'PATAY NA BA AKO?... SA GANUN NA LANG BA NATAPOS ANG BUHAY KO?..'
"Miss Sebastian?!" Boses ng isang lalaki ang biglang narinig ni Adee.
'May tumatawag sa pangalan ko?...'
"Miss Sebastian! Wake up!" Tawag muli nito kay Adee, pero sa pagkakataong ito ay sumigaw na ang lalaki sabay dabog sa lamesa.
Napabalikwas ng tayo si Adee mula sa mahimbing niyang pagkakatulog.
‘Huh? Nakatulog ba ako?’
Buong pagtataka niyang inilibot ang tingin sa paligid at lalo lang siyang naguluhan at hindi makapaniwala nang mapagtantong nasa opisina siya. Tinignan niya rin isa isa ang mga katrabaho at lahat sila ay nakangisi sa kaniya at tila pinagtatawanan at kinukutya siya ng mga ito sa kanilang isip.
"Nananaginip lang ba talaga ako?" bulong ni Adee sa sarili kasabay ang pagkurot niya sa kaniyang kaliwang braso.
Napangiwi siya sa sakit.
Hindi pa rin makapaniwala si Adee na nanaginip lang siya.
"Miss Sebastian! You're sleeping during the office hours! Make an incident report and give it to me immediately! Hindi ko ito palalampasin!" Sigaw ng supervisor niya na si Larry. Kay Larry rin ang boses na kanina pa naririnig ni Adee na tumatawag sa kaniya.
"Sorry sir..." Napayuko na lang si Adee sa sobrang kahihiyan.
Lumabas na si Larry at nag-umpisa nang magbulungan ang mga katrabaho ni Adee.
"Natutulog sa oras ng trabaho? Nakakatawa!"
"Wala na ngang ginagawang tama, nagawa pang matulog dito?!"
Napako sa pagkakatayo si Adee, sinasalo ang bawat paratang at masasakit na salita na binabato sa kaniya ng mga katrabaho. Dinadamdam ang kahihiyan dahil sa nangyari. Pero wala siyang magawa dahil sa loob loob ni Adee alam niya at aminado siyang tama ang mga katrabaho niya.
'Adee... Ok lang yan...'
Tutulo na ang luha mula sa mga mata ni Adee pero pilit niyang pinipigilan ito. Pilit niyang kinakalma ang sarili.
Bumukas ang pinto ng opisina at biglang natahimik ang lahat.
Si JV Perez ang pumasok.
Natigil siya sa paglalakad ng mapansin ang mabigat na pakiramdam sa kwarto, pati na rin ang nakakabinging katahimikan na sumalubong sa kaniya. Nagtataka ito kung bakit ganun na lang ang reaksyon ng lahat. Nakaramdam niya ng bigat sa dibdib at agad na hinanap ng kaniyang mga mata ang kaibigan na si Adee. Natagpuan niya itong nakatayo sa harap ng kaniyang lamesa at nakayuko.
"Adee..." Agad niyang nilapitan si Adee. "Anong nangyari?" Nag-aalalang bulong niya sa kaibigan.
Iling lang ang isinagot ni Adee. Ni hindi rin siya nagawang tignan nito. Alam ni JV na pinipigilan ni Adee ang sarili na umiyak at alam rin niya na ayaw nito na makita siyang nasasaktan.
"Sorry Adee..." bulong pa ulit ni JV.
"Sorry JV. Mag-CCR lang ako..."
Nagmamadaling umalis si Adee at hindii niya napansing may kung anong nalaglag mula sa lamesa niya.
Isang singsing.
Isang lumang singsing na may itim na bato.
Dinampot ni JV ang nalaglag na singsing.
"Kay Adee ba ‘to?"
***
"ANG SABI SAKIN NI JOYCE, nahuli ka raw ni Sir Larry na natutulog kaya ka napagalitan kanina?"
Naglalakad na pauwi sila JV at Adee. Hanggang sa pag-uwi nila ay hindi pa rin maintindihan ni Adee ang nangyari. Kung tunay na panaginip lang ang lahat ng nakita niya at nangyari, bakit hanggang ngayon pakiramdam niya ay totoo pa rin ang lahat.
‘Nasagasaan ako ng sasakyan sa panaginip na iyon… Naramdaman ko yung sakit sa katawan ko…’ Isip ni Adee.
