共有

Chapter 3

作者: coalchamber13
last update 公開日: 2026-05-21 23:36:57

Madami kaming pasyente ngayon, kaya busy ang araw namin. Hindi kami magkamayaw sa kakaparoo’t parito ang mga nurses at doctors.

“Amanda, ikaw na muna ang mag-check  sa pasyente ko. Ang dami ko pang hindi natatapos sa isang pasyente,” sabi ng kasama kong nurse.

“Okay lang, tapos ko nang makunan ng blood pressure ang pasyente ko. Saan ang room number?” tanong ko.

“Sa Room 396,” sabi nito. Ibinigay niya sa akin ang record book. Kinuha ko iyon at pumunta sa Room 396. Pumasok ako sa loob ng silid. Naabutan ko pa ang asawa ng pasyente na nasa loob.

“Good morning, po, Ma’am, at Sir. Check ko lang po ang blood pressure niyo, Sir.” Napatitig ako sa matandang lalaki. Parang may kamukha siya. Nginitian ako ng lalaki. Mapayat ang matanda at may nakakabit na mga suero sa kamay. May tubo na nakalagay sa kanyang ilong at lalamunan. I check his vital signs. Nilista ko sa record book na hawak ko.

“Normal naman po ang blood pressure niyo, Sir. Mamaya ang pag-inom niyo ng gamot.” Bilin ko. Kinuha ko ang aparato para sa pagkuha ng bp. Palabas na sana ako nang magkasalubong kami ng taong papasok sa silid.

“I am sorry, miss.” Nahulog ang dala kong record book. Pinulot ng lalaki at ibinigay niya sa akin. Napakunot ako ng noo nang makita ko ang lalaki. Familiar siya.

“Sir, pasensya na po.” Paghingi ng paumanhin. Nginitian lang ako ng lalaki. Lumabas na ako upang pumunta sa isa pang pasyente. Nag-vibrate ang cellphone ko. Dinukot ko sa bulsa ng uniform. Tumatawag si Redentor.

“Hello, love, bakit napatawag ka?” tanong ko.

“Na-miss ko lang ang my love ko. Gusto kong marinig ang boses mo para ganahan ako sa trabaho.” Napabungisngis ako sa sinabi niya.

“Sus, if I know may babae kang katabi ngayon diyan.” Birong sabi ko.

“Of course not, ikaw lang ang babaeng mahal na mahal ko. Wala akong babae. Matino kaya ako,” sabi nito.

Alam ko naman iyon. Kahit maraming nagkakagusto kay Redentor, hindi siya nagpapadala sa tukso. Iyon ang nagustuhan ko sa kanya. Kaya hindi ako nagdalawang-isip na mahalin siya.

“Ano ka ba, joke ko lang iyon. Mag-ingat ka at huwag kang magpagutom. Kumain ka ng lunch. Kilala kita, love, palagi mong nakakalimutang kumain.” Sobrang dedicated sa work si Redentor, kaya kahit sa pagkain ay nakakalimutan niya.

“Okay po, Ma’am. Kakain ako ng marami para sa iyo, my love. I love you,” sabi niya. Napangiti ako dahil sobrang sweet ni Redentor sa akin.

“I love you too, love.” Sagot ko.

REDENTOR

“Sir, handa na po ang mga tauhan natin sa area,” sabi ng tauhan ko. Napabuntong-hininga ako. Hindi na naman ako makakapagtanghalian nito. Hindi ko na lang babanggitin kay Amanda dahil magagalit na naman kasi sa akin iyon.

“All right, be ready in a minute, we’re leaving,” sabi ko. 

Araw-araw kaming may drug operation. Hindi na mabawasan ang mga nahuhuli namin dahil parang dumadami pa. Talamak na talaga ang droga sa bansa. Pati ang mga nasa gobyerno at mga mayayamang businessman ay mga sangkot na rin. 

Lumabas na ako ng presinto para puntahan ang i-ra-raid naming drug den. Narating namin ang lugar. Sumenyas ako sa mga tauhan kong mag-stand by muna. Baka makahalata ang mga suspect. Sumenyas ako na ang mauuna. Pinasok ko ang isang eskenita. Nang masiguro kong walang tao, sumenyas ako sa mga tauhan kong sumunod. Napatago ako sa isang sulok nang may nagpaputok.

“Shit!” mura ko.

May nakapag-tip yata na nandito kami. Nakipagpalitan ako ng putok. Natamaan ko ang isang lalaki. Nabaril ko sa ulo. Naglakad pa ako habang patago-tago ako. Nagpaputok na naman ang mga kalaban. Kinasa ko ang baril. Sumilip ako upang tingnan kung nasaan ang isa pang bumabaril sa akin. Nang makita ko kung nasaan ang pinaputukan. Natamaan sa tiyan. Napahiga ang lalaki habang hawak ang tiyan nito. Nilapitan ko at inapakan ang may tamang parte ng katawan niya at saka ko tinutukan ng baril.

