LOGIN"Some pasts don’t stay buried… they wait for the worst moment to return."
--- “Relax ka lang.” Napatingin ako kay Claire nang sabihin niya iyon. Hindi kasi ako mapakali dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Nasa elevator kami at paakyat sa fifth floor dahil doon ako iinterbyuhin. “Madali lang ang mga tanungan diyan,” dagdag niya. “Easy for you to say,” sagot ko habang nakanguso. Pagkabukas ng elevator, bumungad agad sa amin ang isang eleganteng hallway. Glass walls. Marble floors. Soft lights. Everything looked clean, expensive, and intimidating. Wow. Hindi ako sanay sa ganito. “Nandito na tayo,” sabi ni Claire habang itinuturo ang dulo ng hallway. “Sa HR ako naka-assign.” Tumango ako. “Ikaw naman…” itinuro niya ang pangalawang pinto sa kanan. “Diyan.” “O-Okay,” kinakabahan kong sagot. “Huwag kang kabahan. Kaya mo ‘yan,” nakangiting saad niya. Great. Mas lalo tuloy akong kinabahan. “Good luck!” Ngumiti siya bago tuluyang mawala sa paningin ko.bAt nang maiwan akong mag-isa, doon ko mas narinig ang sariling tibok ng puso ko. Amp. Nilalamon ako ng kaba. “Calm down,” bulong ko sa sarili ko habang humihinga nang malalim. “Gusto mo ng new start, ‘di ba? This is your chance.” Buong tapang akong naglakad papunta sa executive office. Pero pagdating ko sa harap ng pinto, saglit akong natigilan. Bahagya pa akong napaatras nang bigla iyong bumukas. “Ms. Reyes?” “Po?” utal kong sagot sa babaeng nagbukas. Ngumiti ito nang magalang. “Pasok na po kayo,” saad niya habang binubuksan pa nang mas maluwag ang pinto bago naunang maglakad papasok. “Please, have a seat.” Itinuro niya ang sofa sa gitna ng office. “The CEO will see you shortly.” Tumango ako at agad na naupo. Pagkaalis niya, mas lalo akong hindi mapakali. Hindi naman ito first time na mag-apply ako sa trabaho. Pero grabe… Ibang level ang kaba ko ngayon. Tumayo ako at lumapit sa glass wall. Mula roon, kitang-kita ang city skyline. Everything looked so far away from the life I was used to. “Ms. Reyes, may I have your attention?” That voice… Parang pamilyar. Mabilis akong humarap para makita kung sino iyon. At nanlamig ang buong katawan ko nang makita kung sino ang nasa harapan ko. Him. That stranger. Sa lahat ng taong pwede kong makita… Siya pa talaga. “You—” Hindi ko napigilang masabi kaya agad kong tinakpan ang bibig ko. Nakita kong bahagyang tumaas ang isa niyang kilay habang naglalakad siya papunta sa mesa niya. Pagkaupo niya, muling nagtama ang mga mata namin. At kasabay noon… Bumalik lahat ng alaala kagabi. The rain. The laughter. His touch. The warmth of his lips. Stop. Hindi ito ang tamang oras para isipin iyon. “Ms. Reyes,” malamig niyang sambit. “Take a seat.” Napaupo ako agad habang pilit na pinapakalma ang sarili. Stay calm. Pinipilit kong maging maayos, pero tinatraydor ako ng mga kamay ko, parang gripo na ang mga ito sa sobrang pagpapawis ananginginig pa. “So,” saad niya habang hawak ang resume ko, “you’re applying as my secretary.” Tumango ako, “Yes, Sir.” Matagal niya akong tinitigan. Parang sinusuri niya ang buong pagkatao ko. Why? Gusto ba niyang pag-usapan ang nangyari kagabi? Gusto ba niyang sabihin na kalimutan na lang namin iyon? Or worse… Naalala niya ako. Pero impossible naman, ‘di ba? Pareho kaming lasing kagabi. At umalis ako nang hindi niya nakikita. So there’s no way— “So…” bahagya siyang sumandal sa upuan niya. “We meet again.” Shit. Mahigpit akong napahawak sa dulo ng damit ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Magso-sorry ba ako? Magpapanggap? Tatayo at tatakbo? “This is a professional environment, Ms. Reyes.” Napahinto ako sa magulong isip ko. “Y-Yes, Sir.” “You will perform your duties accordingly.” Seryoso pa rin ang boses niya. “Yes, Sir.” “What happens outside this office—” Huminto siya sandali. At kasabay noon, parang huminto rin ang mundo ko. “—is irrelevant.” Napaupo ako nang mas diretso habang pilit na nilulunok ang kaba. “Understood?” Tumango ako agad. “Yes, Sir.” Kahit hindi malinaw sa akin ang lahat. Kung gaano karami ang naaalala niya. Kung dapat ba naming pag-usapan iyon. O tuluyan na lang kalimutan. Bigla siyang tumayo. At habang papalapit siya sa akin, hindi ko mapigilang bahagyang mapaatras sa kinauupuan ko. “Can you handle that?” mahina niyang tanong. Napatitig ako sa kanya parang may ibang ibig sabihin ang tanong niya. At mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. “Yes,” sagot ko sa huli. Bahagya siyang ngumiti. “Good.” Tumalikod siya at naglakad pabalik sa mesa niya. “Welcome to the company, Ms. Reyes.” --- Gosh. Sa lahat ng magiging boss ko… Bakit siya pa? At bakit ngayon pa kami muling nagkita pagkatapos ng nangyari? Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa. Nagkamali ako. Akala ko hanggang doon na lang lahat. Akala ko hindi na kami magkikita ulit. Pero heto kami. Magkaharap. Araw-araw pang magkikita. “We’re supposed to be strangers…” napapahilamos kong bulong sa sarili ko. “So why does it feel like this is only the beginning of something I won’t be able to escape?”Pagkatapos ng gabing iyon, pakiramdam ko mas naging magulo ang lahat. Mas madali sanang harapin kung ako lang ang nahihirapan. Mas madali sana kung ako lang ang nakakaramdam ng kung ano mang namamagitan sa amin. Pero hindi. Dahil nakita ko rin iyon sa mga mata ni Justin. Narinig ko iyon sa katahimikan namin, at iyon ang dahilan kung bakit mas lalo akong nalilito.Maaga kaming bumalik sa Maynila kinabukasan. Halos wala kaming pinag-usapan sa buong biyahe. Pagdating sa villa, agad akong umakyat sa kwarto ko. Hindi ko kasi alam kung paano siya haharapin. Hindi matapos-tapos sa isip ko ang nangyari sa hotel. Yung paraan ng pagtitig niya at higit sa lahat… Kung bakit parang nasaktan ako nang umatras siya.Lumipas ang dalawang araw. Dalawang araw na parang walang nangyari, at nakababaliw isipin. Dahil kung minsan, pakiramdam ko may ibig sabihin ang lahat. Tapos sa susunod parang wala naman.-Napailing na lang ako sa naisip ko. Kainis. Hindi ako makapag-focus sa meeting na ito. Ang sakit na
Hindi ako komportable sa katahimikan sa pagitan namin. Para bang mas malakas pa ang iniisip ko kaysa sa paghinga namin. Nakatanaw ako ngayon kay Justin na nakaupo na sa kabilang bahagi ng kama. Hindi ko na alam kung sino ba sa amin ang unang umiwas. Basta ang alam ko lang ay pareho kaming natahimik pagkatapos ng usapan na iyon.‘More than I should.’Hays! Bakit ko pa kasi sinabi iyon? At sinabi ko pa talagang madalas kong maalala iyon?Nakakainis. Ang bobo mo talaga, Isabela! Tsk!“Kalimutan mo na lang ang sinabi,” mahinang saad ko, pero sapat na para marinig niya.Napabuntong-hininga at huminga na sa kama.“I already heard it.” Saad niya, kaya napapikit na lang ako sa kahihiyan.“Aish!”Kinuha ko na lang ang unan sa tabi ko at tinaklob iyon sa mukha ko.“Now you’re embarrassed, huh?” Agad akong napadilat nang marinig iyon saka lumingon sa kanya."I'm not." Sambit ko, saka tinanggal ang pagkakataklob ng unan sa mukha ko.Tumaas ang isang kilay niya. "Sabi mo, eh."Napairap ako na lan
Ilang linggo ng magulo ang isip ko kaya kinakabahan ako ngayon sa two days business trip namin ni Justin. “Ready ka na ba?” Tanong ni Justin habanh sinasara ang trunk ng sasakyan niya.“Oo naman,” saad ko sa kanya na akala mo normal ang lahat.Tatlong oras ang naging niya papunta sa resirt na paggaganapan ng conference. May driver kami papunta doon kaya heto si Justin nagbabasa ng dokumento na ipre-present niya sa mga makikinig. Lumingon ako sa bintana at bahagyang napabuntong hininga.Normal lang naman ang lahat pwera sa puso ko na abnormal na yata sa bilis ng pagtibok nito. Magkatabi lang naman kami ni Justin at nakaupo pero daig ko pa ang tumakbo.Pagdating namin sa hotel ay agad kaming sinalubong ng event coordinator. Marami nang executives mula sa iba't ibang kumpanya ang naroon.Iba talaga ang mayayaman. May circle of networking. Ganto pala ang nakikita kapag may business events."Mr. Sarmiento." Lumapit ang coordinator kay Justin. "Good afternoon."Tumango naman si Justin sa k
