INICIAR SESIÓN“Kukuha ako ng tubig,” sabi ni Kensi. “Doon ka muna sa kama.” Inalalayan siya nito palabas sa banyo.
“Huwag mong sasabihin kay Lola,” bilin niya rito. “Eh, bakit ka naman nagsusuka?” Sinalubong sila ni Poppey at magkatulong ang dalawa na ihiniga siya sa kama. Sinalat nito ang noo niya. “Wala ka namang lagnat.” Hindi nagsalita si Mace. Kahit nakahiga na siya sa kama ay umiikot pa rin ang paningin niya. Nang makabalik si Kensi sa room niya at may dala na itong isang baso ng tubig. “Ano ba kasi ang nangyayari sa `yo?” Binigay nito sa kanya ang tubig at ininom niya iyon. Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay tumaas ang isang kilay nito kasabay ng pagpameywang nito. “Wait a minute. Are you pregnant?” Nabitin ang paglapag niya ng baso sa bedside table. Naalala niya. Hindi pa siya nagkaka-period. Kinabahan siya. “P-pregnant? Ano’ng pinagsasabi mo?” Inilapag niya ang baso sa mesa at umaktong relaxed na. Sigurado siyang may sinuot na proteksiyon iyong lalaki na nakilala niya sa Cebu. Nakita niyang kinuha nito iyon sa bag nito. Pero... hindi naman lahat ng gumagamit ng proteksiyon ay safe na! Napag-aralan niya iyon sa eskwelahan. Ginawa ng lalaki na iyon ang part nito, dapat ay nag-follow up siya ng pills. Pero masyado siyang naging kampante. “Truelalo ba itey? Jontesils ka?” impit na sigaw ni Poppey. “I’m going to be a godmother?” Napaismid si Mace pero parang nagkabuhol-buhol na ang superior vena cava, ang left at right brachiocephalic veins sa kanyang puso. Sa sobrang focus niya sa pagsusulat ay hindi na niya namalayan na ilang buwan na pala siyang delayed. “Buntis ka nga!” deklara ni Kensi. “Doctor ka ba? Nagpa-check ba ako sa `yo bakit dinideklara mong buntis ako?” pagmamaldita niya kay Kensi. Pumadyak si Kensi na nakapamaywang pa rin. “OB ang tita ko at nagtatrabaho rin ako sa ospital. Ang dami ko nang nakitang buntis. And you look like one of them.” “You mean, you slept with Trevor?” tanong ni Poppey na ang tinutukoy ay ang kanyang ex-boyfriend. “Of course not! At saka hindi nga ako buntis.” Pinilit ni Mace na maupo. “Baka may nakain lang ako na hindi nagustuhan ng sikmura ko.” Tama. Baka false alarm lang. Baka na-delay lang ang menstruation niya. Nangyari na kasi iyon dati. Noong fourteen years old siya, three months din na hindi dumating ang menstruation niya. “Liar! Magsabi ka sa amin ng totoo! Kung hindi isusumbong kita sa lola mo, sige ka!” pananakot ni Poppey. Napasinghap si Mace. Hindi siya makapagsalita. “Tatawagan ko si Trevor. Kailangang panagutan ka niya!” Kinuha ni Kensi ang cell phone nito. “Hindi si Trevor ang ama!” Napataas ang boses ni Mace. Muntikan pa niyang agawin ang cell phone ni Kensi. Natahimik ang buong silid at dalawang pares ng mga mata ang nakatutok agad sa kanya. “So, confirmed na buntis ka nga talaga,” sabi ni Poppey na unang nahimasmasan. She felt sick with shame and fear. “I don’t know.” “Eh, teka nga lang. Kakasabi mo lang na hindi ang h*******k mong ex ang ama. So, may iba ka pang boyfriend? And hindi namin alam? Akala ko ba friends tayo?” nagdududa na tila nagtatampo na sabi ni Kensi. Parang maiiyak na si Mace. “Honestly… ” Halos hindi niya alam kung paano sasabihin sa mga kaibigan ang lahat. “Spill it. We’re waiting.” Tumunghay sa kanya ang dalawa. “I… I had one-night stand two months ago,” nakayuko niyang pag-amin. “What?” sabay na react ng dalawa. “Shhh. Sa Cebu,” mahinang sabi ni Mace. “Pero nag-con...dom naman siya so baka hindi ako buntis.” Parang gusto niya na lang magpalamon sa kutson. Nakakahiya. Bakit kasi naisipan niyang isuko na ang kanyang bataan? “Kasalanan n’yo `to. Kung dumating sana kayo nang mas maaga, hindi sana ako nag-iisa doon,” paninisi niya sa dalawa para pagtakpan ang kasalanan na nagawa. “Gaga ka!” Sinabunutan