Share

CHAPTER 6

Penulis: Flammara

“Okay lang. Hindi siya ganoon ka-petty. Isipin mo na lang ito bilang regalo sa iyong pagsisimula. Napakahusay ng asawa ko. Kung susundan mo siya, marami kang matututuhan.”

Puno ng pag-aaruga ang mga salita ni Timothy para sa kanya.

Hindi kalayuan, nang marinig iyon ni Diana, bigla siyang nakaramdam ng paglubog ng dibdib.

Mapagbigay? Sa mga mata ni Timothy, isa siyang taong kayang isuko ang lahat—mga proyekto, ang kanyang mga disenyo, maging ang huling habilin ng kanyang ina. At ngayon, isinuko na rin niya maging ang sariling asawa.

Kahit wala siyang salamin, dama niyang kahabag -habag ng itsura niya ngayon.

‘Diana, paano ka nauwi sa ganitong kaawa-awang kalagayan?’

“Iniisip ko kung bakit biglang lumapit si Mrs. Valencia para makipagtulungan sa akin. Yun pala, may bago ng kayamanan ang asawa mo.”

Isang mapagbiro ngunit malamig na tinig ng lalaki ang biglang umalingawngaw sa kanyang tainga, dahilan para magulat si Diana at awtomatikong umatras. Ngunit nadulas ang kanyang sakong, nawalan ng balanse ang katawan, at nagsimulang matumba patalikod..

Nanlaki nang husto ang kanyang mga mata, samu’t saring posibilidad ang kumislap sa kanyang isipan. Ngunit sa mismong sandaling iyon, isang pares ng matatag na kamay ang biglang sumalo sa kanyang baywang.

Saglit na nakahinga siya ng maluwag, iniisip na kahit paano’y may kaunting awa pa si Lander Sales. Ngunit sa kasunod na saglit, nakita niya ang mapanuksong kurba ng mga labi nito—at agad ding inalis ang mga kamay.

Natigilan si Diana. Niloloko lang pala siya ng lalaking ito.

Sa kritikal na sandali, hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas, ngunit bago pa siya tuluyang bumagsak, nakahawak siya sa laylayan ng suit ng lalaki.

Isang bahid ng pagkagulat ang kumislap sa malalim nitong mga mata, at napilitan itong muling saluhin ang kanyang baywang, hinila siyang muli patayo.

Dahil hindi nakahanda, bumangga siya sa matibay at malapad nitong dibdib. Kusang kumunot ang kanyang noo, at nang itaas ang ulo, sinalubong siya ng hindi masukat na titig ng lalaki.

Naglalaro ang kapilyuhan sa mga mata nito. “Ano, balak mo ba akong gawing unan?”

Walang mabuting impresyon si Diana sa lalaking ito, lalo na matapos ang kalokohang ginawa nito. Itinulak niya ito nang may pagkasuklam, nilikha ang distansya sa pagitan nila.

Hindi niya kailanman aaminin na sinadya niya iyon.

“Reflex lang iyon. Patawad, President Sales.”

Kung hindi lamang ito walang magawa at ginawang libangan ang pang-aasar sa kanya, hindi sana siya napunta sa ganoong mapanganib na sitwasyon.

Mahigpit na pinisil ni Diana ang kanyang mga daliri, pinipilit ang sarili na kumalma. Ang Oasis project ay nakasalalay pa rin dito—ang lalaki na lang ang tanging sandigan niya sa ngayon.

Huminga siya nang malalim at pinilit ang sarili na ngumiti, pinapatingkad ang linaw ng kanyang mukha.

“President Sales, maniwala na po sana kayo sa akin ngayon, hindi ba? Hindi ako espiya na ipinadala ng Lide. Taos-puso kong nais makipagtulungan sa inyo.”

Nakapamulsa, tamad na nagsalita si Lander Sales.

“Sino ba ang nakakasiguro na hindi lang kayo mag-asawa ang nagkukunwari para lokohin ako?”

Mariing pinagdikit ni Diana ang kanyang mga labi. Sobra naman ang pagdududa ng lalaking ito! Siguro kung sakaling may babaeng pakasalan siya balang araw, baka ni hindi payagan na makipag-usap ito nang basta-basta sa ibang lalaki.

Pinili niyang tiisin ang pagiging arogante nito, at muling ngumiti nang maliwanag.

“Wala akong dahilan para gawin iyon. Bukod pa roon, President Sales,, sa lawak ng impluwensiya ninyo, kung gusto ninyong mag-imbestiga, madali lang para sa inyo—isang salita lang.”

Sino ba ang hindi nakakaalam sa Philcom University ng tungkol sa nakaraan nina Jenny at Timothy?

