ログイン
GRAPES
Malakas ang ulan ng gabing iyon at tila nagbabadya ang isang bagyo kasabay ng aking nararamdamang bigat sa loob dahil ngayong gabi ay isinugod ko sa ospital ang pinakamamahal kong ina. Ang nanay ko na siyang nag-alaga sa akin mula pagkabata. Ang kaisa-isang taong nagpahalaga sa akin, nagmahal at nagturo sa akin ng lahat ng aking nalalaman. Ipinaramdam niya sa akin na buo ako, na hindi namin kailangan ng kahit sino para mabuhay. Kahit pa ang tatay ko na hindi ko man lang nakilala simula ng ilabas ako ng nanay ko sa mundo.
Ang tagpong iyon ay naging isang bagyo rin sa buhay ko, ang pagguho ng masaya at simpleng buhay na meron ako.
“Doc, ano hong lagay ng nanay ko?!” nag-aalalang tanong ko sa doktor na hindi halos mapakali.
May pasok pa ako ngayon sa trabaho ko sa Bar bilang waitress ngunit hindi na ako nakapasok dahil kinailangan kong dalhin ang nanay ko sa ospital matapos siyang magsuka ng dugo at himatayin sa harap ko.
“She’s stable for now, pero Hija, tatapatin na kita, merong stage 4 kidney failure ang nanay mo.”
“Ano?”
“At kinakailangan natin ng malaking halaga para sa pagpapagamot niya, subukan mong lumapit sa social welfare assistance para maka-menos kayo sa gastos pero hindi ko maipapangako na maco-cover non ang lahat ng gastusin lalo na’t malubha na ang lagay ng nanay mo, kailangan niya ng agarang kidney transplant at malaking pera din ang kailangan natin para doon.”
“Doc, gawin niyo po lahat please, siya na lang po ang pamilyang meron ako! Hindi po siya pwedeng mawala sa akin!” natatarantang saad ko sa doktor. Pakiramdam ko ay halos takasan na ako ng bait dahil sa sinabi niya.
“Ang tanging solusyon lang ay isang kidney transplant pero mukhang mahihirapan tayong humanap ngayon, kakaunti ang nagdo-donate ng kidney at wala nga halos pero susubukan natin, wag kang mag-alala.”
“Doc, akong bahala sa pera basta gawin niyo po ang lahat para mapagaling ang nanay ko, parang awa niyo na po!” pagmamakaawa ko habang mahigpit ang kapit sa puting lab gown ng doktor.
“Sige, heto ang calling card ko, tawagan mo ako kapag na-ready mo na ang pera.”
“Doc, magkano ho ang kailangan?”
“Milyon din ang halaga sa gamutan na ito pero gaya ng sinabi ko, subukan mong lumapit sa social welfare assistance para maka-menos kayo.”
“Sige po, wag po kayong mag-alala, gagawin ko po ang lahat basta pagalingin niyo lang po ang nanay ko!”
“Sige, maiwan muna kita, marami pa kasi akong pasyente.”
“Maraming salamat po, Doc.”
Tuluyang tumulo ang mga luha ng mga oras na iyon nang makita ko ang nanay ko na nakahiga at natutulog sa hospital bed. Napahagulgol ako ng iyak. Umihip ang malakas na hangin at gininaw ako, basang-basa ako sa ulan dahil biglaan ang pagdala ko kay nanay sa ospital.
Pero habang pinagmamasdan ko siya ay ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para gumaling siya.
Hintayin mo ako, Ma. Gagawa lang ako ng paraan didiskarte lang ako ng pera para mapagamot ka.
Dumiretso ako sa Bar na pinapasukan ko.
“O, Grapes, late ka na at basang-basa ka pa ng ulan, anong nangyari sayo?” tanong sa akin ng manager ng bar na si Ma’am Lynette.
“Ma’am Lynette, isinugod ko po kasi sa ospital yung nanay ko, ngayon ko lang kasi nalaman na meron pala siyang iniindang sakit.”
“Huh? E ano raw saki ng nanay mo?”
