Share

RAW AND OLDER
RAW AND OLDER
Author: JET HERRERA

Prologue

Author: JET HERRERA
last update Huling Na-update: 2025-11-16 20:01:07

October 12, 201* Patikul Sulu

HINDI ako màmamatay. Not now. Iyon ang paulit-ulit na usal ni 1LT Lark Adriel Calumpang o LA sa kanyang isip.

Napapikit siya nang mariin. Parang dinaganan ng pison ang kanyang balikat—sobrang sakit niyon.

Pabalik na sila sa detachment kasama ang team niya sa mula sa tatlong araw nilang parameter patrol. May isinagawa kasing activity ang Philippine Marine Corps sa Patikul at sila ng team niya ang ipinadala para mag-provide ng security sa area. Binigyan siya ng dalawampung tropa na kasama niya sa mission na iyon.

Mula sa malayo ay may namataan silang mga àrmadong tao. Akala nila noong una ay mga tropa iyon dahil nakasuot ang mga ito ng military uniform. Their uniforms are authentic, the men were not.

Pinapútukan sila ng mga ito kaya gumanti rin sila. Nasa isang daan yata ang mga kalaban. Makalipas ang halos kalahating oras ng sàgupaan ay tinàmaan si LA sa kanyang balikat.

But they managed to pull off an unbelievable feat despite being outnumbered. Iyon nga lang nalagasan sila ng kasama kaya hindi na niya nilagay sa category na ‘success’ ang lakad na iyon.

“Sir!” Narinig niyang tinawag siya ng isa sa mga tropa niya.

LA tried to focus his eyes on one of his men—PFC Napoleon Rivero— and he swam in and out of his vision.

“A-any word from them?” tanong niya rito.

Sa isang section na binuo niya, si Napoleon o Leon lang ang hindi tinamaan ng bala.

“Malayo sila, sir. ETA, fifteen minutes. Mukhang mauuna pang darating ang backup ng kalaban kaysa sa backup natin,” sabi ni Leon. “Ano’ng gagawin natin, sir?”

“Hold the line!” matigas niyang bilin rito kasabay ng pagngiwi dahil sa sakit na nararamdaman. Impit siyang napàungol.

“Sir!” Dinaluhan siya ni Leon. “Ayos ka lang?”

“Nabingi ka na ba sa pútukan at hindi mo narinig ang mga instructions ko?” Pinilit niyang maging ma-otoridad ang boses kahit pakiramdam niya ay nanunuyo na ang kanyang lalamunan.

Sa balikat lang ang kanyang tama pero ramdam niya ang malagkit na likido hanggang sa kanyang tiyan.

Napatingin siya sa kanyang kanan. Nkahandusay sa gilid niya si Corporal Marky Torres.

Habang nilalapatan niya ito ng first aid kanina ay sumúka ito ng dugo. Nagmakaawa ito sa kanya na dalhin niya ito sa ospital. Nagmakaawa ito na gusto pa nitong mabuhay. Nasa bingit ito ng kàmatayan nang banggitin nito asawa at mga anak nito.

Nang ipangako niya rito na hindi niya pababayaan ang pamilya nito, he saw him smile. Hindi siya nakakurap, binawian ito ng buhay.

Siya ang opisyal kaya responsibilidad niya ang mga ito.

Nanikip ang dibdib niya sa mental picture na kanyang nabuo. Ano ang sasabihin niya sa asawa ni Torres? Paano niya sasabihin sa mga anak nito na mabubuhay ang mga ito sa mundo na hindi na makakasama ang ama kahit kailan?

Pumasok bigla sa isip niya na kung makakaligtas siya ngayon, hindi siya mag-aasawa. Hindi rin siya magkakaroon ng anak!

“Sir, may pulso ka pa ba?” tanong sa kanya ni Leon.

LA closed his eyes, struggling to think clearly. “Give me… a minute,” kinakapos ang hininga niyang sabi. Lumunok siya. “B-bumalik ka na do’n sa puwesto mo,” utos niya kay Leon.

Tumalima naman ito kaagad.