"Hoy, ang lalim ata niyang iniisip mo..." si JV ulit. Hindi kasi siya pinapansin ni Adee.
"JV, nagtataka lang ako... yung panaginip ko kasi kanina, parang totoo eh. Totoong totoo!”
Natawa si JV. "At nagawa mo pang managinip ha?!"
Natigil si JV sa pagtawa ng hampasin siya ni Adee sa braso. "Seryoso ako..."
"Ano bang napanaginipan mo?"
"Ordinaryong araw lang sa trabaho, napagalitan pa nga ako eh. Tapos nagpunta ako kay Sarah, sinabi niya na may bagong bukas na shop malapit sa kanila. Tapos, pinuntahan ko yung shop...."
"Anong klaseng shop naman yun?"
"Uhm...Parang antique shop siya. Nagbebenta rin ito ng lucky charms. Tapos, may nakilala akong matanda doon. Ang ibinigay niya sa akin na pampaswerte ay isang lumang singsing. Tandang tanda ko pa nga yung itsura ng singsing, may malaking itim na bato ito sa taas…”
Napaisip si JV sa sinabi ni Adee, naalala niya yung nadampot niyang singsing kanina sa opisina.
"Teka Adee... Kanina may nadampot ako sa ilalim ng table mo..." sabi ni JV habang kinakapa ang bulsa ng kaniyang pantalon. "Ito oh..."
Nanlaki ang mga mata ni Adee ng ipakita ni JV sa kaniya ang hawak nitong singsing. Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang singsing na binili niya mula sa matanda sa shop.
Pero, kung panaginip lang yon...
Paano napunta kay JV ang singsing?
"P-Paano napunta sayo ‘yan?" Tanong ni Adee na hindi inaalis ang tingin sa singsing.
"Nadampot ko nga ho sa ilalim ng table mo kanina... nahulog mo yan nung umalis ka..."
Lalong napakunot ang noo ni Adee. Hindi na niya maintindihan kung anong nangyayari.
"Halika samahan mo ako!" Hinablot ni Adee ang kamay ni JV tsaka siya nagmamadaling naglakad.
"Teka! Saan tayo pupunta?"
"Pupuntahan natin yung shop na binilhan ko niyan..."
PAGDATING SA LUGAR, wala silang nadatnang tindahan. Isang abandonadong bahay ang nakatirik sa lugar kung saan di umano’y pinagbilhan ni Adee ng misteryosong singsing.
"Bakit wala?! Sigurado akong dito ‘yon! Di ako pwedeng magkamali!" Parang napaparanoid na si Adee dahil sa nangyayari. Kung panaginip lang ang lahat, bakit nasa kaniya ngayon yung singsing na binili niya sa kaniyang panaginip, pero nakakapagtaka rin na wala yung tindahan na pinagbilhan niya nito.
"Dito ba talaga yon?" Pati si JV ay naguguluhan na.
"Oo dito yon. Sigurado ako."
"Kung dito nga yon,eh bakit wala? Oy Adee, baka tulog ka pa rin hanggang ngayon ha? Kurutin kita dyan."
"Sigurado ako JV..."
"Ang mabuti pa itanong natin doon sa ale..."
Nilapitan nila ang may edad nang babae na naglalakad papunta sa direksyon nila.
"Uhm, Madam... pwede ba kami magtanong?" Dahan dahan nilapitan ni JV ang babae
"Ano yon?""Alam nyo po ba kung kelan pa nawala yung antique shop doon?" Magalang na tanong ni JV sabay turo sa abandonadong bahay.
Sinundan ng babae ng tingin ang direksyon na tinuturo ni JV. Kumunot ang noo nito pagkakita sa lugar.
"Anong antique shop? Matagal nang abandonadong bahay ang nakatayo dyan. Tsaka wala akong alam na antique shop dito sa lugar na ‘to."
Nagkatinginan sila JV at Adee.
"Pero may alam po kayong tindahan ng mga lucky charms... mga pampaswerte po?" Si Adee.
Umiling ang babae, "Wala, hija..."
"Ganun po ba? Sige po, salamat..."
Umalis na ang matanda.
"Bakit ganun?!" Sabi ni Adee sabay kamot sa batok.
