共有

Chapter 1

作者: coalchamber13
last update 公開日: 2026-05-20 22:46:44

REDENTOR

“Mukha kang gago diyan sa hitsura mo Reden. Hindi mo bagay ang umakyat nang ligaw,” natatawang sabi ng kaibigan kong si Alexandro Dela Costa , ang pulis na matulis.

Napatingin ako sa hitsura ko. Well, hindi ako sanay sa ganitong formal na damit. May hawak pa akong bulaklak. Hindi naman ako manliligaw dahil nobya ko na si Amanda. Nakasanayan ko na lang na bigyan ang nobya ko ng bulaklak sa tuwing dinadalaw ko siya sa kanilang bahay. Mukha lang kasi akong manliligaw, kaya todo-asar nila sa akin.

“Gago, kapag na-inlove ka gagawin mo rin ito!” Singhal ko sa kaibigan kong si Alexandro.

“Hindi ko gagawin iyan! Ang mga babae ang maghahabol sa akin.” Pagmamalaki pa niya sa akin. Tingnan lang natin.

“Ano na? Ang tagal niyong dalawa naka-ready na ang sasakyan mong gago ka!” sabi ng isa ko pang siraulong kaibigan na si Gregorio Magtanggol.

“Puwede ba mag-usap naman tayo ng hindi nagsisigawan at nagmumurahan,” sabi naman ng isa ko pang kaibigan si Isagani Bautista na siraulo. Napapailing na lang ako. Bakit ba nandito sa bahay ko ang mga ito?

“Matanong ko nga, anong ginagawa ninyo dito?” Wala naman kaming usapan na magkikita ngayong araw.

“Masama bang dalawin ka namin?” Natatawang sabi ni Gregorio.

“Ang sabihin ninyo, mag-aaya na naman kayong mag-inuman at mambababae na naman kayo,” natatawa kong sabi. Nagkatawanan lang sila. Magkakasabay kaming lumabas ng bahay ko.

“Nag-aaya kasi itong si Alex na pumunta sa bagong bukas na bar diyan sa Morayta. Marami raw babae at mukhang atat nang mambabae. Alam mo naman, ito, kumakati na naman ang betlog niya,” sabi ni Melchor. Nagtawanan kami sa sinabi niya.

“Bakit iyong betlog mo ba hindi kumakati kapag gusto mo ng sex?” sagot naman ni Alexandro na mukhang napipikon na.

“Huwag mong itulad ang betlog ko sa betlog mo dahil iisa lang ang kinakain nito,” sabi niya. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa dalawa kong kaibigan. Kung pag-usapan nila ang betlog nila, ay parang simpleng salita lang. Ang balahura ng mga bunganga ng mga ito.

Inayos ko ang suot kong damit pati na ang bulaklak na ibibigay ko. The first time I saw her, na love at first sight na ako sa kanya. Aaminin kong napakababaero ako, pero nag-iba ang lahat nang makita ko siya. Magmula noon ay hindi ko na tinantanan si Amanda. Palagi akong nasa ospital kung saan siya nagtatrabaho bilang nurse. Lagi rin akong dumadalaw sa bahay niya para umakyat nang ligaw. Hindi ko gawaing manligaw, pero ginawa ko nang ligawan ko si Amanda. 

Nakarating ako sa bahay nila. Ang mga kaibigan ko ay nagpunta sa sinasabi ni Alex na bagong bar sa Morayta. Pagkapasok sa loob ng bahay nila, nakasalubong ko ang kapatid na panganay nila, si Amanda, ang kilalang reporter ng isang sikat na TV station sa Metro Manila. Siya si Cathlaine Delmar.

“Good morning, Ms. Cathlaine,” bati ko sa kanya. Nginitian niya ako.

“Nasa garden si Amanda. Puntahan mo na. Mauuna na ako sa iyo.” Paalam niya sa akin. I nodded as a reply. Dumiretso ako sa garden. Nakita kong nagdidilig ng halaman si Amanda. She is so beautiful kahit simple lang siyang manamit. Hindi kagaya ng ate niya na napakasexy kung manamit.

“Good morning, Amanda.” Bati ko. Napalingon sa akin ang babaeng mahal ko. Napangiti siya nang makita niya ako.

“Hi Reden. Ang aga mo yatang dumalaw. Akala ko mamayang gabi ka pa dadalaw.” Ibinaba nito ang hawak na hose at lumapit sa kinatatayuan ko. I kiss her cheeks.

“Flowers for you, my love,” sabi ko. Kinuha nito ang flower at inamoy. She flashed a smile that I always want to see.

“Thank you. Upo ka muna; maghahanda ako ng meryenda mo.” Umupo ako sa may tabi ng coffee table. Pinagmasdan ko si Amanda habang pumapasok sa bahay. Nai-imagine kong mag-asawa na kami. Tapos ipagluluto niya ako at magsisilbi sa akin. Napangiti ako sa na-imagine ko. Dumating si Amanda na may hawak na tray na naglalaman ng meryenda na sinasabi niya.

