LOGIN"I went out to forget my cheater ex-boyfriend… but I didn’t expect to remember someone else instead."
--- “Bella?” Mabilis kong minulat ang mga mata ko nang marinig ang boses ng ulupong kong ex-boyfriend. Habang hingal na hingal ako ay kunot-noo akong napahawak sa pisngi ko at doon ko naramdaman— Luha? “Punyet*… panaginip lang pala,” inis kong bulong bago napabuntong-hininga. Napaupo ako at napahawak sa ulo ko. “Shit… ang sakit ng ulo ko.” Napangiwi ako habang pinipisil ang sentido ko. “Paano ba nila nagagawa ‘to?” reklamo ko sa sarili. “Iinom ng marami tapos kinabukasan parang wala lang?” Hindi na talaga mauulit ito. Tsk. Paano ba ako nakauwi kagabi? Ano bang pinagagawa ko kagabi? Lintek na hard drink ‘yan. Teka? Nasaan ba ako? Ah, right. I’m in my room right now. With a massive hangover. “Aish! Bakit ba kasi ako uminom ng hard drink?” inis kong bulong habang muling napahawak sa ulo ko. “Alam nang hindi palainom, eh.” Bwisit kasi ‘yung sigbin kong ex-boyfriend. Kasalanan niya ito. Biglang nag-play sa isip ko ang ilang alaala kagabi. The stranger. The rain. The way he held my hand. Yung halik. The way he looked at me. Wait— What the— Teka? Napamulagat ako. Everything that happened last night suddenly came rushing back into my head. And the memory of him… “Shit…” Damn it, Isabella. Napatingin ako sa sarili ko..My clothes were still the same from last night. Paano ba naman kasi, pag-uwi ko ay diretsong humiga na agad ako sa sofa ng sala. Ayoko kasing makita pa ako ni Claire na gano’n ang itsura ko. Kagabi kasi parang wala lang lahat. Parang okay lang. Pero ngayon? Nilalamon na ako ng kahihiyan sa kagagahang ginawa ko. “Bella, gising ka na?” Napabuntong-hininga ako nang marinig ang boses ni Claire mula sa labas. Oo nga pala. Magkatabi lang kami ng apartment. At kung ano man ang nangyari kagabi… Hindi niya dapat malaman. “Oo… gising na,” sagot ko habang pilit na inaayos ang normal kong boses. Mabilis akong nag-ayos ng sarili bago lumabas at binuksan ang pinto. Diretso naman siyang naupo sa sofa habang may hawak na dalawang kape. Pagtingin niya sa akin ay agad siyang napakunot-noo. “You look terrible.” “Gano’n ba?” simpleng sagot ko habang umuupo sa tapat niya. “May hangover, eh.” “What time did you get home last night?” tanong niya. “Hindi ka na bumalik sa table.” There it is..The question. Iyong tanong na may sagot ako… Pero hindi ko kayang sabihin. “Actually, bumalik ako,” casual kong sagot. “Kaso hindi ko kayo makita. Na-overwhelm ako kaya umuwi na lang ako.” Argh. Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso dahil sa kasinungalingang lumalabas sa bibig ko. “Hindi ka man lang nag-text,” sabi niya habang humihigop ng kape. “Hinanap ka kaya namin.” “Na-lowbat ako, eh,” mabilis kong sagot. Isa na naman iyong kasinungalingan. “Next time, magpaalam ka bago umalis, ha?” sabi niya. “Nag-worry kami.” “I’m sorry.” And this time, hindi iyon kasinungalingan. Tahimik akong naupo sa tabi niya at kinuha ang isa pang kape mula sa paper bag. Habang sumisimsim ako, may mga katagang biglang pumasok sa isip ko. ‘You left him without even saying goodbye.’ Napapikit ako sandali. Stop thinking about it. It meant nothing. It was just one night. Hindi ko siya kilala. Hindi niya ako kilala. End of discussion. And that’s exactly why it should stay that way. “By the way,” biglang saad ni Claire dahilan para bumalik ako sa reyalidad. “May opening sa company namin.” “Ha?” “Secretary ng CEO ang hiring,” paliwanag niya. “Urgent daw. Malaki ang sweldo no’n.” Secretary? “Claire, papasa ba ako diyan?” tanong ko. “Siyempre,” sagot niya agad. “Magaling ka naman. And you need work, diba?” Yes. Kailangan ko. Hindi lang pera… Kundi distraction. Kasi kapag wala akong ginagawa, naaalala ko siya. At ang mga ginawa ko para makalimot sa kanya. “Send mo iyong resume mo today,” dagdag niya habang may kinakalikot sa cellphone niya. “Wait, send ko sa’yo iyong email address namin.” Tumunog agad ang cellphone ko. “I’ll refer you.” Tumango ako. “Okay.” --- That afternoon, nakaupo ako sa harap ng laptop habang hinahanap ang latest copy ng resume ko. Tahimik lang ang buong apartment habang