"Alam mo Adee, pati ako naguguluhan sayo... hindi ko alam kung nananaginip ka pa rin o naghahalucinate ka na?!"
"Sabihin mo nga JV, August 11, 2023 ngayon diba?"
Tumango-tango si JV. “Tama.”
"At si President Marcos ang presidente ng bansa, tama?"
Kumunot ang noo ni JV. "Ano? Anong presidente? Monarchy kaya ang Pilipinas."
"Monarchy?! Democratic kaya! Kailan pa tayo nagkaroon ng Hari at Reyna? Ang lakas ng trip mo JV! Naguguluhan na ako sa nangyayari, please lang wag mo nang dagdagan!"
"Huh?! Di ako nagbibiro ha? Ito ipapakita ko sayo."
Kinuha ni JV ang cellphone niya mula sa bulsa at nagsearch sa internet.
"Ito Adee tignan mo..."
Pinakita ni JV ang cellphone niya kay Adee at binasa naman ni Adee ang nakasulat sa screen nito.
Nakasulat dito ang isang article tungkol sa Reyna ng bansa at may malaking picture ng may edad na Reyna. Nakasuot ito ng royal blue na traditional filipiniana dress sa tapat ng Malacanang Palace at may suot din itong korona sa ulo. Malaki ang ngiti sa labi ng reyna na nakatingin ng diretso sa camera. Pakiramdam ni Adee at nakatingin at nakangiti ito sa kaniya. Nakaramdam ng kakaibang sense of familiarity si Adee sa taong nasa larawan.
"Queen Helia O-Ongpauco? Siya ba talaga ang Reyna ng bansa ngayon?..." Nalilitong nakatingin si Adee sa kaibigan.
"Sabi naman sayo diba? Monarchy ang bansa natin at hindi democratic. Matagal nang Monarchy ang Pilipinas, bago ka pa ipanganak." Biro no JV sabay tawa.
Napakagat labi nalang si Adee habang pinipilit na isink in sa sarili niya ang mga nalaman.
Gaano katagal ba siyang nakatulog at nanaginip kaya ganun na lamang ang pagkalito niya sa nangyayari.
***
NAGLALAKAD PAUWI SI ADEE ng mapadaan siya sa isang parke. Umupo muna siya sa bench at nagpalipas ng oras. Hawak hawak niya ang singsing at tinitigan ito.
"Kung panaginip lang ang lahat ng iyon, paano to napunta sa akin? Impossible namang matagal ko na tong pagmamay-ari, ngayon ko lang nakita ang singsing na to?! Pampaswerte raw?! Eh mababaliw na ako kakaisip dahil dito... Mamaya niyan may sumpa pala ‘tong singsing!"
Inilapit pa ni Adee yung singsing sa mata niya.
"Nakakatakot naman itong itim na batong ito... Sorry singsing pero ayoko na sayo. Baka lalo lang akong malasin dahil sayo!"
Inihagis ni Adee ang singsing sa malayo tsaka siya tumayo at naglakad paalis.
Gumulong ang singsing hanggang sa paanan ng isang may edad na lalaki.
Maayos ang pananamit ng lalaki, nakaamericana ito at leather na sapatos.
Dahan dahan na dinampot ng matanda ang singsing, tinignan niya ito tsaka niya gulat na tinanaw si Adee na naglalakad palayo.
"Tapos na... ang paghahanap ko..."
***
GABI NA PERO BUSY pa rin si Adee sa ginagawa niya. Idino-drawing niya sa papel ang misteryosong singsing na itinapon niya kanina sa park.
Natigilan siya at inisip niya kung tamang itinapon niya ang singsing.
'Paano kung may makadampot ng singsing na yon?... mamalasin kaya siya o suswertehin?'
"Haaaay!!.." sabay gulo sa buhok niya.
"Ano ba kasi nangyayari sa akin ngayong araw? Paano ko nagawang kalimutan na Monarkiya na ang bansa? Baka paputulan ako ng ulo ng Mahal na Reyna! Bakit ba kasi ganun ang panaginip ko?! Para naman kasi talagang totoong totoo."
Tumayo si Adee at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig nang may kumatok sa pinto ng apartment niya.
Nagtaka si Adee sabay napatingin sa orasan – 11:36 na ng gabi.
"Sino kaya ang kumakatok? Malayo namang sila Sarah yan, gabing gabi na masyado..."