siya ni Poppey pero hindi naman masakit. “Ako lang dapat sa atin ang pariwara dahil ako lang ang walang matres.” Binitawan nito ang buhok niya. “So, sino ang nakabuntis sa `yo?” “Hindi ko kilala. Parang Clark ang name.” Muntikan na naman siyang masabunutan ni Poppey kung hindi ito sinaway ni Kensi. “Tell us about it,” sabi ni Kensi at naupo ang mga ito sa kama niya. Sinimulan niya ang kuwento. Tahimik namang nakikinig ang dalawa na tila chika of the year ang nangyari sa kanya. “Pogi naman pala. No wonder, bumukaka ka kaagad,” komento ni Poppey at inirapan pa siya. “Well, need natin na ipa-check ka sa doktor para makasigurado tayo. Then hanapin natin ang ama ng dinadala mo.” “Paano si Lola?” Halos maiyak na siya. Noon niya na-realize na napakalaking kasalanan ang ginawa niya. Old-fashioned ang kanyang lola at kapag nalaman nito ang nangyari sa kanya ay baka atakehin na naman ito sa sakit nito sa puso. Ninety three years old na rin ito. “Saka na natin problemahin iyon kung sure na talaga na buntis ka. Baka false alarm lang. Magbihis ka na at hihintayin ka namin sa baba. No choice ka ngayon,” sabi ni Kensi. Wala sa sariling nagbihis si Mace. Nasa ospital na sila nang mapansin niyang naiwan niya ang kanyang cell phone. Kahit wallet niya ay hindi niya dala. Ang tita pa ni Kensi ang nag-check sa kanya at kumpirmado, buntis siya! Ayaw niyang umiyak pero hindi niya makontrol ang paglabas ng kanyang mga luha. “Tama na `yan. Naku! Baka paglabas ng anak mo maging writer `yan ng mga trahedya at walang happy ending,” exaggerated na sabi ni Poppey.SA EDAD na twenty seven ay hindi pa pumasok sa isip ni Mace ang mag-asawa. Mas excited pa siyang magsulat kaysa magkaroon ng karelasyon. Ang sabi ni Poppey at Kensi sa kanya, “Your novels can’t love you back.”. Pero sa isip ni Mace, iyon ang uri ng one-sided love na hindi siya masasaktan. Wala ring obligasyon sa pamilya o priority si Mace. May savings din naman siya at kung gugustuhin niyang magtrabaho ay puwede siyang maging cashier sa store nila. Hindi siya namomroblema financially. Wala rin naman siyang bad experiences sa pag-ibig. Pero siguro nga ay hindi pera at experience ang problema niya. Baka siya mismo. Ang mata niya. Ang puso niya. Pero kailan nga ba naging problema ang walang karelasyon? Masaya naman siya kahit wala siyang boyfriend. Wala siyang nakikitang guwapo na lalaki na nakakuha ng atensiyon niya. Ang guwapo lang para sa kanya ay ang mga hero na bida sa mga sinusulat niya. Kaya nga naghiwalay sila ng ex-boyfriend niyang si Trevor dahil sobrang lamig daw ng
Natawa si Iza. “Grabe ka naman maka-barangay. Pero since siya naman ang ama ng anak mo, hayaan mo na siyang panagutan ka niya. Pero siyempre kapag kasal na kayo, `wag kang papaapi.” Sumimangot si Mace. “`Wag na nga lang nating pag-usapan. Brainstorming ang meeting nating ito. Bakit naging marites-ing na `to?” sabi niya. Hinarap ni Iza ang laptop nito. “Ang sarap kasing pag-usapan ang love life ng iba.” “Life lang, walang love.” Umingos si Mace. Life din siguro na makasalanan. Isang malaking pagkakamali ang nangyari. Sinuway niya ang bilin ng mommy niya na huwag ibigay ang sarili sa isang lalaki unless kinasal na siya. Sinuway niya rin ang Ten Commandments. Bawal magnasa sa hindi mo asawa. At hindi sila mag-asawa ng ibon na iyon! Hindi niya rin alam bakit sa dinami-dami ng pangalan sa mundo, isinunod pa ng parents nito sa isang ibon ang pangalan ng lalaki. --- “MARICEL talaga ang pangalan mo at hindi Matilda?” tanong ni LA kay Maricel nang makipagkita siya rito. Na