Maya-maya, napilitan ding magsalita si Lander Sales, bagama’t halatang mabigat sa loob.

“Kung ipinipilit mo talaga ang pakikipagtulungan sa akin, malinaw dapat ang usapan. Kapag napasakamay ng LS ang proyektong ito, tiyak na susundan ito ni Timothy pabalik sa iyo. At kapag kumalat ang balita, siguradong magiging gulo para sa amin dito sa LS. Mas malala pa…”

Sadya niyang pinutol ang mga salita, at bahagyang yumuko palapit kay Diana. Dumampi ang mainit niyang labi sa gilid ng tainga ng babae , kasabay ng malamyos na tawa.

“Sa oras na iyon, sasabihin ng mga tao na palihim tayong nagkakasabwat, Mrs.Valencia. Kaya mo ba talagang pasanin ang ganoong akusasyon?”

Ang salitang iyon—Mrs. Valencia—na binigkas nang may diin, ay tila bumigat nang husto.

Nanigas ang katawan ni Diana. Alam na alam niya ang ibig ipahiwatig ng lalaki. Ang mga kilos nito ngayon ay parang pakikipaglaro sa apoy.

Ngunit basta’t matapos lamang niya ang proyekto bago siya umalis, wala na siyang pakialam sa kung ano mang sasabihin ng iba pagkatapos—problema na nila iyon, hindi na sa kanya.

Dahan-dahang lumuwag ang tensyon sa kanyang ekspresyon.

“Kung ganoon, ipapaubaya ko na sa inyo ang usaping pang-negosyo. Hangga’t garantisadong kikita at hindi malulugi ang proyektong ito, iyon lang ang mahalaga.”

Ramdam niya—si Lander Sales ay hindi taong natatakot kay Timothy. Ang lalaking ito ay may dalang tapang at lupit na tila walang kinatatakutan—ni langit, ni lupa. Kaya alam niyang magiging maayos ang takbo ng proyektong iyon.

May bahagyang ngisi sa labi si Lander nang alisin ang titig sa kanya, bumalik sa dati nitong tamad na anyo. Walang pakialam na kinuha nito ang kanyang atensiyon, “hoy!”

Napatingin siya sa lalaki, “Hm?”

Nag-iba ang tingin ni Lander, dumako sa likod ng ulo ni Diana, nakatuon sa taong nasa tapat. May mapanuksong tono ang kanyang boses.

“Ang asawa mo, mukhang nakatingin dito.”

Nanigas si Diana ng marinig iyon. Mabigat ang pag-ikot ng kanyang ulo, at totoo nga—nakapako sa kanila ang tingin ni Timothy.

Kapwa sila natigilan.

Nang unang makita ni Timothy ang asawa, kumislap ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Ngunit nang mapansin si Lander Sales sa tabi nito, agad na dumilim ang kanyang ekspresyon.

Si Jenny naman, hindi napansin ang pagbabagong iyon sa mukha ni Timothy. Masaya siyang lumapit upang batiin si Diana.

“Diana, coincidence naman ! Kung alam ko lang na pupunta ka dito, hindi na sana ako sumama kay Timmy. Pero huwag mo na lang intindihin—kasi wala siyang babaeng kasama kaya sumama na lang ako.”

Medyo nawala sa ayos si Jenny, bahagyang namula ang kanyang pisngi. Bahagya siyang tumingin kay Diana nang may kaba at hindi mapakali ang ekspresyon.

Sa sandaling iyon, dama ni Diana na para siyang isang kontrabidang madrasta, na para bang inaapi ang kawawang dalaga.

Doon bumalik sa ulirat si Timothy, at agad na lumapit upang hawakan ang kamay ni Diana.

“Hindi ba’t sinabi ko nang magpahinga ka na lang sa bahay? Bakit ka lumabas mag-isa?”

Hindi matukoy ni Diana kung ang tinig nito ay naglalaman ng pag-aalala o ng paninisi.

Pinanatili niyang kalmado ang mukha at mahinahong sumagot,

“Hindi ba’t nabanggit ko na sa iyo noon ang tungkol sa graduation work ko? Narinig kong naka auction ito ngayon. Dahil abala ka sa kompanya, nag-taxi na lang ako papunta rito. Ang sabi mo kasi, may dinner meeting ka.”

Nang marinig iyon, kusa nang itinago ni Jenny ang kanyang kamay sa likuran. Ngunit agad na natigilan si Diana nang mapako ang kanyang mga mata sa pulseras nito, at nagulat siyang tanong,

“Miss Suarez, bakit nasa pulso mo ang pulseras na iyan?”

Hindi na nakapagtago si Jenny—nahawakan na ni Diana ang kanyang pulso at naipakita ang kulay-asul na batong pulseras sa lahat.