“Stage 4 kidney failure daw po, Ma’am…”
“Naku, mahirap yan…”
“Ma’am, magbabakasakali ho sana ako kung pwede akong makabali sa sahod ko ngayong buwan, kailangang-kailangan ko lang ho talaga ng pera, pagtatrabahuhan ko naman po iyon, wag ho kayong mag-alala.”
“Naku, hirap din ang bar ngayon, hindi lang kasi ikaw ang gustong bumali, lahat ng mga ka-trabaho mo ay may financial problem din pero kung gusto mo may offer ako sayo.”
“Ano po yan, Ma’am? Kahit ano po gagawin ko!”
“Halika, sa loob tayo mag-usap!” saad ni Ma’am Lynette at inakay ako papasok sa office niya.
Sinara niya ang pinto at umupo kami ng sa sala ng magkaharap.
“Ganito, may auction kasi na gaganapin mamaya, saktong 12 ng gabi at kung kaya mo at kung willing ka pwede kitang tulungan tungkol sa problema mo.”
“Ma’am Lynette, ano pong trabaho yan?”
Tumingin siya sa mukha ko at maya-maya ay bumaba ang tingin niya sa aking katawan.
“Masyadong personal ang tanong ko na ito pero gusto kong malaman kung virgin ka pa ba?”
Hindi kaagad ako nakasagot at napalunok ako. Mukhang alam ko na ito. Ang sabi sa akin ni nanay ay papayagan niya akong magtrabaho dito sa Bar basta hindi pagbebenta ng aliw at katawan ang magiging trabaho ko pero… may sakit siya ngayon at kailangang kailangan ko ng malaking halaga para sa pagpapagamot sa kanya.
“O-opo, virgin pa po ako.”
“Grapes, maselan ang deal na ito kaya gusto kong maging honest ka sa akin…”
“Totoo po ang sinasabi ko, virgin pa po ako at hindi pa po ako nagkakaroon ng boyfriend.”
“Sige, kung ganon, magproceed na tayo sa talagang deal. Kung kaya mo at willing ka ay isasama kita sa auction. Pagmamasdan ka ng mga parokyano at makikipagbid sila para sa puri mo at kapag nagkasundo sa presyo ay sasama ka na sa kanila upang gawin ang trabaho, naiintindihan mo ba ang offer ko sayo?”
Hindi na naman ako nakasagot kaagad.
“Isang gabi lang naman ito Grapes, para naman sa nanay mo. Wag kang mag-alala, sisiguraduhin kong ligtas kang makakauwi sa inyo kinabukasan.”
“O-opo, opo! Sige po, Ma’am Lynette, kaya ko po at willing ho ako!”
“Okay sige, the deal is on.” saad ni ma’am Lynette at kumuha ng isang kulay puting sequin mini dress.
“Ayusin mo muna ang sarili mo, maligo ka at isuot mo ito at kapag ready ka na ay bumalik ka dito sa opisina ko.”
Nanginginig kong tinanggap ang mini dress na iyon at tila kinakabahan ako ngunit kailangan kong magpakatatag.
Naligo ako, nagbihis at nag-ayos. Naglagay ako ng kaunting make-up at bumalik na sa opisina ni Ma’am Lynette.
“Ma’am, okay na ho ako.”
Ngumiti siya habang pinagmamasdan ako.
“Magaling, Grapes, ganyan nga. Sigurado akong maraming mahuhumaling sayong mga mayayamang parokyano ngayong gabi. Siya nga pala, habang naghihintay ng oras ay pwede mo pa ring gawin ang trabaho mo dito sa Bar bilang waitress, sige na, magserve ka na muna ng drinks.”
“Sige po.”
Ginawa ko ang inutos ni Ma’am Lynette at naglakad na papunta sa counter. Siksikan na sa Bar dahil sa dami ng tao na nagsasayaw sa dance floor at wala akong ibang nagawa kundi makiraan at mag-excuse. Habang naglalakad ako ay isang lalaking naka-business suit ang bigla kong nakabangga at muntik na akong matumba ngunit nasalo niya ako.
