"I will accept, but on my own terms, Henry."Tumingin ako sa kanya nang direkta. Hindi ako pwedeng magpakita ng takot. Kung gusto niyang maging nanny ako, gagawin ko iyon, pero hindi ako papayag na maging sunud-sunuran lang sa lahat ng gusto niya. Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng isang kilay niya. Mukhang hindi niya inaasahan na may lakas pa ako ng loob na magbigay ng kondisyon."What terms, Sky?" tanong niya habang inilalagay ang mga kamay sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon."Una, huwag mo akong tratuhin na parang alipin pagdating sa anak mo. Pangalawa, kailangan kong makita si Papa kapag kailangan. At pangatlo, huwag kang makikialam sa paraan ko ng pagdidisiplina kay Zac."Tumitig siya sa akin nang matagal. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Sa bawat segundo na lumilipas, parang bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa wakas, tumango siya."Fine. You have my word. Pero tandaan mo, Sky, kapag may nangyaring masama sa anak ko, ikaw ang mananagot."Tumalikod na siya at naglakad pala
Last Updated : 2026-07-07 Read more