Nakaramdam na si LA ng panghihina. Dapat within three minutes nandoon na ang mag-i-evacuate sa kanila. Dahil kapag nagtagal pa ang mga ito, baka mamatay na siya. Hindi pa niya nasi-secure ang mga tropa niya. Hindi niya iyon matatanggap kapag nàmatay siya sa ganoong sitwasyon.

“Kapag marami ang dumating, baka hindi ko kayanin na i-hold itong kagandahan kong posisyon, sir,” sabi ni Leon. Nasa gilid ito ng isang malaking puno.

“K-kinse minutos lang ang igugugol mo,” hirap na hirap niyang sabi. “Just hold it.”

“Paanong pag-hold, sir? Higpitan kagaya sa mga babae?” tanong ni Leon.

Aba ang loko naisipan pang magbiro, nag-aagaw buhay na nga siya! Pero nagpapasalamat din siya rito dahil nakikinig naman pala ito sa discussion ng first aid dati.

Tinalian nito ang paa ni Private Esteban Degara na tinamaan ng bala ng hemorrhage control bandage. Tinapalan nito ng combat gauze ang mga sugat ni Private First Class Danillo Almanzor o Thirdy. Tinapalan din nito ang sugat niya pero hindi dumikit ang gauze dahil basa ng dugo ang balat niya.

Abot-langit na ang pag-aalala ni LA. Kung siya lang, tatanggapin niyang màmamatay na siya. It was his ethos as a soldier. Pero sina Thirdy at Esteban na daig pa ang may scholarship foundation sa dami ng pinapaaral, kailangang mailigtas ang mga tropa niya.

Lagpas alas-kuwatro na ng hapon. Kapag sumapit ang alas singko, wala nang helicopter na mag-i-evacuate sa kanila.

“Sir, kapag nàmatay ako, ikaw na ang bahalang mag-alaga sa mga kalabasa at saluyot kong tanim sa detachment, sir, ha?” sabi ni Thirdy. Pawis na pawis na ito at hinihilamos na nito ang sariling dugo. Dahil ang kamay na nilagay nito sa pressure sa sugat nito kanina ay iyon din ang kamay na pinapahid nito sa mukha nitong pinagpapawisan.

“You’re going to pull through. Put your trust on your gún and búllets,” sabat ni Leon habang sinisipat ang hawak na rifle.

“Hindi nga ako mauubusan ng bàla pero baka maubusan naman ako ng dúgo,” sabi ni Thirdy.

Pumalatak si Leon. “Eh di put your trust on science. On your blóod type.”

“T-tumigil nga kayo. Hindi tayo màmamatay rito,” saway ni LA sa mga ito.

“Oorah!” sabay na sigaw nina Leon at Thirdy.

Gusto niyang sumigaw din ng “Oorah!” pero pakiramdam niya ay sisirit ang dúgo mula sa kanyang balikat kapag ginawa niya iyon. Gayunpaman, kahit na mahina ay sinabi niya pa rin iyon. Baka last ‘Oorah!’ na niya iyon.

Ayaw niyang isipin ang sinasabi ng mga senior niya na kapag màmamatay na ang isa tao, kung ano-ano na ang sinasabi nitong mga habilin. Kahit halos hindi na siya makagalaw, kailangang high morale pa rin. He can’t just deliver his men to an undertaker.

“I-ikaw na ang bahala sa lolo at lola ko kapag nàmatay ako dito, sir. May alkansiya ako sa may haligi namin. Ikaw na ang bahalang magbiyak no’n. Pero `wag masyadong malakas ang pagbiyak baka matumba ang bahay namin. Pakibigay na lang ho kina Lolo ang pera. Baka kasi hindi ako makaakyat sa langit kapag hindi nila nakita ang kayamanan na iiwan ko sa kanila. Magiging pagala-gala akong kaluluwa, sir,” sabi naman ni Esteban o Tikboy.

Hawak-hawak nito ang paang tinamaan ng bala at ang kuwintas nito na may ngipin ng tikbalang. Anting-anting daw iyon.

