Share

KABANATA 2

GALIT. Iyan ang nararamdaman ngayon ni Creed habang nakatingin sa asawa niyang papasok na sa kabahayan ng hindi nito alam na nagmamasid lang siya sa may itaas.

Nagtagis ang kanyang bagang habang naroon sa utak niya ang hindi pagsipot nito sa kanya kagabi at nasayang pa ang oras niya kakahintay na hindi man lang nangyari.

"Where did you came from at this early point of time Avery?"

Natigilan ito. At kaagad hinagilap ang mga mata niya. The moment their eyes flucked together, Creed can say that something was different with her wife today.

Hindi niya rin alam kung bakit biglang nawala ang galit na nararamdaman niya kanina, ngayon na kaharap niya na ang dalaga.

Maya-maya pa ay ngumiti ito. Ngiting hindi niya alam kung bakit biglang tumambol ng malakas ang dibdib niya.

"Good morning, babe." That eanderment sounds unethical to him.

Naglakad ito palapit at maging ang mga katulong na naroon ay bahagyang nakatayo na rin sa tabi niya upang salubungin ang asawa.

Ang matamis na ngiti nito ang mas lalong nagpadagdag sa galit niya.

"Saan ka na naman galing Avery? Tumungo ka na naman ba sa ka-pritso mo—"

"Diyan lang sa tabi-tabi." Damn that reason. Hindi siya tanga upang hindi maramdaman na nagsisinungaling itong asawa niya.

"Okay then. Manang Lucy. Accompany Avery upstairs—"

"I don't need a company. I can go upstairs with myself alone." Umirap pa ito at bahagyang nanliit ang mga mata na tinitigan siya or was he hallucinating things? Pakiramdam kasi niya ay gusto siyang tirisin niyong huli.

Kaya'y ng umakyat na nga ito sa hagdan habang nagdadabog ay nakatingin lamang si Creed kay Avery na tuloy-tuloy na tinungo ang silid.

He was a good husband for about a year na ikinasal sila ay hindi siya kailanman nanlamig sa asawa, but it turns out to be this way. Lahat ng gusto nito ay binigay niya subalit hindi pa pala sapat iyong lahat.

"Malay mo. Baka may bagong kinakalaguyo na naman iyang asawa mo kaya may panibagong brand ng cellphone na naman ang nadekwat. I'm telling you Creed. Don't you dare fall in the bait of your wife once more. Maawa ka na sa sarili mo."

Kanina pa niya kausap ang kaibigang si Acevel patungkol sa hawak niyang cellphone na pagmamay-ari ng asawa niya.

Acevel was his friend way back. Nakilala niya ang babae sa isang convention noong kakasimula pa lang ng opening ng pagmamay-ari niya na ngayong clothing company.

"Natahimik ka na riyan Creed. Don't tell me magpapakabobo ka na naman riyan sa aktingera mong asawa. Saan mo ba napulot iyan at bakit ganoon lang kadali sa iyo ang matunaw sa kamandag niya?"

Sa halip na tumugon. Nginitian na lamang niya si Ace na animoy personal na kausap ang kaibigan. "I got curious Ace. Noong isang araw ko pa siya binilhan ng panibagong brand ng cellphone pero ngayon ay—"

"Kasi nga may ibang lalaki siya. Hanggang kailan ka ba magigising sa katotohanan na hindi loyal sa iyo iyang si Avery Rodriquez, Creed Morgan? Diyos ko naman!"

"Alright! Alright! Why are you getting mad then? I am just wanted your advice—"

"Better to call your chief of Police friend Hernandez in the precinct. Alam ko na siya lang ang makakaresolba niyang kaso mo ngayon. Paimbestigahan mo iyang asawa mo sa lalaking iyon."

Napasandal siya sa recliner. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin makapaniwala si Creed na kaagad tinamaan si Gulliver Hernandez sa kaibigan niyang si Acevel noong ipinakilala niya ang mga ito sa isa't-isa noong araw na may pagtitipon silang dinaluhan.