Lumapit si Adee sa may pintuan at idinikit niya yung tenga dito. Pinapakinggan niya yung tao sa labas, pero wala siyang marinig. Kumatok pa ulit yung kung sino mang nasa labas. Nasapo ni Adee yung dibdib niya sa gulat.
"S-Sino kaya ito?..."
Dahan-dahan pinihit ni Adee ang doorknob, nakasilip siya habang dahan-dahan din niyang binubuksan ang pinto.
Nang nabuksan na niya ito, isang may edad na lalaki ang nakatayo sa harapan niya. Nakaitim itong amerikana, may itim din siyang sumbrero at bag. Seryoso ang mukha nito.
"A-Ano pong kailangan nila?" kinakabahang tanong ni Adee habang bahagyang nakatago sa likod ng pinto.
"Ipagpaumanhin ninyo ang aking pang-aabala Mahal na Prinsesa." Magalang na lumuhod ito sa harapan niya.
Nanlaki ang mata ni Adee sa nakikita at sa narinig.
'T-Tinawag niya akong Mahal na Prinsesa?! Wala ba sa katinuan itong si Manong? O nagkamali lang ako ng rinig?' Isip ni Adee.
Nakaluhod pa rin ang matandang lalaki at tila ba’y walang balak na tumayo hanggat hindi siya papatayuin.
"Hala! Manong, tumayo na po kayo!" Pinipilit ni Adee patayuin ang lalaki.
Tumayo naman ang matanda at masaya niyang tinignan si Adee. "Ang tagal ko kayong hinanap Kamahalan.."
To Be Continued>>>“HI MISS." Dalawang lalaki ang lumapit sa kinauupuan ni Adee. Matangkad ang mga ito at may kalakihan ang katawan. “Bakit mag-isa ka lang miss? Nasaan ang mga kasama mo?” Tanong ng isa sa kanila. Tinignan ni Adee ang lalaki at napansin niya na marami itong tattoo sa magkabilang braso. “Uhm…” Binuksan ni Adee ang bibig niya upang magsalita, ngunit walang boses ang lumabas mula dito. Humakbang pa lalo palapit kay Adee ang dalawa, hanggang sa tuluyan na nilang inokupa ang dalawang bakanteng upuan na kanina ay inuupuan ni Justin at Kian. “Boring mag-isa miss.” Nakangiting sabi ng isa pang lalaki nang nakaupo na ito sa tabi ni Adee. “Okay lang ba sayo’ng samahan ka namin?” “Uhm… M-May mga kasama po ako…” Sabi ni Adee sa mahinang boses na halos matabunan na rin ng malakas na tugtog at usapan ng mga tao sa paligid. “Let’s order more drinks!” Isa sa lalaking katabi ni Adee ay bahagyang sumandal kay Adee, nagkadikit ang kanilang braso. “By the way, what’s your name?” “A-Adee…” Bulong n
PALAPIT PALANG SILA SA BAR AY RINIG NA RINIG NA ANG MALAKAS NA TUGTOG AT HIYAWAN NG MGA TAO SA LOOB.Excited na lumapit sila Zandra, Issa, Kian, Joel at Luke sa staff na nagbabantay sa entrance ng bar. Bumagal naman ang hakbang ni Adee at sinabayan siya ni Justin sa paglalakad.Pinagmasdan saglit ni Justin ang mukha ni Adee. "Are you okay, Adee?""Oo, okay lang ako. Naninibago lang ako. Sa totoo lang, first time kong pumasok sa isang bar." Nahihiyang paliwanag ni Adee.Isang malambing na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Justin."Wala kang dapat ipag-alala, kasama mo ako."“Justin! Adee!” Tawag sa kanila ng mga kasama nila na tapos ng kausapin ang staff at handa na silang ihatid sa pwesto nila.Nagulat si Adee nang kunin ni Justin ang kanang kamay niya.“Let’s go? Pumasok na sila.”May kadiliman sa loob ng bar at ang nagsisilbing liwanag nila ay ang mga led lights at party lights na karamihan ay mula sa stage. Medyo mausok din dahil halos karamihan ng mga table ay gumagamit ng shisha.