“Mukhang masarap ang kakanin. Saan mo binili iyan?”

“Ginawa ko. Natuto akong gumawa ng kakanin noong high school pa ako. Tumira kasi ako sa probinsya ng ilang buwan. Si Lola ang nagturo sa akin dahil may tindahan ng mga kakanin ang lola ko.” Kuwento niya. Kinuha ko ang tinidor at tinikman ang kakanin na ginawa ni Amanda. Namilog ang mata ko ng matikman ang kakanin

“Wow, so delicious. Parang expert na expert ka sa paggawa nito.” Sabi ko. Naubos ko ang kakanin na hinain niya sa akin.

“Gusto mong gumawa ako para sa mama mo?” Sabi nito.

“Oh, sure, siguradong magugustuhan niya ito,” sabi ko. Napakaswerte ko at siya ang babaeng minahal ko. Bukod kay Mama, si Amanda ang pangalawang importante sa buhay ko.

HABANG abala ako sa report na ginagawa ko. Bigla na lamang pumasok ang taong ayaw kong makita.

“What are you doing here?” tanong ko sa kapatid kong lalaki, si David.

“Dad wanted to see you.” Umupo ito kahit hindi ko naman pinapa-upo.

“Inform him that I am unavailable.”masungit na wika ko. Malaki ang sama ng loob ko sa aking ama. Hindi siya naging mabuti kay Mama. Iniwan niya kami at sumama sa kabit niyang walang kuwenta. Ngayon na malalagutan na siya ng hininga, tsaka naman gusto niyang magkaayos kami. Huli na ang lahat para maayos pa ang pamilya namin na sinira niya.

“Please, Kuya, kung may sama ka pa ng loob, kalimutan mo muna. Okay lang naman na hindi mo ako tanggapin—kami ni Mommy. Pero si Daddy ama mo pa rin siya. May sakit na si Daddy. Hindi natin alam kung hanggang kailan na lang ang buhay niya. Sana naman may pagpapatawad pa diyan sa puso mo,” nag-igting ang panga ko sa sinabi niya. Wala silang alam sa pinagdaanan namin ni Mama ko. Ito ang pagkakaiba sa kanila: hindi nila alam kung paano kami naghirap ni Mama nang iniwan kami ni Papa. Kahit hindi nakatapos ng high school si Mama, itinaguyod niya ako sa sarili nitong pagsisikap. Inapi nila ang mama ko dahil sa kakulangan ng edukasyon.  

“Wala akong pakialam kahit mamatay pa siya. Huwag mo akong sasabihan kung ano’ng gagawin ko. Dahil hindi mo alam ang ginawa ng ina mo at ang tatay mo. You leave! Don’t you come back anymore!” Halos manlilisik ang mata ko sa galit. Naalala ko na naman ang mapait na sinapit namin ni Mama.

Nagsumikap ako para lang marating ang propesyon ko ngayon. Ginawa kong gabi ang araw para lang matustusan ang pag-aaral ko. Ayokong mahirapan si Mama. She deserves a better life. Kaya ako nagsumikap sa buhay.

“Sana hindi mo pagsisihan ito, kuya.” Hindi ko pagsisihan ang pagtatakwil ko sa ama kong walang kuwenta.

“Wala akong pagsisihan kung iyon ang inaakala mo. Bakit naman ako magsisi kung ang taong tinutukoy mo’y napakasamang nilalang? Leave!” utos ko. Bagsak ang balikat nitong umalis sa opisina ko. Nararapat lang sa kanya na mamatay na naghihirap para maranasan niya ang itakwil ng sariling anak. Kagaya ng pagtatakwil sa amin ng mama ko.

“Mama, bakit kayo umiiyak?” Nakita ko siyang nasa sahig, umiiyak. Napaangat ng tingin si Mama.

May dugo ang kanyang labi at mapula ang pisngi. Nanlilisik ang mata ko sa galit. Sinaktan na naman siya ni Papa.

“Okay, lang ako anak.

Huwag mo akong alalahanin. Kumain ka na doon; nakaluto na ako ng paborito mong ulam.” Sabi ni Mama. Isang ngiti ang nakapaskil sa labi niya. Pinahid nito ang dugo sa labi.

“Sinaktan ka na naman ni Papa?” tanong ko. Nabigla si Mama sa tanong ko.

“Hindi, anak, nabangga lang ako kaya dumugo ang labi ko.” Umiling ako. Hindi ako naniniwala.

“Sinaktan ka niya; huwag mo nang itanggi.” Niyakap ko siya at umiyak. Wala akong magawa para ipagtanggol siya. Napakabata pa ako para lumaban. Siyam na taong gulang pa lamang ako. Wala pa akong lakas para labanan ang ama kong demonyo.