“Nasaan pa ang ibang kasama mo!” Galit na tanong ko. Ikinasa ko ang baril at itinutok ko ito sa ulo nito.

“Boss, doon po sila nagpunta.” Turo nito kung saan papunta ang mga kasama nito.

“Siguraduhin mo lang dahil babalikan kita!” Takot na tumango ang lalaki.

“Men, habulin niyo ang iba pa! Hindi pa nakakalayo ang mga iyon.” Utos ko sa mga tauhan ko. Napangisi ako nang tumingin sa akin ang lalaki. Takot na takot siya. Bigla kong pinukpok ang ulo nito. Nawalan ng malay ang lalaki. Kinuha ko ang posas at itinali ko ang lalaki sa poste. Matapos ang mahabang habulan, nahuli rin ang mga suspect. Nakuha namin ang mga droga na nakalagay sa mga supot sa isang bahay na ginagawa nilang den. Dumating na ang mga imbestigador para sila na ang kumalap ng mga ebidensya sa mga kaso ng kapulisan.

Nakakapagod ang araw na ito. Biglang tumunog ang tiyan ko, senyales na dapat na akong mananghalian. Pero parang hapunan na ito. Pagkapasok ko sa opisina, naabutan kong nakaupo ang isang may edad na babae. Nagsalubong ang kilay ko. Ano’ng ginagawa ng babaeng ito dito?

“Anong kailangan mo?” Iritableng tanong ko.

“Redentor, gusto kitang kausapin. Ito ay tungkol sa mga ginawa namin noon. Alam kong malaki ang kasalanan namin sa inyo. Para na rin sa ikatatahimik ng lahat. Nandito ako para magmakaawang patawarin mo na kami ni Papa mo. Lalo na ngayon, may sakit ang papa mo. Ang gusto lang naman niya ay magawa mong patawarin siya sa mga nagawa niya sa inyo noon.” Napailing ako na hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng babaeng ito.

“I was just seven years old at the time, and I’m now in my thirties. Does it take you 23 years to understand that? Nagpapatawa ka ba? Kung iniisip mo, sa nagdaang taon, nagawa kong patawarin kayo; hindi ko magagawa. Kahit nasa hukay pa ang lalaking iyon, wala siyang makukuha sa aking kapatawaran. Kung wala ka nang ibang sasabihin, you can leave now!”  

Siya ang dahilan kung bakit nawalan ako ng ama at nasaktan ang mama ko.

Bleh! Wala kang papa. Kawawa ka naman! Siguro sumama na sa iba ang Papa mo!” Pang-aasar sa akin ng classmate kong nambubully dito sa school. Kapag may family day, si Mama lang ang palaging nagpupunta. Kapag sinasabitan ako ng medal, si Mama lang ang palaging kasama ko. Ilang taon nang ganoon dahil hindi na madalas umuuwi si Papa sa bahay. Kung nandoon naman, sinasaktan niya si Mama. Lagi niyang sinasabihan na bobo at tanga si Mama.

May Papa ako! Busy lang siya!

Napaiyak na ako. Sinugod ko ang batang nambubully sa akin, pero pinagtulungan nila ako. Pinagsusuntok ako. Napaupo na lang ako sa lupa. Tanging pag-iyak na lamang ang nagawa ko. Umuwi akong gusot ang damit at marungis. May pasa ang mukha.

Pinahid ko ang dugo sa may labi ko.

Diyos ko , anong nangyari sa iyo?”  Dinaluhan ako ni Mama nang makita niya ang hitsura ko.

Mama, inaway nila ako.

Sabi nila, sumama na sa iba ang Papa. Mama, totoo ba iyon? Umuuwi naman si Papa dito, ah?

Umiiyak na sabi ko.

Anak, hindi totoo iyan. Huwag mo nang patulan ang mga iyon. Umiwas ka na lang sa gulo.” Pinahid ni Mama ang luha ko sa mata.

Mahal tayo ng Papa mo , kaya huwag mong iisipin na hindi ka niya mahal. Halika, gamutin natin ang sugat mo.” Yumakap ako sa beywang ni Mama.

Nanlaki ang mata ko nang nakita kong pinagbubuhatan ng kamay ni Papa si Mama. Halos nakahiga na siya sa sahig, pero hindi pa tinitigilan ni Papa na sampalin si Mama. Tumakbo ako para pigilan si Papa.