Simula nang gabing makita ko si Vanessa sa villa, may kung anong nagbago. Hindi ko alam kung sa kanya ba o sa akin. Mas madalas ko na siyang napapansin. Mas madalas ko ring mapansin ang bawat kilos ni Justin kapag nasa paligid siya. At ang pinakanakakainis sa lahat? Hindi ko maintindihan kung bakit naaapektuhan ako nang ganito.Lumipas ang ilang araw na halos pinipilit kong maging normal lahat. Sa trabaho, meetings at pag-uwi. Sinasamahan naman ako ni Justin minsan sa mga check up ko pero mas madalas akong mag-isa. Paulit-ulit na ganoon. Hanggang isang umaga… May meeting si Justin sa conference room kasama ang ilang investors. Nasa loob siya habang ako naman ay nasa desk ko, inaayos ang schedule niya para sa susunod na linggo.Tahimik akong nagtatrabaho nang may humintong anino sa harapan ko."Good morning, Isabella."Napatingala ako. Si Vanessa.Ngumiti siya tulad ng dati. "Good morning po."May dala siyang paper bag. "Pasalubong ko galing ibang bansa…"Napakurap ako dahil hindi nam
Hindi lahat ng taong nakangiti ay mabait. May mga taong kayang saktan ka nang hindi nagtataas ng boses, hindi nagmumura, at hindi man lang ipinapakitang galit sila sa iyo. Simula nang makilala ko si Vanessa, hindi na ako mapakali, para kasing may mali. May mali sa buong pagkatao niya. Basta, nanggigigil ako kapag nakikita siya.Nakakakulo siya ng dugo!Lumipas ang mga araw at kung saan-saang lupalop sa opisina ko na siya nakikita. Para siyang kabute na sumusulpot, kaya lalong nag-iinit ang ulo ko. MInsan nakikita ko siya sa lobby, sa cafe na nasa baba nitong building, sa opisina o hindi naman kaya ay sa office meeting. Kulang na nga lang ay pati sa bahay namin ni Justin ay sumulpot siya. Tsk!Ano naman kung maganda siya? Maayos manamit at business partner sila ni Justin?Para sa akin ay peke siya, mapangpanggap at bida-bida. Tsk!Nakakainis!"Justin used to hate coffee."Napatingin ako kay Vanessa nang magsalita ito, saka ko siya tinaasan ng kilay.Nasa pantry kami habang naghihintay
Minsan, isang salita lang ang kailangan para guluhin ang buong isip mo. At minsan naman, isang simpleng kilos lang ang sapat para iparamdam sa iyo na hindi ka nag-iisa. Simula kagabi, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari sa family dinner. Ang paraan ng pagtingin nila sa akin. Ang mga tanong na may nakatagong paghuhusga. At higit sa lahat, ang paraan ng pagtayo ni Justin sa tabi ko nang akala ko wala akong kakampi.Hindi naging maganda ang tulog ko. Pagdating ko sa opisina, pakiramdam ko dala-dala ko pa rin ang lahat ng nangyari. Nasa desk ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng opisina ni Justin."Ms. Reyes." Napatingin agad ako. Nakatayo siya sa pintuan habang may hawak na folder."Sir?""Come inside." Tumango ako at agad na sumunod.-Pagkapasok ko, inilapag niya ang folder sa mesa."Review this."Kinuha ko iyon. Pagtingin ko sa cover, proposal pala iyon para sa bagong project."I'll finish it before lunch."Tumango siya. Akala ko tapos na pero hindi siya agad nagsali
Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong umiinom. Kung nakailang shots na ba ako..At kung ilang beses na akong tumawa kahit wala namang nakakatawa. Basta ang alam ko lang, sa bawat lagok… unti-unting gumagaan ang dibdib ko. Unti-unti akong nakakalimot. “Bad breakup?” tanong niya. Napatingin ako
"He broke me once… but that night, I chose to break every rule I had for myself." — Isabella's POV: Malakas na tugtog agad ang sumalubong sa amin pagpasok sa loob ng bar. The bass vibrated through my chest, while flashing neon lights painted the entire place in shades of red, blue, and purple.
"Some nights aren’t meant to be remembered… but somehow, they become the ones you can’t forget." --- “Ready?” tanong niya habang diretso ang tingin sa mga mata ko. Hindi ako agad nakasagot. Instead, I just nodded slowly. Hindi ko rin alam kung gusto ko ba talaga ito. Pero sa paraan ng paghawak
"The worst kind of betrayal isn’t when they leave. It’s when they make you question why you stayed." --- Isabella’s POV Hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Iyong nagulungan ang paa ko ng cart na may mabibigat na laman… O ang makita siyang may kasamang iba habang magkahawak-kamay sila. For a