Sa araw-araw, laging sinasaktan ni Papa si Mama. Lagi niyang sinasabi na bobo si Mama, walang pinag-aralan. Narinig ko minsan na sinabihan niya si Mama na bakit siya pa ang minahal niya. Pinagsisihan niya raw na pinakasalan ang mama ko. Nagpupuyos ako sa galit. Kinimkim ko iyon habang ako ay nagkakaisip.

****

Bert, huwag mo kaming iiwan; kahit anong pananakit mo sa akin, tatanggapin ko. Maawa ka naman, may anak tayo.” Nadatnan ko si Mama na nakaluhod sa harapan ni Papa, nagmamakaawa. May kasamang babae na sa tingin koy isang mayamang babae. Nakita ko kung paano sampalin ni Papa si Mama. Lumapit ako kay Mama para itayo siya.

“Mama.” iyak na tawag ko. Puro pasa ang mukha niya. Masamang tingin ang pinukol ko sa ama ko. Lumapit ako sa kanya at pinagpapalo ko ang tiyan niya.

“Walanghiya ka sinaktan mo ang Mama ko!galit na sigaw sa tatay ko. Itinulak ko ang babaeng kasama niya , kaya napaupo siya. Napahawak sa tiyan. Dumaing sa sakit ang babae.

“How dare you!” Sinugod ako ni Papa. Binigyan niya ako ng isang malakas na sampal. Napasadsad ako sa sulok.

“Reden, anak!” Nilapitan

kaagad ako ni Mama.

Napayakap ako sa kanya tsaka umiyak nang malakas.

“Kapag may nangyari sa anak ko, mananagot kayong dalawa sa akin!” galit na turan ni Papa sa amin. Binuhat niya ang babae at isinakay sa sasakyan.

Hindi

kita mapapatawad, Papa, sa ginawa mo sa akin at kay Mama. Hihintayin ko ang araw na ikaw naman ang magmamakaawa sa akin!

Ito na ang araw na pinakahihintay ko dahil ako naman ang magpapahirap sa kanya. Matagal ko nang kinalimutang may naging ama ako. Si Mama lang ang tanging magulang ko, wala nang iba.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 10

    AMANDA“Amanda!” Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang best friend kong si Annie.“Oh my God, Ann!” sambit ko. Sa tuwa ko, nagtatakbo ako papunta sa kanya. Niyakap ko nang mahigpit ang best friend ko. Na-miss ko siya. Ang tagal naming walang communication. Mula nang nagpunta siya sa China kasama ang asawa nito.“How are you? Wala na akong news about you,” sabi ko nang kumawala kami sa pagkakayakap.“Umuwi na ako dito sa Pilipinas. Namatay na ang asawa ko.” Malungkot na sabi nito.“My condolences.” Hinaplos ko ang braso niya. Bahagya siyang ngumiti. Mahirap talaga mamatayan ng mahal sa buhay.“Paano mo nalamang dito ako nagtatrabaho?” tanong ko. “Nagkataon lang nakita kita dito. Nagpunta kasi ako sa OB-GYN ko,” sabi niya.“Bakit buntis ka?” tanong ko. Umiling siya.“Nagkaroon ng problema ang bahay bata ko. Sinabi ng OB ko na hindi na ako magkakaroon ng anak. Mula noong. . .” Napahinto siya sa sasabihin. Nangilid ang luha niya. Inalalayan ko siya

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 9

    REDENTOR“Ano’ng ginagawa mo dito?!” Naiiritang tanong ko sa babaeng nakaupo sa loob ng opisina ko.“I want to talk to you. Red, please come back to me.” Pakiusap niya sa akin. Tiningnan ko siya nang may pag-uuyam. “Really? It’s almost 6 years, my dear; wala na tayo. Ngayon mo lang sasabihin iyan? Ano’ng dahilan mo?” sabi ko. Hindi ako naniniwalang gusto niyang makipagbalikan sa akin dahil mahal niya ako. Siya na rin ang nagsabi na wala siyang mapapala sa isang katulad kong mahirap.“Ikaw pa rin ang mahal ko, Red. I know it’s been 6 years. Napilitan lang ako sa pagpapakasal sa lalaking iyon. Our family needs him.” Natawa ako nang nakakaloko. Talaga ba? Pinamukha na niya sa akin na mas mabubuhay siya sa lalaking iyon. Pera lang naman ang mahalaga sa kanila.“Wala kang karapatang bumalik sa buhay ko dahil matagal ka nang wala dito!” Tinuro ko ang puso ko.“Matapos mong patayin ang anak ko! Ang kapal ng mukha mong sabihing napilitan ka lang na pakasalan ang lalaking iyon! You have a cho

