Home / Romance / RAW AND OLDER / Chapter 3 (Amoy sibuyas)

Share

Chapter 3 (Amoy sibuyas)

Author: JET HERRERA
last update Last Updated: 2025-11-28 22:22:39

2 months later...

“MACEEEE!”

Muntikan nang matalisod sa keyboard ang mga daliri ni Maricel o Mace. Kasalukuyan siyang nasa chapter nine na ng isinusulat niyang nobela nang dumagundong sa loob ng bahay ng kanyang lola ang boses ni Paul aka Poppey.

Poppey is gay. Kapitbahay ito ng kaklase niya na si Kensi sa Miriam College High School. Naging mag-bestfriend silang tatlo. They remained best of friends for so long na kahit hindi i-ultrasound ay alam na nila ang liko ng bituka ng bawat isa kahit minsan na lang sila kung magkita.

Busy si Poppey sa clothing line nito na may boutique sa Greenhills from Monday to Sunday pero everytime na nakakaluwag ito sa schedule nito ay nakikipagkita ito sa kanila.

Nag-Cebu nga sila two months ago. Pumunta sila sa Temple of Leah dahil isa iyon sa setting sa kwento niyang sinusulat. Nag-stay sila sa resort na pagmamay-ari ng kaibigan ni Poppey.

At… napangiwi si Mace nang may naalala. Sa bakasyon nila na iyon nangyari ang mga importante pero nakakahiya na mga firsts sa buhay niya. She lost her virginity—no scratch that—she gained experience. Sa isang stranger. First time niya ring nakipag-one night stand.

She swallowed hard. Akala niya ay sa nobela lang iyon nangyayari. Sa totoong buhay rin pala!

Pagsusulat sana ang purpose ng trip na iyon pero naisip niyang pagkakataon na rin iyon para makaranas siya ng séx.

Twenty-seven years siyang prim and proper at sunod-sunuran sa kanyang lola. Pero nang gabing iyon, she decided to be a bad girl.

Mukha namang matino iyong lalaki na nakilala niya kaya nagdesisyon na siyang isakatuparan na ang ilang buwan na niyang pinag-isipan.

Napapikit siya nang mariin. Pinilit niyang iwinaksi sa isip ang nangyari. But it was something she couldn't get out of her head.

May plano silang magkaibigan na lumabas ngayon pero tinatamad siya. Sinabi niya naman iyon sa mga ito pero pinuntahan pa rin siya nina Poppey at Kensi sa bahay ng kanyang lola sa Pasay.

Dont be friends with gay people, she thought. Because they'll always ask you to go out.

Hay... Tumayo si Mace mula sa pagkaka-upo sa kama at binuksan ang pinto ng kanyang silid.

“Hey, girl! G?” Ang masayang aura ni Poppey ang bumungad sa kanya.

Naka-tube ito na kulay blue, may kaunting umbok ang dibdib dahil sa foam ng strapless bra, naka-square pants ng kulay puti at white sneakers. May malaking pulang ribbon na nakalagay sa buhok nito. Maiksi ang buhok nito pero may pa-swept side bangs na mahogany brown. May mga burluloy ang dalawang kamay nito.

“Ay, ang sexy, ha? Kanino mo ba ireregalo ang sarili mo?” tanong niya rito. Mukha kasi itong regalo.

Umupo si Poppey sa upuan sa harap ng dresser niya na pang-panahon pa ng Kastila ang disenyo dahil pagmamay-ari iyon ng kanyang lola at pinag-krus ang mga paa.

“Kung sino ang willing na tatanggap sa akin,” maarte nitong tugon.

“May unboxing bang mangyayari?”

Tumawa si Poppey. “Gusto mo bang makita kung paano ako i-unbox ng jowa ko?”

“Ew! Kadirí ka!” Kunwari siyang ngumiwi at umupo sa kama.