He was in his office now at ang tanging mga katulong lamang niya sa bahay ang inutusan niyang bantayan ng maigi ang galaw ng asawa niya. Hindi maaaring mananatili siyang tahimik sa kasong ito. He needs to stop the madness of his wife and slapped the truth that she was married to him.

"Any circumstances? May kakaiba bang ikinikilos si Avery riyan Manang Lucy?"

"Nakakapanibago nga sir Creed e. Kanina pa siya nandoon sa kwarto niyo at hindi pa nga nag-agahan. Dapat sa mga oras na ito ay nagjo-jogging na siya hindi po ba?"

Tumunghay si Creed ng marinig iyon mula kay Manang Lucy. Nakakapanibago nga. Supposedly at this hour ay nakahanda na dapat ang asawa niya na lisanin ang bahay niya na kung hindi man mag-jo-jogging ay magma-malling naman kasama ang cycle of friends nito.

Anong mayroon ngayong araw? Dapat ba siyang huminga ng maluwag roon?

He loves his wife at hindi tama na paiiralin niya ang sulsol ni Ace na kesyo may ibang lalaki ang asawa niya, may kung anong illegal biddings itong ginagawa behind his back, though hindi niya mapigilang maniwala pero dapat ay siya mismo ang makasaksi na niloloko lang siya ni Avery.

"Sir Creed. Nandoon sa lounge si madame Kiara. Kanina pa po kayo hinihintay."

"Okay. Pakisabihan muna na medyo matagalan ako or better to tell her na papasukin rito sa opisina ko."

"Pasensya na po sir pero tumanggi kasi si madame. Baka raw po ay maka-istorbo siya kaya doon na lang siya sa lounge maghihintay."

Isinarado ni Creed ang pinirmahang dokumento sabay abot niya niyon kay Ricky upang utusan na ipabigay iyon sa accounting manager.

"Yes sir. At iinform ko lang po kayo ng maaga na mamayang 1:00 pm ay may appointment kayo kay Mr. Soberano."

"OK."

Gayunpaman, pagkatapos niyang kausapin ang lalaking Secretary ay mabilis na bumaba si Creed upang pakiharapan ang bisita niya na kaagad ginawaran siya ng ngiti ng makita na siya nito sabay halik sa kanyang pisngi.

Beso-beso.

"You're sleepless son. Is your wife made all of this? Damn that woman! Why don't you broke up with her? Hindi siya magandang impluwensya sa iyo kaya'y bilang mommy mo ay maigi sigurong sundin mo ang advice—"

"No mom. I love Avery." Namilog lang ang mga mata nito na hindi niya na lang binigyang pansin.

"I'm afraid she might be your threat. She can be your downfall. Nakausap ko na rin si Nicholai about sa asawa mo and he was eager to come back home soon upang makilala iyang si Avery. Kung bakit ba kasi ay nagpadalos-dalos ka Creed. Ngayon ay hirap ka nang—"

"Mommy, enough please. Let me be at peace."

"You cant be at peace unless your wife will stop her whims. Baka nga ay tama si Acevel. That your wife was having an aff—"

"Mom, enough." Hindi siya naniniwala roon dahil may tiwala siya sa asawa niya. Kahit na winith-draw nito ang lahat ng pera niya sa bangko and even holds his credits card ay hindi nga siya nagreklamo.

Kapagkuwan ay bumuntong-hininga ang mommy niya.

"You have your own mind and decisions now Creed dahil hindi ka na naman bata upang hindi makaramdam na may kakaiba. Unang-una pa man ay hindi ko na talaga kasundo iyang asawa mo e. She's a snake climbing on the peak in which she's having difficulties to reach out."

May kutob nga naman siya pero hindi niya pa napatunayan iyon. Gusto niyang maniwala ngunit ang puso niya mismo ang nagtulak na bigyan pa ng pagkakataon ang asawa niya upang ipakita sa kanya na mali ang lahat ng tao sa pananaw nito.

Tanghali na ng nilisan ng mommy niya ang opisina niya. And Creed has this pounding of his chest na parang hindi siya mapakali.