naka-focus ako sa screen. Pagkatapos kong mahanap iyon, agad ko iyong in-attach sa email. Then I hit send. “Done,” sambit ko habang nag-iinat. Napabuntong-hininga ako. “This is good,” bulong ko sa sarili ko. I will start again. A new start. A new work. A new routine. A new life. --- Ping. Wala pang isang oras mula nang mag-send ako ng resume ay may natanggap agad akong reply. “Congratulations, Ms. Isabella Reyes…” Nanlaki ang mata ko. “Wait… what?” Mabilis kong binasa ulit ang email. --- Subject: Application Update – Secretary Position Dear Ms. Reyes, Good day. We have received your application for the Secretary position through internal referral. After reviewing your credentials, we are pleased to inform you that you have been selected for the role. Given the urgency of the position, your application has been fast-tracked. You are requested to report to the office tomorrow at 9:00 AM for onboarding and further briefing. Please bring a valid ID and a copy of your resume. Further details regarding your responsibilities and schedule will be discussed upon your arrival. Welcome to the team. Best regards, Human Resources Department --- “That’s so fast…” bulong ko habang nakatitig sa email. Kung gano’n lang sana kadali sa feelings. “Claire!” sigaw ko. “Ano?” sigaw niya pabalik mula sa kabilang apartment. “I got accepted!” “Ha?! Ang bilis!” “Whoa… start na agad ako bukas.” “Told you,” natatawang sabi niya. “Urgent ‘yan.” --- Mabilis ding lumipas ang oras hanggang sa muling dumating ang gabi. At hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil hindi ko na masyadong naaalala ang cheater kong ex-boyfriend. The problem was… May bago naman akong naaalala. That stranger. Hindi ako makatulog. Nakatitig lang ako ngayon sa kisame habang paulit-ulit na nagbibilang, umaasang aantukin ako. Pero wala. His voice. His touch. The way he looked at me. Parang kanina lang nangyari lahat. “Are you sure?” Napapikit ako nang marinig ko ulit sa isip ko ang boses niya. “Stop…” mahina kong sabi sa sarili ko. “It didn’t mean anything.” Kailangan kong paniwalaan iyon. Kasi kapag hindi mas magiging komplikado ang lahat. Hindi ko alam ang pangalan niya, at hindi ko na dapat malaman pa. Kasi bukas… Bagong simula na para sa akin. At hindi na siya parte no’n.Nakatayo ngayon si Justin sa harap ng walk-in closet niya habang pumipili ng susuotin niyang coat. May family gathering daw kasi sila ngayon. Ayoko sana sumama dahil kasal lang naman kami sa papel, kaso sabi niya kailangan daw. “Required ba talaga sumama?” Nakasimangot na saad ko.“Yes, you’re still my wife even if its on paper,” saad niya habang sinusuot ang beige suit na napili niya.Napanguso ako at nagkibit-balikat, “Ang dami niyo naman kasing family gatherings. Weekly ba naman, ilan ba kayong magkakamag-anak ng makapag-ready ako lagi.” sarkastikong saad ko.“Its my grandmother’s birthday. Mas mahalaga ang event na ito kaysa sa iba mong napuntahan. And you don’t have a choice, remember our contract?” Paalala niya.“Sabi ko nga,” napapailing na saad ko habang sinusuklay ang buhok ko.Tamad na tamad talaga akong pumunta ngayong araw. Hays! Isa pa, hindi pa nga malinaw sa akin kung ano ang nararamdaman ko sa kanya at sa sitwasyon namin, eh.–Isang oras din ang tinagal ng biyahe nam
Kailangan nga ba naging komplikado lahat? Simula ba ng matanggap ako sa trabaho kung nasaan si Justin? Simula ba ng may mangyari sa’min ng gabi na iyon? Simula ng magdalang tao ako o simula ng pirmahan ko ang kontrata?Akala ko kaya kong sundin ang kasunduang ginawa namin ni Justin. Akala ko simpleng kasunduan lang ito para sa bata at para sa pagpapagamot ko kay mama. Pero nagiging mahirap kumbinsihin ang sarili ko habang tumatagal.Kinabukasan, maaga akong nagising. Tahimik pa ang buong villa. Tulad ng dati nadatnan ko si Justin na nakaupo sa dineng are habang may binabasa na dokumento.Nakatiklop pataas ang manggas ng polo niya at may baso ng kape sa tabi niya. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit naapektuhan ako ng mga simpleng bagay.“Goodmorning,” bati niya kaya binati ko rin siya pabalik.Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng isang bsong tubig. Ang tahimik talaga sa lugar na ito. Feeling ko tuloy naririnig niya kung ano mang naiisip ko dahil sa katahimikan."May check-up ka ma