“SURE KA BA? Pakakasalan ka talaga ng militar na iyon?” Nagulat si Mace nang sumulpot sa harap niya si Poppey. These past few days, parang nagiging jumpy siya. Kaunting tunog lang ng cell phone niya pati biglaang pagsulpot ng mga tao ay nabibigla siya. Naroon sila sa isang restaurant sa Timog Avenue para mag-lunch kasama ang co-writer niya na si Iza, si Xtine na isang fashion editor at suma-sideline rin sa pagiging writer. May pinag-uusapan kasi silang gagawin na series kaya napagpasyahan nilang magkita para sa brainstorming. The irony? Tungkol pa sa mga sundalo ang sinusulat nilang series! Ang totoo ay nai-chika niya na rin sa dalawa ang nangyari sa kanya sa kanilang group chat. Alam niyang hindi dapat pero hiningi niya ang opinyon ng mga ito. Ang sabi ni Iza, subukan niyang kausapin ang ama ng ipinagbubuntis niya, baka okay naman iyon at panagutan siya. Ang sabi naman ni Xtine ay huwag na niyang pilitin na pakasalan siya kasi nakakahiya. Ang lalaki dapat ang magyaya ng kasal s
Napatingin si LA sa babaeng kaharap. Ang lakas naman ng loob nito na takutin siya. Pero kung ganoong pati battalion commander nila ay namomroblema sa problema niya, baka may kaya ngang gawin ang babaeng ito. Tumaas ang gilid ng labi ni LA sa mayabang na ngiti. “Women like you don’t scare me. Makapangyarihan ang pamilya ko. Marami akong kilala sa military. Baka bumaliktad ka lang.” Kapitan siya. May kapit ang kanyang ama. Sayang naman kung hindi nila gagamitin ang ranggo nila. Although sa isip ni LA ay ayaw niyang gawin iyon. Gusto lang niyang takutin ang babae. Baka kasi nagda-drama lang ito. Ang kaso, hindi man lang ito natinag. Mukhang totoo ngang buntis ito at siya ang ama. Hindi rin naman talaga impossible iyon lalo pa at hindi siya nagsuot ng proteksiyon sa unang beses na may nangyari sa kanila. “I don’t care. Makapangyarihan din ang pamilya ko,” sabi ng babae. “Lahi kami ng mangkukulam.” Ano raw? Kampon nga talaga ito ng dilim kung ganoon. “Hindi ako naniniwala sa man
KINABUKASAN ay nakipagkita si LA kay Maricel. Nandoon siya sa isang fast food restaurant sa Libertad sa Pasay. Doon siya pinapunta ng babae nang tawagan niya ito. Nag-order siya ng Coke Float dahil ang tagal nitong dumating. Late na ito ng kinse minuto sa usapan nila. Hindi nagtagal ay bumukas ang entrance ng naturang fast food restaurant. Pumasok si Maricel. She's wearing a green shirt and pink capri pants. He has a feeling it's not her style, but she has definitely has style. Nagpalinga-linga ito sa paligid at napansin naman siya kaagad. Mukha itong hindi masaya nang makita siya. Mas lalo naman siya. Hindi na nga siya tumayo nang makalapit ito sa kanya. Sinulyapan niya ang suot na relo dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. “Thank you for waiting,” sa halip ay sabi nito kaysa batiin siya. Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Gusto niyang ipakita rito na labag sa kalooban niya ang pumunta doon. “Mabuti naman at nagpakita ka na. Hindi ka naman siguro katulad ng
“Pakasalan na lang ninyo, sir,” sabi ni Thirdy. “Nakita namin `yong babae. Pabalik-balik dito. Mukha naman siyang matino.” “Paano mo naman nasabi? Nakipag-one night stand nga,” pakli niya. “Gano’n ka rin naman, sir. Nakipag-one night stand ka rin pero hindi naman maruming lalaki ang tingin namin sa `yo,” sabi ni Thirdy. “Oo nga. Hindi naman bumaba ang tingin namin sa inyo, sir,” segunda ni Tikboy. “Ikaw, Almanzor, kung may nabuntis ka bang babae pakakasalan mo siya kahit hindi mo mahal?” tanong niya kay Thirdy. Ilang tauhan niya na rin ang nakabuntis ng ibang babae—iyong iba nga ay may asawa pa— at siya palagi ang tinatakbuhan para sa advice. Pero ibang usapan na pala kapag siya na ang nasa sitwasyon. Hindi siya makapag-isip nang maayos. “Eh, hindi mangyayari `yan, sir. May asawa na ako. Asawa ko lang ang bubuntisin ko,” sabi ni Thirdy. “Kunwari nga lang.” Bumungisngis ito. “Kunwari lang pala. Siyempre pananagutan ko ang babae kapag gano’n, sir. Importante sa akin ang







