Mame, bili tayo ng sampaguita,” sabi ng poging bata sa nanay nito na maganda. May buhat na batang lalaki . Tinawag ako ng ale,
“Magandang araw po. Bumili na po kayo ng sampagita.” Ngumiti sa akin ang babae.
“Magkano lahat ng sampagita mo?” tanong niya sa akin.
“Singkwenta pesos po lahat ito, mam.”
“Bilhin ko na lahat.”
Napangiti ako nang malawak. Naubos na ang paninda ko.“Salamat po, Ma'am.”
Binigay ko na ang sampagita at kinuha ko ang singkuwentang binigay ng anak niya.“Alexandro, hawak ka sa akin, baka mawala ka sa loob ng simbahan.”
Bilin ng nanay ng bata. Napalingon ang bata sa akin. Kinawayan niya ako at nginitian. Pinuntahan ko ang kaibigan ko.“Naubos ko na ang paninda ko. Akina ‘yang ibang tinda mo, tutulungan kitang itinda,” sabi ko.
“Ang galing mo talaga, tol! Ito hati tayo.
Mabuti ka pa; nakaubos na. Talagang ang lakas ng karisma mo sa mga mamimili.” Tinapik niya ako sa balikat.Bumalik muli ako sa pintuan ng simbahan. Habang naghihintay, may nakita akong pamilyar na tao. Palabas sila ng simbahan. Nagulat ako nang kinalabit ako ng kaibigan kong si Melchor. Hindi ko napansin na nakalapit na siya sa akin.
“Di ba Papa mo iyon? Bakit may kasamang babaeng buntis?” tanong ng kaibigan ko. Kumuyom ang kamao ko. Hindi ba sila nahihiya na pumasok sa tahanan ng Diyos? Masasama sila. Dapat wala silang karapatang pumasok doon.
Inalalayan ni Papa ang kabit niya na malaki na ang tiyan. Sa amin ni Mama, hindi man lang niya magawang samahan sa pagsisimba o ‘di kaya nama’y mamasyal. Ikinakahiya niya kami.
“Saan ka pupunta?” Tawag sa akin ng kaibigan ko nang tumakbo ako upang lapitan si Papa. Sinundan niya ako. Lumapit ako sa kanila.
“Papa!” tawag ko sa ama ko. Napatingin ang dalawa sa akin.
“Anong ginagawa mo dito? Huwag mo akong matawag-tawag na Papa!”
Napatingin pa sa paligid niya na parang nahihiyang baka may makarinig. Sigurado naman na kinakahiya niya ako bilang anak niya. Marungis ang hitsura ko. Ang uniform ko’y nangingitim dahil sa kalumaan. Dalawa lang ang polo ko dahil hindi makakabili si Mama ng bago . Wala kaming pambili. Pinagkakasya lang ni Mama ang kita niya sa maliit na tindahan na pinagtatrabahuhan niya. Kaya ako palihim na nagtitinda para kahit paano makatulong ako sa kanya.“Bakit anak mo naman ako? Ikinakahiya mo ba ako?”
tanong ko sa kanya.“Oo ikinakahiya kita- kayo ng Nanay mong bobo. Umalis ka sa daraanan namin
at baka madapa ang asawa ko! Paharang-harang ka!”Pagpapaalis nito sa akin.“Hindi mo asawa iyan! Si Mama ang asawa mo!”
Galit na sagot ko. Sinamaan ko ng tingin ang kabit ni Papa.“Honey, baka saktan ako ng anak mo. Ang sama ng tingin niya sa akin.” Napahawak ang babae sa tiyan nito.
“Umalis ka na dito. Baka gusto mong ipapulis kita!”
Galit na sigaw nito. Pinagtitingnan na kami ng mga tao.Naglandas ang luha ko sa mata.Kaya niya akong ipapulis? Anak niya ako. Bakit parang wala siyang pakialam sa akin?“Ang sama mo! Ang sama ninyo!”
Umiiyak na sabi ko. Hinawakan ako ng kaibigan kong si Melchor sa kamay.“Halika na, Reden, baka ipapulis ka pa ng Papa mo. Mag-aalala ang mama mo sa iyo.”
Pinahid ko ang luha ko sa pisngi.Tumalikod na kami at nagpunta sa may parke. Doon ko binuhos ang sama ng loob ko. Hinaplos ni Melchor ang likod ko.“Bata!”
Napalingon kami sa tumawag. Pinahid ko ang luha gamit ang likod ng palad ko. Ito iyong batang kasama ng babaeng bumili ng sampagita kanina. May iniabot siyang supot sa amin.“Para sa inyo ‘yan,” sabi nito. Kinuha ni Melchor ang supot at sinilip ang laman niyon.