Parang gusto na lang maiyak ni LA. Isang babaero, isang probinsiyanong lokoloko, isang marino na mahilig sa mga maligno, at isang bàngkay ang nakapalibot sa kanya. Mamamatay na yata talaga siya!

Nawawalan na siya ng pag-asa nang marinig niya ang tunog ng helicopter. Napakurap-kurap si LA. Baka nagdedeliryo na siya at tunog ng bangaw lang ang naririnig niya.

“Nandito na ang sundo natin, sir!” sigaw ni Leon.

Mayamaya pa ay nilapitan siya nito at inalalayan para tumayo.

“U-nahin mo sina Almanzor at Degara na isakay sa helicopter,” nakapikit niyang utos rito.

“Mauna na kayo, sir,” sabi ni Thirdy. “Kami ang bahala sa cover sakaling dumating ang mga kalaban.”

Ayaw pumayag ni LA. Kailangang unahin ang mga tropa niya. Kaya pa niya naman ang kanyang sarili.

“Unahin mo—” Naputol ang pagsasalita niya nang buhatin siya ni Leon na parang isa siyang sako ng palay.

-----

October 15, 201* V Luna

“SIR, GISING na po ba kayo? May bisita kayo sa labas.”

Dumilat ang mga mata ni LA nang narinig niyang may nagsasalita. Boses iyon ng isang babae. Pero pumikit rin ulit ang mga mata niya nang kusa. Kahit gusto niyang dumilat ay hindi niya magawa.

“Lieutenant Calumpang?”

Pinilit ni LA na idilat ang mga mata kahit kalahati lang niyon. Babae kasi talaga ang nagsasalita. Paano nangyari na may babae sa quarter niya?

Naaninag niya ang isang babae na nakatunghay sa kanya. Nakasuot ito ng puting damit.

“Si-sino ka?” tanong niya rito.

“Ako ang nurse ninyo, sir.”

Nurse? Bakit may nurse sa quarter niya? Pinilit niyang iginala ang paningin sa paligid. Puro puti iyon. Eh, plywood lang naman na walang pintura ang dingding ng quarter niya.

Nasaan ba siya? Gusto niyang magtanong rito pero natuyo na ang lalamunan niya.

“U-uhaw. Tubig.” Hirap na hirap niyang sabi sa babae.

“Anak kooooo!” Isang matinis na boses ang nag-echo sa loob ng silid na iyon nang bumukas ang pintuan. “I’m glad you’re awake.”

Isang babae na parang dadalo sa meeting ang pumasok. Ang mommy Jellaine niya! Nagtaka si LA. Paano napunta sa Patikul ang mommy niya?

Teka nga. May hindi tumutugma.

“Nasaan ba ako?” tanong niya sa ina.

“Nasa ospital ka, anak. Sa V Luna. Plano nga sana namin na ilipat ka sa private hospital at kunan ka ng private doctor pero ngayon ka lang gumising. At ngayong gising ka na, babawiin na kita mula sa Philippine Marine Corps,” tugon ng kanyang ina nang makalapit ito sa kanya.

And then his mother turned into full lawyer mode.

Pero ano daw? Nasa V Luna siya? Paano siya napunta doon? Kanina lang ay nasa Patikul siya.

“Two days ka na rito, anak. Kung hindi nagwala ang daddy mo ay hindi ka pa in-airlift papunta dito para maoperahan sa balikat,” umiiyak na sabi ng kanyang ina.

Tama! Tinamaan nga siya ng bala! Sa balikat niya. At hindi lang siya ang may tama.

“Mi, nasaan po ang mga kasama ko? Sina Almanzor at Degara?” nag-aalala niyang tanong.

“Nasa ward sila.”

“Bakit sa ward lang?” Nadagdagan ng disappointment ang pag-aalala niyang nararamdaman.

“Gusto nila doon, anak. Hindi naman daw malubha ang tinamo nilang sugat. Mas kailangan daw ng ibang sundalo ang silid dito sa ospital.”

“Kung gano’n, magpapalipat na rin ako sa ward. Kailangan magkasama kami.” Nagtangka siyang bumangon.

