Startseite / Mafia / Punished By The Mafia Billionaire / 1 Broken Before Brave (Sky's POV)

Teilen

Punished By The Mafia Billionaire
Punished By The Mafia Billionaire
Wildrooster

1 Broken Before Brave (Sky's POV)

last update Veröffentlichungsdatum: 06.07.2026 08:07:31

"Ma... huwag mo akong iiwan."

Yun ang huling sinabi ko habang mahigpit kong hawak ang malamig na kamay ng nanay ko.

Labindalawang taong gulang lang ako noon.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang daming tao sa maliit naming sala. May umiiyak. May nagdadasal. May kapitbahay na paulit ulit akong inilalayo sa kama.

Ayoko.

Gusto kong manatili sa tabi ni Mama.

"Mahal... alagaan mo ang papa mo."

Mahina ang boses niya pero malinaw.

Napailing ako habang umiiyak.

"Hindi. Ikaw ang mag aalaga sa amin."

Ngumiti siya. Mahina. Pagod.

"Ikaw ang pinakamatapang kong anak."

Hindi ko na napigilan ang hikbi.

"Ayaw kong maging matapang... gusto ko lang maging anak."

Dumampi ang palad niya sa pisngi ko.

"Balang araw... may taong magmamahal sa'yo kahit hindi ka na kailangang lumaban."

Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin.

Hindi ko na rin natanong.

Dahil iyon na ang huling pagkakataong narinig ko ang boses niya.

Unti unting bumagsak ang kamay niyang hawak ko.

"Mama?"

Hindi siya sumagot.

"Mama?"

Mas lumakas ang iyak ko.

"Mama... gising na..."

May humila sa akin.

May yumakap.

May nagsabing wala na raw siya.

Hindi ako naniwala.

Hanggang sa isinara nila ang kabaong.

Doon ko lang tinanggap.

Patay na ang nanay ko.

Pagkatapos ng libing, parang kasabay ding nailibing ang dating tatay ko.

Dating masayahin si Papa.

Mahilig siyang kumanta habang nagluluto.

Mahilig siyang magbiro kahit wala namang nakakatawa.

Pero isang gabi, umuwi siyang may dalang baraha.

Kinabukasan, may mga tiket sa sabong.

Sumunod, may online betting.

Hanggang sa halos gabi gabi na siyang wala sa bahay.

Noong una, nananalo siya.

May pagkain kami.

May pambayad ng kuryente.

May bagong sapatos pa nga ako.

Akala ko magiging maayos na ulit.

Mali pala.

Habang lumalaki ang panalo, mas lumalaki rin ang pustahan.

At nang magsimula siyang matalo...

Hindi na siya tumigil.

Unti unting nawala ang telebisyon.

Sumunod ang motor.

Sumunod ang ref.

Hanggang isang araw...

Pag uwi ko galing school...

Wala na ang maliit naming sofa.

Napaupo ako sa sahig.

"Papa... nasaan ang gamit natin?"

Hindi siya tumingin sa akin.

"Naisanla."

"Bakit?"

"Kailangan kong bawiin."

"Paano kung matalo ulit?"

Tumayo siya.

"Mananalo ako."

Yun ang paulit ulit niyang sinasabi.

Hindi na dumating ang panalong hinihintay niya.

Labingwalo na ako nang tuluyan akong huminto sa pag aaral.

Hindi dahil tamad ako.

Kundi dahil wala nang pambayad.

Naghanap ako ng trabaho.

Crew.

Promodiser.

Cashier.

Lahat sinubukan ko.

Lahat kulang.

Hanggang sa isang gabi...

May lasing na lalaki ang humawak sa braso ko sa convenience store.

"Magkano ka?"

Hindi ko siya sinagot.

Mas hinigpitan niya ang hawak.

"Walang angal."

Hindi ako umiiyak.

Hindi ako nagsisigaw.

Diretso ko lang siyang sinuntok.

Bumulagta siya sa sahig.

Tahimik ang buong tindahan.

May lumapit na lalaking naka itim.

Malaki ang katawan.

Nakangiti.

"Ikaw ba ang sumuntok?"

"Oo."

"Hindi ka natakot?"