“Wow! Barger! Salamat, ha? Tamang-tama, nagugutom na ako.” Kinuha nito ang isang tinapay na nakabalot ng supot at
saka kinagatan. Iniabot sa akin ni Melchor ang isa pa. Kinuha ko iyon, pero hindi ko ginalaw. Ibibigay ko na lamang kay Mama mamayang pag-uwi ko.“My name is Alexandro Dela Costa. Anong pangalan niyo?” tanong ni Alexandro sa amin ni Melchor.
“Ako pala si Redentor Dimasalang at ito si Melchor Macaraeg. Bakit mo kami binibigyan ng pagkain?” tanong ko kay Alexandro.
“Sobra kasi iyan sa binili namin. Naisip kong bigyan ko kayo. Sabi ni father sa homily niya, “Share your blessings. Kaya sini-share ko sa inyo.” Nakangiting sabi nito. Kagaya ni Melchor, bungi rin siya.
“Salamat, ha. Buti ka pa mabait samantalang ang Papa ko, hindi man lang maawa sa amin. Pinabayaan niya kami ni Mama. Kahit wala na kaming makain. Kaya ako nagtitinda kasi para matulungan ang mama ko. Ayoko siyang nahihirapan.”
Parang nagsusumbong na ako sa kanya. Lumapit si Melchor sa akin at inakbayan.“Hayaan mo na ‘yon, nandito lang naman ako. Tutulungan kita sa pagtitinda.
“Ako rin ang tutulungan ko kayo. Lagi akong pupunta dito,” sabi nito. Narinig naming tinatawag na siya ng nanay niya. Nagpaalam na siya at kumaway sa amin.
Buti pa ang ibang tao ay mas may awa kaysa sa sarili kong ama.AMANDA“Amanda!” Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang best friend kong si Annie.“Oh my God, Ann!” sambit ko. Sa tuwa ko, nagtatakbo ako papunta sa kanya. Niyakap ko nang mahigpit ang best friend ko. Na-miss ko siya. Ang tagal naming walang communication. Mula nang nagpunta siya sa China kasama ang asawa nito.“How are you? Wala na akong news about you,” sabi ko nang kumawala kami sa pagkakayakap.“Umuwi na ako dito sa Pilipinas. Namatay na ang asawa ko.” Malungkot na sabi nito.“My condolences.” Hinaplos ko ang braso niya. Bahagya siyang ngumiti. Mahirap talaga mamatayan ng mahal sa buhay.“Paano mo nalamang dito ako nagtatrabaho?” tanong ko. “Nagkataon lang nakita kita dito. Nagpunta kasi ako sa OB-GYN ko,” sabi niya.“Bakit buntis ka?” tanong ko. Umiling siya.“Nagkaroon ng problema ang bahay bata ko. Sinabi ng OB ko na hindi na ako magkakaroon ng anak. Mula noong. . .” Napahinto siya sa sasabihin. Nangilid ang luha niya. Inalalayan ko siya
REDENTOR“Ano’ng ginagawa mo dito?!” Naiiritang tanong ko sa babaeng nakaupo sa loob ng opisina ko.“I want to talk to you. Red, please come back to me.” Pakiusap niya sa akin. Tiningnan ko siya nang may pag-uuyam. “Really? It’s almost 6 years, my dear; wala na tayo. Ngayon mo lang sasabihin iyan? Ano’ng dahilan mo?” sabi ko. Hindi ako naniniwalang gusto niyang makipagbalikan sa akin dahil mahal niya ako. Siya na rin ang nagsabi na wala siyang mapapala sa isang katulad kong mahirap.“Ikaw pa rin ang mahal ko, Red. I know it’s been 6 years. Napilitan lang ako sa pagpapakasal sa lalaking iyon. Our family needs him.” Natawa ako nang nakakaloko. Talaga ba? Pinamukha na niya sa akin na mas mabubuhay siya sa lalaking iyon. Pera lang naman ang mahalaga sa kanila.“Wala kang karapatang bumalik sa buhay ko dahil matagal ka nang wala dito!” Tinuro ko ang puso ko.“Matapos mong patayin ang anak ko! Ang kapal ng mukha mong sabihing napilitan ka lang na pakasalan ang lalaking iyon! You have a cho
