LOGINWala naman saysay kong makikila nila ako, dahil wala naman totoo sa kung anong namamagitan sa amin ng boss nila. And besides hindi ito bago sa akin. Madaming beses na akong nadamay sa mga maling ginawa ng nakababata kong kapatid. Pati nga negosyo ko damay na rin. Kaya walang gustong magtiwala at kumuha sa akin bilang Event Organizer. Dahilan kaya kumakapit ako sa patalim.
THIRD POV TRISTAN instructed his assistant to make a reservation at one of the famous fine dining restaurant, where he and Samantha would have a conversation. Hindi pa man dumarating ang inorder nilang steak and red wine nang mag-umpisa silang mag-usap. "Samantha, I heard you went to my hub," panimula ni Tristan. Seryoso ang mukha at may madilim na tingin. Bumuntong hininga naman si Sam. Kinakabahan. Pilit kino-compose ang sarili. "Pag-uusapan ba namin ang kalaswaan niya, este ang nakita ko!" ani ni Sam sa isip. At nakaramdam ng pagkailang. Noon pa man alam ni Sam na babaero si Tristan at lapitin ng mga babae. Actually ang mga colleagues nito ay ganoon din. Matagal na niya itong kilala dahil pinsan ito ng asawa ng bestfriend niyang si Dan. Pero ngayon kailangan niyang pikit mata tanggapin ang sitwasyon na meron sila. Umasang magiging maayos ang pansamantalang pagsasama nila. "Tristan, wala akong pakialam sa personal mong buhay." tugon ni Sam at tsaka pinagkrus ang kamay sa dibdib. "I went to your hub 'coz I want to talk to you." Seryosong aniya. Deretcho ang tingin ni Sam sa mata ni Tristan habang sinasabi iyon. Ayaw niyang ipahalata ang kaba sa dibdib. "I want our set-up to be clear. Now that we're married, what are your plans?" tanong pa ni Sam. Ngunit bago pa makasagot si Tristan lumapit sa kanila ang waiter. "Sir, Ma'am here is your order." Inilapag ito ang pagkain sa kani-kanilang harapan, pagkatapos ay nagtanong. "Do you need anything else?" "No more. thank you" sagot ni Sam. Samantalang sinamaan naman ito ng tingin ni Tristan dahilan kaya napatungo ang waiter at tsaka mabilis na umalis. "Let's eat first," ani ni Tristan at dinampot ang kubyertos sa gilid ng mesa. "Let's just eat while we talk." suwesyon naman ni Sam. Dahil hindi niya ata kayang tumagal na kaharap ang lalaking ito. Para siyang matutunaw sa bawat titig na ipinupukol ng asawa sa kanya. "Tristan, hindi kita pakikialam sa pribado mong buhay, ganon ka rin sa akin. Kaya—" "Oh, come on, Samantha! Don't tell me what I should do. Ano pang silbi ng marriage contract agreement natin kung hindi naman natin iyon susundin." Tumaas pa ang kilay ni Tristan ng sinabi iyon. "So, pano na!" Napipikon na ani ni Sam. "I'll have one of my bodyguards who will pick you up tomorrow., simula bukas sa penthouse ka titira. Kasama ko," saad ni Tristan at saka sumubo ng steak. "Don't worry, separate room tayo." ani pa nito. Napalunok si Samantha sa narinig. Gusto niya sanang sabihin Bakit seperate room pa, payag naman siya na magkasama sila. Kahit may marriage arrangement sila pumapayag siyang magsama sila. Maging matulog sa iisang silid. Dahil may lihim na nadarama si Sam para kay Tristan. Kaya ganoon na lang din kabilis ang naging pagsang-ayon niya ng alukin siya ni Tristan sa isang kasunduan. Gusto niyang malaman kong talaga bang totoo ang nararamdaman niya para kay Tristan. Dahil noon pa hindi nawawala ang nadarama niya para dito. Bukod sa hindi niya rin maatim na hindi ito tulungan. Pinilit niya itong balewalain at sinubukang itago pero hindi maalis ang binata sa isip niya. Siguro ngayon na magkakasama na sila palagi mas makukumpirma niya ang damdamin niya para kay Tristan o kusang mawawala ito dahil sa mga disappointment at discouragement na nakikita niya mula kay Tristan "I'll just use the restroom, excuse me," paalam ni Sam sabay marahang tumayo at naglakad. Hindi na niya inintay ang sagot ni Tristan