ログインREDENTOR
Tumawag si Amanda na mag-o-overtime siya, kaya baka gabihin ang uwi niya. Pwede ko siyang sunduin kapag natapos na ang trabaho ko. Delikado pa naman ang oras ng uwi niya dahil alas dose ng gabi. Sa panahon ngayon, marami ang mga adik na naglipana sa paligid. Talamak ang droga ngayon dahil walang araw na hindi kami nakakahuli ng mga adik.
Nag-text si Mama na may pupuntahan siya. Hindi naman niya sinabi kung saan. Nagtataka ako dahil araw-araw siyang umaalis. Halos magkasabay pa kaming nakakauwi sa gabi. Hindi ko na lang tinatanong kung saan siya galing. Baka naman sa mga kaibigan niya siya nagpupunta. Mas maigi nga na nakakapasyal siya para maaliw naman. Hindi kasi naranasan ni Mama ang mamasyal lalo’t walang-wala kami noon. Kaya hindi na niya magawang ayusin ang sarili.
“Mama, bakit hindi ka mamamasyal para maaliw ka naman?” sabi ko kay Mama. Masyado na siyang busy sa trabaho niya. Hindi na maayos ang sarili nito o makakabili man lang ng damit nito. Nasa high school na ako at ako pa rin ang iniisip niya. Kaya ko naman ang sarili ko.
Nagpa-part-time job ako sa panaderya ni Mang Jose sa kanto. Maaga akong pumapasok para gumawa ng tinapay. Isa akong boy ni Mang Jose.
Mabuti nga, kahit menor de edad, tinanggap niya ako. Pagkatapos ko sa panaderya , papasok naman ako sa school. Kapag nakauwi na ako ng tanghali,babalik uli ako sa panaderya para magtrabaho.“Anak, ayos lang ako. Hindi naman ako mahilig lumabas. Maayos naman ako, ah? Mas importante ka, anak, kaysa ang sarili ko. Dapat hindi ka na magtrabaho para naman mapagtuunan mo nang maayos ang pag-aaral mo. Ayokong napapabayaan mo ang pag-aaral mo dahil mahalaga ang edukasyon.” Aniya, at saka ako niyakap.
“Mama, kahit naman may trabaho ako, hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral ko. Mahalaga sa akin ang makatapos para ako naman ang magtatrabaho para sa inyo. Dito na lamang kayo sa bahay,” sabi ko. H******n ko ang noo niya.
“Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng anak na ubod ng bait at matalino.”
Pagmamalaki niya sa akin. Napangiti ako.“Siyempre naman mana ako sa inyo.”
Pagmamalaki ko.“Binobola mo naman ako, anak. Hindi ako matalino.” Napanguso siya.
“Mama, hindi totoo iyan. Hindi porke’t hindi kayo nakatapos, hindi na kayo matalino. Bukod sa masipag at mapagmahal na ina,
isa kang uliran sa akin, Mama, kaya walang papantay pa sa inyo,” sabi ko.Habang nagmamasa ng tinapay, hindi ko maiwasang isipin ang gagawin kong project. Malapit nang exam namin for midterm. Kailangan ko pala ang pera para sa bayarin sa school. Didiskarte siguro ako mamayang gabi. Magtitinda ako ng yosi at mga kendi. Kontakin ko nga si Melchor, baka may maibigay siyang ititinda ko.
“Redentor, tapusin mo na ‘yan at may i-de-deliver kang tinapay sa isang subdivision. May nag-order kasi sa akin ng tinapay doon,” sabi ni Mang Jose.
“Sige po,” sabi ko. Minadali ko ang pagmamasa at ilalagay ko na sa pugon ang mga nagawa kong tinapay.
Pagkalipas ng isang oras, natapos ko na ang mga tinapay na ginawa ko.
Kinuha ko na ang i-de-deliver ko sa isang sikat na subdivision. Buti pa ang mayayaman, hindi na kailangang pumunta sa tindahan para bumili. I-de-deliver na lang sa bahay nila. At hindi lang palima-limang piso ang bili nila; marami. Narating ko ang bahay na dedeliberan ko ng tinapay.“Magandang umaga po.
Nandito na po ang tinapay na in-order po ng amo niyo,” sabi ko sa katulong.“Halika muna dito at ilagay mo sa kusina. Kukunin ko lang ang bayad,” sabi nito. Nagpunta ako sa kusina at hinintay ang katulong.
Habang naghihintay, may sumulpot na batang lalaki sa harapan ko. Siguro nasa pitong taon ang bata.“Who are you?”