NAGSISIMULA PA LANG ANG GABI. AT KASABAY NOON AY ANG PAGSISIMULA RIN NG KASIYAHAN NG NIGHTLIFE SA BORACAY. Pahapon na ng natapos ang mga activities nila Adee at Robin. Nakakapagod, at masakit sa katawan, pero hindi maipagkakaila ng dalawa na nag-enjoy sila. Hindi lang dahil sa mga activities kundi pati na rin ang company ng bawat isa. Pinipilit ni Adee na makatulog habang nagpapahinga sa kanyang kwarto ngunit sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata ay mukha ni Robin ang kanyang nakikita. Tunay na hindi malilimutan ang mga naexperience ni Adee ngayong araw, pero sa totoo lang kalahati noon ay blurry sa kanyang alaala dahil sa kanyang kasama. Kahit anong ganda ng paligid– malinaw at asul na dagat, makukulay na corals at mga isda, maputi at pinong buhangin, at maging ang luntiang kalikasan, hindi mapigilan ni Adee na mapatitig sa gwapong itsura ni Robin. At some point, she even caught herself holding her breath and at awe with Robin’s captivating visage. ‘How is a guy like him e
*** PALABAS NA SI ROBIN NG KWARTO NIYA PARA PUMUNTA SA BANQUET AT MAG-ALMUSAL. Maganda ang sikat ng araw at maganda rin ang gising niya. Despite sleeping late, tila ba’y sobra pa sa walong oras ang tulog ni Robin. He felt refreshed and excited for the day as soon as he woke up. Pagkalabas ni Robin ng kwarto ay siya ring labas ni Adee sa kwarto nito. Parehas silang natigilan nang magtama ang kanilang mga mata. Robin held his breath. Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso niya. Babatiin niya ba si Adee? Mag-gu-good morning? Tatanungin kung kamusta ang tulog niya? He’s not so sure. "H-Hi Robin. Magandang umaga" Bati ni Adee. Her smile is as bright as the morning sunlight. "Uhm, mauna na kayo kamahalan, baka may makakita pa sa atin na magkasama. Susunod na lang ako mamaya." "You go ahead. May kukunin pa ako sa room ko." "Oh okay." Nauna nang bumaba si Adee para pumunta sa restaurant ng hotel. Habang si Robin naman ay pumasok ulit sa kwarto niya upang kunin ang kanyang DSLR
"MISS, NAKITA NIYO BA SI ADEE SEBASTIAN?"Hinahabol pa ni Robin ang kanyang paghinga nang marating niya ang reception desk ng hotel kung saan may isang babae ang nakaistasyon doon."Si Ms. Sebastian po?" Saglit nag-isip ang babae. "I'm sorry sir, as far as I could remember, hindi pa po siya bumabalik.""Are you sure? ""Yes, sir.""Okay. Thank you, miss."Nagmamadaling lumabas si Robin ng hotel. Alanganing oras na ngunit may mga tao pa rin ang nasa labas ang ineexperience ang night life ng isla. Karamihan sa kanila ay nasa iba’t ibang bar.
NAIIRITA PA LALO SI ROBIN DAHIL NAGTATAWANAN SILA ADEE AT ANG LALAKING LUMAPIT DITO. Mukhang masaya ang pinakukwentuhan nilang dalawa.Iba ang pinlano niyang mangyari. Na dapat habang nagsasaya siya sa bakasyon na ito, dapat ay maging miserable ang stay ni Adee dito. Gusto niyang maout-of-place ito, gusto niyang ipamukha kay Adee na iba ang mundo niya at hindi siya basta basta makakapasok sa mundong ginagalawan ni Robin. Gusto niyang si Adee na mismo ang sumuko. Gusto niyang si Adee na mismo ang umatras. Gusto niyang baguhin ang way ng monarchy ng bansa. Para sa kanya ay hindi ito tama.At isa pa, gusto niyang ipakita sa lola niya na kahit anong gawin nito para paglapitin sila ni Adee ay magiging bigo siya. Ayaw niya mapalapit kay Adee, ayaw niyang mapangasawa si Adee, ayaw niya kay Adee.Isang babae lang naman talaga ang gusto ni Robin at hinihintay niya lang ang muli nitong pagbabalik.*****"WALA KA BANG KASAMA JUSTIN? BAKIT MAG-ISA KA LANG NGAYON?""You see… I overslept. Kaya ini