AMANDANagulat na lang ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si David. Napahawak ako sa ibabaw ng dibdib ko.“Hi, Amanda.” Pagbati niya sa akin. Napangiti na lang ako nang alanganin. Lumingon ako upang tingnan kung nandiyan na si Redentor.“Hello.” Pagbati ko sa kanya. Ngumiti siya nang malawak. May pagkakahawig din sila ni Redentor. Parehong matapang ang mukha, pero deep inside, malambing.“Can I invite you to have dinner with me?” Napatitig ako sa kanya.Hindi ko alam kung paano ako tatanggi. Wala naman siyang ginagawang masama sa akin , kaya mahirap tanggihan ang paanyaya niya, pero kailangan kong tumanggi. Ayokong mag-away kami ni Redentor dahil dito.“Pasensya ka na, hindi ako puwede, David. May pupuntahan kasi ako, eh?” Pagsisinungaling ko.“Ganoon ba? Siguro next time na lang. Pasensya ka na kay Kuya kung masyadong mainitin ang ulo niya sa akin.” Aniya at ngumiti. “I understand. Pasensya ka na kung hindi ko mapagbibigyan ang paanyaya mo. Maybe next time na lang. Mauuna na
AMANDAHindi ko na maintindihan si Reden dahil masyado na siyang seloso. Mula nang makilala ko ang brother niya , nag-iba na siya ng ugali. Kahit wala naman namamagitan sa amin ni David. Iniisip niyang meron kaming relasyon.Alam ko na may something sa kanilang pamilya, pero hindi naman siguro tama na pati kapatid niya ay idadamay sa galit niya sa kanyang ama. Napakalalim ng galit niya sa pamilya nila David. Tutulungan ko siyang mapalambot ang galit niya. Napabuntong-hininga ako nang malalim. Nakita kong nakaupo si Reden sa waiting area. Nilapitan ko.“Love. . .” Tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. Tumayo siya para yakapin at halikan ang pisngi ko.“My love, punta tayo sa bahay. May konting salo-salo. Birthday kasi ni Mama,” sabi ni Reden. Natampal ko ang noo ko. Nakalimutan kong birthday ni Tita ngayon. Sobrang busy sa trabaho, pati espesyal na okasyon kagaya nito ay nakalimutan ko na. “Nakakahiya naman, wala akong dala. Sana pala pinaalala mo. Nakabili sana ako ng regalo s
REDENTORTumawag si Amanda na mag-o-overtime siya, kaya baka gabihin ang uwi niya. Pwede ko siyang sunduin kapag natapos na ang trabaho ko. Delikado pa naman ang oras ng uwi niya dahil alas dose ng gabi. Sa panahon ngayon, marami ang mga adik na naglipana sa paligid. Talamak ang droga ngayon dahil walang araw na hindi kami nakakahuli ng mga adik.Nag-text si Mama na may pupuntahan siya. Hindi naman niya sinabi kung saan. Nagtataka ako dahil araw-araw siyang umaalis. Halos magkasabay pa kaming nakakauwi sa gabi. Hindi ko na lang tinatanong kung saan siya galing. Baka naman sa mga kaibigan niya siya nagpupunta. Mas maigi nga na nakakapasyal siya para maaliw naman. Hindi kasi naranasan ni Mama ang mamasyal lalo’t walang-wala kami noon. Kaya hindi na niya magawang ayusin ang sarili.“Mama, bakit hindi ka mamamasyal para maaliw ka naman?” sabi ko kay Mama. Masyado na siyang busy sa trabaho niya. Hindi na maayos ang sarili nito o makakabili man lang ng damit nito. Nasa high school na ako at
REDENTOR“Love, kausapin mo naman ako. I am so sorry. I promise, hindi ko na siya kakausapin.” Hinawakan niya ang braso ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Humarap ako sa kanya na seryoso ang mukha.“Don’t promise kung hindi mo naman tutuparin,” sabi ko na may sama ng loob. Hindi niya kilala ang mga taong ‘yun para ipagtanggol pa. “Okay. Tell me kung bakit naiinis ka sa kanila para maintindihan ko.” Yumakap ito sa beywang ko. Umupo kami sa sofa at kinandong ko siya. Pinulupot ko ang braso sa beywang niya.“His father is also my father. He’s my half-brother. Iniwan kami ng ama ko dahil sa nanay niya. Hindi naging mabuting ang ama ko sa amin ni Mama. Palagi niyang pinapamukha na wala kaming kuwenta at malas sa buhay niya. Bata pa lang ako noon, na-witness ko na ang kalupitan ng ama ko kay Mama. Iniwanan niya kami at sumama sa kabit niya. Hindi siya nagbigay ng suporta, kaya napilitang magtrabaho si Mama. Para makaraos kami sa pang-araw-araw naming buhay. Gusto ko