Mama!sabi ko, humarang ako nang sasabunutan na naman niya si Mama.

Umalis ka diyan! Isa ka pa! Malas kayo sa buhay ko!

Hinaklit niya ako at itinulak. Nauntog ang ulo ko sa dingding na semento.

Reden! Diyos ko!

Bakit pati anak mo kaya mong saktan? Ayos lang sa akin kung ako na lang ang saktan mo, huwag ang anak ko!

Kahit hirap na hirap maglakad si Mama, dinaluhan niya ako. Naramdaman kong umagos ang dugo sa noo ko. Napaiyak ako nang makita ang dugo sa palad ko.

Mama! Mama!” Bigla akong natakot sa nakita kong dugo.

Nararapat lang sa kanya iyan! Masyado siyang pakialamero! Magsama kayong dalawa! Malas kayo sa buhay ko!

Lumabas na siya ng bahay.

Reden, bakit mo naman kasi ginawa iyon? Hayaan mo na lang sana kami. Mainit lang ang ulo ng papa mo. Kasalanan ko naman dahil hindi pa ako nakapagluto, kaya nagalit ang papa mo.” Pinahid ni Mama ang dugo sa noo ko gamit ang laylayan ng damit niya.

Mama, sinasaktan ka ni Papa.

Ayokong nakikita kang nasasaktan at umiiyak,” sabi ko. Napasubsob ako sa dibdib ni Mama.

Hindi ko mapigilang magtanim ng galit kay Papa. Hindi niya minahal ang mama ko.

“Umalis ka na! Habang may pagpipigil pa ako sa sarili kong saktan ka!” Galit na sigaw ko. She looks at me. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya. Siya rin ang unang bumawi ng tingin.

“Sana, Redentor, magawa mo kaming patawarin. Alam kong may natitira ka pang kabutihan sa puso mo.” Malungkot na sabi nito. Walang kabutihan sa puso ko pagdating sa mga taong nanakit sa amin ng mama ko!

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 10

    AMANDA“Amanda!” Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang best friend kong si Annie.“Oh my God, Ann!” sambit ko. Sa tuwa ko, nagtatakbo ako papunta sa kanya. Niyakap ko nang mahigpit ang best friend ko. Na-miss ko siya. Ang tagal naming walang communication. Mula nang nagpunta siya sa China kasama ang asawa nito.“How are you? Wala na akong news about you,” sabi ko nang kumawala kami sa pagkakayakap.“Umuwi na ako dito sa Pilipinas. Namatay na ang asawa ko.” Malungkot na sabi nito.“My condolences.” Hinaplos ko ang braso niya. Bahagya siyang ngumiti. Mahirap talaga mamatayan ng mahal sa buhay.“Paano mo nalamang dito ako nagtatrabaho?” tanong ko. “Nagkataon lang nakita kita dito. Nagpunta kasi ako sa OB-GYN ko,” sabi niya.“Bakit buntis ka?” tanong ko. Umiling siya.“Nagkaroon ng problema ang bahay bata ko. Sinabi ng OB ko na hindi na ako magkakaroon ng anak. Mula noong. . .” Napahinto siya sa sasabihin. Nangilid ang luha niya. Inalalayan ko siya

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 9

    REDENTOR“Ano’ng ginagawa mo dito?!” Naiiritang tanong ko sa babaeng nakaupo sa loob ng opisina ko.“I want to talk to you. Red, please come back to me.” Pakiusap niya sa akin. Tiningnan ko siya nang may pag-uuyam. “Really? It’s almost 6 years, my dear; wala na tayo. Ngayon mo lang sasabihin iyan? Ano’ng dahilan mo?” sabi ko. Hindi ako naniniwalang gusto niyang makipagbalikan sa akin dahil mahal niya ako. Siya na rin ang nagsabi na wala siyang mapapala sa isang katulad kong mahirap.“Ikaw pa rin ang mahal ko, Red. I know it’s been 6 years. Napilitan lang ako sa pagpapakasal sa lalaking iyon. Our family needs him.” Natawa ako nang nakakaloko. Talaga ba? Pinamukha na niya sa akin na mas mabubuhay siya sa lalaking iyon. Pera lang naman ang mahalaga sa kanila.“Wala kang karapatang bumalik sa buhay ko dahil matagal ka nang wala dito!” Tinuro ko ang puso ko.“Matapos mong patayin ang anak ko! Ang kapal ng mukha mong sabihing napilitan ka lang na pakasalan ang lalaking iyon! You have a cho