"Bakit ako matatakot?"

Tumawa siya.

"Gusto mo bang maging bouncer?"

Tatlong taon ang lumipas.

Ngayon...

Kapag narinig ng mga siga ang pangalan kong Sky Cruz...

Kusang bumabait ang karamihan.

Hindi dahil sikat ako.

Kundi dahil alam nilang hindi ako mahilig makipag usap.

Mas mabilis akong makipagsuntukan.

"Sky!"

Lumingon ako.

Si Candy.

Bitbit ang dalawang milk tea.

"Aba... buhay ka pa pala."

Inirapan ko siya.

"Gusto mo'ng drinks?"

"Sure ba? Libre mo?"

"Libre ko."

Kinuha ko rin.

Ngumisi siya.

"May bagong viral video ka."

"Ano na naman?"

"Inupload nung lalaking binato mo ng basurahan."

Napapikit ako.

"Kasalanan niya."

"Oo na. Pero ang comments..."

Binuksan niya ang cellphone.

Binasa niya nang malakas.

"'Asawahin ko na si ate bouncer.'"

Napangiwi ako.

"May isa pa."

"'Kapag si Sky ang girlfriend mo, safe ka sa holdaper.'"

Napatawa ako kahit ayoko.

Tinuro ako ni Candy.

"Ayan. Marunong ka pa palang ngumiti."

"Huwag kang maingay."

"Miss ka yata ng mga lasing."

"Mas miss nila ang kamao ko."

Bigla kaming nagtawanan.

Hindi ko alam...

Na iyon na pala ang huling araw na matatawa ako nang walang kapalit.

Dahil pagsapit ng gabi...

May lalaking papasok sa nightclub.

At isang suntok lang mula sa akin...

Ang tuluyang babaliktad sa buong buhay ko.

"Sky... may bagong VIP na dumating. Ikaw ang bahala sa kanya."

"Sky... may bagong VIP na dumating. Ikaw ang bahala sa kanya."

Napabuntong hininga ako habang isinuksok ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko.

"Ako na naman?" reklamo ko.

Tumawa ang manager naming si Boss Nestor.

"Ikaw lang ang kayang sumupalpal sa mga feeling hari."

"Kapag may sumuntok sa'kin, ibabawas mo sa sweldo ko?"

"Kapag ikaw ang nanuntok, baka dagdagan pa kita."

Napailing ako.

"Napakagandang motivation."

Naglakad ako papunta sa entrance ng nightclub.

Bumungad agad sa akin ang maingay na tugtog, kumikislap na ilaw, at halo halong amoy ng alak at mamahaling pabango.

Ito ang mundo ko.

Magulo.Maingay.

Pero kontrolado.

At trabaho kong siguraduhing walang sisira sa gabing binayaran ng mga customer.

"Sky!"

Lumingon ako.

Si Candy.

May hawak na tray ng cocktails habang nakangisi.

"May challenge ako."

"Ano na naman?"

"Kapag walang nasuntok ngayong gabi, libre kitang samgyup."

Napairap ako.

"Kapag may nantrip?"

"Libre mo ako."

"Talo ka."

"Tingnan natin."

Tinapik niya ang balikat ko bago naglakad palayo.

Hindi pa man ako nakakalayo ay may narinig na akong sigawan.

"Hoy! Bitawan mo ako!"

Napalingon ako.

May lasing na lalaki ang pilit hinihila ang isang waitress papunta sa mesa nila.

Diretso akong lumapit.

"Boss."

Hindi siya lumingon.

Mas hinigpitan pa niya ang hawak sa braso ng waitress.

"Busy ako."

Tinanggal ko ang kamay niya.

"Ngayon, hindi ka na."

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ikaw ba ang bouncer?"

"May problema?"

Ngumisi siya.

"Akala ko lalaki."

"Marami nang nagkamali diyan."

Tinulak niya ako.

Hindi ako gumalaw.

Napakunot ang noo niya.

"Anong klaseng babae ka ba?"

"Yung hindi pumapayag na bastusin ang staff."

Tumawa ang mga kasama niya.

Isa sa kanila ang nagsalita.

"Pare... alis na tayo. Siya yata si Sky."