Nagkatinginan kami, ang kanyang katawan ay nakadikit sa akin kung kaya’t naamoy ko ang naghalong amoy ng alak at panlalaking pabango sa hininga niya. Napaka-gwapo niya, his eyes are so brown and his brows are so thick! Parang bidang lalaki sa mga turkish drama na napapanood ko! Napaka-amo ng mukha niya.
Nakakunot ang noo niya at tila seryoso ngunit nakatuon lang din ang mga mata niya sa akin at hindi nagsasalita. Nang mabalik ako sa reyalidad ay mabilis akong nag-ayos ng pagkakatayo.
“Naku! So–sorry po! sorry po, Sir!” hiyang-hiya na saad ko. Yumuko ako upang iwasan ang mga mata niya na hindi ako nilulubayan ng tingin.
“Be careful next time.” saad ng lalaki at umalis na.
Pinagmasdan ko pa ang likod niya habang naglalaho sa kumpulan ng mga tao.
NEILKINABUKASAN ay nagbihis ako ng business suit dahil may meeting ako ng 10:00 a.m. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at ready nang pumasok sa opisina. Noong nasa Europe pa ako. Nagpa-utos ako sa tao ko na maglagay ng mga CCTV sa bahay ni Grapes para kahit malayo ako ay may nagbabantay sa kanya. Napapanood ko siya kung anong ginagawa niya at ngayon ay mahimbing pa siyang natutulog. Kakauwi niya lang kaninang 4:00 a.m. Hindi ko alam kung obsess na ba ako o ano pero ginagawa ko lang ‘to dahil hindi na ulit pwedeng mangyari ang nangyari sa kanya isang taon na ang nakalipas. At ang walang hiya niyang tatay na si Conrad Paloma ay nakakatulog ng mahimbing habang hindi nito alam na pinatay niya ang sarili niyang anak. Simula nang malaman ko na si Conrad ang may gawa non ay pinabantayan ko na rin siya. Hindi ako pwedeng makapante. Baka kapag nalaman nilang buhay pa si Grapes ay mas lalong manganib ang buhay niya sa kamay ng sarili niyang tatay. I will surely get my revenge. Ipaghihiga
NEIL Tinawagan ko si Orange para magkita kami. Sa Mall na lang para hindi naman gaanong pansinin. Nagsuot lang ako ng casual na black v-neck t-shirt at nag slacks. Balat na sapatos. Maya-maya lang ay dumating na siya sa coffee shop na pagmamay-ari ko. “Ano yung nangyari kagabi?” tanong niya. “Ano kasi eh, pumunta ako ng Nightclub ang kaso… nilapitan niya ako at nauwi kami sa sex.” “Ah,” “Ano bang nangyayari kay Grapes? nawala lang ako ng isang taon bakit ganon ang ugali niya? mas lumala pa nung una.” Napabuntong-hininga si Orange. “Neil, hindi iyon maiiwasan… sa linya ng trabaho namin, importante iyon. Kung tutunganga lang kami buong gabi at hindi mang-aakit ng mga lalaking mayayaman sa Club, magugutom kami.” “Naiintindihan ko pero… sumobra pagka-wild niya kagabi.” “Bakit? hindi mo ba nagustuhan?” “Gusto… pero naiiisip ko pa lang na ginagawa niya iyon sa ibang lalaki parang hindi maganda.” “Eh, ganon talaga, trabaho namin iyon eh…” “Oo nga at trabaho niyo pero mali eh, p
NEILKINAUMAGAHAN ay nagising ako sa VIP room ng Bar na masakit na masakit ang ulo. Inayos ko ang polong suot pati na rin ang aking slacks. Mag isa lang ako doon at hindi ko maalala ang mga nangyari noong nagdaang gabi. Isa lang ang natatandaan ko… si Grapes. Ang katawan niya, ang pamilyar na init at ang puso kong biglang nagliyab ulit nang makita ko siya. Isang nagliliyab na pagnanasa, pagnanais na makasama siya at mahalin siya ng wagas. “Hoy! bayad mo?!” singhal ni Grapes sa akin na inilahad pa ang mga palad niya. Sinimangutan ko siya dahil hindi ko alam kung bakit niya ako sinisingil. Gustuhin ko mang magbayad…. hindi pwede. Noon, pera ang issue naming dalawa… hindi ko na hahayaang maging pera ulit ang maging dahilan ng lahat. Mukhang hindi pa nga talaga bumabalik ang ala-ala niya at hindi niya pa ako matandaan. Planado ko ang lahat at sa tulong ni Orange ay nakaraos ang isang taon kahit papaano ng walang nagiging aberya. Nakiusap din ako kay Madam Leah na tanggapin na lang