Umupo naman si Lander sa isang upuan, nakahalukipkip at nanonood na para bang aliw na aliw sa eksenang nagaganap.

Agad na bumigat ang atmospera.

Itinaas ni Diana ang kanyang tinig, nakatitig kay Timothy.

“Ngayon alam ko na—palihim mo pala itong binili para sorpresahin ako, hindi ba?”

Sandali munang natigilan si Timothy, ngunit mabilis na umayon.

“...Oo, tama. Ang balak ko pagkatapos ng hapunan, dumaan doon at iparekord na ito, para maibigay sayo. Matagal na rin naman, kaya pinasuot ko muna kay Jenny para sa’yo.”

Kumurba ang mga mata ni Diana dahil sa isang ngiti.

“Alam ko namang hindi mo makakalimutan. Salamat, Miss Jenny, sa pagsubok nito para sa akin. Pero ngayong nandito na ako, hindi na kita aabalahin pa.”

Namutla ang mukha ni Jenny, saka muling namula, umaalab ang galit sa loob ngunit hindi niya maipakita. Walang magawa kundi alisin ang pulseras, nag-aatubili bago ito iniabot kay Diana.

Kontento si Diana na muling isuot ito sa sariling pulso, at sadya niyang itinaas iyon sa harap nina Timothy at Jenny. “Bagay ba?”

“Bagay,” sagot ni Timothy na gaya ng dati, mapagpasensiya ang tinig.

“Eh, hindi ba ito si President Sales? Diana, bakit magkasama kayo? Akala ko wala pang pakikipag-ugnayan ang kompanya natin sa LS?” biglang sabat ni Jenny, mahina at banayad ang tinig, subalit sa likod niyon, ay may pagdududang nakalakip.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 100

    Sa dami ng taong nagdaraan, hindi nakaligtas sa mga mata ng iba ang kakaibang ekspresyon ni Lander. Marami ang napatingin, nagtataka, kaya’t dahan-dahang lumapit siya kay Diana at mababang bumulong sa tainga nito:“Tulungan mo muna akong mabalik sa kwarto.”Hindi na nag-aksaya ng oras si Diana. Kung biglang umepekto ang gamot kay Lander sa ganitong pampublikong lugar, tiyak na bukas ay magiging headline ito. At kapag nangyari iyon, baka pati ang pangalan ng pamilya Beredo ay madamay. Lalong kumulo ang dugo niya nang maalalang si Amanda ang nangahas na lagyan ng gamot ang inumin ni Lander.Kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang gusto ng lalaki. Nang makarating sila sa harap ng pintuan ng hotel room, agad niyang tinanong ito:“Nasaan ang room card mo?”“Nasa bulsa ng pantalon ko.”“Okay.” Wala na siyang iniisip pa, ipinasok niya ang kamay sa bulsa ng pantalon ng lalaki. Malalim ang bulsa ng suit pants, kaya habang sinusuportahan ang katawan ni Lander, pinipilit din niyang kapain ang

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 99

    “Diana.” Malalim at malamig ang tinig ni Lander, may bahid ng nanlalamig na galit.“Ha?” Napasinghap si Diana, at kusa siyang nakasagot nang hindi namamalayan.Mainit ang mga daliri ni Lander habang marahan nitong hinawakan ang kanyang baba. Tinitigan siya ng mga matang matalim na parang mata ng lawin, saka malamig na nagtanong: “Hindi ko naman ibinunyag ang sikreto mo. Bakit sa isang iglap, ipinagkanulo mo na ako? Ano bang ibinigay sa’yo ng mga Beredo kapalit nito?”Alam ni Diana na wala siyang maitatago kay Lander. Ang lalaking ito ay may pambihirang pakiramdam at talas ng obserbasyon. Kahit anong pagtatago ang gawin niya, siguradong mabubunyag pa rin ang kanyang ginawa. At kapag nalaman nito na sinadya niyang linlangin ito, lalo lang siyang mapapahamak.Kaya’t nagpasya siyang magsabi na lang ng totoo.Tahimik na tumango si Lander, tila nag-iisip, bago siya mapait na ngumisi. “Ano ako, pag-aari mo? Bakit mo naisip na dahil lang sa ipinainom mo sa akin, agad kong magugustuhan ang