Nawala ang ngiti ng lalaki.

"Siya yung..."

"Oo."

Bigla niyang binitawan ang waitress.

"Sige na nga."

Tumalikod silang lahat.

Huminga nang malalim ang waitress.

"Thank you, Ate Sky."

"Magtrabaho ka na."

"Opo."

Pagkaalis niya, lumapit si Candy.

"Hindi ka pa rin nagbabago."

"Hindi dapat."

"Alam mo... minsan isipin mo rin ang sarili mo."

Napatawa ako.

"Kapag naisip ko ang sarili ko, sino ang magtatanggol sa kanila?"

Hindi siya agad sumagot.

Hinampas lang niya nang mahina ang braso ko.

"Heroine ka talaga."

"Hindi."

"Tigas ulo lang."

Bago pa kami makapagbiruan ulit, nagvibrate ang cellphone ko.

Papa.

Napapikit ako bago sinagot.

"Ano?"

"Sky..."

Paos ang boses niya.

"May kailangan lang ako."

"Wala akong extra."

"Hindi pera."

"Sigurado?"

"Totoo."

Tumahimik ako.

Kilala ko ang tatay ko.

Kapag sinabing hindi pera ang kailangan...

Pera pa rin ang dulo.

"Anong gusto mo?"

"Pwede ba kitang makita bukas?"

"Bakit hindi ngayon?"

May ilang sandaling walang nagsalita.

"Sige na bukas."

Pinatay niya ang tawag.

Napakagat ako sa labi.

May kakaiba.

Hindi siya ganoon magsalita.

Parang may itinatago.

"Problema?" tanong ni Candy.

"Si Papa."

"Utang nanaman ?"

"Parang."

"Sky..."

"Huwag."

"Hanggang kailan mo siya sasaluhin?"

Hindi ako nakasagot.

Dahil hindi ko rin alam.

Mahal ko ang tatay ko.

Pero nakakapagod nang paulit ulit siyang bumagsak habang ako ang sumasalo.

Binalik ko ang cellphone sa bulsa.

"Trabaho muna tayo bhe."

Tumango si Candy.

"Sige."

Hindi pa man kami nakakahakbang ay may malakas na kalabog.

Isang customer ang tumilapon sa harap namin.

Napatigil ang lahat.

May isa pang lalaki ang sumugod.

Diretso kong hinarang.

"Tigil."

"Huwag kang makialam."

"Trabaho ko ito."

Sinuntok niya ako.

Nakaiwas ako.

Hinawakan ko ang braso niya saka ko siya itinulak pabalik.

"Labas."

"Hindi ako lalabas!"

"Sige."

Hinila ko siya papunta sa pinto habang nagmumura siya.

Pagdating sa labas, binitawan ko siya.

"Bawal ka na rito."

"Angas ah?! babae ka lang, akala mo kaya mo ako?"

Napangiti ako.

"Hindi."

Bigla siyang sumugod.

Mabilis kong naiwas ang katawan ko.

Nawalan siya ng balanse at dumiretso ang mukha niya sa nakaparadang basurahan.

Napatawa ang mga taong nasa labas.

Tumayo siyang puno ng galit.

"Babalikan kita!"

"Kumuha ka muna ng sabon."

Mas lumakas ang tawanan.

Pagpasok ko ulit sa nightclub, nakataas na ang dalawang kamay ni Candy.

"Champion!"

"Huwag kang maingay."

"Libre na naman ang entertainment."

Napailing ako.

Ito ang dahilan kung bakit bihira akong seryosohin ng mga kaibigan ko.

Kapag may gulo...

Ako ang unang tinatawag.

Kapag tapos na...

Ako rin ang unang inaasar.

Lumapit si Boss Nestor.

"Good job."

"May Bonus?"

"Salamat."Tinalikuran ako ng mokong kong boss

"Kuripot." Napanguso kong sagot.

Tumawa siya.

"Sky."

"Ano?"

"May isa pang paparating."

"VIP?"

Tumango siya.

"Personal request."

"Kaninong request?"

"May nagbilin lang."

Napakunot ang noo ko.

Hindi karaniwan iyon.

Lahat ng VIP dumadaan sa reservation.