Masungit na tanong nito sa akin. Hindi ko sinagot. Dumating na si Ate at binigay niya sa akin ang bayad.“David, doon ka muna sa room mo. Magagalit ang mommy mo kapag nakita ka dito sa kusina,” sabi ng katulong. Ang ginawa ng bata ay hinampas niya ang kawawang katulong sa tiyan. Maldito ang bata.
Hindi ba tinuruan ito ng magandang asal?“Isusumbong kita kay Mommy; inaaway mo ako!”
Nainis ako sa batang maldito.“Hoy bata!
Hindi ka naman inaaway ni ate, a? Ikaw nga itong nanakit,” sabi ko sa bata.Bigla akong sinugod ng bata at pinagpapalo ang tiyan ko. Hinarang ko ang braso. Hindi sinasadyang natabig ko ang bata , kaya na-out of balance at napaupo sa sahig.
Biglang pumalahaw ng iyak ang bata.Napaupo lang, iiyak na. Samantalang kami ni Melchor noon ay nakikipagsuntukan sa edad na pito, hindi kami umiiyak. Ang lampa ng batang ito.
Biglang dumating ang isang babaeng pamilyar sa akin.“Oh, my god! Bakit ka umiiyak, baby!”
Itinayo nito ang bata.“Ma’am, napaupo lang po si David. Hindi naman po sinasadyang matabig.” Napatingin sa akin ang kabit ni Papa.
“Anong ginawa mo sa anak ko?!” galit na sabi nito.
“Mommy, tinulak niya ako. Hindi ko naman siya inaano.”
Sumbong ng sinungaling na bata. Sarap isako at itapon sa ilog Pasig.“Wala kang karapatang saktan ang anak ko! At anong ginagawa mo dito? Hihingi ka ng pera kagaya ng Mama mong bobo!” Nag-igting ang panga ko sa sinabi niya.
“Hindi bobo ang Mama ko! Anak mo ang sinungaling!
Magsasabi lang, hindi pa totoo. Kung sabagay, manang-mana sa inyo! Hindi ako nandito para humingi ng pera at mamalimos! Nagtatrabaho ako para magkapera at hindi ako hihingi sa ama kong walang kuwenta! Magsama kayo!”Galit na sigaw ko sa kanya. Wala akong pakialam kung matanda pa siya. Hindi ginagalang ang mga taong katulad niya; walang respeto sa kapwa.“Umalis ka na! Napakabastos mo!”
Napalingon ako dahil ang kapal ng mukha niya, na sabihang bastos. Anak niya ang maldito. Kumuyom ang kamao ko dahil sa galit. Pinakalma ko ang sarili ko.Hindi ko dapat inaaksaya ang panahon sa babaeng ito.Tiningnan ko lang siya nang masama.“Sasabihin ko ito sa Papa mo! Humanda ka sa kanya!”
Napatawa ako nang nakakaloko. Hindi ako takot sa lalaking iyon. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ako mangingiming saktan siya sa oras na saktan niya kami.“Hindi ako natatakot sa kanya.”
Pagkasabi niyon , tinalikuran ko na siya.Ang kapal ng mukha nilang magsabi ng masama sa akin at kay Mama. Sila ba, hindi ba nila naisip na mas masama ang ginawa nila sa amin ng mama ko? Nakiapid siya sa may asawa! Ang magaling kong ama ay inabandona ang anak. Mga ingrato at ingrata!
Natapos ang trabaho ko, kaya pinuntahan ko na si Amanda para sunduin. Tinext ko na. Papunta na ako sa ospital. Baka magkasalisi kami.
Pagkapasok ng ospital, nakita ko si Amanda na may kausap na lalaking matangkad at nakadamit ng puti. Nagkakatawanan silang dalawa na tila naaaliw sa kuwentuhan nila. Kumunot ang noo ko nang may ibinigay kay Amanda ang lalaki. Lumapit agad ako. Tumikhim ako. Napalingon si Amanda. Sumilay ang ngiti sa labi niya.
“Love!” sabi ni Amanda.
Hinapit ko siya sa beywang at h******n ang labi niya. Nagulat pa nga si Amanda sa ginawa ko. Dahil sa pisngi ako humahalik kapag nagkikita kami, lalo na kapag sa mataong lugar.
“By the way, he is Niko, my co-Nurse here.” Pakilala niya sa akin. Tinanguan ko lang. Naiinis ako sa kung paano makatingin kay Amanda; napakalagkit, at kung ngitian niya ay parang nagpapagandang lalaki lang.