“Hindi puwede. Mainit doon,” pigil nito sa kanya.

At nangibabaw na naman ang pagiging maarte ng mommy niya. Noong nasa Sulu siya ay nagpapadala ito ng mga pagkain, gamot, hygiene kits at mga skin care products sa detachment nila. Ibinabahagi niya iyon sa mga kasamahan niya at daig pa tuloy nila ang mga babae na ilang layer ang produkto na pampaganda na nilalagay sa mukha. Pati aircon ay ipinadala nito dahil baka naiinitan daw siya.

“Kailangan kong malaman kung ayos lang ba sila, Mi,” pamimilit niya.

“Stay on your bed. Look at your heartrate…” Natatarantang tumingin ang mommy niya sa cardiogram. “It’s going up!”

“It’s because I’m alive,” rason niya rito.

“Stop it!” Pinandilatan siya nito kahit na basa ang mga mata nito.

“Okay, I’ll stay,” pagsuko ni LA. Nanghihina pa rin kasi ang pakiramdam niya. Lalo na nang maalala ang isa niyang tropa. “Si…si Torres, Mi?” tanong niya na lalong nagpalakas sa nguyngoy ng kanyang ina.

Hell! Pumikit nang mariin si LA at pinakalma ang sarili. “`Yong mga gamit ko po. Ang cell phone ko?”

“Wait.” Naghalungkat ang mommy niya sa bag na nasa upuan. “Sino ba kasi ang tatawagan mo? May girlfriend ka na ba?” usisa nito.

“Tatawagan ko ang tropa ko na naiwan sa detachment, Mi.”

Sumimangot ito at tumalim ang tingin sa kanya.

“Can you kick that habit of yours? For once, unahin mo naman ang sarili mo. Kakalabas mo lang sa operating room,” sermon nito sa kanya.

Ramdam niya ang galit sa boses ng kanyang ina pero hindi naman niya puwedeng pabayaan ang kanyang mga tropa kahit na sigurado siyang may kapalit na siya bilang platoon leader.

“Kailangan ko lang silang i-check…” mahina ang boses niyang sabi sa ina.

Bumalik ito sa kama niya at inabot sa kanya ang cell phone. Iyong keypad. Mabuti at hindi na-lowbat.

“Here. `Wag kang masyadong gumalaw baka bumuka ang sugat mo.”

Nanghihina ang kamay niyang tinanggap ang cell phone. Hindi siya puwedeng magpakita na nasasaktan siya sa harap ng mommy niya. Baka bumaha ng luha sa V Luna. Hinanap niya ang numero ni Leon.

“Sir!” bungad kaagad nito sa kanya nang tawagan niya ito. “Kamusta na kayo? Kamusta si Thirdy? Inalagaan ko pala ang mga kalabasa niyang tanim, sir. Hinarvest ko na ang bunga. Kailan kayo babalik dito, sir? Magdala kayo ng litson manok pagbalik ninyo, ha? Boodle fight tayo. Nakapagluto na pala ako ng dinengdeng.”

Kahit papaano ay napangiti si LA sa biro ni Leon. He felt relieved.

“Dapat dito ka na lang sa Maynila magpa-assign para malapit lang sa amin at walang masyadong mga bàrilan,” kausap sa kanya ng ina nang matapos niyang makausap si Leon.

“Hindi puwede ang gano’n, Mi,” maikli at magalang niyang sagot dito. Dahil alam naman niyang kahit ano ang paliwanag niya, hindi nito mauunawaan iyon. Because his mother always refused to understand his chosen profession.

“Dito ka na magpa-assign. Hahanapan kita ng wife para hindi ka na pupunta sa Mindanao —”

“Hindi ako mag-aasawa, Mi!” bulalas niya.

“Mag-aasawa ka! I'll find you a fine and beautiful wife. Para hindi ka na aalis at matamaan na naman ng bàla.”

“Okay lang ako, Mi,” he assured his mother. “Thanks God I survived the many ‘moments of near-death’ experience.”

At kung nasawi man siya, at least wala siyang maiiwang asawa at anak na dadalaw sa kanya sa sementeryo.