“Hindi ba talaga magbabago ang isip mo? Nasa baba na si Kensi, kausap ang lola mo na nagpapa-check ng blóod pressure.” Pasalampak na naupo si Poppey sa sofa na naroon sa loob ng kanyang silid.

“Tinatamad ako, eh,” mahina niyang tugon. “At may deadline ako sa sinusulat ko.”

Dati naman kahit may deadline siya, nakakasama pa rin siya sa gimik nilang tatlo. Pero ngayon, pakiramdam ni Mace ay pagod na pagod siya kahit isang buwan na siyang hindi lumalabas sa bahay ng lola niya.

Graduate si Mace ng Bachelor of Science in Radiologic Technology. Pagka-graduate niya ay pumasok siya sa isang private hospital kung saan nagtatrabaho din ang tita ni Kensi na isang ob-gyn. Anim na taon din siyang nagtrabaho doon bago siya nagpasya na tumigil dahil na-stroke ang kanyang lola. Siya ang nag-alaga rito at medyo okay na naman ito ngayon. Nakakalakad na nga at itinigil na nila ang therapy nito.

Sa ngayon ay wala siyang balak na maghanap ng trabaho. Nagsusulat na lang siya ng mga nobela at ipinapasa iyon sa isang publishing company kung saan isa siyang contract writer.

First year college pa lang siya ay may published novel na siya. Hindi niya iyon inaasahan dahil ang habol lang naman niya noon ay ang critique ng editor. Na-publish ang libro niya pero hindi na iyon nasundan dahil naging busy na siya sa pag-aaral at trabaho.

Ngayon lang siya naging libre at hawak na niya ang kanyang oras.

“Bukas mo na lang tapusin `yang sinusulat mo.” Tumayo si Poppey at lumapit sa kanya. Nanuot sa ilong niya ang Issey Miyake na perfume nito.

Mabilis na tinakpan ni Mace ang kanyang ilong.

“Tse! Grabe ka, ha? Naligo naman ako sa pabango bakit ganyan ka?” Inamoy ni Poppey ang kaliwa at kanan na kilikili nito.

“Nagbago ka ba ng perfume? Bakit ganyan ang amoy mo? Amoy sibuyas na bulok.”

“What bulok?” Hinampas ni Poppey ang braso niya. “Baka amoy-maganda.”

“Doon ka nga.” Pagtataboy niya rito. Hindi niya talaga kayang singhutin ang amoy nito.

Noon naman pumasok si Kensi sa silid niya. Ipininid nito ang pinto. “Taralets?”

“Ay, girl, amuyin mo nga ako.” Lumapit si Poppey kay Kensi. “Amoy-dolyar ako, `di ba?”

“Why? Did I miss something?” tanong ni Kensi.

Umikot ang eyeballs ni Poppey. “Amoy-bulok daw ako sabi ni Mace. Naku!”

“Promise, masama talaga ang amoy mo.” Tinakpan niya ang kanyang bibig dahil parang nasusuka siya.

“Oy, okay ka lang?” Nilapitan siya ni Kensi. “Namumutla ka.”

“Ang totoo, masama ang pakiramdam ko nang maamoy ko si Poppey,” pag-amin niya.

“Baka na-usog ka!” bulalas ni Kensi. Inangat nito ang laylayan ng suot niyang T-shirt. Bumaling ito kay Poppey. “Lawayan mo ang tiyan niya. I-krus mo ang laway mo.”

“Ano? Nurse ka, nagpapaniwala ka sa mga ganoon?” Nakatikwas ang mga daliri ni Poppey na halatang hindi gusto ang ipinapagawa ni Kensi.

“Bilisan mo na kasi! Nanlalamig na si Mace!” sigaw ni Kensi.

Nataranta ang bakla. Nataranta din si Mace. Naduduwal siya. Tumakbo siya papasok sa banyo. Pagdating sa loob ay kaagad niyang inilabas ang laman ng kanyang tiyan.

“God! Okay ka lang?” tanong ni Kensi na sumunod sa kanya. Hinagod nito ang likod niya.