GRAPESONE YEAR LATER… Habang tumatagal mas lalo kong naiintindihan ang propesyong pinasok ko. Hindi madali pero nandito ang sentro ng pera kaya tuluyan akong kumapit sa patalim. Naging sobrang dilim at masalimuot ng trabaho ko. Nalawayan ng iba’t-ibang lalaki ngunit hindi ko pa rin maalala kung sino ang lalaking naka-una sa akin at kung paano ako napunta sa ganitong klaseng trabaho. “Ughh… ahhh… yes! fuck! You're so good baby!” usal ni Adriano habang nagtatalik kami. Siya ang pamangkin ng may-ari ng Mariposa Strip Club. Isa siya sa mga parokyano dito at regular customer ko pero hindi ko maintindihan…. ang alam ko ay may asawa or ka-live in partner siya at dito niya rin nakilala ang babaeng iyon. Ang sabi nila ay Peach Alvarez daw ang pangalan. Bakit ba puro prutas ang pangalan ng mga bayarang babae sa Night club na ‘to? hindi ko rin alam ang sagot basta ang alam ko lang ay matatamis at masasarap ang bawat katas namin at talagang nakakahalina sa mga parokyano. “Like that?...” tan
GRAPESNagising ako sa ospital nang walang naaalalang kahit ano. Hindi ko alam kung sino ako. Ang tanging alam ko lang ay matindi ang hirap na pinagdaanan ko dahil sa mga sugat na natamo ko. Wala akong maalala. Iyon ang problema. Ngunit pag gising ko, isang kaibigan ang hindi ko inaasahang meron ako. Kaagad niya akong niyakap at nagpakilala siyang siya si Orange. At ang pangalan ko naman daw ay Grapes. Muntik na akong matawa. Anong klaseng pangalan iyon? kung hindi lang siya umiyak sa harapan ko, iisipin kong jino-joke time niya lang ako eh. Mukhang sinsero siya dahil ramdam na ramdam ko ang yakap niya. Parang isa nga siya sa mga malalapit na tao sa buhay ko. Pero… wala siyang alam sa nangyari sa akin. Pilit ko siyang tinatanong tungkol sa akin pero ang tanging sagot niya lang ay ulilang lubos na ako at nagtatrabaho daw kaming dalawa sa night club. Hindi ko akalain na isa pala akong pokpok or sa madaling sabi– “bayaran” Tinignan ko ang katawan ko. Ganitong klase ng katawan ba t
NEIL “Ano?! bakit niyo pinalaya?!” “Eh, may nagpiyansa po sa kanya, sir.” “Piyansa?! murder ang kaso!” “Hindi po namin sila kilala, basta may nagpiyansa lang po.” “Kalokohan! bakit niyo hinayaan?! Wala na ba talagang kwenta ang tamang proseso dito sa Pinas?! eh mga bayarang pulis pala kayo eh!” galit na galit na sigaw ko at sinipa ang isa sa mga upuan na nakita ko doon. “Sir, huminahon ho kayo. Wag po kayo mag-amok dito sa presinto.” sabi pa ng isang pulis. “Mga pulis kayo, hindi niyo dapat hinayaan! tinatawagan ko ang phone ni Grapes, walang sumasagot! mga walang kwenta!” singhal ko sabay alis sa presinto. Pagbalik ko sa kotse ko ay tumawag si William. “Boss, heto po ang CCTV footage na nirequest niyo, positive po. Mukhang pinagplanuhan ang pagkidnap kay Ms. Grapes,” saad ni William na sinend sa akin ang CCTV footage na hindi kalayuan sa presinto. Nanginig ako sa nakita ko. Posible kayang si Conrad ang may pakana nito? Hindi niya ba alam na anak niya si Grapes?! Dam