Kaya'y nang matanggap niya ang tawag coming from an exclusive boutique ay natampal na lamang ni Creed ang noo ng malamang may kinalaman na naman kay Avery iyon.

"She said you are her husband sir. She even boasted that you had an elusive amount of money kaya'y hi-nold muna namin si ma'am ng binalak niyang takasan pa ang guwardiya namin dahil hindi siya magbabayad."

Oh God! What the hell does Avery done this time?

Dahil sa galit ay tinawagan niya ang asawa na ngayon ay nagmamaang-maangan pa nga at pilit pang binibilog ang ulo niya.

"Can you please stop accusing me Creed? I am here in the house and—"

"The manager of this Exclusive boutique called me that you even wanted to escaped the moment you haven't paid for the dresses you want to—hello? Ave—hello?"

Nagtagis ang bagang ni Creed ng magawa pa siyag patayan ng cellphone ng asawa.

Mabilis niyang inabot ang coat at napagpasyahan na lang na puntahan ang asawa niya sa nasabing boutique ng matapos na itong lahat. And the fact that he was about to have an appointment with Mr. Soberano at 1:00 pm ay kinansela na muna niya iyon dahil mas importante pa ang kapakanan ng asawa niyang hindi nag-iisip na siya ang masisira kung patuloy na gagawin iyon ni Avery..

Lahat ng madadaanan niya ay yumukod upang magbigay galang ngunit walang sinuman ang pinagtutunan niya ng pansin. Dire-diretso lang ang tingin ni Creed hanggang sa narating na nga niya ang opisina ng manager ng nasabing boutique.

"M-Mr. Morgan? Kayo ang asawa ni—Ms. Avery?"

Siyang pagtayo ng asawa niya at kaagad kumapit sa kanang balikat niya at nagtago sa kanyang likuran. Creed became embarassed lalo na ng magsasalita na sana siya ay inunahan pa siya ng asawa niya.

"Didn't I told you that my husband is the Billionaire at kayang bilhin lahat ng kaluluwa niyo? You even held me accountable dahil lang sa pipityuging dress na iyon—"

"Stop it Avery, mas lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon." Sinuntok nito ang balikat niya sabay singhal ni Avery sa harapan ng manager at dalawang guwardiya dahilan kung bakit mas lalong nakaramdam siya ng galit.

"Thank you Mr. Morgan. Balik ulit kayo if ever your....wife wants to buy dresses in our boutique." Ngumiwi ang babae ng banggitin nito ang huling kataga.

Binayaran niya lahat ng hindi nagawang bayaran ni Avery. Apat na shopping bags pa ang bitbit ng bagger na kaagad ipinasok sa compartment ng kanyang sasakyan.

Halos hindi na maimprinta ang mukha ng binata ng tunguhin niya na ang sasakyan ay wala na naman roon ang asawa niya.

"Where the fuck are you Avery? Sinundo kita rito upang bayaran lahat ng kinupit mo sa boutique na iyon at ngayon ay tinakasan mo na naman ako? May lahi ka bang kagaya ni San-Guko at kung kailan mo gustong sumulpot—"

"Bakit ba ang dami mong sinasabi riyan Creed? Hindi ba pwedeng nauna na ako sa iyong umuwi kasi naiihi ako at hindi ako komportable riyan sa—"

"Reasons mo Avery."

"Whatever you say. See you in here dalian mo dahil naghihintay ako dito."

He clenched his teeth dahil sa naramdamang iritasyon. Hanggang kailan ba magbabago itong asawa niya ng sa ganoon ay matahimik na rin sana ang kaluluwa niya?

Avery wasn't like this noong nakilala pa niya ang dalaga hanggang sa ikinasal na sila. Doon lang nagsimulang lumabas ang totoong ugali nito noong araw na hindi niya naibigay ang gusto nitong bilhin na beauty product sa isang online seller.

He promised. Creed promised in front of his family and friends following with their vows that he will fulfill what his wife's wants and needs. Ngunit nang minsang makunan rin ito ay doon nagsimula ang paglabas ng ugali niyong huli at palagi pang mainitin ang ulo.