“Lord! Tatawag ba ako ng ambulansiya?” natataranta pa ring tanong ni Poppey.

“Okay lang ako.” Kumuha si Mace ng tissue. Napakapit siya nang mahigpit sa lababo. Parang nahihilo siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fushiguro
hala mukhang nbuntis ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • RAW AND OLDER   Chapter 15 (Goodbye)

    SA EDAD na twenty seven ay hindi pa pumasok sa isip ni Mace ang mag-asawa. Mas excited pa siyang magsulat kaysa magkaroon ng karelasyon. Ang sabi ni Poppey at Kensi sa kanya, “Your novels can’t love you back.”. Pero sa isip ni Mace, iyon ang uri ng one-sided love na hindi siya masasaktan. Wala ring obligasyon sa pamilya o priority si Mace. May savings din naman siya at kung gugustuhin niyang magtrabaho ay puwede siyang maging cashier sa store nila. Hindi siya namomroblema financially. Wala rin naman siyang bad experiences sa pag-ibig. Pero siguro nga ay hindi pera at experience ang problema niya. Baka siya mismo. Ang mata niya. Ang puso niya. Pero kailan nga ba naging problema ang walang karelasyon? Masaya naman siya kahit wala siyang boyfriend. Wala siyang nakikitang guwapo na lalaki na nakakuha ng atensiyon niya. Ang guwapo lang para sa kanya ay ang mga hero na bida sa mga sinusulat niya. Kaya nga naghiwalay sila ng ex-boyfriend niyang si Trevor dahil sobrang lamig daw ng

  • RAW AND OLDER   Chapter 14 (Getting to know each other)

    Natawa si Iza. “Grabe ka naman maka-barangay. Pero since siya naman ang ama ng anak mo, hayaan mo na siyang panagutan ka niya. Pero siyempre kapag kasal na kayo, `wag kang papaapi.” Sumimangot si Mace. “`Wag na nga lang nating pag-usapan. Brainstorming ang meeting nating ito. Bakit naging marites-ing na `to?” sabi niya. Hinarap ni Iza ang laptop nito. “Ang sarap kasing pag-usapan ang love life ng iba.” “Life lang, walang love.” Umingos si Mace. Life din siguro na makasalanan. Isang malaking pagkakamali ang nangyari. Sinuway niya ang bilin ng mommy niya na huwag ibigay ang sarili sa isang lalaki unless kinasal na siya. Sinuway niya rin ang Ten Commandments. Bawal magnasa sa hindi mo asawa. At hindi sila mag-asawa ng ibon na iyon! Hindi niya rin alam bakit sa dinami-dami ng pangalan sa mundo, isinunod pa ng parents nito sa isang ibon ang pangalan ng lalaki. --- “MARICEL talaga ang pangalan mo at hindi Matilda?” tanong ni LA kay Maricel nang makipagkita siya rito. Na

  • RAW AND OLDER   Chapter 13 (Last name)

    “SURE KA BA? Pakakasalan ka talaga ng militar na iyon?” Nagulat si Mace nang sumulpot sa harap niya si Poppey. These past few days, parang nagiging jumpy siya. Kaunting tunog lang ng cell phone niya pati biglaang pagsulpot ng mga tao ay nabibigla siya. Naroon sila sa isang restaurant sa Timog Avenue para mag-lunch kasama ang co-writer niya na si Iza, si Xtine na isang fashion editor at suma-sideline rin sa pagiging writer. May pinag-uusapan kasi silang gagawin na series kaya napagpasyahan nilang magkita para sa brainstorming. The irony? Tungkol pa sa mga sundalo ang sinusulat nilang series! Ang totoo ay nai-chika niya na rin sa dalawa ang nangyari sa kanya sa kanilang group chat. Alam niyang hindi dapat pero hiningi niya ang opinyon ng mga ito. Ang sabi ni Iza, subukan niyang kausapin ang ama ng ipinagbubuntis niya, baka okay naman iyon at panagutan siya. Ang sabi naman ni Xtine ay huwag na niyang pilitin na pakasalan siya kasi nakakahiya. Ang lalaki dapat ang magyaya ng kasal s