He’s in vain? No. He’s happy with his military career and rifle. Too bad the soldier-rifle marriage is not legalized…

“No. Tingnan mo ang itsura mo. Hindi ka na makakilos masydao. You need a romance. And a wife,” pamimilit ng kanyang ina.

Umiling siya. “Ayaw ko, Mi. Romance and wife slows the búllets. So enough with this romance....and marriage. Hindi ako mag-aasawa,” pinal niyang sabi.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • RAW AND OLDER   Chapter 15 (Goodbye)

    SA EDAD na twenty seven ay hindi pa pumasok sa isip ni Mace ang mag-asawa. Mas excited pa siyang magsulat kaysa magkaroon ng karelasyon. Ang sabi ni Poppey at Kensi sa kanya, “Your novels can’t love you back.”. Pero sa isip ni Mace, iyon ang uri ng one-sided love na hindi siya masasaktan. Wala ring obligasyon sa pamilya o priority si Mace. May savings din naman siya at kung gugustuhin niyang magtrabaho ay puwede siyang maging cashier sa store nila. Hindi siya namomroblema financially. Wala rin naman siyang bad experiences sa pag-ibig. Pero siguro nga ay hindi pera at experience ang problema niya. Baka siya mismo. Ang mata niya. Ang puso niya. Pero kailan nga ba naging problema ang walang karelasyon? Masaya naman siya kahit wala siyang boyfriend. Wala siyang nakikitang guwapo na lalaki na nakakuha ng atensiyon niya. Ang guwapo lang para sa kanya ay ang mga hero na bida sa mga sinusulat niya. Kaya nga naghiwalay sila ng ex-boyfriend niyang si Trevor dahil sobrang lamig daw ng

  • RAW AND OLDER   Chapter 14 (Getting to know each other)

    Natawa si Iza. “Grabe ka naman maka-barangay. Pero since siya naman ang ama ng anak mo, hayaan mo na siyang panagutan ka niya. Pero siyempre kapag kasal na kayo, `wag kang papaapi.” Sumimangot si Mace. “`Wag na nga lang nating pag-usapan. Brainstorming ang meeting nating ito. Bakit naging marites-ing na `to?” sabi niya. Hinarap ni Iza ang laptop nito. “Ang sarap kasing pag-usapan ang love life ng iba.” “Life lang, walang love.” Umingos si Mace. Life din siguro na makasalanan. Isang malaking pagkakamali ang nangyari. Sinuway niya ang bilin ng mommy niya na huwag ibigay ang sarili sa isang lalaki unless kinasal na siya. Sinuway niya rin ang Ten Commandments. Bawal magnasa sa hindi mo asawa. At hindi sila mag-asawa ng ibon na iyon! Hindi niya rin alam bakit sa dinami-dami ng pangalan sa mundo, isinunod pa ng parents nito sa isang ibon ang pangalan ng lalaki. --- “MARICEL talaga ang pangalan mo at hindi Matilda?” tanong ni LA kay Maricel nang makipagkita siya rito. Na

  • RAW AND OLDER   Chapter 13 (Last name)

    “SURE KA BA? Pakakasalan ka talaga ng militar na iyon?” Nagulat si Mace nang sumulpot sa harap niya si Poppey. These past few days, parang nagiging jumpy siya. Kaunting tunog lang ng cell phone niya pati biglaang pagsulpot ng mga tao ay nabibigla siya. Naroon sila sa isang restaurant sa Timog Avenue para mag-lunch kasama ang co-writer niya na si Iza, si Xtine na isang fashion editor at suma-sideline rin sa pagiging writer. May pinag-uusapan kasi silang gagawin na series kaya napagpasyahan nilang magkita para sa brainstorming. The irony? Tungkol pa sa mga sundalo ang sinusulat nilang series! Ang totoo ay nai-chika niya na rin sa dalawa ang nangyari sa kanya sa kanilang group chat. Alam niyang hindi dapat pero hiningi niya ang opinyon ng mga ito. Ang sabi ni Iza, subukan niyang kausapin ang ama ng ipinagbubuntis niya, baka okay naman iyon at panagutan siya. Ang sabi naman ni Xtine ay huwag na niyang pilitin na pakasalan siya kasi nakakahiya. Ang lalaki dapat ang magyaya ng kasal s