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 8

    AMANDANagulat na lang ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si David. Napahawak ako sa ibabaw ng dibdib ko.“Hi, Amanda.” Pagbati niya sa akin. Napangiti na lang ako nang alanganin. Lumingon ako upang tingnan kung nandiyan na si Redentor.“Hello.” Pagbati ko sa kanya. Ngumiti siya nang malawak. May pagkakahawig din sila ni Redentor. Parehong matapang ang mukha, pero deep inside, malambing.“Can I invite you to have dinner with me?” Napatitig ako sa kanya.Hindi ko alam kung paano ako tatanggi. Wala naman siyang ginagawang masama sa akin , kaya mahirap tanggihan ang paanyaya niya, pero kailangan kong tumanggi. Ayokong mag-away kami ni Redentor dahil dito.“Pasensya ka na, hindi ako puwede, David. May pupuntahan kasi ako, eh?” Pagsisinungaling ko.“Ganoon ba? Siguro next time na lang. Pasensya ka na kay Kuya kung masyadong mainitin ang ulo niya sa akin.” Aniya at ngumiti. “I understand. Pasensya ka na kung hindi ko mapagbibigyan ang paanyaya mo. Maybe next time na lang. Mauuna na

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 7

    AMANDAHindi ko na maintindihan si Reden dahil masyado na siyang seloso. Mula nang makilala ko ang brother niya , nag-iba na siya ng ugali. Kahit wala naman namamagitan sa amin ni David. Iniisip niyang meron kaming relasyon.Alam ko na may something sa kanilang pamilya, pero hindi naman siguro tama na pati kapatid niya ay idadamay sa galit niya sa kanyang ama. Napakalalim ng galit niya sa pamilya nila David. Tutulungan ko siyang mapalambot ang galit niya. Napabuntong-hininga ako nang malalim. Nakita kong nakaupo si Reden sa waiting area. Nilapitan ko.“Love. . .” Tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. Tumayo siya para yakapin at halikan ang pisngi ko.“My love, punta tayo sa bahay. May konting salo-salo. Birthday kasi ni Mama,” sabi ni Reden. Natampal ko ang noo ko. Nakalimutan kong birthday ni Tita ngayon. Sobrang busy sa trabaho, pati espesyal na okasyon kagaya nito ay nakalimutan ko na. “Nakakahiya naman, wala akong dala. Sana pala pinaalala mo. Nakabili sana ako ng regalo s

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 6

    REDENTORTumawag si Amanda na mag-o-overtime siya, kaya baka gabihin ang uwi niya. Pwede ko siyang sunduin kapag natapos na ang trabaho ko. Delikado pa naman ang oras ng uwi niya dahil alas dose ng gabi. Sa panahon ngayon, marami ang mga adik na naglipana sa paligid. Talamak ang droga ngayon dahil walang araw na hindi kami nakakahuli ng mga adik.Nag-text si Mama na may pupuntahan siya. Hindi naman niya sinabi kung saan. Nagtataka ako dahil araw-araw siyang umaalis. Halos magkasabay pa kaming nakakauwi sa gabi. Hindi ko na lang tinatanong kung saan siya galing. Baka naman sa mga kaibigan niya siya nagpupunta. Mas maigi nga na nakakapasyal siya para maaliw naman. Hindi kasi naranasan ni Mama ang mamasyal lalo’t walang-wala kami noon. Kaya hindi na niya magawang ayusin ang sarili.“Mama, bakit hindi ka mamamasyal para maaliw ka naman?” sabi ko kay Mama. Masyado na siyang busy sa trabaho niya. Hindi na maayos ang sarili nito o makakabili man lang ng damit nito. Nasa high school na ako at

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 5

    REDENTOR“Love, kausapin mo naman ako. I am so sorry. I promise, hindi ko na siya kakausapin.” Hinawakan niya ang braso ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Humarap ako sa kanya na seryoso ang mukha.“Don’t promise kung hindi mo naman tutuparin,” sabi ko na may sama ng loob. Hindi niya kilala ang mga taong ‘yun para ipagtanggol pa. “Okay. Tell me kung bakit naiinis ka sa kanila para maintindihan ko.” Yumakap ito sa beywang ko. Umupo kami sa sofa at kinandong ko siya. Pinulupot ko ang braso sa beywang niya.“His father is also my father. He’s my half-brother. Iniwan kami ng ama ko dahil sa nanay niya. Hindi naging mabuting ang ama ko sa amin ni Mama. Palagi niyang pinapamukha na wala kaming kuwenta at malas sa buhay niya. Bata pa lang ako noon, na-witness ko na ang kalupitan ng ama ko kay Mama. Iniwanan niya kami at sumama sa kabit niya. Hindi siya nagbigay ng suporta, kaya napilitang magtrabaho si Mama. Para makaraos kami sa pang-araw-araw naming buhay. Gusto ko

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status