pero nadinig niya ang mahinang pagtikhim nito. SAMANTHA'S POV Nang makapasok sa restroom agad kung nasapo ang dibdib ko at huminga ng maluwag. My heart pounded a bit different than its usual beat. That beat whenever Tristan was around me. Ganito ang epekto sa akin ni Tristan Miller na ngayon ay asawa kuna. Dapat masanay ako sa presyensiya niya lalo't palagi kona siyang makakasama. Kahit hindi pa rin ako makapaniwalang titira akong kasama niya. "Girls, kilala nyo ba `yung kasama ni Tristan Miller? She looks fimiliar," Natigilan ako ng marinig ang boses ng babae at ilang yabag ng takong ng sapatos papasok dito sa restroom. Agad akong pumasok sa isang cubicle dito. Mukhang ako ang tinutukoy ng mga ito. "Nakita mo din," sagot ng panibagong tinig. "Of course `yung mukhang librarian na `yon," nagtawanan ang mga ito. Parang nanliit naman ako ng marinig iyon. "Ang sabihin mo, mukhang computer programmer na nakasubsub sa computer maghapon." Mas lumakas ang tawanan ng mga ito. "Akala ko nga maganda, kase una kung nakita nakatalikod pero pagharap. Hipon pala!" "Kain katawan,. Tapon ulo!" Dinig kung may nag-apir mula sa grupo ng mga babaeng ito. Nanatili ako sa loob ng cubicle. Inintay kong matapos silang mag-make up habang nilalait ako. Nang makaalis ang grupong ito saka ako lumabas. Sandali kung tinitigan ang sarili ko mula sa salamin dito sa restroom. "Still the same nerdy, Samantha." sambit ko. Mukhang masmalala pa ang sasapitin ko sa mga babaeng nagkakagusto sa asawa kesa sa mga basher ng kapatid ko. Inalis ko ang salamin sa mata ko at tsaka nag make-up. Maskinapalan ko ng konte ang make-up ko lalo na ang eyeshadow ko. Para naman hindi ang makapal kung eyeglases ang napapansin agad. Nag-curl din ako ng eyelashes at saka pinatungan ng maskara ang eyelashes ko. Napangiti ako ng makitang mas nagkabuhay ang mata ko. `Hmm.. may nagbago naman ng konte sa itsura ko. Siguro dapat mag-sanay na akong maglagay ng contact lenses at mas lalo pang mag-ayos. Nakahanda akong mag-adjust para kay Tristan. Ibinalik ko na ang eyeglases ko at tsaka lumabas ng ng restroom. "Ay kabayo!" sambit ko sa pagkagulat. ""What took you so long?" Salubong ang kilay ni Tristan at madilim ang tingin ipinupukol sa akin. "Kase.." Kumunot ang noo ko habang iniisip ko ang sasabihin. Hindi ko alam pano explain. Naiisip kung magdahilan nalang pero hindi naman ako marunong magsinungaling. "Never mind,.. let's go." ani niya. Nainip na ata sa paliwanag ko kaya tinalikuran na ako at naglakad na siya pabalik sa table namin. Napalunok ako at tsaka sumunod sa kanya. Mukha syang impatient sa akin. Nang makabalik sa table namin. Muli kaming kumain at nag-usap. Kagaya ng nakasaad sa kontrata maghihiwalay kami kapag nakuha niya ang malaking share sa kumpanya ng Dad nya. Ngayon ko lang din nalaman na kahit solong anak siya may mga kapatid pala siya sa labas at ang mga ito ang kakumpitensya nya sa mana. Dahil pag-aari nila ang mga ilang five star hotel sa bansa. Mga bigatin ang mga client nila. Ayon sa kanya bibigyan niya ako ng referrals, irerekuminda ang company ko sa tuwing may mga event na gaganapin sa hotel nila. Gagawin niya top of the list ang company ko sa mga recomended sa hotel nila bilang Event Planner. Malaking tulong ito para makabangon ang Sapphire Event Planning ang maliit na kumpanyang ako mismo ang nagpapatakbo at nagtataguyod. KINABUKASAN pinasundo ako ni Tristan sa isa sa mga tao nya. Malaki at maganda ang penthouse niya. Halos high-tech ang mga gamit. May sarili akong room tulad ang sabi niya. Pagpasok ko ng silid ko nakita ko ang isang itim na malaking box at ilang mga paper bag. Nakapatong ito sa malaking kama. Ngunit bago ko pa ito malapitan nagulat ako ng biglang bumukas ang bookshelves sa gilid ng silid ko. "Oh my gosh," sambit ko at nasapo ko ang sariling