"Sir Creed! Pasok po kayo." Mabigat na ang mga braso niya kakabitbit sa mamahaling damit ng asawa niya ngunit si Manang Lucy pa ang nadatnan niyang naglilinis man lang sa may sala.

"Where's Avery?"

"Ay naku sir. Ewan ko roon sa asawa mo at bigla na lang nagdadabog na sinabayan pa ng nakabusangot na mukha habang may pinapagalitan na kung sino sa cellphone. Hayun pa rin sa silid ninyo sir. Nagtelebabad."

"Pakilagay na lang sa itaas Manang Lucy susunod na rin ako pagkatapos."

"Yes sir Creed."

Ngunit madilim na ang temperatura sa noo niya at bahagya ring mainitin ang ulo ng binata. Binabaybay niya na ang daan paakyat upang tunguhin na rin ang kanilang silid.

Was Avery playing shits on him? Hanggang kailan ba niya intindihin ang asawa na walang ibang ginawa kundi ang pasakitan ang ulo niya?

Ano ba ang dapat na gawin niya upang disiplinahin ito? Pagbuhatan ng kamay?

"At saan ka na naman pupunta? Lalayasan na naman ako pagkatapos kong tubusin ang kahihiyan na ginawa mo kanina? Diyosmio Avery, hanggang kailan ko ba kukunsitihin iyang pagkasuwail mo?"

Subalit tinitigan lang siya nito ng mariin at maya-maya ay may ibinulong na hindi naman niya lubusang narinig.

"Don't you dare badmouthed me Avery—"

"I didn't. Ang sinabi ko lang naman ay thank you." Ngunit halatang labas pa sa ilong ang sinabi nito kaya'y mas lalong nanlamig ang pakikitungo ni Creed rito.

Kung noon ay maluwag ang tali niya sa dalaga, ngayon ay maigi sigurong magtalaga siya ng bakod para sa kanilang dalawa.

Kaya'y ng maghapunan na ay nanliit ang mga mata ni Creed ng makitang nasa dulong bahagi ng lamesa umupo ang asawa hindi kagaya ng nakasanayan nito na uukupahin kaagad ang katabing espasyo ng upuan sa kaliwa niya.

Napansin rin iyon ng mga katulong kung kaya't inagaw niya ang atensyon nito.

"What's gotten into you at mukhang nag-iba yata ang takbo ng panahon?" He smirked habang hinihiwa na ang ulam na nakahain paharap.

"I just realized things not to close with you. I'm allergic with—" inangat ni Creed ang tingin ng tumigil ito sa pagsasalita at lagpas pa sa kanyang likod ang paraan ng paninitig nito sa kanya.

"You're allergic with what?"

"W-wala." Ngunit mailap na ang mga mata nito at kaagad pang iniwas ang tingin sa kanya.

Kahit nang papanhik na sila sa kama ay bumukod pa ito at sa sahig pa naglatag ng bedsheet.

"What the hell are you doing down there?" Puna ni Creed kay Avery na sinamaan lang siya ng tingin.

"Baka kako ay maglalaba ako? Why? You want to join?" Binara pa siya nito bilang tugon and Liam massively heave a harsh breath.

"Ano ba ang trip mo ngayon for pete's sake Avery? Dito ka sa kama!"

"Ayaw ko nga. M-mainit at—"

"I can do circulate the temperature into a highest one if you feel like burning."

"Bakit ba ang kulit mo? E sa feel ko dito mahiga e."

Ngunit napigtas na talaga ang pasensya ni Creed. Umahon siya sa kama, bumaba mula roon, kaagad kinarga si Avery at pabagsak pang inilapag ang dalaga na kaagad pinanlakihan siya ng mga mata.

"A-ano bang problema mo?"

Nang binalak nitong bumangon ulit ay mabilis niyang idininantay ang paa rito dahilan kung bakit mas lalo itong nagha-hyperventilate.

Nagtaka si Creed.

Why the hell his wife acted like he's done horrible actions to her?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status