Bakit may personal request?

May dumating na itim na sasakyan sa harap ng entrance.

Tahimik ang paligid.

Hindi dahil sa utos ko.

Kusang tumigil ang mga valet na parang kilala nila ang bagong dating.

Napatingin ako sa pinto ng sasakyan.

Unti itong bumukas.

May lalaking bumaba.

Simple ang suot.

Itim na polo.

Rolyo ng manggas.

Walang bodyguard na katabi.

Pero kakaiba ang tindig niya.

Naglakad siya papunta sa entrance na parang wala siyang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanya.

Huminto siya sa harap ko.

Nagtagpo ang mga mata namin.

Bahagya siyang ngumiti.

"Ako yata ang hinihintay mo."

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • Punished By The Mafia Billionaire   60 Final Epilogue (Sky)

    "Huwag mong sabihing nagdadrama ka na naman habang nakatitig sa portrait natin sa pader, Henry Zobel?" tanong ko habang pumasok sa malawak at tahimik na library ng aming estate, bitbit ang dalawang tasa ng mainit na kape habang nakatapis ng malambot na silk robe."I am not dramatic, Sky... I am simply reflecting on how a single punch in a dimly lit VIP lounge saved my entire existence," pabulong na sagot ni Henry habang mabilis na pumupwesto sa likod ko.Inabot niya ang aking baywang gamit ang dalawa niyang malalakas na bisig, isinisiksik ang kanyang mukha sa leeg ko habang inilalapat ang kanyang mga labi sa aking balat. Napaipit ako ng hininga sa matinding kilig na patuloy na gumuguhit sa buong katawan ko sa tuwing hinahawakan niya ako nang ganito kahigpit."Isang taon na ang nakakalipas simula nang ipanganak ko si Luna, pero parang kahapon lang nung pumasok ako rito sa bahay mo bilang isang galit na maid na gustong sumipa ng bilyonaryo," biro ko habang ipinapatong ang ulo ko sa kany

  • Punished By The Mafia Billionaire   59 Family Portrait (Sky)

    "Candy, maawa ka naman sa pamilya ko at ibaba mo muna 'yang ring light mo dahil halos mabulag na si Baby Luna sa sobrang liwanag!" sigaw ko habang pilit kong iniaayos ang maliit na headband sa ulo ng aming anak sa gitna ng napakalaking living room ng Zobel Estate."Gurl, once in a lifetime moment 'tong grand family portrait natin status! Kailangan aesthetically perfect ang lighting para flex-able sa buong mundo!" ganti ni Candy habang inaayos ang anggulo ng tripod at pinandiditan ng mata ang hired royal photographer."Candy is right, Sky... we need this picture to be flawless," singit ni Henry habang mabilis na lumalapit sa kinaroroonan ko, suot ang kanyang tailored charcoal suit na walang kahit isang lukot."Flawless ka d'yan! E, limang beses mo na kayang pinalitan 'yang necktie mo dahil sinasabi mong hindi pantay ang tupi!" pambabara ko habang pinagmamasdan siya."Because everything about my family deserves perfection, Mrs. Zobel," seryoso at napakalambing na pabulong na sabi ni Hen

  • Punished By The Mafia Billionaire   58 Anniversary Tradition (Sky)

    "Huwag mong sabihing balak mo talagang pumasok sa VIP entrance ng nightclub na 'to habang nakasuot ka ng ganyang kasosyalyang suit, Henry Zobel?" tanong ko habang nakatayo kami sa tapat ng kilalang bar sa gitna ng Bonifacio Global City, nakatitig sa makukulay na neon lights na nagre-reflect sa basang kalsada."This is our anniversary tradition, Sky... at kahit anong isuot ko, ako pa rin ang lalaking hinding-hindi makakalimot sa gabing pumasok ako sa pintuang iyan at natanggap ang pinakamasakit na suntok sa buong buhay ko," sagot ni Henry habang hinahawakan ang baywang ko mula sa likod at inilalapit ang kanyang katawan sa akin."Aba! Ipinagmamalaki mo pa talaga 'yang pasa sa mukha mo noon ah!" pambabara ko habang pilit na iniiwas ang mukha ko sa mainit niyang hininga na dumidikit sa balikat ko."That punch was the best thing that ever happened to me, Mrs. Zobel... it brought me back to life," pabulong niyang ganti sabay halik sa gilid ng leeg ko, dahilan para mabilis na tumibok ang pus