dibdib. Nagulat ako at bahagyang natakot. Pintuan pala iyon, hidden bookshelf door kaya hindi halata. "Hmm.. Magugulatin ka pala" ani ni Tristan nang bumungad ang mukha niya mula doon. I swallowhard. Naglakad siya palapit sa akin. Naka-suot lang siya ng white t- shirt at grey jogging pants pero parang ang formal pa rin niyang tingnan at ang lakas ng dating. My heart flipped. Hindi ako makapaniwala asawa kona si Tristan Miller. I froze. Nalaglag ata ang puso ko. "Do you like it?, Did you like your room?" Tanong niya sa malamig na tinig. I inhale sharply. "Hmm.. Okey naman, kaya lang para saan ang pintong `yon?" tanong ko. Dahil nakakagulat na bigla-biglang may bubukas na pinto, baka madaming ganito dito sa penthouse niya at kung saan-saan siya sumusulpot. Magugulatin pa naman ako. "That secret door is connected to my room." sagot niya.Mabilis sumunod si Dan sa akin. "Grabe,. Excited na ko!" Dinig kong sabi ni Dan. "Ohh.. baka makalimutan mo.. Ang major project natin." anya ni Cathy kay Dan. "Oh course not,. Excited na nga ako para sa kanya." Nilingon ko silang dalwa. "Anong meron?" tanong ko dahil parang may hindi sila sinasabi sa akin. "Anong project?.." Paglilinaw ko sa narinig. Nagtinginan sila bago nila ako muling tiningnan, pero sa pagkakataong ito simula ulo hanggang paa nila akong tiningnan. Sinipat nila ang kabuoan. Ako ang pinaka simpleng manamit sa amin. Conservative si Mommy Sunny ayaw niya ng mga revealing clothes. Kaya maingat ako sa pananamit. Samantalang opposite kami ng kapatid ko. Laging napapagalitan ni Mom si Kristel at sinisita sa mga kilos nito. Dahilan ng lagi nilang pag-aaway. Pero madalas pinapaburan at kinakampihan ni Dad si Kristel kaya hindi masupil ni Mom. Sa tingin ko iyon din ang dahilan kaya siguro mas close ako kay Mom. Mas magkasundo kami. "Kasi —" "May surprise kam
ISANG malakas na kidlat ang nagpabalik sa'kin sa sarili. Napatili ako ng malakas at napayakap kay Tristan. Hindi naman ako takot sa kulog at kidlat pero magugulatin talaga ako.. Sino naman hindi magugulat nasa pinaka mataas na floor ang penthouse. Technically, the raging sky has been heard loud and clear. At kita sa may balcony ang nagngangalit na langit. Bago pa lang humuhupa ang pagkagulat ko nasundan na naman ito ng panibagong mas nakakagulat. Pero sa pagkakataong ito hindi dahil sa masungit na panahon sundi dahil nagising ang lasing kong asawa. He glanced at me. "S–Samantha, what were you trying to do, s–seduced me?" Nauutal dahil sa kalasingan niyang sabi, habang pupungas pungas ang mga mata. I completely stunned. Seduced him? Seduce na ba ang tawag dito? "In your dreams,." Napaayos ako ng upo, medyo nahihiya sa ginawa ko. "That's not my intention.. Nagulat lang ako sa malakas na kidlat kaya napayakap ako sayo," Paliwanag ko. Napatingin siya sa balcony.
Strong, Dominate, and Cold. Akma sa isang kagaya ni Tristan.. very manly. Malaki ang silid niyang ito. Halos doble ng silid ko. May isang maluwang na daan sa gilid, malamang iyon ay patungo sa comfort room at walk in closet niya. Nakita ko rin ang bookshelves na pinto, ang siyang nagdurugtong sa silid namin. Lihim akong napangiti. Naiisip ko pa lang na bigla-bigla ko siyang makikita.. na-e-excite ako. Napansin ko rin na may malawak na balcony, ngunit madiim sa bahaging iyon tanging liwanag mula sa kalangitan ang nagsisilbing tanglaw sa labas, na ngayon ay may malakas na ulan, mukhang magtatagal pa buhos nito. Naglakad ako palapit sa kama ni Tristan at naupo sa gilid. Hindi ako makapaniwala mag-asawa na kami. Parang kelan lang ng biglain niya akong ayain upang maging asawa niya. ===== Flashback ===== "You want me to pretend to be your wife.. so you can get your inheritance, huh? for real?" gulat kong tanong habang naka-kunot ang noo. `Prank ba `to? Pinagti-tripan nya ba ako?
