แชร์

chapter 5 (Paghahanap)

ผู้เขียน: JET HERRERA
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-12-06 23:19:30

“Eh kasi naman… ” Pinahid ni Mace ang kanyang mga luha. “Hindi ko alam paano sasabihin kay Lola. Si Kuya baka maintindihan pa niya ako, pero si Lola…”

“`Yan! Bumukaka ka kasi kaagad without thinking the consequences of your actions,” sermon sa kanya ni Poppey. “You can write obituary about your grandmother kapag nalaman niya `to.”

“Hoy! Bunganga mo!” saway rito ni Kensi.

“Totoo naman! Siguradong aatakehin ang lola niya kapag nakita niyang malaki ang tiyan ng kanyang apo pero walang ama. Teka nga, Clark kamo ang name ng lalaki?” tanong ni Poppey.

Tumango si Mace. “Hindi ko alam ang last name. Pero may kasal yata noon sa Cebu at isa siya sa mga bisita. Bakit?”

“Siyempre hahanapin natin. Kailangang panagutan ka niya,” sagot ni Poppey.

“Ano?” Nanlaki ang mga mata niya.

“That’s right. We need to find this man,” pagsang-ayon ni Kensi kay Poppey. “Para sa baby at para na rin sa lola mo.”

“Sasakalin ko siya kapag nakita ko!” sabi ni Poppey.

“`Wag na. Hindi ko nga kilala `yon,” kinakabahang pigil ni Mace sa dalawa.

Kung puwede nga lang ay huwag na silang magkita ng lalaking iyon. Ever! Nakakahiya kasi. Lalo na nang maalala niya ang mga pinaggagawa nito sa kanya.

“Bakit? May escape plan ka na ba?” tanong ni Poppey. “Sino ang ipapakilala mong ama ng anak mo sa lola mo?”

Nanlumo si Mace. Pero sandali lang iyon dahil may idea na nag-pop sa isip niya. “Ikaw na lang kaya ang magiging daddy ng anak ko?”

“No way!” protesta agad ni Poppey.

Pinagdaop niya ang mga palad at tumingin sa kaibigan. Nagmakaawa siya rito.

“Oh, please. Utang na loob. Huwag kang mag-drama kasi sasabunutan kita kahit buntis ka pa. Hindi maniniwala ang pamilya mo na… na gano’n. Na nabuntis kita kasi pareho tayong babae.” Nailagay ni Poppey ang mga daliri nito sa sintido nito. “Huwag mo nang dagdagan ang kasalanan mo.”

Parang may tinik na humarang sa lalamunan niya dahil nahirapan siyang lumunok. Tama naman si Poppey. Kasalanan niya ang nangyari at hindi niya dapat hilahin si Poppey para gawing solution.

Napakapit siya sa kanyang legs. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi siya makapag-isip.

“Hanapin na lang natin ang lalaki at sabihan siyang kailangan ka niyang panagutan,” mahinahon na sabi ni Kensi.

“Ayaw ko nga. Hindi niya ako kailangang panagutan. Kaya ko ang sarili ko,” pagmamatigas ni Mace.

“Kaya mo ring harangan ang sakit sa puso ng lola mo?” tanong ni Poppey.

“Tinutulungan ka na namin bago pa mas lalong lumala itong problema mo,” sabi ni Kensi. “Alam namin na importante sa `yo ang lola mo. Lola’s girl ka, eh.” Tumigil ito sa pagsasalita at hinawakan ang kamay niya. “Subukan nating hanapin ang lalaki. Baka single naman at wala pang asawa.”

Doon na kinabahan si Mace. Paano pala kapag may asawa na ang lalaking iyon. O kaya girlfriend? Paano kung nagsinungaling ito sa kanya noong tinanong niya ito?

Based sa performance nito, parang expert—no scratch that—expert nga talaga ang lalaki!

“Ipanalangin mo na lang talaga na single siya at walang pananagutan sa iba. Kasi alam mo `yon, magiging mistress ka habang-buhay,” pagpapatuloy ni Kensi.

“No way! Hindi ako mistress!” protesta kaagad ni Mace. Hindi niya matanggap. Hindi siya ganoon.

“Hindi mo sure. Pero dapat positive muna tayo. Saka na tayo mag-isip ng ibang paraan kung hindi ka talaga puwedeng panagutan ng lalaki,” sabi ni Kensi.

Tumango lang si Mace kahit sa kaibuturan ng puso niya ay hindi sang-ayon sa suhestiyon ni Kensi. Wala rin naman kasi siyang maisip na magandang solusyon.

Ilang sandali pa ay kausap na ni Poppey ang may-ari ng resort sa Cebu. Lahat ng detalye ay sinabi ni Mace kay Poppey na sinabi naman ni Poppey sa may-ari.

