REDENTOR“Ma, bakit gising ka pa?” tanong ko kay nanay nang makita ko pa siyang gising. Kadarating ko lang galing sa trabaho.“Hinihintay kita, anak. Nagluto ako ng paborito mo,” sabi niya. Niyakap ko ang aking ina at hinagkan ang kanyang noo.“Salamat, Ma. Siguradong marami na naman akong kakainin.” Nakangiting sabi ko.Masarap magluto si Mama, kaya palagi akong ginaganahan sa pagkain. Sinasabi ko nga sa kanya na magtayo ng kainan. Sigurado akong marami siyang magiging. Hinila niya ako sa hapagkainan. Umupo ako. Kumuha naman ng plato si Mama.“Pasensya na , Ma, ginabi na ako sa pag-uwi. Marami po kasing trabaho sa presinto,” wikang sabi ko.Ngumiti siya. Nilapag niya ang umuusok pang ulam. “Naiintindihan ko, anak. Alam ko naman na parte iyan ng trabaho mo. Basta ang lagi kong bilin ay mag-ingat ka,” nakangiting bilin sa akin. Naglagay ng kanin sa plato ko si Mama. Nagsandok ako ng ulam na nasa mangkok.“Ma, nagpunta kanina si David sa presinto. Kinukumbinsi niya akong puntahan ang ka
최신 업데이트 : 2026-05-20 더 보기