SAMANTHA'S POVLate night nang makaalis ang mga kaibigan namin. Gusto ko sana silang ihatid hanggang sa baba ng building na tinutuluyan namin subalit pinigilan ako ni Liam at Dan. Biglang naging masungit ang panahon kahit wala namang bagyong parating, asikasuhin ko nalang daw ang asawa. Si Tristan ang ang pinaka-lasing sa kanilang apat. Mukhang ito na naman ang sumalo nang lahat ng para kay Luke. May alcohol problem kasi si Luke kaya hindi pwedeng malasing. Kaya kapag magkakasama silang umiinom inaako ni Tristan ang para kay Luke kaya ito ang palaging unang nalalasing. Maganda ang samahan ni Tristan sa mga pinsan niyang si Liam at Luke. Mga pinsan niya ito sa mother side. Nakikita kong para na silang magkakapatid kong magturingan. Parang mga bata naman minsan kong magbangayan at biruan. Pinaka-maloko ang best friend nitong si Miguel. Si Tristan ang pinaka-seryoso sa kanilang lahat."Tristan, tulungan na kita." Pagpiprisinta ko dahil halos hindi ito makalakad ng maayos. "K–Kaya ko s
Pagpasok ko ng pinto. "Sissy," malakas na tinig ng bestfriend kong si Dan ang siyang sumalubong sa akin. Lahat sila ay nakatingin sa amin. Hindi ako nagkamali narito sa penthouse ang mga kaibigan namin. Nagkakilala kami ni Tristan through common friend dahil napangasawa ng bestfriend kong si Dan ang pinsan niyang si Liam De Vera. Narito sila ngayon sa penthouse. Nandirito rin si Miguel na bestfriend ng asawa ko. Agad kaming nagbeso ni Dan. "I've been calling you all day, but you didn't answer my call.. Kaya eto napasugod kami dito" saad ni Dan. Napangiwi naman ako. "Pasyensiya na.. I faced four consecutive clients earlier.." Paliwanag ko. "Yeah,. You look so tired," sambit ni Dan. Sunod akong lumapit kay Miguel at nakipag-beso. "Congrats!" Sambit nito habang nakangisi sa akin. O–Oh my Gosh! Alam ata nila?.. pero wala naman akong pinagsasabihan.. Papaanong.. "Cas,." Si Liam iyon na nakipagbeso rin sa akin. Ano daw Cas, kelan pa naging Cas ang pangalan ko?. O
"Before we start our dinner, I want to introduce to all of you another one of my children. I just recently found out about him.. I waited for the DNA results before presenting him to the family,.. including my spouse's approval." Tumingin kaming lahat sa Ina ni Tristan at nakita namin tipid itong ngumiti. "I am sure he is my child. He is also a Miller and part of this family. I want to introduce to all of you Marco Miller, my son." Pagpapakilala ni Tito Leo sa sinasabing anak. Di ko mawari papanong ang daming anak sa ibang babae ni Tito Leo. Obviously, iba rin ang ina ni Marco. Wag naman sanang mangyari ito kay Tristan at lalo naman sa akin. Ayokong pagdaanan ang sitwasyon ng Ina ni Tristan. Mababaliw ata ako! Tahimik lang ang mga kapatid ni Tristan na naririto. Tanging ang mga matatanda lang ang nag-uusap. Paminsan minsan tinatanong nila si Marco ng mga bagay na tungkol dito. Doon namin nalaman na kaidaran pala ito ni Trina. Una lang si Trina ng dalwang buwan at same year sila
SAMANTHA'S POV "Iha ang lamig ng kamay mo," Nakaramdam ako ng hiya ng sabihin iyon ni Tita Bobot. "Tita, kinakabahan po kasi ako." pag-amin ko. Sinong hindi kakabahan kapag nakaharap si Leo Miller ang ama ni Tristan. Buti nalang mabait ang asawa nito. Sa totoo lang magkaibang magkaiba sil