“Sige, Amanda, mauuna na ako.” Paalam nito. Tumingin ang lalaki sa akin at tinitigan ko lang siya.
“Bakit kinakausap mo ang lalaking iyon? Hindi mo ba nahalata na may gusto sa iyo? Kung makatingin, parang gusto ka na niyang lamunin.” Inis na sabi ko.
“Love, friend ko lang siya. Hindi naman siya nanliligaw sa akin. Alam naman niya na may nobyo na ako. Mabait naman siya sa akin , kaya wala naman sigurong masama na makipag-usap ako sa kanya.” Paliwanag niya.
“Bakit tila pinagtatanggol mo pa ang lalaking iyon? Hindi mo alam kung ano’ng motibo niya sa iyo. Lalaki ako, kaya alam ko. Kaya nga gusto niyang makalapit sa iyo. Ikaw, hinahayaan mo lang. Lahat ba ng lalaki kinakausap mo, ganyan ang pinapakita mo sa kanila?” Inis na sabi ko. Ang ugali ni Amanda ay madaling magtiwala.
“Hindi naman sa ganoon. Wala naman silang ginagawang masama. Bakit ko naman sila iiwasan?” Lumapit si Amanda sa akin at hinawakan ang braso ko. “Please, love, huwag ka nang magalit sa akin. Ikaw lang naman ang lalaking mahal ko. Huwag kang mag-isip ng masama sa akin.”
“Huwag ka nang makikipag-usap o makikipagkaibigan sa kahit na sinong lalaki dito. Dahil hindi mo alam kung paano ako magalit!”
Sa inis ko ay nauna na akong naglakad palabas ng ospital. Walang ibang lalaki para kay Amanda. Dapat ako lang, wala nang iba!
AMANDA“Amanda!” Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang best friend kong si Annie.“Oh my God, Ann!” sambit ko. Sa tuwa ko, nagtatakbo ako papunta sa kanya. Niyakap ko nang mahigpit ang best friend ko. Na-miss ko siya. Ang tagal naming walang communication. Mula nang nagpunta siya sa China kasama ang asawa nito.“How are you? Wala na akong news about you,” sabi ko nang kumawala kami sa pagkakayakap.“Umuwi na ako dito sa Pilipinas. Namatay na ang asawa ko.” Malungkot na sabi nito.“My condolences.” Hinaplos ko ang braso niya. Bahagya siyang ngumiti. Mahirap talaga mamatayan ng mahal sa buhay.“Paano mo nalamang dito ako nagtatrabaho?” tanong ko. “Nagkataon lang nakita kita dito. Nagpunta kasi ako sa OB-GYN ko,” sabi niya.“Bakit buntis ka?” tanong ko. Umiling siya.“Nagkaroon ng problema ang bahay bata ko. Sinabi ng OB ko na hindi na ako magkakaroon ng anak. Mula noong. . .” Napahinto siya sa sasabihin. Nangilid ang luha niya. Inalalayan ko siya
REDENTOR“Ano’ng ginagawa mo dito?!” Naiiritang tanong ko sa babaeng nakaupo sa loob ng opisina ko.“I want to talk to you. Red, please come back to me.” Pakiusap niya sa akin. Tiningnan ko siya nang may pag-uuyam. “Really? It’s almost 6 years, my dear; wala na tayo. Ngayon mo lang sasabihin iyan? Ano’ng dahilan mo?” sabi ko. Hindi ako naniniwalang gusto niyang makipagbalikan sa akin dahil mahal niya ako. Siya na rin ang nagsabi na wala siyang mapapala sa isang katulad kong mahirap.“Ikaw pa rin ang mahal ko, Red. I know it’s been 6 years. Napilitan lang ako sa pagpapakasal sa lalaking iyon. Our family needs him.” Natawa ako nang nakakaloko. Talaga ba? Pinamukha na niya sa akin na mas mabubuhay siya sa lalaking iyon. Pera lang naman ang mahalaga sa kanila.“Wala kang karapatang bumalik sa buhay ko dahil matagal ka nang wala dito!” Tinuro ko ang puso ko.“Matapos mong patayin ang anak ko! Ang kapal ng mukha mong sabihing napilitan ka lang na pakasalan ang lalaking iyon! You have a cho