  • RAW AND OLDER   Chapter 12 (Kulam)

    Napatingin si LA sa babaeng kaharap. Ang lakas naman ng loob nito na takutin siya. Pero kung ganoong pati battalion commander nila ay namomroblema sa problema niya, baka may kaya ngang gawin ang babaeng ito. Tumaas ang gilid ng labi ni LA sa mayabang na ngiti. “Women like you don’t scare me. Makapangyarihan ang pamilya ko. Marami akong kilala sa military. Baka bumaliktad ka lang.” Kapitan siya. May kapit ang kanyang ama. Sayang naman kung hindi nila gagamitin ang ranggo nila. Although sa isip ni LA ay ayaw niyang gawin iyon. Gusto lang niyang takutin ang babae. Baka kasi nagda-drama lang ito. Ang kaso, hindi man lang ito natinag. Mukhang totoo ngang buntis ito at siya ang ama. Hindi rin naman talaga impossible iyon lalo pa at hindi siya nagsuot ng proteksiyon sa unang beses na may nangyari sa kanila. “I don’t care. Makapangyarihan din ang pamilya ko,” sabi ng babae. “Lahi kami ng mangkukulam.” Ano raw? Kampon nga talaga ito ng dilim kung ganoon. “Hindi ako naniniwala sa man

  • RAW AND OLDER   Chapter 11 (Meet up)

    KINABUKASAN ay nakipagkita si LA kay Maricel. Nandoon siya sa isang fast food restaurant sa Libertad sa Pasay. Doon siya pinapunta ng babae nang tawagan niya ito. Nag-order siya ng Coke Float dahil ang tagal nitong dumating. Late na ito ng kinse minuto sa usapan nila. Hindi nagtagal ay bumukas ang entrance ng naturang fast food restaurant. Pumasok si Maricel. She's wearing a green shirt and pink capri pants. He has a feeling it's not her style, but she has definitely has style. Nagpalinga-linga ito sa paligid at napansin naman siya kaagad. Mukha itong hindi masaya nang makita siya. Mas lalo naman siya. Hindi na nga siya tumayo nang makalapit ito sa kanya. Sinulyapan niya ang suot na relo dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. “Thank you for waiting,” sa halip ay sabi nito kaysa batiin siya. Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Gusto niyang ipakita rito na labag sa kalooban niya ang pumunta doon. “Mabuti naman at nagpakita ka na. Hindi ka naman siguro katulad ng

  • RAW AND OLDER   Chapter 10 (It's decided)

    “Pakasalan na lang ninyo, sir,” sabi ni Thirdy. “Nakita namin `yong babae. Pabalik-balik dito. Mukha naman siyang matino.” “Paano mo naman nasabi? Nakipag-one night stand nga,” pakli niya. “Gano’n ka rin naman, sir. Nakipag-one night stand ka rin pero hindi naman maruming lalaki ang tingin namin sa `yo,” sabi ni Thirdy. “Oo nga. Hindi naman bumaba ang tingin namin sa inyo, sir,” segunda ni Tikboy. “Ikaw, Almanzor, kung may nabuntis ka bang babae pakakasalan mo siya kahit hindi mo mahal?” tanong niya kay Thirdy. Ilang tauhan niya na rin ang nakabuntis ng ibang babae—iyong iba nga ay may asawa pa— at siya palagi ang tinatakbuhan para sa advice. Pero ibang usapan na pala kapag siya na ang nasa sitwasyon. Hindi siya makapag-isip nang maayos. “Eh, hindi mangyayari `yan, sir. May asawa na ako. Asawa ko lang ang bubuntisin ko,” sabi ni Thirdy. “Kunwari nga lang.” Bumungisngis ito. “Kunwari lang pala. Siyempre pananagutan ko ang babae kapag gano’n, sir. Importante sa akin ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status