  • RAW AND OLDER   Chapter 12 (Kulam)

    Napatingin si LA sa babaeng kaharap. Ang lakas naman ng loob nito na takutin siya. Pero kung ganoong pati battalion commander nila ay namomroblema sa problema niya, baka may kaya ngang gawin ang babaeng ito. Tumaas ang gilid ng labi ni LA sa mayabang na ngiti. “Women like you don’t scare me. Makapangyarihan ang pamilya ko. Marami akong kilala sa military. Baka bumaliktad ka lang.” Kapitan siya. May kapit ang kanyang ama. Sayang naman kung hindi nila gagamitin ang ranggo nila. Although sa isip ni LA ay ayaw niyang gawin iyon. Gusto lang niyang takutin ang babae. Baka kasi nagda-drama lang ito. Ang kaso, hindi man lang ito natinag. Mukhang totoo ngang buntis ito at siya ang ama. Hindi rin naman talaga impossible iyon lalo pa at hindi siya nagsuot ng proteksiyon sa unang beses na may nangyari sa kanila. “I don’t care. Makapangyarihan din ang pamilya ko,” sabi ng babae. “Lahi kami ng mangkukulam.” Ano raw? Kampon nga talaga ito ng dilim kung ganoon. “Hindi ako naniniwala sa man

  • RAW AND OLDER   Chapter 11 (Meet up)

    KINABUKASAN ay nakipagkita si LA kay Maricel. Nandoon siya sa isang fast food restaurant sa Libertad sa Pasay. Doon siya pinapunta ng babae nang tawagan niya ito. Nag-order siya ng Coke Float dahil ang tagal nitong dumating. Late na ito ng kinse minuto sa usapan nila. Hindi nagtagal ay bumukas ang entrance ng naturang fast food restaurant. Pumasok si Maricel. She's wearing a green shirt and pink capri pants. He has a feeling it's not her style, but she has definitely has style. Nagpalinga-linga ito sa paligid at napansin naman siya kaagad. Mukha itong hindi masaya nang makita siya. Mas lalo naman siya. Hindi na nga siya tumayo nang makalapit ito sa kanya. Sinulyapan niya ang suot na relo dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. “Thank you for waiting,” sa halip ay sabi nito kaysa batiin siya. Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Gusto niyang ipakita rito na labag sa kalooban niya ang pumunta doon. “Mabuti naman at nagpakita ka na. Hindi ka naman siguro katulad ng

  • RAW AND OLDER   Chapter 10 (It's decided)

    “Pakasalan na lang ninyo, sir,” sabi ni Thirdy. “Nakita namin `yong babae. Pabalik-balik dito. Mukha naman siyang matino.” “Paano mo naman nasabi? Nakipag-one night stand nga,” pakli niya. “Gano’n ka rin naman, sir. Nakipag-one night stand ka rin pero hindi naman maruming lalaki ang tingin namin sa `yo,” sabi ni Thirdy. “Oo nga. Hindi naman bumaba ang tingin namin sa inyo, sir,” segunda ni Tikboy. “Ikaw, Almanzor, kung may nabuntis ka bang babae pakakasalan mo siya kahit hindi mo mahal?” tanong niya kay Thirdy. Ilang tauhan niya na rin ang nakabuntis ng ibang babae—iyong iba nga ay may asawa pa— at siya palagi ang tinatakbuhan para sa advice. Pero ibang usapan na pala kapag siya na ang nasa sitwasyon. Hindi siya makapag-isip nang maayos. “Eh, hindi mangyayari `yan, sir. May asawa na ako. Asawa ko lang ang bubuntisin ko,” sabi ni Thirdy. “Kunwari nga lang.” Bumungisngis ito. “Kunwari lang pala. Siyempre pananagutan ko ang babae kapag gano’n, sir. Importante sa akin ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status