Isang kasal lang daw ang in-accommodate ng resort noong buwan na iyon. May naiwan rin daw na card ng program. Ibinigay ng mga ito sa kanila ang pangalan ng mga bisita.

“Walang Clark pero may Lark dito,” sabi ni Poppey. “Nasa list ng secondary sponsor.”

Nanatiling nakaupo si Mace. Napahawak siya sa kanyang binti. Hindi siya mapakali.

“Oh no! Captain siya! Seaman din like your dad?” bulalas ni Poppey na halos idiin na ang mukha sa cell phone.

“Hindi ko alam,” ani Mace.

Saka mukhang hindi naman seaman ang lalaki na nakasama niya nang gabing iyon. Wala nga itong suot na kwintas na gold o kaya silver. Napapansin niya kasi parang halos lahat ng nakikita niyang seaman ay may alahas. Iyong lalaki na nakilala niya, relo lang ang suot.

Sumimangot si Poppey. “Halata nga. One-night stand nga, eh. Ni hindi kayo nag-usap. Deretso agad sa kama.”

“Nag-usap naman kami,” dependa niya sa sarili. “He introduced himself and sinabi niya na single siya kaya sumama na ako sa kanya.”

“Naniwala ka naman agad?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Poppey.

“Guys, guys.” Naagaw ni Kensi ang pansin nila. “Siya ba ito?” Ipinakita ni Kensi sa kanya ang isang larawan sa F******k.

Tiningnan iyon nang maigi ni Mace. The picture was posted four years ago. Sa isang military page.

“He... he looked like Clark,” aniya.

Pero ang totoo ay iyon na nga ang lalaki. Medyo younger version ang nasa litrato pero sigurado siya. Lark Adriel pala ang pangalan.

“Hindi ka sure?” tanong ni Kensi.

Napahinga nang malalim si Mace. “He was actually that man in the picture,” pag-amin niya.

“Patingin,” sabi ni Poppey.

“Hindi pala siya seaman. Nasa military siya. Sa marines!” deklara ni Kensi.

“Oh no! Marines? Militar? Ay, afraid!” tila nahihintakutang sabi ni Poppey.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • RAW AND OLDER   Chapter 15 (Goodbye)

    SA EDAD na twenty seven ay hindi pa pumasok sa isip ni Mace ang mag-asawa. Mas excited pa siyang magsulat kaysa magkaroon ng karelasyon. Ang sabi ni Poppey at Kensi sa kanya, “Your novels can’t love you back.”. Pero sa isip ni Mace, iyon ang uri ng one-sided love na hindi siya masasaktan. Wala ring obligasyon sa pamilya o priority si Mace. May savings din naman siya at kung gugustuhin niyang magtrabaho ay puwede siyang maging cashier sa store nila. Hindi siya namomroblema financially. Wala rin naman siyang bad experiences sa pag-ibig. Pero siguro nga ay hindi pera at experience ang problema niya. Baka siya mismo. Ang mata niya. Ang puso niya. Pero kailan nga ba naging problema ang walang karelasyon? Masaya naman siya kahit wala siyang boyfriend. Wala siyang nakikitang guwapo na lalaki na nakakuha ng atensiyon niya. Ang guwapo lang para sa kanya ay ang mga hero na bida sa mga sinusulat niya. Kaya nga naghiwalay sila ng ex-boyfriend niyang si Trevor dahil sobrang lamig daw ng

  • RAW AND OLDER   Chapter 14 (Getting to know each other)

    Natawa si Iza. “Grabe ka naman maka-barangay. Pero since siya naman ang ama ng anak mo, hayaan mo na siyang panagutan ka niya. Pero siyempre kapag kasal na kayo, `wag kang papaapi.” Sumimangot si Mace. “`Wag na nga lang nating pag-usapan. Brainstorming ang meeting nating ito. Bakit naging marites-ing na `to?” sabi niya. Hinarap ni Iza ang laptop nito. “Ang sarap kasing pag-usapan ang love life ng iba.” “Life lang, walang love.” Umingos si Mace. Life din siguro na makasalanan. Isang malaking pagkakamali ang nangyari. Sinuway niya ang bilin ng mommy niya na huwag ibigay ang sarili sa isang lalaki unless kinasal na siya. Sinuway niya rin ang Ten Commandments. Bawal magnasa sa hindi mo asawa. At hindi sila mag-asawa ng ibon na iyon! Hindi niya rin alam bakit sa dinami-dami ng pangalan sa mundo, isinunod pa ng parents nito sa isang ibon ang pangalan ng lalaki. --- “MARICEL talaga ang pangalan mo at hindi Matilda?” tanong ni LA kay Maricel nang makipagkita siya rito. Na

  • RAW AND OLDER   Chapter 13 (Last name)