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 8

    AMANDANagulat na lang ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si David. Napahawak ako sa ibabaw ng dibdib ko.“Hi, Amanda.” Pagbati niya sa akin. Napangiti na lang ako nang alanganin. Lumingon ako upang tingnan kung nandiyan na si Redentor.“Hello.” Pagbati ko sa kanya. Ngumiti siya nang malawak. May pagkakahawig din sila ni Redentor. Parehong matapang ang mukha, pero deep inside, malambing.“Can I invite you to have dinner with me?” Napatitig ako sa kanya.Hindi ko alam kung paano ako tatanggi. Wala naman siyang ginagawang masama sa akin , kaya mahirap tanggihan ang paanyaya niya, pero kailangan kong tumanggi. Ayokong mag-away kami ni Redentor dahil dito.“Pasensya ka na, hindi ako puwede, David. May pupuntahan kasi ako, eh?” Pagsisinungaling ko.“Ganoon ba? Siguro next time na lang. Pasensya ka na kay Kuya kung masyadong mainitin ang ulo niya sa akin.” Aniya at ngumiti. “I understand. Pasensya ka na kung hindi ko mapagbibigyan ang paanyaya mo. Maybe next time na lang. Mauuna na

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 7

    AMANDAHindi ko na maintindihan si Reden dahil masyado na siyang seloso. Mula nang makilala ko ang brother niya , nag-iba na siya ng ugali. Kahit wala naman namamagitan sa amin ni David. Iniisip niyang meron kaming relasyon.Alam ko na may something sa kanilang pamilya, pero hindi naman siguro tama na pati kapatid niya ay idadamay sa galit niya sa kanyang ama. Napakalalim ng galit niya sa pamilya nila David. Tutulungan ko siyang mapalambot ang galit niya. Napabuntong-hininga ako nang malalim. Nakita kong nakaupo si Reden sa waiting area. Nilapitan ko.“Love. . .” Tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. Tumayo siya para yakapin at halikan ang pisngi ko.“My love, punta tayo sa bahay. May konting salo-salo. Birthday kasi ni Mama,” sabi ni Reden. Natampal ko ang noo ko. Nakalimutan kong birthday ni Tita ngayon. Sobrang busy sa trabaho, pati espesyal na okasyon kagaya nito ay nakalimutan ko na. “Nakakahiya naman, wala akong dala. Sana pala pinaalala mo. Nakabili sana ako ng regalo s

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 6

    REDENTORTumawag si Amanda na mag-o-overtime siya, kaya baka gabihin ang uwi niya. Pwede ko siyang sunduin kapag natapos na ang trabaho ko. Delikado pa naman ang oras ng uwi niya dahil alas dose ng gabi. Sa panahon ngayon, marami ang mga adik na naglipana sa paligid. Talamak ang droga ngayon dahil walang araw na hindi kami nakakahuli ng mga adik.Nag-text si Mama na may pupuntahan siya. Hindi naman niya sinabi kung saan. Nagtataka ako dahil araw-araw siyang umaalis. Halos magkasabay pa kaming nakakauwi sa gabi. Hindi ko na lang tinatanong kung saan siya galing. Baka naman sa mga kaibigan niya siya nagpupunta. Mas maigi nga na nakakapasyal siya para maaliw naman. Hindi kasi naranasan ni Mama ang mamasyal lalo’t walang-wala kami noon. Kaya hindi na niya magawang ayusin ang sarili.“Mama, bakit hindi ka mamamasyal para maaliw ka naman?” sabi ko kay Mama. Masyado na siyang busy sa trabaho niya. Hindi na maayos ang sarili nito o makakabili man lang ng damit nito. Nasa high school na ako at

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 5

    REDENTOR“Love, kausapin mo naman ako. I am so sorry. I promise, hindi ko na siya kakausapin.” Hinawakan niya ang braso ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Humarap ako sa kanya na seryoso ang mukha.“Don’t promise kung hindi mo naman tutuparin,” sabi ko na may sama ng loob. Hindi niya kilala ang mga taong ‘yun para ipagtanggol pa. “Okay. Tell me kung bakit naiinis ka sa kanila para maintindihan ko.” Yumakap ito sa beywang ko. Umupo kami sa sofa at kinandong ko siya. Pinulupot ko ang braso sa beywang niya.“His father is also my father. He’s my half-brother. Iniwan kami ng ama ko dahil sa nanay niya. Hindi naging mabuting ang ama ko sa amin ni Mama. Palagi niyang pinapamukha na wala kaming kuwenta at malas sa buhay niya. Bata pa lang ako noon, na-witness ko na ang kalupitan ng ama ko kay Mama. Iniwanan niya kami at sumama sa kabit niya. Hindi siya nagbigay ng suporta, kaya napilitang magtrabaho si Mama. Para makaraos kami sa pang-araw-araw naming buhay. Gusto ko

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status