  • Punished By The Mafia Billionaire   57 The Labor Day (Sky)

    "Henry Zobel! Pumutok na ang panubigab ko, kaya pakiusap lang, bilisan mo 'yang pagmaneho mo sa manibela at tulungan mo akong huminga bago kita masakip sa leeg!" sigaw ko habang nakahawak nang napakahigpit sa passenger seat handle ng kanyang kulay itim na sports car, halos mapapikit ako sa matinding kirot na gumuguhit sa ibabang bahagi ng aking tiyan."Sky! Stay calm! I am driving as fast as I can! Mateo, clear the entire highway right now!" sigaw ni Henry habang hawak ang steering wheel gamit ang nanginginig niyang kanang kamay habang ang kabilang kamay niya ay nakadiin sa kanyang phone na nakaspeaker."Sir Henry, pinalabas ko na ang tatlong convoy para harangan ang trapiko patungong St. Luke's! Naka-standby na ang buong medical team sa emergency bay!" mabilis at nanginginig ding sagot ni Mateo mula sa kabilang linya.Ang makina ng luxury car ay yumugyog sa matinding bilis habang winawasak ni Henry ang bawat red light sa kahabaan ng BGC. Ang gabi ay napakadilim, ngunit ang mga ilaw m

  • Punished By The Mafia Billionaire   56 Cravings & Chaos (Sky)

    "Henry Zobel, gising! Kapag hindi ka bumangon sa higaan na 'yan sa loob ng tatlong segundo, isusumpa ko talaga na hindi ka na makakalapit sa akin kahit kailan!" sigaw ko habang nakatayo sa tabi ng napakalaking kama, nakapamaywang habang hawak ang aking tiyan sa gitna ng matinding dilim ng madaling-araw."Sky... anong nangyari? May masakit ba sa'yo? Nararamdaman mo na ba ang baby?" nanginginig at nagpapanic na tanong ni Henry habang mabilis na napaupo sa kama, nanlalaki ang mga mata sa matinding takot habang gulong-gulo ang kanyang buhok."Walang masakit sa akin! Ang kailangan ko ngayon din ay chocolate-coated pistachio mochi at fried ampalaya na may maraming bawang!" giit ko habang nakatitig nang matalim sa kanya."What? Sky, alas-tres pa lang ng madaling-araw... saan ako makakahanap ng ampalaya at pistachio mochi sa ganitong oras?" pabulong at naguguluhang tanong ni Henry habang napapahawak sa kanyang noo."Gagawa ka ng paraan! Bilyonaryo ka, 'di ba? O baka naman gusto mong ang anak

  • Punished By The Mafia Billionaire   55 Surprising News (Sky)

    "Candy, pakiusap lang, sabihin mo sa akin na mali ang nakikita kong dalawang kulay rosas na linya sa maliit na stick na ito dahil baka makapanuntok ako ng pader ngayon din!" sigaw ko habang nakatayo sa loob ng banyo ng master bedroom, nanginginig ang buong kamay habang nakatitig sa dalawang pregnancy test kits na nakapatong sa lababo."O'em-gee, Sky Cruz! Dalawang linya talaga as in positive status! Magiging mommy ka na uli! Kakaloka ka, gurl, totoong may panibagong baby Zobel na ngang darating sa mundo!" tili ni Candy mula sa pintuan ng banyo habang patalon-talon sa labis na katuwaan."Huwag ka ngang magtili diyan, Candy! Nahihilo na nga ako sa amoy ng pabango mo, dadagdagan mo pa ang ingay!" saway ko habang napapahawak sa aking tiyan na tila biglang nag-alburoto ang sikmura.Ang buong kapaligiran ay parang umikot nang napakabilis sa mga sandaling iyon. Pagkatapos ng ilang linggong pakiramdam na palaging pagod, mabilis na pag-init ng ulo, at kakaibang pagkahilo tuwing umaga na itinut

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status