    “SURE KA BA? Pakakasalan ka talaga ng militar na iyon?” Nagulat si Mace nang sumulpot sa harap niya si Poppey. These past few days, parang nagiging jumpy siya. Kaunting tunog lang ng cell phone niya pati biglaang pagsulpot ng mga tao ay nabibigla siya. Naroon sila sa isang restaurant sa Timog Avenue para mag-lunch kasama ang co-writer niya na si Iza, si Xtine na isang fashion editor at suma-sideline rin sa pagiging writer. May pinag-uusapan kasi silang gagawin na series kaya napagpasyahan nilang magkita para sa brainstorming. The irony? Tungkol pa sa mga sundalo ang sinusulat nilang series! Ang totoo ay nai-chika niya na rin sa dalawa ang nangyari sa kanya sa kanilang group chat. Alam niyang hindi dapat pero hiningi niya ang opinyon ng mga ito. Ang sabi ni Iza, subukan niyang kausapin ang ama ng ipinagbubuntis niya, baka okay naman iyon at panagutan siya. Ang sabi naman ni Xtine ay huwag na niyang pilitin na pakasalan siya kasi nakakahiya. Ang lalaki dapat ang magyaya ng kasal s

  • RAW AND OLDER   Chapter 12 (Kulam)

    Napatingin si LA sa babaeng kaharap. Ang lakas naman ng loob nito na takutin siya. Pero kung ganoong pati battalion commander nila ay namomroblema sa problema niya, baka may kaya ngang gawin ang babaeng ito. Tumaas ang gilid ng labi ni LA sa mayabang na ngiti. “Women like you don’t scare me. Makapangyarihan ang pamilya ko. Marami akong kilala sa military. Baka bumaliktad ka lang.” Kapitan siya. May kapit ang kanyang ama. Sayang naman kung hindi nila gagamitin ang ranggo nila. Although sa isip ni LA ay ayaw niyang gawin iyon. Gusto lang niyang takutin ang babae. Baka kasi nagda-drama lang ito. Ang kaso, hindi man lang ito natinag. Mukhang totoo ngang buntis ito at siya ang ama. Hindi rin naman talaga impossible iyon lalo pa at hindi siya nagsuot ng proteksiyon sa unang beses na may nangyari sa kanila. “I don’t care. Makapangyarihan din ang pamilya ko,” sabi ng babae. “Lahi kami ng mangkukulam.” Ano raw? Kampon nga talaga ito ng dilim kung ganoon. “Hindi ako naniniwala sa man

  • RAW AND OLDER   Chapter 11 (Meet up)

    KINABUKASAN ay nakipagkita si LA kay Maricel. Nandoon siya sa isang fast food restaurant sa Libertad sa Pasay. Doon siya pinapunta ng babae nang tawagan niya ito. Nag-order siya ng Coke Float dahil ang tagal nitong dumating. Late na ito ng kinse minuto sa usapan nila. Hindi nagtagal ay bumukas ang entrance ng naturang fast food restaurant. Pumasok si Maricel. She's wearing a green shirt and pink capri pants. He has a feeling it's not her style, but she has definitely has style. Nagpalinga-linga ito sa paligid at napansin naman siya kaagad. Mukha itong hindi masaya nang makita siya. Mas lalo naman siya. Hindi na nga siya tumayo nang makalapit ito sa kanya. Sinulyapan niya ang suot na relo dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. “Thank you for waiting,” sa halip ay sabi nito kaysa batiin siya. Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Gusto niyang ipakita rito na labag sa kalooban niya ang pumunta doon. “Mabuti naman at nagpakita ka na. Hindi ka naman siguro katulad ng

  • RAW AND OLDER   Chapter 10 (It's decided)

    “Pakasalan na lang ninyo, sir,” sabi ni Thirdy. “Nakita namin `yong babae. Pabalik-balik dito. Mukha naman siyang matino.” “Paano mo naman nasabi? Nakipag-one night stand nga,” pakli niya. “Gano’n ka rin naman, sir. Nakipag-one night stand ka rin pero hindi naman maruming lalaki ang tingin namin sa `yo,” sabi ni Thirdy. “Oo nga. Hindi naman bumaba ang tingin namin sa inyo, sir,” segunda ni Tikboy. “Ikaw, Almanzor, kung may nabuntis ka bang babae pakakasalan mo siya kahit hindi mo mahal?” tanong niya kay Thirdy. Ilang tauhan niya na rin ang nakabuntis ng ibang babae—iyong iba nga ay may asawa pa— at siya palagi ang tinatakbuhan para sa advice. Pero ibang usapan na pala kapag siya na ang nasa sitwasyon. Hindi siya makapag-isip nang maayos. “Eh, hindi mangyayari `yan, sir. May asawa na ako. Asawa ko lang ang bubuntisin ko,” sabi ni Thirdy. “Kunwari nga lang.” Bumungisngis ito. “Kunwari lang pala. Siyempre pananagutan ko ang babae kapag gano’n, sir. Importante sa akin ang

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status