Buong gabi akong hindi mapakali matapos kong marinig ang pangalan ni Vanessa Cruz. Hindi ko maintindihan kung bakit ako naaapektuhan. Hindi ko naman siya kilala. Hindi ko rin naman dapat pinoproblema ang nakaraan ni Justin. Lahat tayo ay may buhay bago nakilala ang isa't isa. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Claire."She's the only woman I've ever heard linked to Justin before you."Hindi ko alam bakit nagugulo ang utak ko ng mga sinabi niyang iyon.–Kinabukasan, maaga akong dumating sa opisina. Nauna kasi siya pumasok sa akin dahil may dadaanan pa siya. Hindi naman siguro si Vanessa iyon, ‘di ba?Napailing ako.Hays! Gusto kong maging busy. Kapag busy ako, wala akong oras para mag-isip ng mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip. Naloloka lang ako mag-isip. Nandito ako sa pwesto ko habang inaayos ang schedule ni Justin nang bumukas ang elevator.Hindi ko sana papansinin, ngunit naamoy ko ang pamilyar na pa
Kinabukasan, sinubukan kong isawalang bahala ang nangyari kagabi sa terrace. Hindi naman no’n mababago ang sitwasiyon namin ni Justin. Hays! Iyong pakikinig niya sa mga sinasabi ko kagabi. Hindi siya masiyadong nakipagtalo at sinubukan niya akong intindihin. Sa pinapakita niya ay parang mas nalilito ako. Tahimik lang kami sa buong biyahe pero hindi naman awkward sa pagitan namin. Sanay na siguro kami sa katahimikan namin sa isat-isa. Minsan humihinto ang sinasakyan namin dahil may tumatawag sa kanya na related sa trabaho. Ako naman ay titingin lang sa labas ng bintana. Pagdating sa opisina, agad siyang dumiretso sa executive floor. Ako naman ay sa desk ko which is sa labas ng room niya. “Excuse me,” Tawag pansin ng babaeng bagong dating. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas-diyes na ng umaga. Wala naman akong alam na may pupuntang business partner ni Justin ngayong oras. Wala itong abiso sa akin kahit kanina o kagabi. Tinignan ko ang babae matangkad ito at maganda. Ba
Pagkatapos ng nangyari sa opisina, hindi na mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Justin.My wife.Shit! Parang musika sa aking tenga alam ko na hindi dapat ako kiligin pero hindi ko mapigilan. Dalawang simpleng salita lang iyon pero buong gabi na akong hindi mapakali. Ganto siguro ako dahil hindi tunog obligasyon ang sinabi niya.O baka dahil habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman kung gaano kalaki ang kontrol niya sa buhay ko.-Nasa villa ako ngayon. Tahimik ang buong bahay maliban sa mahinang tunog ng air conditioner. Katatapos ko lang maligo at kasalukuyang nakaupo sa terrace ng kwarto ko habang nakatingin sa madilim na hardin. Minsan gusto ko na lang umuwi sa dati kong apartment.Napabuntong-hininga ako.Mula kasi nang lumipat ako rito, parang lahat ng desisyon ko ay may kinalaman na kay Justin. Kung anong kakainin ko, anong vitamins ang iinumin ko at sinong doctor ang pupuntahan ko.Kung anong sasakyan ang gagamitin ko, sino ang dapat kong kausapin. Hays! Hindi ko naman sin
Sa mga nakalipas na linggo, naging normal na ang mga araw ko. Kumunti ang mga taong nag-uusap tungkol sa buhay ko. Nananatili akong abala sa trabaho at nagiging maayos na ang kalagayan ng nanay ko. Isa rin sa mga pinakamahalaga ay normal ang bata sa tiyan ko at maayos ang kalusugan ko.Nagiging maayos na rin naman ang pakikisalamuha ko kay Justin. We are not in a relationship, but the important thing is we can talk about little things. May mga pagkakataon pa rin na bigla akong nalulungkot o pakiramdam ko ay nag-iisa ako. Nalulunod sa sarili kong kalungkutan, pinipili ko na sarilinin na lang dahil ayaw ko naman na maging pabigat sa kanya.Akala ko magiging maayos na ang lahat at makakahinga na ako kahit papaano, pero nagkamali ako. Akala ko tapos na sila sa usapin tungkol sa akin, pero nagpahinga lang pala sila… Dahil may mga mausisa pa ring tao na gagawin ang lahat para mahalungkat ang buhay mo.Noong una, tinitingnan lang nila ako hanggang sa nagbubulungan na sila habang dumadaan ako







