Hello~ If you're reading this, I want to thank you from the bottom of my heart. Your support brings me so much joy and motivation to keep writing. Please show your love by following me on my socials: FB Page: Kei Abordo Stories / IG: keiabordo.stories / Links: linktr.ee/keiabordo love you all~
PALAPIT PALANG SILA SA BAR AY RINIG NA RINIG NA ANG MALAKAS NA TUGTOG AT HIYAWAN NG MGA TAO SA LOOB.Excited na lumapit sila Zandra, Issa, Kian, Joel at Luke sa staff na nagbabantay sa entrance ng bar. Bumagal naman ang hakbang ni Adee at sinabayan siya ni Justin sa paglalakad.Pinagmasdan saglit ni Justin ang mukha ni Adee. "Are you okay, Adee?""Oo, okay lang ako. Naninibago lang ako. Sa totoo lang, first time kong pumasok sa isang bar." Nahihiyang paliwanag ni Adee.Isang malambing na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Justin."Wala kang dapat ipag-alala, kasama mo ako."“Justin! Adee!” Tawag sa kanila ng mga kasama nila na tapos ng kausapin ang staff at handa na silang ihatid sa pwesto nila.Nagulat si Adee nang kunin ni Justin ang kanang kamay niya.“Let’s go? Pumasok na sila.”May kadiliman sa loob ng bar at ang nagsisilbing liwanag nila ay ang mga led lights at party lights na karamihan ay mula sa stage. Medyo mausok din dahil halos karamihan ng mga table ay gumagamit ng shisha.
NAGSISIMULA PA LANG ANG GABI. AT KASABAY NOON AY ANG PAGSISIMULA RIN NG KASIYAHAN NG NIGHTLIFE SA BORACAY. Pahapon na ng natapos ang mga activities nila Adee at Robin. Nakakapagod, at masakit sa katawan, pero hindi maipagkakaila ng dalawa na nag-enjoy sila. Hindi lang dahil sa mga activities kundi pati na rin ang company ng bawat isa. Pinipilit ni Adee na makatulog habang nagpapahinga sa kanyang kwarto ngunit sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata ay mukha ni Robin ang kanyang nakikita. Tunay na hindi malilimutan ang mga naexperience ni Adee ngayong araw, pero sa totoo lang kalahati noon ay blurry sa kanyang alaala dahil sa kanyang kasama. Kahit anong ganda ng paligid– malinaw at asul na dagat, makukulay na corals at mga isda, maputi at pinong buhangin, at maging ang luntiang kalikasan, hindi mapigilan ni Adee na mapatitig sa gwapong itsura ni Robin. At some point, she even caught herself holding her breath and at awe with Robin’s captivating visage. ‘How is a guy like him e
*** PALABAS NA SI ROBIN NG KWARTO NIYA PARA PUMUNTA SA BANQUET AT MAG-ALMUSAL. Maganda ang sikat ng araw at maganda rin ang gising niya. Despite sleeping late, tila ba’y sobra pa sa walong oras ang tulog ni Robin. He felt refreshed and excited for the day as soon as he woke up. Pagkalabas ni Robin ng kwarto ay siya ring labas ni Adee sa kwarto nito. Parehas silang natigilan nang magtama ang kanilang mga mata. Robin held his breath. Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso niya. Babatiin niya ba si Adee? Mag-gu-good morning? Tatanungin kung kamusta ang tulog niya? He’s not so sure. "H-Hi Robin. Magandang umaga" Bati ni Adee. Her smile is as bright as the morning sunlight. "Uhm, mauna na kayo kamahalan, baka may makakita pa sa atin na magkasama. Susunod na lang ako mamaya." "You go ahead. May kukunin pa ako sa room ko." "Oh okay." Nauna nang bumaba si Adee para pumunta sa restaurant ng hotel. Habang si Robin naman ay pumasok ulit sa kwarto niya upang kunin ang kanyang DSLR
"MISS, NAKITA NIYO BA SI ADEE SEBASTIAN?"Hinahabol pa ni Robin ang kanyang paghinga nang marating niya ang reception desk ng hotel kung saan may isang babae ang nakaistasyon doon."Si Ms. Sebastian po?" Saglit nag-isip ang babae. "I'm sorry sir, as far as I could remember, hindi pa po siya bumabalik.""Are you sure? ""Yes, sir.""Okay. Thank you, miss."Nagmamadaling lumabas si Robin ng hotel. Alanganing oras na ngunit may mga tao pa rin ang nasa labas ang ineexperience ang night life ng isla. Karamihan sa kanila ay nasa iba’t ibang bar.
NAIIRITA PA LALO SI ROBIN DAHIL NAGTATAWANAN SILA ADEE AT ANG LALAKING LUMAPIT DITO. Mukhang masaya ang pinakukwentuhan nilang dalawa.Iba ang pinlano niyang mangyari. Na dapat habang nagsasaya siya sa bakasyon na ito, dapat ay maging miserable ang stay ni Adee dito. Gusto niyang maout-of-place ito, gusto niyang ipamukha kay Adee na iba ang mundo niya at hindi siya basta basta makakapasok sa mundong ginagalawan ni Robin. Gusto niyang si Adee na mismo ang sumuko. Gusto niyang si Adee na mismo ang umatras. Gusto niyang baguhin ang way ng monarchy ng bansa. Para sa kanya ay hindi ito tama.At isa pa, gusto niyang ipakita sa lola niya na kahit anong gawin nito para paglapitin sila ni Adee ay magiging bigo siya. Ayaw niya mapalapit kay Adee, ayaw niyang mapangasawa si Adee, ayaw niya kay Adee.Isang babae lang naman talaga ang gusto ni Robin at hinihintay niya lang ang muli nitong pagbabalik.*****"WALA KA BANG KASAMA JUSTIN? BAKIT MAG-ISA KA LANG NGAYON?""You see… I overslept. Kaya ini
"MALIGAYANG PAGDATING SA ROYAL PEARL RESORT!"Bati ng Manager at ilang staff pagdating na pagdating nila Adee at Robin sa villa habang inaabutan sila ng malamig na pineapple juice at sinuotan rin sila ng kwintas na gawa sa makukulay na bulaklak."Salamat po..." Bati rin ni Adee na may kasamang malaking ngiti."Nakaprepare na po ang inyong rooms pati na rin ang activity packages para sa inyo. Just feel free to ask the staff if you want to try those activities. We'll be very pleased to assist you." Paliwanag ng manager sa kanila. “Please enjoy your stay.”"Sige po, salamat po ulit." Si Adee ulit."I’m tired from the trip. Lead me to my room." Pautos na sabi ni Robin na may kasamang inis sa ekspresyon sa kanyang mukha.Saglit na natahimik ang lahat dahil ramdam nila ang hindi magandang mood ni Robin. Sinenyasan ng Manager ang isang staff na i-assist si Robin.Agad naman dinala ng staff ang bag ni Robin. “Dito po tayo sir…”Natulala si Adee kay Robin. Hindi niya alam kung bakit lalo pa it