AMANDANagulat na lang ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si David. Napahawak ako sa ibabaw ng dibdib ko.“Hi, Amanda.” Pagbati niya sa akin. Napangiti na lang ako nang alanganin. Lumingon ako upang tingnan kung nandiyan na si Redentor.“Hello.” Pagbati ko sa kanya. Ngumiti siya nang malawak. May pagkakahawig din sila ni Redentor. Parehong matapang ang mukha, pero deep inside, malambing.“Can I invite you to have dinner with me?” Napatitig ako sa kanya.Hindi ko alam kung paano ako tatanggi. Wala naman siyang ginagawang masama sa akin , kaya mahirap tanggihan ang paanyaya niya, pero kailangan kong tumanggi. Ayokong mag-away kami ni Redentor dahil dito.“Pasensya ka na, hindi ako puwede, David. May pupuntahan kasi ako, eh?” Pagsisinungaling ko.“Ganoon ba? Siguro next time na lang. Pasensya ka na kay Kuya kung masyadong mainitin ang ulo niya sa akin.” Aniya at ngumiti. “I understand. Pasensya ka na kung hindi ko mapagbibigyan ang paanyaya mo. Maybe next time na lang. Mauuna na
AMANDAHindi ko na maintindihan si Reden dahil masyado na siyang seloso. Mula nang makilala ko ang brother niya , nag-iba na siya ng ugali. Kahit wala naman namamagitan sa amin ni David. Iniisip niyang meron kaming relasyon.Alam ko na may something sa kanilang pamilya, pero hindi naman siguro tama na pati kapatid niya ay idadamay sa galit niya sa kanyang ama. Napakalalim ng galit niya sa pamilya nila David. Tutulungan ko siyang mapalambot ang galit niya. Napabuntong-hininga ako nang malalim. Nakita kong nakaupo si Reden sa waiting area. Nilapitan ko.“Love. . .” Tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. Tumayo siya para yakapin at halikan ang pisngi ko.“My love, punta tayo sa bahay. May konting salo-salo. Birthday kasi ni Mama,” sabi ni Reden. Natampal ko ang noo ko. Nakalimutan kong birthday ni Tita ngayon. Sobrang busy sa trabaho, pati espesyal na okasyon kagaya nito ay nakalimutan ko na. “Nakakahiya naman, wala akong dala. Sana pala pinaalala mo. Nakabili sana ako ng regalo s
REDENTORTumawag si Amanda na mag-o-overtime siya, kaya baka gabihin ang uwi niya. Pwede ko siyang sunduin kapag natapos na ang trabaho ko. Delikado pa naman ang oras ng uwi niya dahil alas dose ng gabi. Sa panahon ngayon, marami ang mga adik na naglipana sa paligid. Talamak ang droga ngayon dahil walang araw na hindi kami nakakahuli ng mga adik.Nag-text si Mama na may pupuntahan siya. Hindi naman niya sinabi kung saan. Nagtataka ako dahil araw-araw siyang umaalis. Halos magkasabay pa kaming nakakauwi sa gabi. Hindi ko na lang tinatanong kung saan siya galing. Baka naman sa mga kaibigan niya siya nagpupunta. Mas maigi nga na nakakapasyal siya para maaliw naman. Hindi kasi naranasan ni Mama ang mamasyal lalo’t walang-wala kami noon. Kaya hindi na niya magawang ayusin ang sarili.“Mama, bakit hindi ka mamamasyal para maaliw ka naman?” sabi ko kay Mama. Masyado na siyang busy sa trabaho niya. Hindi na maayos ang sarili nito o makakabili man lang ng damit nito. Nasa high school na ako at
REDENTOR“Love, kausapin mo naman ako. I am so sorry. I promise, hindi ko na siya kakausapin.” Hinawakan niya ang braso ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Humarap ako sa kanya na seryoso ang mukha.“Don’t promise kung hindi mo naman tutuparin,” sabi ko na may sama ng loob. Hindi niya kilala ang mga taong ‘yun para ipagtanggol pa. “Okay. Tell me kung bakit naiinis ka sa kanila para maintindihan ko.” Yumakap ito sa beywang ko. Umupo kami sa sofa at kinandong ko siya. Pinulupot ko ang braso sa beywang niya.“His father is also my father. He’s my half-brother. Iniwan kami ng ama ko dahil sa nanay niya. Hindi naging mabuting ang ama ko sa amin ni Mama. Palagi niyang pinapamukha na wala kaming kuwenta at malas sa buhay niya. Bata pa lang ako noon, na-witness ko na ang kalupitan ng ama ko kay Mama. Iniwanan niya kami at sumama sa kabit niya. Hindi siya nagbigay ng suporta, kaya napilitang magtrabaho si Mama. Para makaraos kami sa pang-araw-araw naming buhay. Gusto ko