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 98

    Nagulat si Amanda, halos mapaatras sa kinatatayuan, at agad na napalingon kay Diana.“Anong nangyayari dito? Bakit ngayon ko lang nalaman na may ganito siyang isyu sa oryentasyon? Huwag mong sabihing… hindi siya tunay na lalaki?”Namutla si Diana, hindi agad nakapagsalita. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon—kung hindi niya ito maayos, tiyak na aabot sa kanyang lolo ang balitang ito. Pero hindi rin niya inaasahan na basta na lang ipinahayag ni Lander na gusto nito ng lalaki.Napilitan siyang humarap dito, halatang naguguluhan. “Kailan ka pa nagkagusto sa lalaki, Lander? Ano ba talaga ang pinagsasabi mo?”Nakatuwid ang likod ni Lander, magkalapat ang mga daliri na para bang nagtatago ng sariling kahihiyan. May bahagyang ngiti sa kanyang labi, at ang matalim na panga’y lalo pang umigting. Ang malamig niyang mga mata ay nakatuon kay Diana, puno ng pang-aasar..“Paano? Mas kilala mo pa ba kaysa sa akin ang sarili kong gusto? Nasubukan mo na ba ako?”Namula si Diana, napalunok ng wala s

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 97

    Wala siyang magagawa; kung hindi pipirmahan ang kontrata, hindi siya makakaalis. Ramdam niya ang matalim na tingin nina Jenny at Timothy kahit hindi niya sila tinitingnan—parang tinutusok ng karayom ang kanyang balat.Ganyan si Lander. Kung ipinasa nito sa kanya ang kontrata, malinaw ang ibig sabihin—ipinapakita nitong magkaalyado sila. Kung hindi, bakit ipababasa sa kanya ang ganito kahalagang dokumento?Matapos ang konting pag-aalinlangan, inabot niya ang kontrata at pinilit na basahin. Pagkaraan, mahina niyang sinabi kay Lander.. “Mr. Sales, natapos ko na pong basahin. Wala pong problema.”Iwinagayway lang ni Lander ang kamay. “Okay, pumirma ka na.”Pagkapirma ng kontrata, hindi na nakapagpigil si Jenny at bumulong.. “Mag-usap lang kayo. Lalabas muna ako sandali para huminga.”Kinuha ni Timothy ang dokumento at tumingin kay Diana. Agad niyang naintindihan ang ibig sabihin—hindi siya puwedeng maunang lumapit, baka pagtawanan sila ni Amanda. Kaya maingat niyang sinabi.. “Puntahan

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 96

    Sinusubukang kumbinsihin ni Lander si Jenny, may bahagyang panlilinlang sa tingin.. “Ano sa tingin mo? Isipin mo muna.”Kinagat ni Jenny ang kanyang labi, malalim ang iniisip. Kung tatanggapin niya ang alok ni Lander, mas magiging maayos ang kanyang pag-usad sa LS, dahil ngayon, hindi na kayang makipag kumpetensiya ni Lide kay Lander.Ngunit sa Lide, may proteksyon siya mula kay Timothy, kaya mas madali ang lahat.Ngunit mas kaakit-akit si Lander, at narinig niya rin na malakas ang background nito—subalit misteryoso, wala pa ring nakakaalam kung saan talaga ito nanggaling.Mahalaga rin: kung mapansin siya ni Lander…Maingat na lumingon si Jenny kay Timothy, para bang humihingi ng kanyang opinyon. “Timothy, puwede ba akong sumubok muna kay Mr. Sales? Kung matututo ako ng mas marami roon, baka pagbalik ko, mas maayos kitang masuportahan at matulungan.”Nakangiti pa si Timothy nang una, pero agad din iyong napalitan ng pagsimangot.. “Tatargetin mo talaga ang LS?”Alam ng lahat na kapa

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 95

    Naabala si Amanda sa eksena at napabuntong-hininga, saka lihim na kinumpirma sa sarili.. “Talaga, magaling itong babae, Diana. Siguradong hindi mo siya matatalo. Baka pati sa proyektong ito, mapalitan ka pa. Ang mga lalaki, hindi matiis kapag may babaeng nagpapa awa—at mukhang hindi mo kaya ang ganitong estilo.”Hindi talaga makapagsalita si Diana. Sino ba ang makakapag akala na kayang ibaba ni Jenny ang kanyang pride at umiyak pa sa harap ni Lander?At ang pag-iyak niya’y parang luha ng isang bulaklak—malambing, halos kaawa-awa—isang eksenang mahirap tabunan ng anumang panunukso.Nilingon niya si Lander. Hindi ito agad nag-react, at doon niya nakita ang pagkakataon.Hindi napigilan ni Diana ang pisilin ang sariling palad habang matalim na naka-focus ang malamig at malinaw niyang mga mata kay Lander. Kung bigla nitong babaguhin ang isip, mawawala nang lahat ang pinaghirapan niya noon.Mataas ang kilay ni Lander, matalim ang mata, malinaw ang mga linya ng mukha—isang hitsura na nakaka

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status